“Just be simple. Don’t overdo it. Ang mahalaga magustuhan niya ang character mo. Kung saan mas palagay ang loob niya, doon ka lang. You can make him laugh. Kaya doon ka lang sa mas komportable kayong dalawa. Given nang maganda ka at sexy. Alam na niya iyon,” sabi ni Justine at itinuro ang red dress. “That one. I think it will look good on you.”
“Not too seductive.” Itinalikod niya ang damit at ipinakita ang crisscross na pulang straps sa likod. The dress gave a hint of skin.
Nag-thumbs up si Justine. “Seductive yet simple. Hindi masyadong magarbo. Kapag simple di naman ibig sabihin di mo kailangang maging seductive pa rin. As long as hindi bulgar, ayos lang iyan.”
“Okay.” Huminga siya ng malalim. “I can do this. I can do this.”
Sobrang taas naman kasi ng standard pagdating kay Kenji. Alam naman niya kung gaano kagaganda ang mga nakaka-date nito. Isama pa si Margaret na naging nobya nito. Maganda talaga ang bruha, aminado naman siya doon.
“Simple. Simple lang. Don’t overdo,” paalala niya sa sarili. Ngayon lang siya nanginig at kinabahan sa isang lalaki. Sana naman ay hindi siya pumalpak.
Nakipag-chat ulit si Yngrid nang nakabihis na siya para sa concert. Sa pagkakataong ito ay kasama na si Dreamilyn sa conference nila. “Okay na ba ang itsura ko?” tanong niya at umikot sa harap ng laptop niya. She knew that the red dress looked good on her. Conservative sa harap pero seductive sa likod. Kinulot niya ang buhok niya at hinawi sa isang balikat ang buhok niya. Kaya naman kitang-kita ang crisscross sa likuran niya.
Nag-thumbs up ito. “Basta huwag kang bibigay kay Kenji Matsunaga. First date pa lang ninyo.”
“Hindi naman siya mapagsamantala,” wika niya at tipid na ngumiti. Mas gentleman pa si Kenji kaysa sa dati. Malambing ito sa kanya pero di ito nagpapakita ng kahit anong hint na gusto siya nitong samantalahin. He was taking his time with her.
“Pero baka ikaw naman ang magsamantala sa kanya,” panghuhuli ni Dreamilyn. “Konting pino. Huwag masyadong…”
Tumirik ang mata niya. “Yes, Mother Superior.” Ngumisi siya. “Pero blooming ka talaga, Dreamilyn. Nangangamoy kasalan na.”
“Uyyyy!” tukso ni Justine sa kaibigan nila na nasa opisina pa rin. Mula doon ay tutuloy na lang daw ito sa Cubao at doon na rin imi-meet sa Starbucks sa Araneta Coliseum si Stefan. Parehong workaholic ang mga ito kaya kuntodo effort sa pag-a-adjust ng schedule ang mga ito kapag lumalabas.
Tipid na ngumiti si Dreamilyn. “Huwag na ninyong banggitin ang kasalan nila. Baka mamaya umasa lang ako. Let’s just enjoy tonight. At tatandaan mo…”
“Yeah! Hindi ko masyadong pagsasamantalahan si Kenji.” Ngumisi siya at pinagdikit ang dalawang daliri. “Konti lang.”
“Yngrid!” saway nito sa kanya.
“I hate you. Mas inaalala mo pa ang puri niya kaysa sa akin.”
Tumawa lang ito. “Huwag kang magmadali. Ang magagandang bagay ay hinihintay at di dapat minamadali. Take your time.”
“Ano pa nga ba?” Hindi ba’t iyon na nga ang ginagawa niya kay Kenji? Lahat ng pagpapasensiya at pang-unawa ay ibinibigay niya dito. Natututo na rin siya ngayon. May pagka-atat kasi siya sa pag-ibig dati. Kung pakakaisipin ay di naman talaga ganoon kasimple ang pagmamahalan. Mahirap ang mga pinagdadaanan niya kay Kenji. Pero isang ngiti lang ng binata, kapag hinawakan nito ang kamay niya, kapag sinasabi at ipinadadama nito kung gaano siya kahalaga dito, parang nawawala ang lahat ng pagod niya. Gusto ulit niyang magmahal.
Six-thirty ng gabi ay tapos nang mag-make up si Yngrid. Nakaayos na rin ang buhok niya. She looked like a classic star during the sixties. Pero hindi naman siya mukhang black and white na nilalang dahil pula ang damit niya. Ginamitan din niya ng fire red ang kulay ng labi na katerno ng dress niya.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. “You are on fire, girl!” sabi niya sa sarili. And she would show Kenji the girl he was looking for. She was ready to be carefree and wild tonight. Magpapakasaya lang silang dalawa.
Maya maya pa ay may nag-doorbell. “Sandali!” Dali-dali niyang pinagbuksan ng gate si Kenji. “Hi!” bati niya sa binata na napakaguwapo sa plaid khaki jacket na may red lining at powder pink long sleeve shirt sa loob at may katernong khaki cotton-twill pants.
“Wow! Happy Valentine’s Day! Happy Birthday!” bati nito.
“Kulang pa. Happy Chinese New Year,” aniyang naging alanganin ang ngiti. Nasobrahan ata siya sa pula. “Dapat ba akong magbihis ng damit? Pangit ba?”
“No. Except…” Bumaba ang tingin nito sa paa niya. “I don’t think those flip flops would fit the dress.”
Napaungol siya. Nawala sa isip niya ang sapatos. Heto na naman siya. Epic fail. May nakakalimutan siya kung kailan gusto niyang maging perfect sa harap ni Kenji. “Of course not. Pinagbukas lang kita ng pinto dahil ayoko namang maghintay ka nang matagal habang nagsasapatos ako. Just give me a couple of minutes and we are leaving.”
“A couple of minutes or is that an hour?”
“Hindi ako late. Hindi kita paghihintayin. That is a promise.”
“Ah! The girl after my own heart,” usal ng binata.
Dali-dali siyang nagtungo sa kuwarto niya at isinuot ang red gladiator sandals niya. Nakuha naman niya ang reaksyong gusto niya nang pumaswit si Kenji. “Now that is perfect! Hello again, gorgeous.”
Now that’s what I want to hear.
Inalok ni Kenji ang braso nito at humawak siya. “Siyempre alam mo nang guwapo ka. Di ko na kailangang sabihin. Are you excited for the concert?”
“Very excited. Pero mukhang kailangan natin ng security. Tiyak na maraming lalaking maiinggit sa akin ngayong gabi.”
“Ganoon ako kaganda?” tanong niya.
“Of course. Wala kang tiwala sa sarili mo?”
“Alam ko na maganda ako. Gusto ko lang marinig mula sa iyo.”
“You are beautiful, Yngrid. No doubt about it.”
Parang mamamatay siya sa kilig sa papuri nito. Pero gusto niya na siya lang ang babaeng magustuhan ni Kenji. At gusto niyang malaman ni Kenji hindi siya interesado sa ibang lalaki. Para lang dito ang alindog niya.