With You Series Chapter 2

ISANG linggo makatapos ang encounter nina Caspian at Marianne ay muling nag-dinner date ang dalawa. Actually, halos araw-araw ay niyaya siya nitong lumabas pero dahil masyado siyang busy nang mga nakaraang araw ay tumanggi siya. Ngayon na lang muli lumawag ang schedule niya. Ngunit hindi katulad ng una nilang dinner date ay hindi sa isang mamahaling restaurant siya nito dinala kundi sa isang soccer field.

“May balak ka yatang paglaruin ako ng soccer mamaya, ah. Pero pasensya ka, mahina ako sa sports.” wika niya dito nang makababa sila sa kotse nito. Bago sila magpunta doon ay nag-drive-thru muna ito sa Jollibee kung saan in-order yata nito lahat ng pagkain.

Tumawa ito sa sinabi niya habang naglabas ng malaking tela at inilatag iyon sa damuhan. Para lang silang nagpi-picnic sa park. Ang kaibahan nga lamang sa normal na picnic ay gabi ng mga sandaling iyon. “Hindi naman. Napag-trip-an ko lang dalhin ka dito kasi cliché naman kung sa park kita dadalhin. Gusto ko lang maging unique. Isa pa maganda ang view ng stars dito. Masarap mag-star gazing. And by the way, hindi rin ako magaling sa sports.”

Tama ito. Mukha ngang masarap mag-star gazing sa lugar na iyon. Noong isang araw na kausap niya ito sa cellphone niya ay nasabi niyang gusto niyang mag-star gazing. Iyon nga lamang ay naulan ng araw na iyon. Natuwa naman siya at pinagbigyan nito ang nais niya ngayong maraming stars sa langit with matching wide view at kasama pa.

Habang nakain sila ay nag-usap muli silang dalawa nang mga bagay-bagay. Nitong mga nakalipas na araw ay naging constant being na ito sa buhay niya. Palagi itong nasa paligid niya kahit na ba hindi naman niya sinasabing lumapit ito sa kanya. Minsan nga ay mga pagkakataong hindi na niya napapansin ito dahil sa sobrang ka-busy-han niya pero tila okay lang iyon dito. Ang sabi nito ay ang makitang ayos lang siya ay kontento na ito.

“Ang ganda ng langit sa gabi. Ang daming bituin. Iyon nga lang, nakakapagod tumingala. Mabuti na lamang nandiyan ka sa tabi ko. Isang tingin ko lang langit na…” wika nito at tumingin sa kanya.

Napatawa naman siya sa sinabi nito at muntik nabg maibuga ang kinakain niyang burger. “Ang corny mo, Caspian, ha!”

Napatawa din naman ito. “Nabasa ko lang iyon sa internet. Ang cheesy `no?”

“Sobra!”

“Pero slightly, totoo iyon. Ikaw ang langit ko, Marianne…” madamdaming wika nito.

Hindi niya ito pinansin. “Tama na nga `yan. Ayaw ko ng cheesy. Baka dagain ako,” bumaling muli siya sa langit. “Pero tama ka. Ang daming bituin. How I wish kaya ko silang abutin.”

“Aabutin ko sila para sa `yo,”

“Tse! Wala ka ngang panungkit, eh!”

“Edi gagawa. Pero para sa `yo, ano ba ang gusto mong bituin? Iyong pangarap mo? Iyon lang ba ang nais mong makamit sa buhay?”

“Yes. I love my dream. Iyon talaga ang nais kong makamit sa buhay. Pero siyempre, someday, I want to be like Cinderella, too. Humanap ng prince charming. Tapos bubuo ng sariling pamilya. Pero matagal na matagal pang panahon `yon.”

Tumango-tango ito. “I see. So ano naman iyong tipo mong prince charming?”

Napaisip siya. Ano nga ba ang gusto niyang tipong lalaki? “Hmmm… Siguro iyong mabait, maalaga saka iyong kaya akong intindihin sa mga gusto ko. Hindi na bale kung pangit siya o guwapo basta handa siyang maging under ko.”

