WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 15

“OH god you’re so wild, its wonderful Andrew don’t stop!” ang naliligayahang hiyaw ni Rhyza habang buong pwersa niya itong inaangkin. “Fuck baby, isagad mo pa! Shit! You’re so fucking shit!” pagpapatuloy niya saka sinabayan ang mabibilis niyang pagbulusok papasok sa bukana nito.

Hindi nagsalita si Andrew, sa halip ay hinawakan niya ang isang binti ni Rhyza saka iyon itinaas. Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang pag-angkin rito sa patagilid na paraan naman.

“Say my name, I want you to say it!” utos niya saka binigla ang muling pagpasok sa bukana ng beauty queen na katalik.

Malakas na tili ang itinugon roon ni Rhyza. Pagkatapos ay sinundan pa ng impit na halinghing na lalong nagpainit sa matinding pagnanasang nararamdaman niya.

“God, please give it to me, fuck me harder! God, harder!” anitong tila hindi pa kuntento sa ginagawa niya kaya lalong nakaramdam ng challenge ang binata.

Noon niya binago ang posisyon nila. Mula sa pagkakaluhod sa gitna ng malaking kama ay bumaba roon ang binata saka hinawakan ang dalawang paa ng babae at hinila palapit ito palapit sa kaniya.

Walang anumang salitang itinaas ni Andrew ang binti ni Rhyza saka mariing ipinasok ang pagkalalaki niya sa bukana nito.

Katulad ng dati ay nagsimula na namang gumawa ng ingay ang babae habang patuloy siya sa tila walang patumanggang pag-angkin rito.

Pero sa kabila ng lahat, kailangan aminin ni Andrew sa sarili niya na may epekto ang nakita niya kanina at hinala niya tungkol kay Lana at sa batang babaeng kasama nito kaya ganito siya ngayon.

“Fuck me! Harder! Harder! Hmmmnn...” si Rhyza na sinundan pa ng mahabang halinghing ang magkakasunod nitong dirty talks.

Ilang ulos pagkatapos at naramdaman niya ang paglapit niya sa dako pa roon. Noon niya hinugot ang pagkalalaki sa bukana ni Rhyza saka iyon sinimulang ikiskis sa pagkababae nito.

“Godddd!!! Ohhhhh!!!!” anitong tila nawawala sa sariling katinuan saka sinubukang bawiin ang sariling hita mula sa kaniya habang tirik ang mga mata gawa ng matinding kaligayahan.

“Oh yes, yes! Gusto mo ito hindi ba? Ito ang gusto mo!” ang nag-iinit na sagot ni Andrew saka muling hinawakan ng mahigpit ang hita ni Rhyza saka binigla ang muling pagpasok rito.

Muli na namang nagtitili si Rhyza.

Hindi niya malaman kung nasasarapan ba ito o nasasaktan pero mas pinaniwalaan niya ang una gawa ng magkakasunod nitong positibong dirty talks na nagpapainit sa kanya at nagpapataas ng husto sa pagnanasang nararamdaman niya.

Ilang ulos pa at muli alam niyang malapit na siya doon. Narinig niyang sumigaw si Rhyza na malapit na raw itong labasan kaya naman ginawa niyang buo at marahas ang bawat ulos niya sa pagkababae nito.

At kasabay ng isang pinal na ulos ay nakita niyang literal na nanginig ang kabuuan ni Rhyza nang pikit ang mga mata nito kasabay siya nang marating nilang pareho ang rurok ng kanilang pagtatalik.

“YOU okay?” makalipas ang ilang sandali ay isa-isang dinampot ni Andrew ang nagkalat niyang damit sa sahig sa unit ng dalaga saka ito nginitian. “yeah, you’re wonderful” sagot niyang nagtuloy sa banyo.

“Aalis ka na?” si Rhyza nang makalabas siya ng banyo habang ito naman ay nanatiling nakahiga sa gitna ng malaki nitong kama. Walang saplot, ni hindi man lang takpan ng kahit simpleng kumot ang kabuharan nito.

“Yeah. See you,” aniyang nilapitan ito saka hinalikan.

Gumanti ng halik ang babae sa kaniya saka pagkatapos ay nakangiti siyang pinakatitigan. “Lock the door please” bilin pa nito saka siya sinundan ng tingin.

