With You Series Chapter 7

ILANG araw na mula nang makaalis sina Caspian at Marianne sa bahay ng huli sa Batangas. Ilang araw na din nilang nilalasap ang presensiya nilang dalawa na magkasama sa iisang bahay. Kulang na lang ay wedding ring at marriage certificate ay mukha na silang kasal dalawa sa lagay nila.

Masaya siya sa lagay nilang dalawa. She thinks she found forever with him now. Ang saya-saya ng pakiramdam ng makasama muli ang taong mahal mo at mahal ka rin.

Sa mga nagdaang araw ay nagiging busy na si Caspian dahil may pinapatayo itong engineering firm hindi gaanong kalayuan sa labas ng townhouse nito. Ayon dito, gusto na nitong mag-settle sa Pilipinas. Iyon daw talaga ang pakay nito kaya ito muling umuwi sa Pilipinas. Gusto daw nitong gawin ang gusto nitong magsilbi at magtrabaho sa bansa.

Kaya naman ngayon ay hindi niya ito kasama sa pag-alis. May inasikaso kasi ito sa may bandang Pasay at tinatamad naman siyang sumama dito. Naisipan na lang niyang mag-grocery sa isang sikat na mall hindi kalayuan sa townhouse. Balak niyang ipagluto ng isang masarap na dinner para sa nobyo. Binigyan kasi siya nito ng pera para makabili ng gusto niya kung sakaling naiinip siya sa bahay.

Habang namimili ay hindi sinasadyang may nakabungguan siyang isang babae. “Ay sorry po!” hinging patawad niya at tumingin sa mukha nito. Pamilyar ang mukha nito sa kanya kaya naman napakunot noo siya.

Ganoon din naman ang reaksyon ng babae. “Ikaw ba si—Marianne? Iyong kasamahan ko sa collaboration project ng isang stage play sa Italy?”

Unti-unting rumehistro sa isip niya kung sino ito at nang marinig ang boses ay naalala niya na kung sino ito. “Gracel?”

Nagliwanag ang mukha nito. “Oo! Si Gracel na ito! So ikaw nga si Marianne! Kumusta ka na?”

Ngumiti siya. Si Gracel ay isa sa mga kasamahan niyang aktres noon na magpe-perform sa Italy. Hindi sila naging ganoon kalapit sa isa’t isa pero naging magkaibigan sila. “Ayos naman ako. Ikaw? Kumusta ka na? Umaarte ka pa rin ba?”

“Naku, hindi na. Producer na ako ngayon.” Wika nito sa kanya. “Nagmamadali ka bang umalis? Puwede ba kitang mayayang mag-merienda upang magkausap tayo nang mas matagal?”

At dahil hindi naman siya kukulangin sa oras kung sakaling makipagdaldalan siya dito ay pumayag na siya. Sa isang coffee shop sa loob din ng mall na iyon sila napadpad makatapos nilang mag-grocery.

Nagkuwento ito nang nagkuwento sa kanya tungkol sa nangyari dito nang nakalipas na taon. Suddenly ay nakadama siya ng inggit dito. Naging makinang ang bituin nito at ngayon ay isa na itong producer ng mga iba’t ibang stage play hindi lang sa Pilipinas kundi rin sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Alam mo ba, magkakaroon muli kami ng isang malakihang stage play sa Italy sa susunod na buwan. And we need good actresses para makapag-perform. Kung gusto mo muling bumalik sa pag-arte, puwede kitang i-recommend sa head ng group. Tiyak na matutuwa sila sa `yo dahil once ka na rin nakapag-perform sa ibang bansa kahit sandali lang.”

Napaisip siya sa sinabi nito. Binibigyan siya nito ng tsansa muli upang maabot ang kanyang mga pangarap.

Gusto niya muling abutin ang pangarap na minsang nawala sa kanya. Pero kaya niya pa kayang gawin iyon sa sitwasyon niya ngayon? Kasama na niya si Caspian. Maiintindihan kaya siya nito kung sakaling sabihin niya dito na gusto muli niyang abutin ang kanyang pangarap?

NAPAPANSIN ni Caspian na ilang araw ng tila maraming iniisip si Marianne. Kapag magkasama sila ay tila nasa malayo palagi ang isip nito. Parang kay lalim ng nasa isip nito pero hindi naman nito iyon sinasabi sa kanya.

Siya din tuloy ay napapaisip dahil sa nangyayari dito. May problema ba si Marianne at ganoon ito?

Isang gabi bago sila matulog ay parang may sasabihin ito sa kanya pero kapag akmang magsasalita na ay hindi iyon natutuloy kaya naman napagpasyahan niyang siya na ang magtanong dito. “May problema ka ba?”

Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. “Caspian, kung sakaling ituloy ko ang acting career ko, magagalit ka ba?”