Tumawa naman ito. “Under? Nakakaawa naman siya kung ganoon.”

“`Oy, hindi lahat ng under, nakakaawa. Kapag nga nakakita ng lalaking under sa misis niya, kinikilig ako. Being an understanding husband means that he truly loves her wife.”

“Sabagay. Iyon lang?”

“Hmmm. Siguro iyon lang.” sabi niya saka muling tinignan ito. “Teka, bakit mo nga pala iyon natatanong sa akin?”

Ngumiti ito pero hindi sinagot ang tanong niya. Bagkus ay tumingin muli sa langit na tila ba may nalamang isang bagay na lubos na kinatuwa.

“HI…” ang boses na iyon ni Caspian ang bumungad kay Marianne pagkalabas niya ng huling klase niya. Nakasandal ito sa dingding at nakapamulsa ang dalawang kamay. Mukhang kanina pa siya nito inaantay base sa itsura nito na hindi na niya pinagtataka. Halos araw-araw ay sinusundo siya nito sa huling klase niya.

“Hi, too. So anong balak mo ngayon? Dinner, archade or park?” sa mga nagdaang araw kasi ay palaging dinner, archade or park ang madalas nilang puntahan.

“Ikaw, saan mo ba gusto?”

“Hmmm… Sa bahay na lang. Tinatamad akong gumala, eh.”

Mukhang nalungkot ito sa sinabi niya pero hindi naman nito iyon sinantinig. “Ganoon ba? Sige. Kung iyan ang gusto mo.”

Hinatid siya nito papunta sa apartment niya. Nang makarating sila sa tapat ay bumaba din ito. “Gusto mong pumasok? Magluluto ako ng hapunan.”

Naging masaya naman ang kaninang malungkot na aura nito. “Talaga? Sige, game! Basta walang lason `yan, ha?”

Ngumiti siya. “Oo naman. Ano’ng akala mo sa akin mangkukulam?”

“Hindi. Mambabarang lang. Mambabarang ng puso ko,” sabi nito na ikinatawa na lang niya. Pumasok na sila sa apartment. Nagluto siya ng adobo. Ganang-gana ito habang kumakain sila.

“Ang sarap mo palang magluto,” komento nito habang ngumunguya.

Natuwa naman siya. “Talaga? Salamat, ha.”

Ngumiti ito. “Salamat din. Kahit na alam kong sobra-sobra ang pagka-busy mo, naggawa mo pa rin akong maalok ng hapunan.”

“Okay lang `yun, friend naman kita, eh.”

Nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mata nito nang sinabi niya ang salitang “friend”. Pero hindi na naman ito nagkomento tungkol doon bagkus ay ibinaling na lang sa pagkain at sa ibang bagay ang pansin.

Matapos nilang kumain ay siya na din ang nagligpit ng pinagkainan nila. Ito naman ay nagpunta sa sala niya at doon nanood ng TV. Makatapos niyang makapaghugas ay lumapit siya dito. “Gusto mong manood ng movie?”

Umiling ito saka tumayo na. “Hindi na. Mukhang pagod ka na. Masaya na ako at napakain mo ako ng iyong adobo,” sabi nito saka may inilabas sa bulsa. “Gusto ko lang sanang ibigay ito sa `yo…”

“Para saan ito?” tanong niya. Ibinigay nito sa kanya ang isang bar ng Meiji Chocolate.

Nagkamot ito ng ulo saka inilagay ang isang kamay sa bulsa. Para itong isang teenager na nahihiyang manligaw. “Ahmm… Wala lang. Gusto lang kitang bigyan ng chocolates, masama ba?”

“Hindi naman. Actually, gusto ko nga, eh. Salamat, ha.”

“You’re welcome. Basta ikaw.”

