When He Cries Chapter 92

“Do I really have to?” nakangising tanong ni Margaret. “I am their mom, you know. I can see them if I want to. Look how much they miss me.”

Tumiim ang anyo ni Kenji. “Hindi iyan ang usapan natin. You can’t just barge in my new home anytime.” At tumaas ang boses ng binata. Hindi na nito nagawang itago ang iritasyon sa boses.

Napasinghap si Margaret at umawang ang bibig. Sinapo nito ang dibdib at saka tinanggala ng shades. Pinilit nitong magmukhang inosente at nasasaktan. “I didn’t barge in your house, Kenji. Nandito ako sa labas at naghihintay. Oh! It is hot in here. Umbrella! Hey, Iggy! Where is the umbrella? Stop texting your darn boyfriend! Do you want me to wreck your damn phone? Nasusunog na ang balat ko dito. Alam mo ba kung ilang milyon ang mawawala sa akin kapag umitim ako? I will deduct it from your salary. Tingnan natin kung magka-boyfriend ka pa. You are so slow. I wonder why I am putting up with you.”

Naawa siya kay Iggy kahit pa sabihing naiirita siya dito. Kailangan pa bang ipagladlaran ni Margaret ang mga kakulangan nito at mga banta nito sa buong mundo? Na parang masaya itong mamahiya ng tao?

Naalala niya noong high school ito at kasa-kasama pa nito ang yaya nito na kung tratuhin nito ay parang alipin. Mukhang hindi pa rin nagbabago iyon. Margaret may look classy but there are times… most of the time, she didn’t know how to treat other people well. Kapag alam nitong mas mababa ang stature dito ay handa itong apak-apakan. As if she was a goddess and the rest of the world were mere mortal slaves.

“Ma’am, sandali lang po,” maarteng boses ni lalaki na nagkukumahog bumaba ng van. Anong ginagawa ni Iggy na PA ni Kenji doon? Bakit kay Margaret ito nagsisilbi? Dali-dali nitong binuksan ang payong. “Heto na po, Ma’am.” Tumaas ang kilay ni Iggy nang makita siya. “Ah! Nandito rin pala ang sirena ng Camiguin.”

“Sirena who?” tanong ni Margaret at tumutok ang mata nito sa kanya. “Well, well, well! Hindi mo nasabi sa akin na may bago kang alalay, Kenji.”

Paano naman siya mapapansin? Dahil sa nanlilimahid niyang itsura niya ay pinili niyang pasimpleng magtago lang sa likod ni Kenji upang di siya mapansin. Iba talaga ang talas ng paningin ng iguana.

“She’s not my alalay. This is Yngrid,” pagpapakilala ni Kenji at inakbayan siya. Para ipakita nito na di siya basta-basta babae lang sa buhay nito.

“She must be the new dog minder. How nice of you, Kenji. Ikinuha mo pa ng yaya ang kids,” Margaret said sweetly yet her tone was insulting. “Hello.”

“She’s not a dog minder. Yngrid is a friend and my new neighbor. Ipinakilala ko siya sa iyo dati. Siya ang owner ng café kung saan ako nag-shoot dati,” matiyagang paalala ni Kenji dito.

“Hmmmm…” Nanghahaba ang nguso ni Margaret nang tingnan siya saka tumingala habang pilit na inaalala kunwari kung sino siya. “Errr… I can’t remember. She’s not really important and her café must not be so popular. I am sorry.”

Bakit inaasahan na niya na sasabihin iyon ni Margaret? Na siya, si Yngrid Singson, ay isang insignificant na nilalang at di karapat-dapat na alalahanin kung anumang accomplishments niya sa buhay. Pinatigas niya ang dibdib niya. Hindi ako magpapaapekto. Hindi ako magpapaapekto.

“Oras na para matandaan at kilalanin mo siya. She helps me a lot around with kids here so be nice to her,” mariing wika ni Kenji.

“Thanks, Yngrid. That is so nice of you to help Kenji with our kids.” Matamis ang boses at ngiti ng dalaga pero napaka-generic. Walang halong sinseridad. At sinadya nitong idiniin ang “our kids”. Ine-emphasize nito na kahit hiwalay na ito at si Kenji ay malalim pa rin ang ugnayan ng mga ito dahil sa mga aso. Masarap talaga itong patulan. “Nasaan na ang gamit ng mga kids?” tanong ni Margaret.

“I haven’t prepared it yet obviously. I am afraid you have to wait, princess,” Kenji said in a snide tone. Saka yumukod ito para idiin ang iritasyon nito.

“It is okay, babe,” malambing na wika ni Margaret para ipaalala ang dating lambingan ng mga ito. “I am willing to wait for you. Can you give me a tour around your house?”

“No. Just wait at the front garden,” wika ni Kenji at binuksan ang gate.

“KENJI, do you need help with packing your dogs’ stuffs?” tanong ni Yngrid nang sundan si Kenji papasok sa bahay ng binata. Ayaw niyang maiwan doon kasama ang impaktang si Margaret at ang impaktong alagad nito si Iggy, the Iguana.

“It is okay. I can handle it,” sabi ni Kenji at dali-daling bumalik ng bahay.

“Are you sure?” tanong niya. Hindi ba ito makakuha ng clue? Huwag naman sana siya nitong iwan sa dalawang kampon ng dilim.

“Okay lang kung umuwi ka muna. Hindi ka pa nagbe-breakfast,” sabi ni Kenji at saka siya kinintalan ng halik sa pisngi. Nang ngumiti ito ay napansin niya na mas magaan na ang mood nito. Mukhang kaya na nitong i-handle ang presensiya ni Margaret. Di na siya nito kailangan.

“Okay. Magsa-shower na rin ako,” sabi niya. “I will just say goodbye to your kids.” Baka sa pagbalik ng mga alaga ni Kenji ay di na siya makilala at ma-brainwash ni Margaret. Ewan niya. Mangkukulam nga si Margaret. Malay niya kung may kakayahan itong mangulam ng aso para ayawan siya.

Palabas siya ng bahay ni Kenji nang marinig niya ang pagtungayaw ni Margaret. Nakaupo ang babae at si Iggy sa garden set sa labas ng bahay.

“Goshhh! I don’t get it. Paanong tumira ang babaeng iyon malapit kay Kenji? Ang kapal naman ng mukha niyang dikitan si Kenji.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.