Kumawala siya sa pagkakahawak nito at tumingala na parang tinatanggap na lang ang pagpatak ng tubig sa katawan niya. “Hayaan mo na. Sabi mo nga mag-enjoy lang tayo,” aniya at bahagya pang tumalon na parang bata.
Wala na siyang pakialam sa alaala ni Margaret. Sila ang magkasama nito ngayon kaya siya ang dapat nitong makasamang gumawa ng masasayang alaala. Magpapakasaya na lang siya kaysa ma-bad trip siya sa isang babaeng multo na lang ang nakaraan ng binata. Chance na niya ito kaya di niya dapat sayangin ang pagkakataon. Siya ang present ni Kenji. Siya rin ang future… para sa kanya.
Natigilan siya sa pakikipag-ikutan sa asong si Rhodora nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Kenji. “What? Do I look stupid right now?” Baka naman OA na siya sa pagiging mukhang bata.
Nakangiting umiling si Kenji. “Do you know that I like you better during mornings when you don’t have make up?”
Tumikhim siya. “Nabanggit mo nga sa akin na mas gusto mo sa akin ang natural look.”
“And I like you better when you are smiling, having fun and enjoying life. Na wala kang pakialam sa itsura mo at di ka nako-conscious.”
Binasa niya ang pang-ibabang labi niya. “ Thank you.”
What a way to make her feel better. Kapag feeling ni Yngrid ay pagkapangit-pangit niya ay saka naman sasabihin ni Kenji ang kabaligtaran. Na parang sa pinakapangit niyang itsura nito nakikita ang tunay niyang ganda. Di niya alam kung binobola lang siya nito. Pero kung si Kenji Matsunaga na ang nagsabing maganda siya, sino naman siya para tumanggi?
Naglakad ito palapit sa kanya hanggang ilang pulgada na lang ang layo nito sa kanya. Inangat nito ang kamay at pinaglaruan ng daliri ang ilang hibla ng buhok niya. “When you look so carefree and happy, it makes me want to kiss you.”
Oh, my gosh! Oh, my gosh! Gusto daw siya nitong halikan. Hindi ito halusinasyon. Di ito dahil nakasinghot siya ng tubig mula sa sprinkler. Kenji wanted to kiss her. There was a raw passion in his eyes. As if he wanted to devour her body and soul with a kiss. Pero naroon din ang pag-aalinlangan.
Hinawakan niya ang harap ng sports shirt nito. “Then why don’t you kiss me?” she asked then lifted her chin up, offering herself for his kiss.
The uncertainty in his eyes flashed again. “Because…”
“Kenji!” she uttered his name in an exasperated tone. Lintik na because na iyan. Hahalikan na lang siya nito ay ang dami-dami pa nitong katwiran. Hahalik na lang, mauunsiyami pa. Di niya kailangan ang katwiran nito kung bakit di siya nito pwedeng halikan. Kailangan niya ay ang halik nito.
He cradled her cheek with his right hand while his other hand held the back of her head. Pinagmasdan nitong mabuti ang mukha niya. Parang pinag-iisipan pa nito kung hahalikan siya o hindi. Hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata nito. She was daring him… daring him to kiss her.
Naku! Kapag di pa siya nito hinalikan ay baka masapak pa niya ito. Tumingkayad siya hanggang halos magdikit na ang labi nila.
He took that as a clue. He claimed her lips in an open-mouthed kiss. It was sweet and gentle. Hindi iyon katulad ng halik niya dito dati. He was commanding the kiss and took over her senses. The kiss was carefree and wild. Na parang gusto nito na maging malaya sila at walang pakialam sa mundo. Pero ipinadama din sa kanya ng binata na gusto siya nitong alagaan.
And at that point, her world revolved around him. Mula sa dibdib nito ay yumakap siya sa leeg nito. This is THE KISS. What a kiss should be. Hindi rin niya inaasahan na mararamdaman niya ito sa bisig ni Kenji. Mas gusto niya ito kaysa sa panakaw na halik niya. Na kailangan pa niyang itago ang tunay niyang nararamdaman. Na natatakot siya kung gusto ba siya nitong halikan o hindi. Sa pagkakataong ito ay wala siyang ipinilit dito. Di na panakaw ang halik niya. Ngayon ay malinaw na sa kanya na si Kenji mismo ang may gusto sa halik na iyon.
Kenji was claiming her, under the bright sunshine, for the whole world to see. He was branding her as his, body and soul. At kahit ano pang pagtutol nito at katwiran ay hindi na nito maipagkakaila na gusto siya nito.