Tiningnan niya ang chocolates. May ribbon pang nakabalot doon. “Mukhang may iba akong naamoy dito sa binigay mo.”

“Bakit, amoy ipis ba?” tatawa-tawang sabi nito.

“Hindi. Parang….” Tumingin siya sa mata nito. Parang nakikita na niya ang sagot sa gusto sana niyang itanong kaya naman natakot siya. Umiling-iling na lamang siya. “Ay, never mind na nga lang!”

“Okay,” sabi na lang nito. “O, paano, alis na ako, ha? Ingat ka sa bahay at huwag papagutom.”

“Okay. Text mo na lang ako when you are home.” Sabi na lang niya. Nang makaalis ito ay napabuntong-hininga siya. She can see the signs. Dinners, picnics, chocolate at ang mga araw-araw na pagsundo nito sa kanya. Paano nga kung sakaling hindi lang pagkakaibigan ang gusto sa kanya ni Caspian? She was afraid yet she couldn’t resist him. Masaya siyang maging kaibigan si Caspian. At mukhang masaya din itong mahalin.

Ayaw niyang saktan ito kung sakali. Ngunit hindi niya kailangan ng pag-ibig ngayon. Hindi niya kailangan ng distraction. Kailangang mag-focus muna siya sa kanyang pangarap.

MABILIS NA lumipas ang mga araw. Isang buwan na simula nang magkakilala si Marianne at Caspian. At sa loob ng buwan na iyon ay palagi silang magkasama. At ramdam na ramdam niya na talagang iba na ang gusto nito mula sa kanya. Bilang isang theater arts student, madali siyang makabasa ng mga pinapakita ng mga tao. Iba ang tingin at concern na pinapakita nito bilang isang kaibigan.

Hindi niya lang talaga pinapansin ang mga pinapahiwatig nito sa kanya dahil natatakot siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Ayaw niya ng distraction pero hindi naman niya ito mapaalis sa tabi niya. May isang bahagi kasi ng isip niya na nagsasabing huwag itong paalisin sa tabi niya. Masaya siya kapag kasama ito. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganoong kasarap at kasayang damdamin para sa isang lalaki.

Isang hapon habang kausap niya ang mga kaklase niya ay nakita niyang palapit ito sa gawi nila. As usual, guwapo pa rin at cool ang dating nito. Ang sabi ng mga kaklase niya ay napakasuwerte daw niya na mahanap ang isang ito. Marami sa mga kaklase niya ang may crush dito. Bukod daw kasi sa guwapo ay hindi ito playboy. Ni wala nga itong nababanggit sa kanya na naging girlfriend o niligawan man lang nito noon.

Base din sa mga kaibigan nito na nagiging kaibigan na rin niya nang dahil dito ay wala ni isa man lang daw itong babaeng binigyan ng interes. Ilag daw ito sa mga babae dahil katulad niya ay naka-focus lang din sa iisang goal ang buhay nito: Ang makatapos at makamit ang pangarap nitong maging Engineer. Siya lang daw ang tanging babaeng pinakilala nito sa mga kaibigan nito at ang babaeng palagi nitong sinasamahan.

“Uy, ayan na si Mr. Engineering! Iwan na natin si Marianne dahil magla-loving-loving na sila!” tudyo sa kanya ni Lorie. Isa sa mga kaklase at malapit na kaibigan niya.

“Lorie, tigilan mo nga ako! Wala kaming relasyon ni Caspian `no!” sita naman niya dito.

Tawa lang ang isinukli nito sa sinabi niya at iniwan na siya kabilang na rin ang ilan pa sa mga kaklase niya. Maagang natapos na ang klase nila nang araw na iyon. Wala pa kasi sa mood umuwi ang mga ito kaya naman nagdadaldalan na lamang muna sila. Siya naman ay hinintay si Caspian na nagtext sa kanya na susunduin siya ngayong araw.

“Hi,” bati nito sa kanya at may nilabas na pink camellia mula sa likuran nito. “Flowers for you...”