Nagulat siya sa sinabi nito. Hanggang ngayon pa rin pala ay nasa isip pa rin nito ang nasirang pangarap. “Bakit mo naman naitanong `yan?”

“Kahapon lamang ay tumawag muli sa akin sa telepono si Gracel para itanong kung interisado ba daw ako dahil nasabi na daw nito sa head ng project ang tungkol sa akin at pumayag ito dahil minsan na daw ako nitong nakitang mag-perform noon. Kaya naman gusto sana kitang tanungin kung okay lang sa `yo?”

Gusto niyang umiling dahil kung sakaling papayagan niya ito ay muli siya nitong iiwan. Thinking that Marianne will leave him again will surely break his heart. Pero nang makita niya ang itsura nitong parang gustong-gusto nito muling abutin ang pangarap nito ay tila nagulo ang isip niya.

“Sigurado ka bang gusto mong ipagpatuloy ito?”

“Pero okay lang naman kung sakaling ayaw mo. Hindi kita pinupuwersang payagan ako.” Wika nito imbes na sagutin ang tanong niya.

“I’m asking you if you really want this. Gusto mo ba talagang bumalik sa pag-arte?”

Tumango ito saka nagyuko ng ulo. “Alam mo naman na matagal ko ng inaasam na sumikat sa ibang bansa at makapag-perform doon nang matagal. Pero nasira lahat iyon noon kaya naman kung maari ay gusto ko muling abutin ang pangarap kong iyon.”

Bumuntong-hininga siya saka hinawakan ang baba nito upang tumingin ito sa kanya. “Masaya ka ba sa gagawin mong ito?”

“Masaya ako na may halong lungkot. Alam kong sa pag-alis ko ay mapapabayaan kita. Mapapabayaan ko ang relasyon natin.”

Hinaplos niya ang mukha nito. “I-if this really what you want, then go for it.”

Alinlangan ang tingin na binigay nito sa kanya. “Are you sure about this?”

Tumango siya. Kung ito ang makakapagpasaya kay Marianne ay tatanggapin niya iyon kahit sa kabila noon ay alam niyang malulungkot siya nang husto dahil mawawala ito sa tabi niya. Pero binigyan ito ng isa pang pagkakataon na buuin muli ang nasira nitong pangarap at ayaw niyang maging hadlang muli doon.

Niyakap siya nito nang mahigpit dahil sa tuwa. “Thank you so much, Caspian.” Wika nito at hinalikan siya. Tinugon naman niya ang halik nito.

Kahit na ba magiging masakit sa kanya ang muling paglisan nito ay hindi niya iyon iindahin basta’t mapasaya niya lamang ito. After all, ang kasiyahan nito ang pinakaimportante sa lahat dahil kung masaya ito ay magiging masaya din siya.

HINDI nag-iimikan sina Marianne at Caspian habang nasa biyahe papuntang Ninoy Aquino International Airport. Hindi tuloy niya ma-appreciate ang huling sandali niy sa Pilipinas sa taong iyon dahil sa katahimikan.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Masaya siya dahil nagkaroon muli siya nang pagkakataon na muling magtanghal sa ibang bansa. Malungkot naman siya dahil mami-miss niya si Caspian.

Sa pagkakataong ito, hindi na niya pinagbawalan si Caspian na sundan siya o manatili ito sa tabi niya. Hinayaan siya nito na abutin muli ang kanyang pangarap kaya naman dapat lang ay hayaan na lang niya ito sa gusto nito. Kung tutuusin nga, kulang pa ang lahat ng iyon sa ginawa nito sa kanya.

Ngunit dahil abala na ngayon sa pinapatayong engineering firm ang kanyang nobyo ay hindi nito maipapangakong palagi siya nitong madadalaw sa Italya. Isa pa ay sa susunod na linggo ay pupunta ito muling Canada upang asikasuhin ang resignation papers nito sa kompanyang pinagtatrabahahuhan nito dahil ang aasikasuhin na daw nito ay ang firm. Kailangan din daw kasi nitong magtrabaho at gumawa ng sariling pangalan sa Pilipinas para sa kinabukasan nila.

Napangiti siya nang maalala ang salitang “kinabukasan”. Hindi ito nagsasalita tungkol sa kasal ngunit iniisip na nito ang kinabukasan. Hindi niya alam kung ano ang nais nitong gawin. Nalulungkot tuloy siya kapag naiisip niyang baka wala itong balak pakasalan siya. Pero minsan ang naiisip niya na baka humahanap lang ito ng tiyempo o pagkakataon. Kaya naman dahil doon ay nakabuo siya ng plano.

Nang makababa sa kotse at nakarating sa entrance ng airport ay hindi na siya nakatiis sa katahimikan. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan sa labi. Tinugon naman nito ang halik niya.

