You’re Still My Man (Filipino) Chapter 41

Nilunok niya ang nararamdamang takot at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha nito dahil bahagya itong nakayuko. A shadow was cast on his face. She knew he was hurting. At kung isumpa man siya nito nang mga oras na iyon ay hindi niya ito pipigilan. Tatanggapin lang niya ang lahat ng ibabato nito sa kanya. She deserved it. Kahit na gaano kasakit ay handa siyang harapin dahil dapat lang iyon sa kanya matapos ang lahat ng sakit na naibigay niya dito.

Nang di pa rin ito nagsalita ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “I-I am sorry. Hindi ko alam na itinuloy mo ang kasal natin kahit na umalis ako. I am sorry,” aniya sa basag na boses habang di na niya mapigilan ang pagtulo ng luha. It was too much. Just too much. “Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nangyari. Kung alam ko lang, sana bumalik ako. Sabay nating hinarap ang mga tao. Hindi sana kita hinayaang mag-isa. Sana… sana…”

“Huli na para sa mga sana mo. Way too late. Years too late, Maki,” anito sa malamig at kontroladong boses na parang pinipigilan nito ang emosyon nito.

“I know. I know.” Mariin niyang kinuyom ang palad hanggang halos bumaon ang kuko niya sa balat niya. Umiling siya. “Sana sinabi mo sa akin nang nagkita tayo. Sana sinumbatan mo ako. Kung susumbatan mo ako ngayon, tatanggapin ko. Kung isusumpa mo ako o sasaktan mo ako, ayos lang sa akin. Kasalanan ko ang nangyari. Kasalanan ko ang lahat. Wala kang ipinakita sa akin kundi kabutihan pero ito ang iginanti ko sa iyo.” Hinawakan niya ang mga kamay nito. “Kaya kung sasampalin mo ako ngayon, matatanggap ko. Kung gagantihan mo ako sa kahit anong paraan, ayos lang sa akin. J-Just do it.”

Matagal siya nitong tinitigan at saka biglang umangat ang gilid ng labi. “That’s a bit melodramatic, Miss Rubella. Just give up the drama, will you?”

Natigagal siya at maang napatingin sa binata. Napakakaswal ng boses nito. Wala siyang nakikitang galit sa anyo nito. Parang normal lang ang itsura nito na hindi pagkamatay ng ama nito ang pinag-uusapan nila. Hindi ba’t iyon ang pinakamalaking kasalanan na maaring gawin dito ng isang tao? Di lang niya tinalikuran ang pagmamahalan nila. Ipinahiya pa niya ito sa harap ng mga tao at ng pamilya nito na dahilan upang bawian ng buhay ang ama nito.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at inilapat sa pisngi niya. “Stop being nice to me. Hindi ako magrereklamo. Kahit na saktan mo ako. Gawin mo na. Kung iyan ang makakagaan sa loob mo. Please!”

Humalakhak ito at inalis ang pagkakahawak sa kamay niya. “Are you crazy? Hindi ako mananakit ng babae. Hindi ko iyon gagawin sa iyo. At wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit namatay si Papa.”

Nanlaki ang mga mata niya at umiling. “No, Benedikt! Kasalanan ko. Kasalanan ko iyon! At dapat ko lang pagbayaran ang lahat sa iyo at sa pamilya mo. Sabihin mo lang sa akin kung paano ako makakabawi. Please?”

“Maki, listen! Hindi mo kasalanan ang nangyari. I take full responsibility of what happened - ang kahihiyan ng pamilya ko sa mga tao, even my father’s demise. Inaako ko ang lahat ng kasalanan.”

Naguguluhan niya itong pinagmasdan. “W-Why? Ako ang umalis. And please stop doing me favors. Hindi mo kailangang magpaka-gentleman sa akin dahil alam ko kung anong kasalanan ko.”

Paano itong nakakapagsalita nang walang galit at walang sakit samantalang napakalaki ng kasalanan niya dito? He should be cursing her right now. That, she would accept wholeheartedly. Kahit ano pang ipakita nito ay tatanggapin niya huwag lang kabaitan. Parang lalo lang siyang nagi-guilty lalo na’t inaako nito ang kasalanan niya.

Nagkibit-balikat ito. “You left. Hindi ko matanggap iyon kaya itinuloy ko pa rin ang kasal. Hindi matanggap ng pride ko na talagang iiwan mo ako nang ganoon-ganoon lang. Umaasa ako na hindi mo ako matitiis. Na mas matindi ang pagmamahal mo sa akin kaysa sa kung anong pinagdadaanan mo. Stupid me. Nagkamali ako. Kahit na sinabihan na ako ng magulang ko at ng madrasta at papa mo na huwag nang ituloy ang kasal ay itinuloy ko pa rin. Kaya inaako ko ang lahat ng kahihiyang iyon. Ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang papa at hindi ikaw. It was my fault because I believed that you love me more.”

She saw the flash of anguish on his face. Nanariwa dito ang nakaraan. Pero bago pa siya makahuma ay tumayo ito at tinalikuran siya. Hindi na niya nagawang makita pa ang emosyon sa anyo nito subalit nakita niya ang tensiyon sa balikat nito.

He was hurting. Hurting so badly. Sa kabila ng mga taong nagdaan, hindi madali na akuin ang guilt na ito ang pumatay sa sarili nitong ama dahil lang sa pagmamahal nito sa kanya. Ilang araw lang niyang nalaman ang tungkol doon pero mabaliw-baliw na siya sa labis na guilt. Paano pa kaya dito na ilang taong nagdusa?