Matagal muna niyang tinignan ang bulaklak bago niya iyon kinuha mula dito. Sa durasyon na magkasama sila ay ngayon pa lamang siya nito binigyan ng bulaklak. At may isang hindi maipaliwanang na emosyon ang naramdaman niya sa dibdib nang makita niya ang bulaklak. Sa isang klase niya sa science noong high school siya ay napag-aralan nila ang tungkol sa iba’t ibang katangian at parte ng bulaklak. Naaliw siya nang husto doon at naging dahilan iyon para makapag-research siya ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa bulaklak.

Tinignan muna niya ang mukha nito bago siya nagtanong dito. “Para saan ito?”

“Ahmmm... I bought a pink camellia for you to say that—“

“I want to be with you?” putol niya sa akmang sasabihin nito. “Giving a pink camellia to someone means “I want to be with you”.”

Napamaang ito sandali ngunit agad din na nakabawi. “Paano mo nalaman ang tungkol doon?”

“I researched about the meaning of flowers when I was in high school.”

“Oh,” sambit nito. “Naunahan mo ako doon, ah. But really, Marianne, I want to be with you. And if possible, I want to be with you always.”

Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Bagkus ay tinanong niya pa ito tungkol sa nararamdaman niyang pakay nito. Matagal na niyang gustong tanungin iyon dito pero ngayon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob. It was now or never. “Caspian, tapatin mo nga ako. May gusto ka ba sa akin?”

Tumingin ito nang diretso sa kanyang mata. Ganoon din naman ang nangyari sa kanya. Naramdaman na naman niya ang pakiramdam nang magtama ang mata nila nang una silang nagkita.

“Oo, Marianne. Gusto kita.”

“Caspian...”

Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. Nagulo yata ang sistema niya dahil sa ginawa nitong iyon. “Una pa lamang kitang nakita nang magkabangaan tayo sa school grounds ay nagustuhan na kita. Maari ngang mukha kang damsel in distress noon pero para sa akin, mukha kang prinsesa. Ngayon lang ako nagkagusto ng ganito sa isang babae. I have this intense and unexplain feeling in my heart whenever you are beside me. It felt weird yet so wonderful.

“Hindi ako naniwala sa love at first sight at hindi rin ako madaling magkagusto sa isang babae. Pero bakit pagdating sa `yo ay nawala lahat ang mga iyon? Kaya naman kahit alam kong mapapagalitan ako kapag pumasok ako sa school theater ay ginawa ko. Gusto kasi kitang makausap at makasama. Sinabi kong pagkakaibigan lang ang pakay ko dahil sa tingin ko ay ipagtatabuyan mo ako kung sakaling sabihin ko agad na gusto kita. Pero ngayon ay hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko.”

“Pero alam mong wala sa plano ko ang magkagusto sa lalaki, Caspian. Tanging pagkakaibigan—“

Tinakpan nito ng dalawang daliri ang bibig niya upang pigilan siya sa pagsasalita. “Please don’t say that. It will break my heart.”

“But that’s the truth. Hindi pa ako handa sa mga bagay na ito. I hope you’ll understand.”

“I understand you, Marianne. I know you love your dreams at ayaw mong pabayaan iyon. But I am willing to wait for you hanggang sa handa ka na. And don’t worry, hindi ako makikialam sa mga bagay na gusto mo. Hahayaan kitang gawin ang lahat ng magpapasaya sa `yo which is acting. Just let me stay with you. Ang mga bagay na iyon ay sapat na sa akin. I’m not asking for more.”

Wala siyang masabi. He was giving her a good option. He was willing to wait for her kahit na ba alam nitong hindi niya priority sa buhay ang pag-ibig.