Nang maghiwalay ang labi nila ay nakatitig ito sa kanya. Na parang nagulat din ito na hinalikan siya nito. That he gave in.
“Ano ulit ang sinasabi mo kanina?” tanong niya. Gusto niyang sabihin nito ngayon sa kanya kung ano ang mga dahilan kung bakit ayaw siya nitong halikan.
Binitiwan siya nito. “Forget it.”
“The kiss?” tanong niya sa mataas na tono.
Naku, Kenji! Huwag mong sabihing love na love kita. My pride can only take so much. Huwag mong sabihin na kalimutan ko na ang halik dahil baka magulpi kita.
At least she knew that Kenji desired her. Hindi naman siya nito gugustuhing halikan kung wala itong pagnanasa sa kanya. Pero di naman siya papayag na pagsisihan nito ang paghalik sa kanya.
Umangat ang gilid ng labi nito. “I like kissing you obviously. I mean forget about the reason why I don’t want to kiss you.”
“Tapos…” Anong ibig sabihin ng halik na iyon? Ang labo naman. Kailangan nitong magpaliwanag sa kanya ngayon kung bakit siya nito hinalikan…
Ito ang nagbigay ng motibo. Ito mismo ang humalik sa kanya. It definitely means something. Masyado lang itong maraming hang ups sa buhay at mangangatwiran pa kung bakit ayaw siya nitong halikan. Wala siyang pakialam doon. Ang gusto niyang malaman ay kung bakit siya nito gustong halikan.
Of course, kailangan niyang malaman ang lakas niya para kung anuman ang rason na iyon ay mapagbuti pa niya. Titiyakin niyang matatabunan ng mga magagandang rason kung bakit siya nito gustong halikan ang mga negatibong rason kung bakit di siya nito dapat halikan. Di na iyon kailangan. They already kissed. They enjoyed it. At gusto niyang maulit muli.
May narinig silang tahol at inalis ni Kenji ang atensiyon sa kanya. Parehong nanlaki ang mata nila nang makita ang mga aso nito na kanya-kanyang takbo sa park. Si Rhodora ay nagbubungkal ng lupa. Sina Nikita naman at mismo ay naglalaro habang pagulong-gulong sa basang damuhan. Namantsahan na ng putik ang magagandang balahibo ng mga ito.
“The kids. Drat! Nakawala na sila,” bulalas ni Kenji at tinakbo ang mga alaga. Dumiretso siya sa Pomeranian na si Rhodora na umangil nang kalungin niya. Si Kenji naman ay pilit na inawat ang kakultan ng dalawang aso. “Darn! Mahihirapan na akong linisin kayong dalawa mamaya.”
Nakalimutan nila at nabitawan ang kordon ng mga aso dahil sa halik. It was stupid really. Nawala iyon sa isip niya. That kiss was like a very enchanting dream. Ngayon ay parang nagising na siya. Sasagutin pa kaya ni Kenji ang tanong niya? Masasabi pa kaya nito sa kanya kung bakit gusto siya nitong halikan? Kung anong kahulugan ng halik na iyon sa kanila?
“I guess that’s enough run for now. Bumalik na tayo sa bahay. Mukhang kailangan na nating mag-shower pare-pareho,” wika ni Kenji sa may kapormalang tono. Gone was his playful and carefree self.
“Okay,” nausal lang niya at di na ibinaba si Rhodora habang naglalakad sila pabalik ng bahay.
Tahimik sila ni Kenji at walang kibuan. Nararamdaman niya ang tensiyon. She didn’t dare break the ice. Ano naman kasi ang sasabihin niya dito para mawala ang tensiyon? Di niya alam kung anong tumatakbo sa isip ni Kenji.
Dahil ba sa halik nila kaya wala itong kibo? Dahil ba ayaw nitong magpaliwanag kung bakit siya nito hinalikan? O baka naman nagsisisi ito? Wala naman siyang kahit anong expectations mula dito. Di naman niya ito pipilitin kung ayaw nito. Huwag lang nitong sasabihin na nagsisisi ito na hinalikan siya nito. Basta lang huwag nitong sabihin na ayaw na nitong maulit ang halik.
Did that one single kiss ruin everything good for her and Kenji?
Napapitlag siya nang biglang umingit si Rhodora sa bisig niya at hindi ito mapakali. Parang gusto nitong magpababa. Ibinaba niya ito pero pilit itong tumatakbo. “Rhodora, anong problema?” tanong niya.
May Mark III na sasakyang nakaparada sa harap ng bahay ni Kenji. Isang babae ang bumaba mula sa sasakyan. Si Margaret Choi.