Hinaplos nito ang pisngi niya. “Sige. Matulog ka na lang.” Inalalayan siya nito sa guestroom. Pagpasok sa kuwarto ay pinaupo siya nito sa kama at kinintalan ng halik ang noo niya. ”Mag-usap tayo kapag handa ka na.”
Pinigilan niya ang kamay nito nang akmang iiwan siya nito. Bigla siyang nakadama ng takot. “Stay with me. Hindi ko gustong mag-isa.”
“Okay. Kung gusto mo na matulog katabi ko, di kita iiwan. I will be back in ten minutes.”
Tumango siya at pag-alis nito ay nagtungo sa banyo para magsepilyo. Matapos magsepilyo at magsuklay ay nahiga siya sa kama. Tinitigan niya ang espasyo na hihigaan nito.
It was her first night to sleep beside him. Hindi na niya kayang magpanggap na matatag at malakas. Kailangan niya ito. Kailangan niya ang init at pagmamahal nito. Kapag wala ito sa tabi niya ay hungkag ang pakiramdam niya. He was the only one who could fill the void in her heart. Dahil kapag wala ito, hindi niya alam kung saan pa siya pupunta. Di niya alam kung kanino pa siya magtitiwala.
Maya maya pa ay bumalik ito. Umupo ito sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. Parang nag-aalangan ito kung paano hihiga sa tabi niya. Kung hanggang saan ang safe zone. She didn’t want him to be at the safe zone. She wanted to fill him against her.
Inilahad niya ang mga kamay. “Benedikt, please you hold me. Nilalamig ako.”
“Okay.” Parang iyon lang ang senyales na hinihingi nito mula sa kanya. Niyakap siya nito at pumikit siya nang maramdaman ang init ng katawan nito.
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at sinamyo ang bango nito. So earthy, so masculine. She wished she could drown herself in his scent, in his warmth. At pwede na niyang makalimutan ang lahat ng masasamang nangyayari sa paligid niya.
Hinaplos nito ang buhok niya. “I had never seen you this distraught. Anong nangyari?"
Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tanong nito. “Nagkita kami ng nanay ko."
Di agad ito nagsalita. Mukhang tinatantiya ang mood niya. "Nag-usap ba kayo?"
"Noong una ayoko pero naisip ko ang sinabi mo na kailangang bigyan ko siya ng pagkakataon para masagot ang mga tanong ko. Tama ka. Marami akong nalaman sa nangyari sa nagdaang sampung taon. Nakulong siya sa loob dahil pinagbintangan siyang rebelde. Nang mga panahong iyon ay inakala ko na kasama niya ang lalaki niya. Kalalaya lang niya sa kulungan. At si Mama… si Santina ang may kagagawan kung bakit siya nakulong." Parang may naiiwang pait sa dila niya na tawaging “mama” si Santina. She didn’t deserve it.
"What?!" Bumalikwas ng bangon si Benedikt at di makapaniwala siyang pinagmasdan.
Bumangon din siya at tiningnan ito nang direkta sa mata. “Hindi totoo na may iba siyang lalaki. Pinalabas lang iyon para magkalayo sila ni Papa. Ipinakulong siya nang panahong general ang ama ni S-Santina. May kinalaman siya kaya di nakalabas ng kulungan ang nanay ko kahit na wala siyang kasalanan."
He scooted closer. Saka siya ipinaloob sa bisig nito. "That is so sad and horrible. I am sorry."
Mariin siyang pumikit at hindi niya maisip kung anong klaseng buhay ang mayroon ang nanay niya sa loob ng kulungan. Isang buhay na walang kapag-a-pag-asa at puno ng pag-iisa.
“Sinusulatan niya ako pero wala akong matatanggap. Hanggang isang araw ay pinuntahan na lang siya doon ni Santina. Sinabi sa kanya na magpapakasal na sila ni Papa. Ipinamukha sa kanya na ang pamilya ni Nanay ay sa kanya na napunta.”
