NAGISING si Marianne sa sinag ng araw na dumadapo sa mukha niya. Agad na nagmulat siya ng mata dahil sa nangyari. Ibig sabihin ay tanghali na dahil mataas na ang araw.
Hinanap niya si Caspian sa tabi niya ngunit wala ito. Tinignan niya ang buong kuwarto. Ni anino nito ay wala doon.
Hindi kaya iniwan siya ni Caspian katulad ng pinangangambahan niyang gagawin nito sa kanya?
Natatakot siya sa ideyang iiwan nga siya ni Caspian pagkatapos ng lahat. Wala ng taong natitira para sa kanya. Pero pinilit niyang inalis iyon sa isip niya. Hindi siya iiwan ni Caspian. Nangako ito sa kanya. At kailangan niyang panghawakan ang pangako nito.
Nag-ayos siya ng sarili. Pagkatapos mag-ayos ay napagdesisyonan niyang libutin ang buong kabahayan upang hanapin ang lalaki. Sa paglilibot niya ay nakaabot siya sa may garden ng bahay at natigilan nang may makita siyang pigura ng isang magandang babae na nakatalikod. Nang maramdaman marahil ang presensya niya ay humarap ito.
“Hi,” sabi nito saka tinignan siya mula ulo hanggang paa. “You must be Marianne.”
Lumunok muna siya bago sumagot. “Yes. Sino ka?”
“I’m Jessica,” sabi nito saka nilahad pa ang kamay sa kanya.
Pakiramdam niya ay tinamaan ng kidlat ang katawan niya sa narinig. So dumating na pala ang nobya ni Caspian at mukhang doon ito natulog kagabi base na rin sa itsura nito.
Wala sa sariling nakipagkamay siya dito. Napakalambot ng kamay nito at base sa kutis nito ay mukha itong mayaman. Napakaganda din ng katawan nito sa suot nitong summer dress na umaabot hanggang tuhod ang haba. Ang maikling buhok nito na ay may clip sa tagiliran na hugis dahon ay lalo lamang nagpaganda sa bilugan nitong mukha. She looked so young and refreshing. Kaibang-kaiba sa itsura niya ngayon.
“Finally ay na-meet din kita. Sa kabila ng lahat, it was still nice meeting you, Marianne.”
Hindi siya makaapuhap ng isasagot. Kaya niya bang masabi dito ang mga salitang iyon kung ito ang karibal niya sa puso ni Caspian?
“Marianne! Gising ka na pala...” ang tinig na iyon ni Caspian na nasa likod na pala ang pumutol sa pag-uusap nilang dalawa. Nakasuot ito ng apron at halatang kakatapos lamang magluto. “Okay na ba ang pakiramdam mo?”
“Uhmm… Yeah,” sagot niya.
Lumapit ito sa kanya at kay Jessica. “Tara na sa dining room. Breakfast is ready.” Wika nito at sa gulat niya ay siya pa ang inalalayan nito imbes na si Jessica. Mukha namang hindi iyon big deal sa dalaga dahil ngumiti pa ito sa ginawa ng nobyo nito sa kanya.
Habang kumakain ng umagahan ay halos hindi siya nagsasalita. Hindi niya kasi alam kung tama ba ang sumalo siya sa dalawa. Pero sa iginagawi naman ni Jessica ay mukhang hindi siya istorbo sa mga ito. Pilit pa nga siya nitong isinasali sa usapan.
Sa buong durasyon ng umagahan ay nakita niya ang ugali nito. Mabait ito, palakuwento at mukhang malambing. Hindi na siya nagtaka kung ano ang nakita dito ni Caspian. She is the perfect girl that every man would die to have for.
Nang matapos silang kumain ay pinilit niya si Caspian na siya na ang maglilinis ng pinagkainan nilang tatlo upang bigyang espasyo ang dalawa. Sinundan naman ni Caspian si Jessica sa taas kung saan ito nagpunta.
Pinilit niyang huwag magpaapekto sa sitwasyon. Eh ano kung sinabi sa kanya ni Caspian na mananatili ito sa tabi niya? Hindi siya ang mahal nito. May nobya na ito at si Jessica iyon. Ito ang nobya ng binata at kahit pa nangako itong hindi siya nito iiwan ay wala siyang magagawa kung sakaling ito rin sa huli ang piliin ni Caspian.