Tumango lang si Andrew saka na kumaway at nagtuloy palabas ng unit.

“OH,akala ko ba Kuya doon ka sa condo mo matutulog?” kinagabihan pasado alas nueve nang mababaan siya ni Samantha sa bar counter ng bahay nila na umiinom.

Sinulyapan lang niya ito pagkatapos ay nilagok ang lamang alak ng kanyang baso saka iyon muling sinalinan.

“Naniniwala ka ba sa lukso ng dugo?” pagkuwan ay naisipan niyang itanong sa kapatid niyang ngayon ay abala na sa hawal na cellphone.

“What?” salubong ang mga kilay nitong tanong.

“Lukso ng dugo, leap of blood?” ulit niya saka muling inilapit sa labi niya ang hawak na baso.

Tumango si Samantha. “Syempre naman, bakit mo naitanong?” tanong-sagot pa ng bunsong kapatid.

Noon napabuntong hininga si Andrew saka pinakatitigan ang kausap.

“Malakas ang pakiramdam ko, anak ko ang batang iyon” aniyang muling sinalinan ng alak ang kanyang baso. 

“What? Tama ba ang narinig ko? Anak? May anak ka Kuya?” nanlalaki ang mga mata ni Sam nang lingunin niya ito. “nakabuntis ka?” sa huling sinabi ay magkakasunod na umiling ang bunsong kapatid.

Mabigat na napabuntong hininga si Andrew. “One-night stand, with a fan” ang halos pabulong niyang pag-amin. 

Noon napatayo si Sam sa kinauupuan nitong stool. “My goodness! Siguro ka?” anitong naitakip pa ang dalawang kamay sa sariling bibig.

Nagkibit ng balikat niya si Andrew.

“Kamukha mo iyong bata,” hindi napigilan ni Andrew ang kakaibang haplos ng damdamin sa puso niya nang maalala kung gaano kaganda ang batang pinaghihinalaan niyang anak niya. 

Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Sam.

“Gusto ko siyang makita,” anitong nasa tono ang excitement.

Tumango si Andrew. “Kakausapin ko si Lana,” aniya.

“Lana?” salubong ang mga kilay na tanong ni Sam.

“Her mother,” maikling sagot ni Andrew.

Tumango-tango si Sam. “Alam mo ang surname niya?” anitong hinarap ang hawak na cellphone.

Tumango si Andrew. “Social media?” aniya nang mahulaan ang planong gawin ng kapatid. “sinubukan ko na. Wala akong nakitang kahit anong traces tungkol sa kanya” dugtong pa ng binata.

Hindi kumbinsidong nagkibit ng mga balikat niya si Sam.

“Imposibleng wala siyang Facebook. Come on, anong surname niya?” pagpupumilit nito. 

“Montes, Lana Montes” aniyang inubos ang lamang alak ng baso.

“Marami eh,” ani Sam. “alin siya sa mga ito?” anitong ipinakita sa kaniya ang cellphone. 

“Sinabi ko naman na sa’yo hindi ba?” aniyang nanatiling nakatingin sa screen ng telepono na ini-scroll naman ng kapatid niya. 

Nang biglang may nahagip ang paningin niya. “S-Sandali lang,” awat niya kay Sam na mabilis namang huminto. 

“Andrea Amara Montes?” si Sam. 

“Ibang pangalan ang gamit niya? Kaya pala hindi ko siya makita?” si Andrew habang unti-unting nabubuhay ang hinanakit sa kanyang dibdib. “tingnan mo nga ang account?” aniya.

“Naka-private,” maikling sagot ni Sam. “pero ito ba yung bata?” paglilinaw ng kapatid niya.

Nagkibit ng balikat si Andrew. “Masyado pang bata iyan. Pero malamang, kasi iyang nasa picture si Lana iyan na kasama ng bata,” aniyang ang tinutukoy ang ang profile picture ng Facebook account na pinag-uusapan nila.

“Mukhang sinadya niyang hindi ipaalam sa’yo ang tungkol sa bata, kung anak mo man iyon” ani Sam. 

Tumango si Andrew. “Hindi niya dapat itinago sakin ang bata. May karapatan ako doon, anak ko rin iyon,” aniyang nagtaas-baba ang dibdib. 

