WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 34

"NAGBIBIRO ka ba?" ang hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Marius ilang araw matapos ang pormal na engagement nila ni Andrew. 

Nasa opisina niya si Marius na sorpresa siyang binisita. Mula sa binabasang papeles ay nag-angat ng tingin niya si Lana. "Mukha ba akong nagbibiro?" alam niyang hindi nagustuhan ni Marius ang sinabi niya. Pero dahil nga mahalaga ang binata sa kaniya ay mas pinili niya ignorahin iyon at gawing pabiro ang kaniyang tono saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Bitter ang tawa na pinakawalan ni Marius. "Hindi talaga kita maintindihan Lana" anitong sinundan ang sinabi ng isang mabigat na buntong hininga.

Noon nagtaas-baba ang dibdib ng dalaga saka pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa hawak na papel. "Actually, aside kay Mama ikaw ang isa pang tao na alam kong makakaunawa sa desisyon ko" sinubukan niyang itago ang hinanakit sa tinig pero nabigo siya.

Pagak ang mahinang tawa na muling pinakawalan ni Marius bago itinuwid ang pagkakaupo. "Hindi mo ba naiintindihan Lana? Oh talagang manhid ka lang?"

Noon siya napatitig sa matalik na kaibigan. "Ako manhid?"

"Oo, manhid ka! Mga bata palang tayo alam mo na ang totoong nararamdaman ko para sa iyo! Ikaw ang totoong dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ko magawang i-commit ang sarili ko sa iba. Kasi ang totoo, umaasa parin ako na kahit papaano siguro darating iyong pagkakataon na mararamdaman mo ako!" hindi nagtataas ng boses pero ramdam ni Lana ang matinding sakit sa mga binibitawang salita ng isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya.

"Ano bang sinasabi mo? Noon pa man alam mong kapatid ang turing ko sa iyo di ba?" at tuluyan na ngang nawala sa focus ang dalaga.

"Fuck!" mura ng binata saka tumayo. "Kailangan ko pa bang ipagsigawan sa mukha mo na mahal kita?"

Nanlaki ang mga mata ni Lana sa narinig. "Marius!"

"Oh ano? Bakit parang gulat na gulat ka?" ang binata na sinundan ang sinabi ng mapait at mahinang tawa. "ilang beses ko na bang sinabi sa iyon na mahal kita? Hindi lang isandaang ulit na nagawa kong iparamdam sa iyo iyon? Pero parang hangin lang pala na dumadaan sa iyo ang lahat! Kasi iba ang totoong gusto mong makasama hindi ba? Kasi iba ang taong mahal mo talaga pero hindi mo masabi sakin iyon kasi natatakot kang husgahan kita?" 

"I-I'm sorry" ang tanging nasabi ni Lana. "hindi ko alam na ganoon na pala kalalim ang nararamdaman mo para sa akin. A-Akala ko porke nakikipag-date ka na, porke palipat-lipat ka ng babae tanggap mo na na hanggang magkaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa iyo" ang naluluhang winika ni Lana saka sinubukang tumayo para sana lapitan si Marius pero sumenyas ito kaya natigilan siya.

"Of course may mga babae, pero nakita mo bang may nagtagal sa kanila? Wala hindi ba? Kasi ikaw ang mahal ko. Kahit anong gawin ko hindi ko kayang ibaling sa iba ang nararamdaman ko para sa'yo" ang lalaking puno ng hinanakit sa mga mata siyang pinakatitigan. "tell me, bakit hindi nalang ako Lana? Bakit hindi nalang tayo? Ano bang wala sa akin ang mayroon siya?" sa puntong iyon naramdaman ng dalaga ang tila matalas na kutsilyong humiwa sa puso niya. "kaya kitang mahalin ng mas higit pa sa kaya niyang ibigay" ramdam ni Lana ang matinding hinanakit at sama ng loob ni Marius at nasasaktan siya para rito.

"M-Marius, si Andrew ang ama ni Andrea" ang maikli niyang sagot.

"Oo, alam ko. Pero kaya ko ring maging ama kay Andrea. Mahal ko ang batang iyon na parang totoong anak ko" giit nito.

Tumango si Lana. "Alam ko dahil nakita ko naman iyon. Pero aminin mo man o hindi, alam nating pareho na iba parin kung magkakaroon siya ng tunay at buong pamilya. Wala akong makitang masama kung bibigyan ko ng pagkakataon si Andrew sa anak niya. At isa pa..." sa huli ay napigil si Lana sa iba pang gusto niyang sabihin sa pag-aalala na baka lalong masaktan doon si Marius.