Nang makatapos siya sa paglilinis ay nagulat siya nang makita si Jessica na bihis na bihis at mukhang aalis.
“Saan ka pupunta?” tanong niya dito nang makababa ito ng hagdan.
“I’m going back to Canada,” tugon naman nito.
Kumunot ang noo niy sa narinig. Aalis na agad ito eh kakarating lamang nito? Paano si Caspian? Sasama rin ba ito sa babae papuntang Canada?
Tumingin siya kay Caspian na nasa likod ni Jessica. Mukhang pang-alis din ang suot nito ngunit hindi iyon kagara katulad ng bihis ng dalaga.
“Aalis na ako, Marianne. Kahit ilang sandali lamang tayo nagkausap ay naging masaya akong makita ka. Pipilitin kong tanggapin ang lahat. At alam ko na din ang lahat ng nangyari sa inyong dalawa ni Caspian nitong nakaraang araw at linggo. I’m so sorry for the lost.” Wika nito saka niyakap siya. “Take care of Caspian, okay? And promise me that you will love him too as much as he loves you.”
Naguluhan siya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. What was Jessica talking about?
“Kailangan na naming umalis dahil male-late na si Jessica sa flight niya papuntang Canada. Ihahatid ko lang siya papunta sa airport. I’ll explain everything to you later when I get back.” Sabi ni Caspian at hinalikan pa siya katulad ng halik na iginawad nito sa kanya kagabi.
Hindi siya makahuma sa mga pangyayari. Nanatili lamang siyang nakatayo habang tinatanaw ang kotse ni Caspian na makaalis.
Ano ang ibig sabihin ng lahat ng nangyari? Bakit umalis agad si Jessica at hindi nito kasama si Caspian pabalik sa Canada? At ano ang sinasabi nitong pipilitin nitong tanggapin ang lahat?
Kung anu-anong emosyon ang dumaloy sa dibdib niya sa pag-alis ng dalawa. Nais bang sabihin sa kanya ni Jessica na wala na ito at si Caspian? Hindi na tuloy siya makapag-intay na dumating ang lalaki upang masagot lahat ng tanong niya. Pero sa kabila noon ay may agam-agam pa rin sa puso niya. Paano kung palabas lamang ang lahat at ang totoo ay sumama si Caspian kay Jessica patungo sa Canada?
Wala pa halos isang araw ang pinag-antay niya at dumating na muli ang sasakyan ni Caspian. Sinalubong niya ito ng yakap pagdating nito.
“You’re back...” relieved na sabi niya.
“Of course I’ll be back. Ano’ng nasa isip mo? Na sasama ako kay Jess sa Canada?”
Tumango siya. Pinindot naman nito ang tungki ng kanyang ilong. “Silly you. What makes you think of that? Hinding-hindi kita iiwan. `Di ba’t pinangako ko sa `yo `yan?”
“I’m just worried. Baka kasi mamaya ay mapako ang pangako mo.”
“Hinding-hindi ko gagawin sa `yo iyon, Marianne. Jessica and I broke up last night.”
Ikinuwento sa kanya nito ang lahat ng nangyari kagabi nang dumating ang dalaga. Kung paano rumehistro ang mukha nito nang makita siya nito sa loob ng kuwarto hanggang sa pagbabayo nito ng iyak sa dibdib ni Caspian.
“I know it really breaks Jessica’s heart. I’m so doomed for what I have done to her. I didn’t mean to hurt her pero hindi ko rin kayang pahirapan ang sarili ko kung patuloy ko lang itatago ang totoo.
“Alam kong nasasaktan ko siya sa mga pagkakataong magkasama kami dahil ikaw ang palaging nasa isip ko. Sa mga lugar na pinupuntahan namin, palaging ikaw ang hinahanap ko. Pero kahit ano’ng gawin kong pagpipigil upang maalis ka sa isip ko habang kasama siya ay hindi ko magawa. Pinipilit ko namang alisin ka sa sistema ko pero para kang computer virus. Kahit anong gamitin kong version ng anti-virus ay pilit ka pa ring bumabalik.”
“Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo?”
“Of course. I love you, Marianne. I love you so much even if you brought so much torment in my heart.”
Naluha siya sa sinabi nito. After all these years ay mahal pa rin siya ni Caspian. Katulad niya ay hindi pa rin siya nito nalilimot. “Kulang yata ang salitang “thank you” for accepting me again in your life. And like you, I love you, too. So much that it almost break my heart thinking that you’ll not stay with me.”
Then they kissed each other. Pakiramdam niya ay nabuo muli ang buhay niya pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya. Having Caspian again is worth all the pain that she had suffered.
“SAAN tayo pupunta?” tanong ni Marianne kay Caspian habang nakasakay siya sa kotse nito. Kaninang umaga ay maaga itong gumising para maghanda ng gamit. Hindi nito sinabi sa kanya kung para saan ang ginagawa nitong paghahanda ng gamit. Ang sabi lang nito ay may pupuntahan daw sila kaya naman gumayak na lang daw siya. Magdala rin daw siya ng damit dahil baka tumagal daw sila doon ng higit sa dalawang araw. Depende daw sa sitwasyon ang itatagal ng pananatili nila sa kung saan mang pupuntahan nila.
“Basta. You’ll see. Sa ngayon, puwede kang matulog muna sa kotse dahil mahaba-haba pa ang ibabiyahe natin.”
Sinunod naman niya ang inutos nito dahil inaantok nga siya. Halos umaga na kasi nang makatulog siya kagabi dahil hindi siya gaanong makatulog. Kapag kasi naiisip niya si Casey ay nalulungkot siya. Missed na missed na niya ang kanyang anak. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang iwan sila nito.
Nang magising siya ay humaplos sa pisngi niya ang mabining hangin. Nagdilat siya ng mata. Ang nakangiting mukha ni Caspian ang bumungad sa paggising niya.
“We are here,” anunsiyo nito pagkagising niya.
Napatingin siya sa paligid. Maraming puno doon at may isang bahay sa `di kalayuan na hindi gaanong makita sa daan. Makikita rin ang isang malaking kulungan ng manok sa hindi kalayuan. Pamilyar sa kanya ang lugar.
Inalalayan siya ni Caspian na makababa ng kotse nito. Nang makaapak sa lupa ay saka niya napagtanto kung nasaan siya. Tumingin siya kay Caspian. “Bakit tayo nandito?”
“Gusto kong humarap tayo sa pamilya mo, Marianne. Gusto kong muli kang bumalik dito at ipakilala mo ako sa kanila bilang nobyo mo.”
“Natatakot ako, Caspian. Umalis na tayo, please.” Wika niya saka muli sanang bubuksan ang pinto ng kotse nito pero pinigilan siya nito.
“No. Kailangan nating harapin ang pamilya mo. Ayaw mo bang makita sila? Ang tagal-tagal mong nawalay sa kanila.”
“Pero natatakot ako sa maari nilang gawin sa akin. Paano kung hindi nila ako matanggap pagkatapos kong mawala na parang bula sa kanila? Hindi ko kaya.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Don’t worry, Babe. I’m here for you. Kung sakaling batuhin ka man nila ng sandamakmak na kaldero ay nandito ako para saluhin iyon para sa `yo. But I doubt kung magagawa nila `yon sa `yo. Mahal na mahal ka ng pamilya mo, Marianne. Hindi ka nila magagawang saktan.”
“Paano ka nakakasiguro?” puno ng pag-aalinlangan ang mukha niya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ng buong pamilya niya pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya.
Hinalikan nito ang noo niya. As if he was sure that everything will gonna be all right. “Just trust me, Babe.” Pagkatapos noon ay inalalayan siya nito na maglakad papunta sa may bahay.
Una niyang nakita ang kanyang ina na mukhang nag-iintay sa may terrace ng bungalow type na bahay nila. Luhaang lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Niyakap din niya ito.
“I’m so sorry, Mama.”
“Its okay, Anak. Ang mahalaga ay nandito ka na muli. Alam mo bang matagal ka naming inantay? Isang taon ka din naming na pinaghanap sa Maynila ngunit bigo kami sa paghahanap sa `yo. Sobra kaming nag-alala sa `yo, Anak. Natakot kami sa maaring mangyari sa `yo dahil hindi ka man lang sumulat sa amin para ipaalam ang lagay mo.”