Napahikbi siya. “Benedikt…”

Inangat niya ang kamay para hawakan ang balikat nito o kaya ay yakapin ito mula sa likuran. She wanted to comfort him. Gusto niyang iparamdam dito na handa siyang akuin ang lahat ng kasalanan at responsibilidad na nararapat para sa kanya. Hindi nito kailangang magdusa pa. Kahit na masaktan na siya habambuhay basta mabawi lang niya ang guilt na nakabaon sa puso niya. He didn’t deserve all the hurt and pain. Sa kanya lang dapat iyon. Siya lang dapat ang nagdurusa.

Subalit hindi niya ito magawang yakapin. Wala na siyang karapatan. And she knew that he would reject her anyway. Kinuyom niya ang palad para pigilan ang sarili na lapitan pa ito. And it was the most painful thing to do. To keep herself from comforting him, holding him while he suffers, while they both suffer.

Humarap ito sa kanya nang maaliwalas ang mukha. “You know what? Hindi mo ako dapat alalahanin. Napatawad ko na ang sarili ko. Hindi ko naman gusto ang nangyari. Nagmahal ako, umasa at nagdulot iyon ng di magagandang bagay sa buhay ko pero walang mangyayari sa akin kundi ko itutuloy ang buhay ko. Kaya patawarin mo na rin ang sarili mo.”

Umiling siya. “No! Hindi ganoon kasimple ang lahat.”

Hinawakan nito ang balikat niya. “Maki, there’s no use living in the past. Kung patuloy kang nabubuhay sa nakaraan ay hindi ka magiging masaya. Aaminin ko na galit ako sa iyo noon, pero kailangan ko ring irespeto ang desisyon mo. Iyan ang buhay na pinili mo. Anuman ang resulta ng mga desisyon na ginawa mo ay kailangan mong harapin. Dahil oras na gawin mo ang isang bagay, hindi mo na maaring ibalik pa ang panahon para baguhin iyon. You live with the consequences. Same with my decision to proceed with our wedding. Kailangan ko ring harapin ang consequences ng ginawa ko. Maaring may mali sa mga desisyon ko pero kailangan ko pa ring maging masaya sa buhay ko. Masaya ka ba sa mga naging desisyon mo sa buhay mo? Nakita mo na ba ang sarili mo na hinahanap mo nang iwan mo ang dati mong buhay?”

“Yes,” aniyang may bikig sa lalamunan. Iyon ang sagot niya noong di pa niya nakikita muli si Benedikt. Pero ngayong muli silang nagkita, may malaking PERO sa sagot niyang “oo”.

Tumango ito. “Then I am happy for you. Simula ngayon, oras na para ibaon natin sa limot ang nakaraan. May sarili ka nang buhay at may sarili na rin akong buhay.”

“At may babaeng naghihintay sa iyo. Si Hannah. M-Mahal na mahal ka niya,” aniya at kinagat ang pang-ibabang labi. Napakasakit na sabihin ang pangalan ng ibang babae sa buhay nito. At mas masakit tanggapin na ang babaeng iyon ang nagpapasaya kay Benedikt ngayon.

“Yes. At masaya ako na nagkita ulit tayo para maging klaro na ang lahat. Maari na tayong magpatuloy sa buhay natin nang walang mabigat na dinadala.”

Lumunok siya at nakatitig lang siya sa dibdib ni Benedikt. “Tama ka. Kaya ako nakipagkita sa iyo ngayon dahil… dahil gusto kong maging malinaw na ang lahat. At m-masaya akong malaman na masaya ka.”

Hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang di totoong nilalaman ng puso niya. Masaya ito. Dapat ay masaya na rin siya dahil pinapalaya na siya nito sa guilt. Pero bakit ganoon? Parang lalong bumigat ang puso niya hanggang halos hindi na siya makahinga.

Hinawakan nito ang baba niya. “Sa maniwala ka at sa hindi, wala akong ibang hiniling kundi ang kaligayahan mo. I am always hoping that all your sacrifices are worth it. Are they worth it?”

Nang isuko niya ang marangyang buhay na tinatamasa niya, ang kinalakihan niyang pamilya at ang lalaking mahal niya kapalit ng kalayaan niya?

Pumikit siya nang mariin. “Yes.”

“Then you have nothing to feel guilty about it. Goodbye, Maki.” Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “This is really goodbye for the two of us. Kailangan ko nang bumalik sa resort.”

Nahigit niya ang hininga nang lumayo ito sa kanya at naramdaman niya malamig na hangin sa pagitan nila. “Yes. Goodbye, Mr. Valenciaga,” usal niya at saka idinilat ang mga mata. Wala na ang binata sa harapan niya. Likod na lang niya ang nakita nito at naglalakad palayo sa kanya. It was goodbye for good. No past nor guilt could tie them together now. Tuluyan na siyang malaya sa nakaraan niya. Malaya na silang hanapin ang kanya-kanyang kaligayahan.

Subalit parang bloke-bloke ng hollow blocks ang dumadagan sa dibdib niya habang pinagmamasdan itong naglalakad palayo sa kanya. Patungo na ito ngayon sa resort kung saan naghihintay dito ang babaeng nagmamahal dito at di mang-iiwan dito. Hindi gaya niya.

At natitiyak niyang paliligayahin ito ni Hannah.

Nang humarurot palayo ang jet ski nito ay unti-unting nawalan ng lakas ang tuhod niya at napaupo siya sa buhanginan. Napahagulgol na lang siya ng iyak habang parang sasabog ang puso niya sa sakit. Dapat ay maging masaya siya para kay Benedikt gaya nang kung paano nito hinangad ang kaligayahan niya.

Kaligayahan? Hindi niya alam kung paano siya sasaya kung ang puso niya ay nakatali pa rin kay Benedikt. Dahil bagamat wala na ang sakit at guilt, mahal pa rin niya ito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.