Habang siya naman ay nilason ang isipan laban sa tunay niyang ina. Santina even made her feel guilty for having a mother like that. Na parang kasalanan niya ang maging anak ng nanay niya. And she paid for it every single day. Na lalong nagpadagdag ng hinanakit niya sa nanay niya. Tapos ay wala naman palang kasalanan ang ina niya. At hindi niya deserve sa pagmamaltrato ni Santina.
“Hindi ko naisip na magagawa iyon ni Tita Santina,” anang si Benedikt at ipinilig ang ulo.
Nagtagis ang bagang ni Maki at muling nabuhay ang hinanakit sa dibdib. “Ginawa na niya. Siya ang totoong sumira ng pamilya ko. Mula nang siya ang tumayong ina ko ay ingat na ingat ako sa mga kilos ko. Maraming beses akong nagi-guilty lalo na kapag ipinamumukha niya sa akin kung ano ang magagandang bagay na nagawa niya sa akin matapos kaming iwan ni Papa ng nanay ko. Na parang siya ang tagapagligtas namin. Iyon pala ay siya ang sumira ng lahat. Napakasama niya.”
“Mahal siguro niya ang Papa mo nang sobra. Kaya kahit may asawa na ito ay gumawa pa rin siya ng paraan para makuha si Tito Franco.”
Naggiyagis ang ngipin niya. “At hindi ko siya mapapatawad dahil doon.”
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang balikat niya. “Huwag kang magpadala sa galit mo. Baka makagawa ka ng bagay na pagsisisihan mo sa huli.”
“Masisisi mo ba ako? Kapag kasama ko si Santina lagi akong di makahinga. Pakiramdam ko lahat na lang ng gagawin ko ay mali. Most of the time I feel guilty for being my mother’s daughter. Na parang iyon ang pinakamalaking pagkakamaling nangyari sa buhay ko. Hindi pala. Ang pinakamalaking pagkakamali ko ay itinuring ko siyang ina ko. Ayoko siyang makita.”
Tumango ito. “Naiintindihan ko. At ang Papa mo?”
“Saka na kami mag-uusap.” Hindi ganoon katindi ang galit niya sa ama niya kumpara sa Santina niya na isang manipulador. Pareho lang silang biktima ng lahat ng kasinungalingan ni Santina. “Kailangan ko lang ng oras bago gawin iyon.”
“Kung kailangang dito ka muna, dito ka muna. Hindi kita pipilitin na bumalik sa bahay ninyo. Aalagaan naman kita dito.”
Tumigas ang anyo nito. “Ayoko rin na makasama ang babaeng iyon sa kasal ko. Gusto kong ilagay ang nanay ko sa tamang lugar sa buhay ko. Para makabawi ako sa sampung taon na nagkahiwalay kami. Sana..sana ayos lang sa iyo.”
Ngumiti ito at ginagap ang kamay niya. “Anything to make you happy. At alam ko na kahit noong di mo pa nakikita ang nanay mo, sa kabila ng galit mo sa kanya ay gusto mo siyang makasama. If you want to involve her with your wedding plans, that would be fine.”
Nagningning ang mata niya at sa unang pagkakataon ay nakadama siya ng saya. “Talaga? Thank you! You are the best groom ever.” At kinintalan niya ng halik ang mukha nito.
Tumawa ito at nagpatuloy magsalita nang tumigil siya sa paghalik dito. “Sasama ako sa susunod ninyong pagkikita ng nanay mo. Alam ko na maayos na anglahat pero wala namang masama kung makita niya ang development sa kasal ninyo. Ako rin ang kakausap kay Mama at kay Tita Santina.”
Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at puno ng pagmamahal niya itong pinagmasdan. “Sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan ko, masaya ako na ibinigay ka ng Diyos sa akin para mahalin ako. Thank you for coming into my life, Benedikt.”
“You’re welcome, sweetheart. And don’t worry. Everything will be okay tomorrow. I promise you that I will make everything okay.”
At nakatulog siya ng mahimbing habang nasa mga bisig nito. Dala niya ang pangako nito na magiging maayos ang lahat. May tiwala siya na mangyayari iyon.