Napaluha na din siya lalo ng sunod-sunod na lumabas ang buong pamilya niya sa loob ng bahay. Niyakap niya ang mga ito isa-isa. Nang lumapit sa kanya ang isang babaeng naka-wheel chair ay lalo siyang napaiyak. Lumuhod siya sa harap nito at niyakap ito.
“Lola, I’m so sorry…” hingi niya ng patawad dito. “Nasira lahat ng pangarap ko na maging isang kagaya niyo…”
“Ayos lang iyon, Apo. Tapos na ang lahat. Ang mahalaga ay nakabalik ka sa amin nang maayos. Sobra kaming nangulila sa `yo.” Wika nito at kahit nahihirapan ay niyakap din siya nito.
Humingi siya nang patawad sa buong pamilya niya. Tinanggap naman siya ng mga ito. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso niya dahil sa nangyari. Tinanggap siya ng pamilya niya sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya.
Tumingin siya kay Caspian na halatang masaya din ito dahil sa nangyari. Lumapit siya dito at ipinakilala ito sa buong angkan niya. “Gusto ko nga po palang ipakilala sa inyo si Caspian, nobyo ko po.”
Tumango naman si Caspian at nag-bless sa mga magulang niya pati na rin sa abuela niya. “Magandang umaga po,” magalang na wika nito.
Nginitian naman ito ng Mommy niya. “Hijo, nagpapasalamat kami sa `yo dahil sa muli mong pagdala sa anak ko dito sa amin.”
“Walang anuman po iyon,”
Nag-usap-usap silang magkakamag-anak. Nagtanong ang mga ito tungkol sa naging buhay niya sa nakalipas na taon. Ikinuwento naman naman niya sa mga ito ang lahat ng nangyari. Pati ang pagkakaroon niya ng anak at ang pagkamatay nito ay ikinuwento din niya. Nalungkot ang mga ito sa nangyari sa anak niya dahil ni hindi man lang daw ng mga ito iyon nasilayan. Parang wala namang kaso sa mga ito ang nangyari sa pagitan nila ni Caspian. Mukhang giliw na giliw pa nga ang mga ito sa binata at parang nagkita na rin ang mga ito base sa pagtanggap nito sa nobyo niya.
Hindi nagtagal pagkatapos ng kuwentuhan ay niyaya na sila ng Mommy niya upang kumain. Halos lahat ng inihanda nito ay paborito niyang pagkain. Parang alam na ng mga itong pupunta siya doon ngayong araw na iyon.
“Alam na naming darating ka, Anak. Bago pa man nangyari ito ay nakilala na namin si Caspian. Hinanap niya kami para sa `yo.” Wika ng ina niya nang mapansin ang pagtataka niya.
Tumingin siya kay Caspian. Hindi niya alam na may inasikaso pala itong ganoon. Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay palagi itong umaalis sa bahay at may aasikasuhin daw. Iyon pala ay inaasikaso nito ang paghahanap sa pamilya niya.
Gusto niyang yakapin si Caspian dahil sa tuwang nararamdaman. So he did everything for her. That’s how much he loves her. It feels so wonderful that she had found a guy like him. Siguro, kung lahat ng lalaki sa mundo ay katulad ni Caspian, wala na sigurong babaeng iiyak at masasaktan dahil sa pag-ibig.
NAKAUPO si Marianne sa duyan hindi kalayuan sa bahay nila. Gabi na ng mga oras na iyon at kasalukuyang nanonood ng telebisyon ang buong pamilya niya sa may sala. Nagpaalam siya sa mga itong aalis muna upang maglibot-libot sa lugar. Pinayagan naman siya ng mga ito dahil mukhang sawa na rin ito sa pakikipagkuwentuhan sa kanya buong maghapon. Dinala siya ng sarili niya sa duyan kung saan noon ay palagi siyang nakatambay kapag wala siyang ginagawa.
