When He Cries Chapter 95

“We can still arrange a family day with the kids. I can come over here next time. I know that the break up is tough on them.” Hinawakan ni Margaret ang braso ni Kenji. “Ayoko rin naman na maramdaman nila na may nagbago sa pagmamahal natin sa kanila. You know, we can still be good friends and good parents for them.”

Saka pasimpleng pinagapang ang kamay nito mula sa braso ni Kenji paakyat sa pisngi ng binata. Nag-init ang bumbunan niya. Alam niya ang ginagawa ni Margaret. She was trying to seduce Kenji.

Naningkit ang mga mata niya. Ang lakas naman ng loob ng bruhitang ito. Matapos nitong iwan at paiyakin si Kenji, ngayon naman ay aakitin nito. Mukha naman kasing hindi ganoon ka-hot ang bagong boyfriend nitong politician.

No! No! No! Paano kung mahal pa ni Kenji ang babae? Siyempre mahina ang lalaki sa tukso lalo na kung malungkot at nangungulila sa babaeng minsan nitong minahal.

Masama na ang tingin niya sa paso ng halaman. Kapag di siya nakapagtimpi ay ihahagis talaga niya iyon kay Margaret. Natigilan lang siya dahil baka masaktan si Kenji kapag ginawa niya iyon. Anong gagawin niya? She felt so helpless!

Kenji, labanan mo ang tukso. Maawa ka na. Huwag mo namang tuluyang wasakin ang puso ko. Kaninang umaga pa ako nagugulpi.

Hinawakan ni Kenji ang kamay ni Margaret at saka padarag na binitiwan na parang napaso ito. “You and the kids should get going. I am sure you want to spend more time with them. Sana lang mahalin din sila ng bagong boyfriend mo.”

“Yeah! Bye, babe!” Tumingkayad si Margaret at akmang hahalikan si Kenji pero humakbang palayo ang binata. “Fine. Aalis na kami.” Halatang dismayado ang babae sa pagtanggi ni Kenji. At siya naman ay nagdiriwang. Hindi siya binigo ni Kenji. Di ito naging mahina sa tukso. Take that, Margaret. Ngumisi si Margaret. “And give my regards to your dog minder.”

“Yngrid is my dear and special friend,” mariing pagtatama ni Kenji. “Keep that in mind.”

“Fine. Yngrid. Whatever,” wika ni Margaret at tumingin sa direksyon ng bahay niya.

Dali-dali siyang sumandal sa pader para makapagtago. Di siya nito pwedeng makita. Malalaman nito na nag-eespiya siya. Kailangan niyang dikitan nang todo si Kenji. Sa ipinapakitang interes ni Margaret sa dating nobyo, natitiyak niyang may nararamdaman pa si Margaret sa binata. At hindi siya papayag na magkabalikan ang mga ito kahit na anong mangyari.

Umalis siya ng balkonahe at tumuloy sa kusina. Dali-dali siyang naghanda ng agahan para sa kanila ni Kenji. Hindi siya magpapatalo kay Margaret. Dati pa naman ay mas magaling na siya sa babaeng iyon. Mas artistahin lang ang ganda nito at marami itong pera. Pero mas marami naman siyang maibibigay na pagmamahal para kay Kenji. Iyon ang kailangan niyang ipakita.

Matapos magluto ng banana and mango pancakes ay lumipat siya sa kabilang bahay habang bitbit ang tray. Naabutan niya si Kenji na nakaupo sa may garden set. Malungkot ang anyo nito habang magkasalikop ang palad. Malayo ang tingin nito pero parang wala naman itong nakikita.

“Kenji! Kenji!” tawag niya dito.

Bigla itong nagising mula sa pagkakatulala at tumayo nang makita siya. “Hey! Ano iyan?” tanong nito nang buksan ang gate.

“Ipinaghanda kita ng banana and mango pancakes. Naisip ko na baka di ka pa rin nakakapag-breakfast kaya sabay na tayo.”

Nagningning ang mata nito. “Really? Nagluto ka ng pancakes para sa akin?” tanong nito at kinuha ang tray mula sa kanya.

“Oo naman. Bakit parang nagtataka ka pa? Dati naman kitang ipinagluluto,” sabi niya at umupo sa garden set.

Bumuntong-hininga ang binata. “Kasi naisip ko baka galit ka sa akin.”

“Dahil…?”

Bumuntong-hininga ito. “Dahil marami akong di nasagot sa tanong mo. Di ko kasi alam. Di ko kasi maipaliwanag. Naguguluhan pa ako kung anong dapat kong maramdaman para sa iyo pero ayoko namang mag-commit sa ngayon…”

Hinawakan niya ang kamay nito. “Kenji, calm down. I am not obliging to tell me anything. So we kissed. Natural lang na magtanong ako kung bakit. Pero hindi naman kita pipiliting magpaliwanag kundi ka pa handa. Alam ko naman na posibleng naguguluhan ka pa sa nararamdaman. No pressure, Kenji.”

“You are still my friend?” tanong nito.

“Oo naman. Wala namang magbabago.” Kahit na major ouchness ang pagkaka-friendzone niya, kaya niyang tiisin iyon.

Nagkibit-balikat ang binata. “Y-You deserve better than this, Yngrid. Kailangan mo ng isang lalaki na kapag hinalikan niya ay masasabi niya nang buo an nararamdaman niya. Hindi nag-aalinlangan. I am…” Yumuko ito. “I am just a lousy guy who is not sure about how he feels. I am broken inside. I am still trying to fix myself. And I can’t offer anything yet.”

“Kenji, you are a man who is trying to fix himself up. At habang ginagawa mo iyon, nandito lang ako bilang kaibigan mo. I won’t ask or demand anything from you.” Ginagap niya ang kamay nito. “So cheer up. Hindi ako galit. Wala ka ring kahit anong kailangang ipaliwanag sa akin. We kissed, we liked it. Period. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo tungkol doon. Okay?”

“Okay.” Umaliwalas ang mukha nito at niyakap siya. “Thank you, Yngrid. You are really the best.”

Gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pagyakap nito. Ibibigay niya ang lahat ng pasensiya at pang-unawa na kailangan nito. Dahil ganoon naman talaga ang pagmamahal na nararapat kay Kenji.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.