“I will miss you, Babe.” Wika niya. “I will miss you so much.”

“Me, too, Babe. For the second time you will leave me again…” lumungkot ang mukha nito sa sinabi.

Hinaplos naman niya ang mukha nito. “Patawad dahil muli kitang iiwan dahil sa pangarap ko. But I promise you, after this, I will stay forever with you. I will also allow you to stay with me in Italy. But most important of all, I want you to wear this when I am away…” wika niya saka nilabas ang isang singsing mula sa bulsa ng pantalon niya. Nabili niya iyon sa pamamagitan ng paunang bayad na binigay sa kanya ng financier ng play.

Nanlaki ang mata nito dahil sa nakita. His face was in shocked but also filled with happiness.

“Marianne…” wika nito habang nakatitig sa singsing.

Ngumiti siya saka lumuhod sa harap nito. “Caspian Cameron Marasigan, will you marry me after this journey?”

His eyes misty and let her slip the ring in his finger. “Yes, Marianne Picardal. I will marry you and give my name to you!” niyakap siya nito pagkatapos sa tuwa. Pati siya ay nagtubig ang mata dahil sa nararamdaman.

“Matagal ko ng nais na sabihin sa iyo ito pero hindi lang ako magkaroon ng magandang pagkakataon. Lalo pang naudlot ang sanang gagawin ko nang sabihin mong gusto mo muling i-pursue ang pangarap mo. Kaya naman nag-iba ang isip ko. Ang balak ko sana ay sa pagbabalik mo ako magpo-propose pero dahil naunahan mo na ako, hindi na matutuloy ang balak ko.” Pagpapaliwanag nito.

“It’s okay. Ang dami mo ng nagawa sa akin. Maybe it’s time that I’ll do something special for you.”

“Thank you, Babe. Thank you for loving me.”

“No, Babe. Ako ang dapat magsabi sa `yo ng lahat ng iyan. Sa lahat ng naggawa at pagmamahal na ibigay mo sa akin, kulang na kulang pa ang lahat ng ito upang kabayaran.”

“Loving me is enough. Wala na akong gusto pa kundi ang pagmamahal mo at ikaw. Ang lahat ng iyon ay sapat na para sa akin.”

“I love you. We love each other. That’s all that matters.”

May nilabas ito mula sa likod na isang pulang bulaklak. Hindi pamilyar sa kanya ang bulaklak na iyon. “This flower is called Astilbe. I had a hard time finding this flower to give it to you. This flower means that “I will wait for you”.”

Kinuha niya ang bulaklak mula dito at pinakatitigan. Hindi iyon kagandahan ngunit sapat na iyon para mapangiti siya. “Thank you again. I will hold on to what that flower means. And please, don’t be naughty when I’m away, okay? Ako lang ang babe mo.”

“Of course. You’re the only one.”

Muli silang nagyakapan at hinalikan ang isa’t isa bago siya umalis patungo sa Italya. Sa pag-alis niya, dala-dala niya ang isang pangarap na aabutin muli at ang puso ng isang taong naghihintay sa kanyang pagbabalik.

One year later…

MASAYA ang aura ni Marianne nang makatuntong siya sa Marasigan Engineering Firm—ang firm na pagmamay-ari ng fiancé niya. Ngayong araw ang eksaktong pagbalik niya sa Pilipinas na hindi niya pinaalam kay Caspian. Ang alam nito ay sa makalawa pa ang balik niya. Nais kasi niyang i-surprise ito sa pagbabalik niya.

Pumasok siya sa firm at nagpakilala bilang siya. Mukhang naikukuwento yata siya ni Caspian sa mga empleyado ng mga ito dahil kilalang-kilala siya ng mga ito. Napaka-warm ng pag-welcome ng mga ito sa kanya. Tinuro din ng mga ito sa kanya kung saan matatagpuan ang opisina ng fiancé niya.

Nakangiting pumasok siya sa loob ng office. She was so glad that she was back. Naging napaka-successful ng project niya sa Italy. Marami siyang napahangang tao sa galing niya sa pag-arte. Natutuwa naman siya dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay hindi pa rin siya kumukupas at tanggap pa rin siya ng mga tao sa entablado. Marami nga din na iba’t ibang producer ang kumukuha sa kanya para mag-perform hindi lang sa Italya kundi sa iba’t iba pang sulok ng mundo.

Pero hindi na niya tinanggap ang offer na iyon. Masaya na siya na nakuha na niya ang pangarap niyang minsang nawala. Sa ngayon, ang isa pang pangarap na sinabi niya kay Caspian noon ang gusto niyang makuha—ang maging isang Cinderella na may prince charming at bumuo ng isang pamilya.