Madami na ang pinagbago ng buong paligid. Dati ay hindi kagandahan ang duyang iyon na kinauupuan niya ngayon ngunit ngayon ay bago na iyon. Dati ay wala din silang tanim na calamansi sa gawing iyon pero ngayon ay mayroon na. Malalaki din ang bunga noon. Malaki na din ang dating maliit lamang na kulungan ng manok ng kanyang ama.
Napangiti siya sa mga nakita sa kanilang lugar. Marami na ang nagbago ngunit hindi pa rin nagbago ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. Nanghihinayang siya na pinaghinaan siya ng loob na humarap sa mga ito dati. Kung sana ay nagawa lamang niyang lumapit muli sa mga ito ay hindi siguro ganoon ang aabutin ng buhay niya. Malamang ay buhay pa ang anak niya at namumuhay ng normal sa ngayon.
Ni hindi man lang nito nakilala ang Lolo at Lola nito. Pati na rin ang isa niya pang kapatid na ramdam na ramdam niyang sabik sa bata dahil kaninang pagdating niya ay may kasama itong bata na hiniram pa daw nito sa may kalayuang kapitbahay nila.
Nalulungkot siya para kay Casey pero sabi nga ng magulang niya kanina habang nakain sila ay mabuti na rin ang ganoon dahil payapa na ngayon ang bata. Sa taas daw ay wala na itong poproblemahin pa dahil kasama na nito ang Diyos. Ang sabi pa ng mga ito, kung malulungkot siya ay malulungkot din daw ang bata kaya naman pinili niyang huwag ng gaanong isipin si Casey. Dapat ay magpakatatag siya sa buhay dahil marami pang araw na darating sa kanya.
Nasa ganoon siyang kalagayan nang mamalayan ang isang pigura ng lalaking lumalapit sa kanya. Nang makalapit ito ay nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Caspian.
“Ang akala ko ay doon ka na sa bangin napadpad dahil hindi kita makita. Nag-aalala ako sa `yo.” Wika nito at tinabihan siya sa duyan at hinawakan ang kanyang mukha.
“Tingin mo ba sa akin ay ganoong ka-suicidal? I started to accept things. Gusto ko lang magkaroon ngayon ng space at makapag-isip-isip.”
Kumunot ang noo nito. “Bakit naman?”
“I don’t know. Masyado akong nabilisan sa mga nangyari. Ang pagkakasakit ni Casey, pagdating mo at pagkawala niya. Masaya ako na dumating ka pero malungkot ako nang mawala si Casey.”
“Don’t think too much of Casey. Masaya na siya sa langit. Iyon na lang ang alalahanin natin.”
“I know,” sabi niya saka tumingin dito. “Caspian, bakit ang bait mo sa akin? Bakit sa kabila ng lahat ng ginawa ko, tanggap mo pa rin ako?”
Hinawakan nito ang baba niya saka tumingin ng diretso sa mata niya. “You know what? I used to ask my self that question, too. Pero sadyang sa pag-ibig yata, kahit ano pa ang gawin sa `yo ng taong mahal mo, kahit ipagtabuyan ka pa niya sa harap ng maraming tao, babalik at babalik pa din siya sa puso mo.”
“Ganoon talaga kalalim ang pag-ibig mo sa akin?”
“Oo. At mas malalim pa iyon sa Mariana Trench ng Pacific Ocean. Halos malunod na nga ako sa pag-ibig ko sa `yo, eh.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “Really? Ang suwerte ko talaga para mahanap ka.”
“And I’m lucky to have you, too, babe. Whenever I’m near you, I feel like I’m the happiest and most contented man in the world. Ikaw lang ang babaeng hinahanap ko. Para kang kuyumad, ang hirap-hirap mong alisin sa ulo.”
Hinampas niya ito. “Kadiri ang cheesy line mo, ha?”
Tumawa naman ito. “Wala akong maisip, eh. Ikaw, may cheesy or corny line ka ba para sa akin?”
Napaisip naman siya. “Meron. Pero English,” sabi niya saka ngumiti ng diretso sa mata nito. “I may not be Rihanna to love the way you lie but I’ll assure you, I can be Bruno Mars to love you just the way you are.”
Ngumiti ito nang matamis sa kanya. Ganoon din naman siya. She was happy that he had found Caspian. She just wished that God will let them stay with each others arms forever.