“KAIN KA. May dala akong sandwich. Sabi ni Lorie, hindi ka pa daw nakain simula kaninang tanghali.” Wika sa kanya ni Caspian nang bumaba siya sa stage. Kasalukuyan siyang nagpa-practice para sa year-end stage play na gaganapin sa school nila kung saan siya ang gaganap na bida. At dahil sa role niya, sobrang busy niya. Ni hindi na nga nila nagagawa ni Caspian na mag-dinner magkasama sa restaurant dahil palaging alas-diyes na siya nakakauwi ng bahay dahil sa daming inaasikaso sa school.

Kinuha niya ang sandwich na iniabot nito. Gutom na siya. Mabuti na lamang talaga at nandito ito palagi sa tabi niya. Tinupad nga nito ang sinabi nito sa kanya. Hinayaan lang siya nito sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya at sinuportahan siya sa bawat araw ng buhay niya. Kahit hindi niya masuklian ang iba’t ibang efforts nito para makasama siya ay ayos lang dito. Ayon dito, ang payagan niya itong makasama sa mga libreng oras niya ay masaya na ito.

Ramdam na ramdam niya ang pagpapahalaga sa kanya ni Caspian. Paminsan-minsan ay naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya magawang ipakita dito ang kanyang damdamin. Sinisikil niya ang nararamdaman niya para dito dahil natatakot siyang tuluyang mahulog ang loob dito.

Hindi naman kasi talaga mahirap mahulog ang loob dito. Guwapo, mabait, maalaga at handang gawin ang lahat para sa kanya. Sino ba naman ang isang babaeng hindi magkakagusto dito? Kahit na ba wala sa bokabularyo niya sa ngayon ay pakikipagnobyo ay tila gusto na noong sumiksik sa utak niya dahil sa ginagawa sa kanya ni Caspian. Katulad nito ay may isang hindi ring maipaliwanag na damdamin ang namumuo sa dibdib niya kapag magkasama sila o di kaya ay makita niya lamang ito. At ang sarap ng pakiramdam na iyon. Para siyang dinuduyan sa alapaap sa saya.

Ngunit maraming what-if’s ang pumapasok sa isip niya. Paano kung maggaya siya kay Gia na nasira ang magandang career dahil sa pag-ibig? Paano kung mapabayaan niya ang pangarap niya? Parang hindi niya yata kakayanin kung sakaling mangyari iyon sa kanya.

“Huwag kang magpakapagod, Marianne. Baka magkasakit ka.”

“At magagalit ka sa akin kapag nagkasakit ako?”

Huminga muna ito nang malalim saka tumingin sa kanya. “Alam kong wala akong karapatang magalit o kaya ay gawin ang mga ito sa `yo. Pero kung sakali ngang pabayaan mo ang sarili mo, hindi ko maiiwasang magalit. Kaya naman para maiwasan iyon, nandito ako sa tabi mo at inaalalayan ka. Ayaw kong masaktan ka. Isa pa, kapag nagkasakit ka, paano na ang play niyo? Di hindi ka makakapag-perform.”

Na-touch siya sa sinabi nito. Kaunti na lang talaga at bibigay na ang puso niya kay Caspian. Lahat yata talaga ay kaya nitong gawin sa kanya. At tama nga ang mga kaibigan niya. Napakasuwerte niya para makahanap ng isang kagaya nito.

YEAR-END STAGE PLAY. Bumabadha ang sobrang kaba sa dibdib ni Marianne habang nasa back-stage ng school theater. Ilang minuto mula sa oras na iyon ay aarangkada na siya. Maraming pumapasok na agam-agam sa isip at dibdib niya nang mga sandaling iyon.

“Relax, Marianne. Kaya mo `yan. Para kang hindi mapaanak na pusa sa lagay mo, eh,” amused na sabi ni Caspian na kasama niya sa likod upang suportahan siya. Unease na unease ang itsura niya nang bumaling dito.

“Natatakot ako, Caspian. Paano kung pangit ang pag-arte ko? I don’t want to disappoint the people who bought tickets for the play.”