Nang nasa Italy siya ay dalawang beses siyang pinuntahan doon ni Caspian upang dalawin. At sa dalawang beses na iyon ay halos isang nasa dalawang linggo lamang kung manatili ito doon. Naiinitindihan naman niya ito dahil alam niyang busy ito sa pagpapalago ng firm. Kahit naman kasi minsan lang ito dumalaw ay halos araw-araw silang magkausap through internet o di kaya ay cellphone.

Ngunit ang ngiti na nakapaskil sa labi niya ay dagling nawala ng makita niya ang nasa loob. Nandoon si Caspian at may isang babaeng nakakandong dito. Nakakapit pa ang dalawang kamay ng babae sa leeg ni Caspian.

Agad ang pag-usbong ng inis sa dibdib niya nang makita si Caspian at ang babae. Si Caspian naman ay mukhang nagulat nang makita siya. Dali-dali itong tumayo at lumapit sa kanya.

“Marianne! Ang akala ko ay sa makalawa ka pa darating? Bakit—“

Sinampal niya ito. “Ang kapal ng mukha mo! Ang sabi mo iintayin mo ako? Eh bakit may ibang babae ka na sa kandungan mo?!”

Tumingin ito sa babae at lumapit sa kanya. “Mali ka ng iniisip. Yasmin and I are—“

Itinulak niya ito palayo. So ganito pala mauuwi ang lahat? Ang akala pa naman niya ay totoo ang sinabi sa kanya ni Caspian na iintayin siya nito. “May pa-Astilbe flower ka pang nalalaman noon tapos ipagpapalit mo din pala ako sa ibang babae? Nakakainis ka!”

Tumawa naman ang babaeng kasama nito sa kandungan nito kanina na lalong nagpainit ng ulo niya. Sinamaan niya ito ng tingin. “At ano ang tinatawa-tawa mo diyan, aber?” humalukipkip pa siya. “Hindi mo ba alam na ako ang fiancé ng lalaking kinakalantari mo?”

Lalo pang lumakas ang tawa nito at naglakad papunta sa may pinto. Ngunit bago pa ito makalabas ay tumingin muli ito sa gawi nila. “Kuya, selosa pala `yang fiancée mo.” Iiling-iling na sabi nito. “Dalhin mo siya sa akin kapag kumalma na siya, ha? Mukhang interisante siyang kausap kahit ang bilis niyang magduda.” Pagkasabi noon ay lumabas na ito ng opisina.

Para namang namatandang napatingin siya kay Caspian. “Kuya? Kapatid mo siya?”

Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. “Yes, she’s Yasmin. My younger sister.”

Namula siya tanda ng pagkapahiya. Hindi naman niya agad nakilala ang nag-iisang kapatid nitong babae na sa Canada na rin nakatira dahil nang huli niya iyong makita ay mga pitong taon na yata ang nakakaraan at sa picture pa. “Oh my God! Nakakahiya!”

Tumawa ito. “Nakakahiya talaga. Ikaw kasi ang lawak ng imagination mo. Hindi mo man lang ako pinag-explain muna bago umarangkada ang pagkaselosa mo.”

Umingos siya. “FYI, hindi ako selosa, okay? Ayaw ko lang na may kaagaw sa mga bagay na akin na.”

“Ganoon na din iyon. Pero okay lang, maganda nga `yun, eh. Kung selosa ka, you mean mahal na mahal mo talaga ako.”

“Of course. Kaya naman ganoon na lang ang inis ko nang akala ko ay babae mo siya. Baka mangyari muli ang nakaraan na dahil sa pangarap ko, nawala ka sa akin. Ayaw kong maging “history repeats itself” ang buhay ko.”

“Ikaw talaga. Hindi kita ipagpapalit, okay? Mahal na mahal kaya kita. Kaya nga pinauwi ko na agad ang buong pamilya ko sa Canada para makapagmanhikan na kami sa inyo.”

Nagliwanag naman ang mukha niya sa tuwa. “Talaga?”

“Oo naman. I can’t wait to be your UNDERstanding husband,”

Natawa siya sa sinabi nito. Naalala pa pala nito ang gusto niya noon na magkaroon ng isang “under” na asawa. “I can’t wait to be Mrs. Caspian Cameron Marasigan.”

“You’ll be, soon, babe. Soon. Kaunting tiis na lang at gagawa na muli tayo ng bagong Casey.”

“Yeah, I know,” masayang wika niya at hinalikan ito. She was so happy now she’s back and she’s with Caspian again. Sa pagkakataong ito, bubuin na nila ang isa pa niyang pangarap, at iyon ay ang magkaroon ng isang masayang pamilya sa piling ng nahanap at perpektong Prince Charming niya.

THE END OF BOOK 1 LET ME STAY WITH YOU

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.