You’re Still My Man (Filipino) Chapter 22

Niyakap siya nito mula sa likuran. "I could eat you for dinner. Wow... beef and brocolli in oyster sauce and chicken salad."

Hinarap niya ito. "Kaya nga maligo ka na."

Puno siya ng antisipasyon habang hinihintay ito na bumalik sa dining area. Espesyal ang gabing ito. Gusto niyang maging maayos ang lahat. Dahil sa palagay niya ay walang katiyakan ang bukas para sa kanila. At gusto niyang magkaroon ng pagkakataon para ipakita kung gaano ito kahalaga sa kanya.

Takam na takam ito at may kasamang paghanga habang pinagmamasdan nito ang mga ihinanda niya. "Wow! Puro paborito ko ito. Anong okasyon?"

Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi. "I just want to thank you for loving me." At nilagyan ng chicken salad ang plato nito.

"Mukhang masaya ka,” pansin nito nang umupo siya sa tapat nito matapos itong dulutan ng pagkain.

"Of course. Dahil pakiramdam ko ay magiging okay ang lahat. Nariyan na ang nanay ko, makakasama siya sa kasal natin. It is perfect."

But she was dying inside. Wala itong ideya kung gaano kamiserable ang nararamdaman niya. But she would fake it. Hanggang pati siya ay maniwala na ayos lang ang lahat.

Matapos ang hapunan ay nanood sila ng DVD ng Les Miserables sa mini theather set nito na nasa sala din. Nakahimlay siya sa dibdib nito. “Naalala mo ba? Isinama mo akong manood ng play dati sa CCP? Les Miserables iyon. Wala akong maintindihan,” wika nito. “Pero nang ikaw ang kumanta para sa akin, naintindihan ko naman.”

“You always want a private performance, do you?”

Hinawakan nito ang baba niya. “Dahil gusto ko ako lang ang kantahan mo. Akin ka lang,” anito sa seryosong tono.

Then he kissed her possessively. The kiss was relaxing, empowering and made her weak at the same time. Hindi ito ang karaniwang mahinay na halik ni Benedikt. This one was deep, possessive and devouring. As if he wanted to stake a claim on her.

Idinilat niya ang mata. "Benedikt, make love with me tonight."

Bigla itong natigilan. "Pwede tayong maghintay hanggang ikasal tayo."

Yumakap siya sa leeg nito. Then she straddled his lap. "I don't want to wait. I want to have you now. And I won't accept no."

When she kissed him, it was the boldest thing she did in her life. At alam niyang wala na siyang iba pang pagkakataon matapos ito. She wanted Benedikt to possess her. Ayaw niyang magkaroon ng alinlangan sa isipan nito na hindi niya ito mahal.

At first she felt the resistance when she kissed him. That was Benedith for you. The man of restraint. Pero alam niyang di siya nito kayang tanggihan. Gamit ang quick lesson niya sa paghalik na napanood niya sa internet ay unti-unting bumigay ang resolba nito. Maging ang kamay nito na di gumagalaw noong una habang nakahawak sa baywang niya ay nagsimulang humaplos sa likod at braso niya.

Maya maya pa ay tumayo ito habang kalong siya at di naghihiwalay ang labi nila. “Tell me if you want to stop,” tanong ni Benedikt habang kalong siya at idinala siya patungo sa kuwarto nito.

“No. Not tonight. Not in this lifetime.”

She didn’t take her eyes off him as she took off her clothes. Nakita niya ang appreciation sa mga mata nito. Subalit nakikita pa rin niya ang takot nito. She boldly came forward him and took off your clothes. Then everything was on a frenzy, in a haze of heat, a touch of flesh against each other. Naked flesh against naked flesh. And it was his turn to drive her crazy.

Naramdaman niya ang paglapat ng likod sa kama. When she opened her eyes, he was hovering over her. His gaze was smoldering when he started to take her. She didn’t feel the pain. He did everything to take it away.

"I love you. This is the start of our forever."

"I love you, too. Make no mistake about it." Their forever ends here.

MARAHANG iminulat ni Maki ang mga mata. Her body was still humming after making love with Benedikt.

Naramdaman niya ang init ng katawan nito at ang braso nito ay nakapatong sa baywang niya. Maingat niyang inangat ang kamay nito. Bumaba siya sa kama at nagbihis siya ng damit.

He looked like a sleeping angel. Her angel. Pero oras na para iwan niya ang piling nito. Dahil ito ang kailangan. Matapos makausap ang nanay nito ay pinag-isipan niyang mabuti kung ano ang posibleng mangyari sa kanila kapag natuloy ang kasal nila. Kung gaano katindi ang takot niya na baka danasin nila ni Benedikt ang dinanas ng mga magulang niya. Ayaw niyang dumating ang panahon na di na niya kayang mamuhay sa mundo ng pagpapanggap at kamuhian siya ng pamilya nito.

Hindi kaya ng puso niya na iwan si Benedikt. That’s why she had to leave him while he was sleeping. Kaya kailangan niyang mag-iwan ng alaala dito bago ito umalis. Ayaw niyang isipin nito na di siya nito mahal. Ito ang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya. She didn’t have the heart to tell him goodbye. Alam niyang pipigilan siya nito at di na siya makakaalis pa. At sa huli ay sisirain lang nila ang isa’t isa.

Kailangan niyang umalis habang mahal pa nila ang isa’t isa.

Nagtungo siya sa guestroom kung saan nakahanda na ang maliit na bag niya na may lamang ilang damit at lahat ng ATM niya. Iyon ang gagamitin niya sa bago niyang buhay. Iniwan din niya ang sulat sa tokador para kay Benedikt at at para sa ama niya.

Nag-iwan siya ng sulat na nagsasabing humihingi ng paumanhin dahil kailangan niyang umalis at huwag na siya nitong hanapin pa.

Binalikan niya si Benedikt ng isa pang pagkakataon. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Walang kamalay-malay na iyon na ang huli nilang pagkikita.

Kinintalan niya ng halik ang dulo ng daliri at idinikit sa labi nito. Gusto niya itong yakapin at hagkan pero tiyak na di na niya magagawa pang lumayo dito. "Goodbye, Benedikt."

She left him with a heavy heart. Ayaw niyang umiyak. Saka na siya luluha. Kailangan niya ng lahat ng lakas ng loob niya ngayon para tuluyang makalayo.

Tinawagan niya ang nanay niya sa cellphone habang naglalakad sa hallway paungo sa elevator. Dala niya ang ilang damit, mahahalagang records at pera. "Hello, Nay."

"Anak, bakit napatawag ka?" tanong nito sa pagod na boses.

"Mag-empake kayo. Aalis na tayo."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.