Natigilan sa paglalakad si Yngrid ilang hakbang mula sa pinto. Di niya kung di alam ni Margaret na naririnig niya ito o sadyang pinariringgan siya nito. Nang mga oras na iyon ay impyerno ang pakiramdam niya. Paano nga ulit siya napasok sa ganitong sitwasyon? Ah! Dahil sa pagmamahal niya kay Kenji. At para kay Kenji ay wala siyang choice kundi tanggapin ang lahat ng hagupit ng tadhana sa kanya.
“And how could Kenji let that woman come near my babies? Look at them. Pati sila nahahawa sa pagiging kadiri ng girl na iyon. They look like askals. Those dogs with no breeding. My poor kids,” wika ni Margaret habang hinahaplos ang balahibo ni Rhodora na nakakandong dito.
“Baka naman sinusundan niyan si Kenji. Fanney na fanney niyan si Sir Hotness! Wala nang ginawa kundi buntut-buntutan si Kenji. At ngayong break na kayo ni Sir Kenji, nakita na siguro niya ang chance para maka-enter the dragon sa life ng ex mo, Madam,” sabi ni Iggy habang pinapaypayan ng higanteng abaniko ang amo nito. “Kaya nag-ala-stalker siya at nakagawa siya ng paraan para makalipat ng bahay. That is so creepy, Madam.”
Gusto niyang mainis sa katangahan ng mga ito. May maimbento lang talagang kwento para laitin siya. Siya pa ngayon ang lumalabas na stalker ni Kenji at lumipat ng bahay para mapalapit sa binata?
Parang masarap isampal sa pagmumukha ng mga ito na si Kenji ang lumapit sa kanya. Si Kenji ang lumipat para ipakita kung gaano siya kaimportante sa binata. Pero sa huli ay pinili na lang niyang manahimik. Kahit naman anong sabihin niya ay di mahalaga kay Margaret. Makakahanap lang ito ng paraan para lait-laitin siya at hilahin pababa. Di siya nito hahayaang makaakyat sa taas.
Bumuntong-hininga si Margaret. “Oh! Dirt poor and ambitious. Some people will really do anything to get on top. They don’t know their place. As if Kenji will like her. Of course. Kenji is still in love with me. No other woman can compare or can even come close. I am Margaret Choi after all.” At saka nagpakawala ng halakhak si Margaret na sinabayan naman ni Iggy.
“Can I get you anything?” tanong niya na nakapagpatigil sa halakhak ng dalawa. Kahit na gusto na lang niyang layasan ang mga ito ay gusto pa rin niyang maging hospitable sa mga ito. May breeding naman siyang tao. Kahit na mga taong asal-hayop ay pwede pa rin niyang pakitunguhan nang matino.
“How nice of you to ask. Paki-massage nga ang paa ko,” sabi ni Margaret at itinaas ang paa sa bakanteng upuan ng garden set. “You know I am sooo tired working, looking good for the camera and my fans. So I really need a massage.”
“Excuse me?” tanong niya sa mataas na tono.
“As if you didn’t hear me the first time, Yngrid. Come on! Just like the old times. I know you’ve been dying to please me.” Bumaling ito kay Iggy. “This girl used to be my slave in high school. Gagawin niya ang lahat ng iutos ko. Kahit na di ko pa iutos ay nagkukumahog siyang i-please ako. Like a mongrel actually. Even more obedient than my kids here. If you will ask me who my favorite dog is, it is definitely Yngrid.”
“Arf! Arf!” nang-aasar naman na sagot ni Iggy sa kanya saka siya binigyan ng ngising aso. Lintek! Ang sagwa pala ng itsura kapag ngumising-aso ang isang Iguana. Lalong nakakasira ng araw.
Nagpatuloy lang sa pagkukwento si Margaret at tinapik ang braso ni Iggy.
“There’s even this guy who had a crush on her. A really cool guy, captain of the basketball varsity team with no taste at all. Isang pitik ko lang, she dumped the guy and begged the guy to court me instead. How pathetic is that!”
Pakiramdam ni Yngrid ay may pumitik sa puso niya. Isang lumang sugat na matagal nang naghilom pero may bahid pa ring sakit kapag naalala niya.
Ramir was her first love. Noong high school siya ay ito ang tinitilian ng maraming kababaihan sa paaralan. Kaya laking panggigilalas niya nang habang nasa gitna ng awarding sa intramurals ay tinanong nito kung pwede siya nitong ligawan. She was elated. Pumayag siyang magpaligaw sa binatilyo dahilan para magalit sa kanya si Margaret. Gustong-gusto rin daw nito si Ramir at kung gusto nitong manatili silang magkaibigan ay bastedin niya ang lalaki at ilakad ito. Siya namang si tanga ay ginawa ang inutos ni Margaret. Nagalit si Ramir sa kanya.
“Dahil nasa bahay tayo ni Kenji, ayokong maging bastos sa iyo, Margaret," aniya sa malumanay na tono. 'Sabi mo nga, nakaraan na iyon. Hindi ko na lang masyadong ipapamukha sa iyo na di ka rin naman niligawan ni Ramir. She hates girls with low IQ.”
Namutla ang mukha ni Margaret at biglang tumayo. “How dare you…”
Bigla niyang tinutop ang bibig. “I am sorry. Di ko ba dapat sinabi iyon?” Nagkibit-balikat siya. “Well, I take it back. I am not sorry at all. I am not like the old stupid girl who wants to be nice to you and will jump at your every command. I am my own person now. But it looks like you are still the same sorry excuse of a brat I used to know. Magbago ka na. Hindi na bagay sa edad mo.”