Hinawakan naman nito ang nanlalamig na kamay niya. “Don’t worry. Kahit batuhin ka pa nila ng kamatis dahil pangit ang pag-arte mo, handa ko iyong saluhin para sa `yo.” He said and winked.

She made a face. “Naman! Pero kahit na. I am really damn scared.”

“Don’t be, okay? Isipin mong magaling ka. Na mas matatalbugan mo pa si Lea Salonga. Just be yourself.”

Pero hindi pa rin nabawasan ang mga agam-agam sa dibdib niya ng mga words of wisdom nito. “Eh paano kung nakalimutan ko ang line? Paano kung sumablay ang arte ko? Paano kung hindi ko maibigay ang tamang emosyon sa isang scenario? Paano kung—“

Naputol ang kanyang sasabihin nang walang pasabing hinalikan siya nito sa labi. It was gentle yet so sweet and perfect. Ang halik nito ay nagdulot ng sarisaring emosyon sa dibdib niya.

Nang matapos ang halik ay ngumiti ito sa kanya. Hinawakan nito ang pisngi niya. “You can do it, babe. Always remember that I am here. I will always be here for you no matter what happened.”

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction. Caspian kissed her! Hindi niya pa inaamin na nahuhulog na ang loob niya dito pero hinalikan na siya nito. Ngunit at least na magalit ay hindi iyon ang naramdaman niya. Parang binigyan pa nga siya nito ng energy dahil sa halik na ginawad nito.

At tila may kasamang suwerte naman ang halik na ginawad nito sa kanya dahil naging very successful ng stage play. Halos marinidi siya sa palakpakan ng mga tao nang makapag-final bow siya. Tuwang-tuwa siyang kumaway sa mga ito bago umalis sa stage.

Masarap ang pakiramdam niya nang matapos ang play. Ngunit mas sasaya pa pala ang pakiramdam niyang iyon nang sabihin sa kanya ng director ng play na may nais kumausap sa kanyang international group of producers na nanggaling pa sa bansang Italya. Ganoon na lang ang tuwa niya nang sabihin nitong nais daw siyang isali ng mga ito collaboration project ng mga ito na gaganapin din sa naturang bansa. Dalawang taon daw itatagal ng naturang project. At dahil pangarap niyang makapag-perform sa ibang bansa ay agad na pumayag siya.

Ibinalita niya kay Caspian ang nangyari. Ang sabi naman nito ay masaya ito para sa kanya. Kapag masaya daw siya ay masaya na din ito.

“This is really a dream come true! I am so happy!” masayang sabi niya at niyakap ito.

Niyakap din naman siya nito. “You deserved it. You did great.”

“Thank you. At nang dahil diyan, let’s celebrate! Don’t worry, this time, treat ko!” sabi niya saka hinawakan ang kamay nito. Pumayag naman ito sa gusto niya. Nakarating sila sa isang bar na malapit sa may Baywalk. Humataw siya sa pagsayaw at nilunod sa alak ang sarili niya dahil sa sobrang saya na nararamdaman niya.

“Lasing ka na, Marianne…” paalala sa kanya ni Caspian. Sa itsura nito, mukhang lasing na din ito. Ngunit sa palagay naman niya ay tripleng kalasingan ang mababanaag sa mukha niya kaysa sa mukha nito.

“Hindi ako lasing,” sabi niya saka napatingin sa labi nito. His lips looks delicious. Para siyang inaakit ng mga iyon habang nakatingin doon. Maari ngang lasing siya nang mga sandaling iyon pero alam niya ang nakikita at ginagawa niya.

“Let’s go home,” anyaya sa kanya ni Caspian.

“Okay. But before that, kiss me.” Malakas ang loob na sabi niya. Siguro ay dahil epekto ng alak. At malamang ay dahil na rin sa halinang dala nito sa dibdib nang mapatingin siya sa labi nito.

Amused na tumingin ito sa kanya. “Lasing ka na nga talaga. Kung anu-ano na ang pinagsasabi mo, eh.”