"Yeah?" 

Nagbuntong hininga ang dalaga saka muling naupo. "Nakapag-desisyon na ako Marius. Sana maging masaya ka nalang para sa akin" aniyang minabuting huwag ng tingnan ang binata.

"Ganoon ba?" ang sarkastikong tanong-sagot ng lalaki kaya siya napatingala rito. Dahil doon ay muli na namang bumati kay Lana ang magkakahalong sakit at kalungkutan sa mga mata ni Marius. 

"Please?" aniya sa nakikiusap na tono.

Mapait ang ngiting pumunit sa mga labi ni Marius. "I'm sorry, gustuhin ko man pero sa ngayon hindi ko pa kayang maging masaya para sa'yo. Hindi ganoon kadali iyon, kasi mahal kita" anitong tuluyan na nga siyang iniwan pagkatapos.

Sinundan lang ng tingin ni Lana ang bulto ni Marius hanggang sa makalabas ito ng kaniyang opisina. Pagkatapos ay nanatiling nakapako sa nilabasan nitong pinto ang kaniyang paningin. 

Sunod-sunod ang pinakawalan niyang buntong-hininga. Masakit sa kaniya ang nangyayari dahil gaya na nga ng sinabi niya, bukod sa Mama niya ay si Marius ang isa pang tao na inaasahan niyang makakaunawa sa kaniya. Pero mali siya.

Hindi nagtagal at kusang kumawala ang lahat ng emosyon na kanina pa pilit na pinipigilan ng dalaga. Hindi niya gustong mawala sa buhay niya si Marius dahil tunay na kapatid ang turing niya rito. 

Kung pwede lang, kung natuturuan lang ang puso. Pero hanggang doon lang talaga ang kaya niyang ibigay. Dahil kahit hindi niya aminin, alam naman niya sa sarili niya mismo na pagkatapos ni Richard ay wala nang ibang lalaking itinangi ang puso niya maliban kay Andrew. At iyon ang dahilan kung kaya hindi naging mahirap para sa kaniya ang ibigay ang sarili rito. Mahal niya si Andrew. Mahal na mahal niya ang binata. Pero hindi niya kayang aminin iyon dito. Dahil una sa lahat, hindi rin naman niya alam kung ano ang totoong nararamdaman nito para sa kanya. 

Importante sa kaniya ang pride niya, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil kakaunti na lamang ang natitira niyon sa kanya kaya kailangan niya iyong alagaan. 

Sa maraming pagkakataon tuwing may nangyayari sa kanila ni Andrew ay ang binata ang unang gumagawa ng paraan. Pero dahil nga huli na nito ang kahinaan niya, hindi nagtatagal ay bumibigay rin siya rito. At sa maraming pagkakataon, madalas, siya ay nagiging agresibo narin. 

Mabilis na nag-init ang mukha ni Lana nang maalala ang namagitan sa kanila ni Andrew sa mismong kwarto niya kung saan naging kontrolado niya ang lahat.

Hindi niya naisip minsan man na kaya niyang maging ganoon when it comes to sex. Hindi niya expected na may wild side pala siya na kahit sa panaginip at mga pantasya lamang niya kay Andrew ay hindi niya nakita.

Si Andrew ang nag-iisang nakakaalam ng mga kahinaan niya. Nang lahat ng gusto niya. Alam nito kung saan siya dapat hawakan, kung sa papaanong haplos siya nito mapapasinghap. Kaya naman kung aaminin niya rito na hindi lang si Andrea ang totoong dahilan ng pagpayag niya na makasal rito without knowing kung ano ba talaga ang feelings nito para sa kanya, paano na lamang ang kakarampot na pride na natitira para sa kaniya?

Paano kapag hindi nag-work out ang lahat? Paano kung after ng ilang taon nilang pagsasama magsawa ito at iwanan siya? 

Okay lang na mahulog, okay lang na ma-in love. Pero ibang usapan na kapag inamin niya. Kaya siguro nagiging mahirap para sa kanya ang gawin iyon. Dahil kahit papaano, kailangan niyang gamitin ang isip niya. Mananatiling misteryo ang totoong nararadaman niya para sa binata, kung kinakailangan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.