Napatitig sa kanya si Sam. “Anong gagawin mo?” 

“Kakausapin ko siya, bukas na bukas rin,” ang mariin niyang sagot saka muling sinulyapan ang litratong nasa screen ng telepono ni Sam. 

Ibang pangalan ang gamit nito, kaya pala hindi niya ito makita.

Gusto niyang magalit, pero anong karapatan niya?

Magagalit siya para sa bata? Na inalisan nito ng chance na maranasang lumaki ng may kasamang ama?

O magagalit siya dahil ang totoo nanghihinayang siya sa mga panahong hindi niya nadamayan si Lana noong mga panahong nagbubuntis ito?

Hindi niya ito naalagaan nang manganak ito? 

 KAGAYA ng karaniwan na niyang ginagawa, maagang nagising si Lana kinabukasan para siya mismo ang personal na maghanda ng agahan ni Andrea. Maaga rin kasi ang pasok niya sa opisina kaya ganoon.

“Good morning, Mama,” bati niya sa Mama Cecille niya nang malabasan siya nitong nagkakape na sa kusina. “paalis na po ako” aniyang inubos ng tuluyan ang pagkain sa kanyang plato saka inilagay sa lababo ang pinagkainan. “mauna na ho ako,” paalam niya saka hinalikan sa pisngi ang tiyahin.

Tumango lang ang Mama Cecille niya saka siya inihatid ng tingin palabas ng pinto. 

SA labas ng bahay ni Lana ay matiyagang naghintay doon si Andrew. At nang bumukas ng gate ay mabilis na napatuwid ng upo ang binata. Nakita niyang lumabas si Lana. 

“Sophisticatedly beautiful,” anas niya saka hindi napigilan ang sariling hangaan ang disenteng pananamit ng dalaga. 

Pumara ito ng taxi kaya naman inihanda na ng binata ang sarili para sundan ito. Sa kabila niyon ang katotonang nakita niyang naka-park sa garahe ng bahay nito ang isang kulay puting Montero Sport. Inisip nalang niya na baka coding ito ngayon o kaya naman ay wala sa mood para mag-drive.

Napangiti doon si Andrew saka nakaramdam ng hindi niya maikakaila na pangungulila para sa dalaga. Gaya ng sinabi niya kanina, susundan niya ito.

Iyon lang ang nakikita niyang paraan para makausap ito. Ang alamin kung saan ito nakatira at nagtatrabaho. 

"MA'AM, may naghahanap po sa inyo. Gusto po kayong makausap.” 

 Mula sa pagkakayuko sa binabasang papeles ay nagsalubong ang mga kilay ni Lana.“W-What?” aniya. 

Tumango ang sekretarya niyang si Rowena.

Isang taon matapos niyang ipanganak si Andrea ay nag-retiro ang Vice President sa department nila. At dahil nga sa maganda niyang track record. Bukod sa nangunguna ang team niya sa taas ng bentahan ay sa kanya ibinigay ang nabakanteng posisyon.

“Papapasukin ko ho ba?” untag sa kaniya ng kausap. 

 “Anong pangalan?” ang sa halip ay tanong-sagot niya. 

 “Ayaw pong ipasabi,” sagot ng sekretarya niya.

Lalong nagtaka si Lana sa narinig. “ Sige, papasukin mo na,” aniyang binalikan ang binabasa. 

Ilang sandali narinig niyang tumunog ang knob ng pinto matapos ang tatlong magkakasunod na katok.

Magagaan ang yabang sa sahig na marmol. Noon nag-angat ng ulo ang dalaga, para lang matigilan nang makilala ang sinasabing bisita ni Rowena. 

“A-Andrew?” aniyang mabilis na napatayo. 

Umangat ang sulok ng labi ng lalaki.

“Happy to see me again?” tanong-sagot nitong makahulugan parin ang ngiti. “sweetheart,” ang huling sinabi ni Andrew ay nagdulot ng kakaibang emosyon sa pagkatao ni Lana.

Kaya naman hindi niya napigilan ang mapaupo, lalo na at ang unang pumasok sa isipan niya ay si Andrea.

Ang anak niya, ang anak nila ng binata. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.