“I’m not joking. Kiss me.”

“Marianne, `wag kang ganyan, baka totohanin ko `yan.”

“So? I don’t care.” She said and kissed him. Medyo naiinis na rin siya dahil nararamdaman naman niyang gusto nitong gawin iyon sa kanya pero hindi nito iyon ginagawa.

Sa una ay mukhang nagulat pa ito sa ginawa niya. Ngunit nang nilaliman niya ang paghalik dito ay ganoon din naman ang ginawa nito.

She loved the feeling being kissed by him. Matagal sila sa ganoong puwesto nang may isang ideyang namuo sa isip niya. Hindi niya alam kung dahil rin iyon sa espirito ng alak o dahil na rin sa nararamdaman sa dibdib. She wanted more than kissing kaya naman bumulong siya dito. “Let’s go home…”

At ginawa nga nito ang sinabi niya. Inuwi siya nito sa apartment niya at doon nila tinuloy ang ginagawa nila kanina sa bar.

Unti-unting nag-init ang pakiramdam niya dahil sa halik. Pakiramdam niya ay nag-aapoy ang buong paligid niya kahit naman malamig sa loob ng apartment niya. Nag-aapoy ang pakiramdam niya sa ginagawa nila.

And then, the next thing she knew, they were in bed. Almost naked. Lumalim ang halik nito sa kanya. Pati ang kamay nito ay kung saan-saan nakarating. Napasinghap siya nang maramdamang ang kamay nitong nakarating sa isang puno ng dibdib niya.

“Caspian…” ungol niya. Kahit nakainom ay malinaw ang isip niya sa bawat ginagawa nito sa katawan niya.

Doon naman nito napagtanto ang ginagawa. Agad na inalis nito ang kamay sa dibdib niya at tumayo. Ramdam niya ang pagpipigil nito ng hininga habang inaayos ang nagusot na polo.

“I should leave…” wika nito habang binubutones ang polo.

Pinigilan naman niya ito sa pamamagitan ng paghalik muli sa labi nito. “No, Caspian. Please stay…” wika niya. Iba na talaga ang pakiramdam niya. Para siyang sasabog anumang sandali kung hindi nila ipagpapatuloy ang ginagawa nila kanina.

Muli naman nitong tinugon ang halik niya. He explored her body with his kisses.

Nang akmang tatanggalin na nito ang huling saplot sa katawan niya ay tumigil ito. “Are you sure about this?” nanigurong tanong nito.

“Yes,” paanas na wika niya.

“We are both drunk. Sigurado ka ba talaga? No regrets tomorrow?”

Tumango siya at muling hinalikan ito. Sigurado siyang gusto niyang mangyari ito dahil kung hindi ay guguho ang pakiramdam niya. She was very sure that she wanted to give her body to this man. Not just because of the intense feeling and the heat of her body but because she loved Caspian. Ngayon-ngayon niya lamang iyon na-admit sa sarili niya pero pakiramdam niya ay matagal na niyang nararamdaman iyon.

And then, in her bed, they made love. His first thrust hurt her. But then, when she realized that the initial pain is bearable ay iminulat niya ang kaninang nakapikit na mata.

“Nasasaktan ba kita?” nakikita niya ang pangamba sa tanong nito.

Umiling siya at mas lalo pang nilaliman ang paghalik dito. Ganoon din naman ang ginawa nito sa kanya. He became lost. So was she. They both spoke their name when they reach the explosion. And it was so beautiful.

“I love you..,” wika nito nang matapos. Humiga ito sa tabi niya at unti-unting ipinikit ang mata tanda ng pagod na nararamdaman.

Nang maramdaman niyang pantay na ang hininga nito ay saka niya lamang pinakatitigan ang mukha ng lalaking unang pinag-alayan niya ng kanyang sarili at sinabihan din ito ng kaparehong kataga na huling sinabi nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.