Ang tanging mahalaga sa kanya ay si Benedikt at ang musika na minsang nagbuklod sa kanila. He was her number one fan. At pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay tutugtog at lilikha lang siya ng awitin ukol sa pag-ibig para dito. As if her heart only beats for him. Wala siyang pakialam sa nakaraan o sa kasalukuyan. Hindi na mahalaga iyon o si Hannah. Sila lang dalawa ang magkasama ng mga oras na iyon. Sila lang.
Mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Hannah. Hinihila nito ang kamay ni Benedikt na animo’y niyayaya ito na magsayaw. Kumunot ang noo niya dahil mistulang panggulo ito sa mundo na silang dalawa lamang ni Benedikt ang dapat na magkasama.
Napamaang siya nang ibinigay ni Benedikt sa nagdadaang waiter ang baso ng alak nito at nagpahila kay Hannah patungo sa dance floor. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya kung paanong yumakap si Hannah sa leeg ni Benedikt at tumingkayad para halikan ang baba ng binata. Tumawa naman ang dating nobyo at hinawakan ang baywang ng anak ng gobernador.
Nang mga oras na iyon ay parang isang tsunami ang dumating at tinangay si Maki. It was their wedding waltz. Nilikha niya ang piyesang iyon bilang simbolo ng pagmamahalan nila ni Benedikt. Iyon ang regalo niya dito para sa kasal nila. Sasayawin nila iyon kapag kasal na sila… isang kasalang hindi naganap.
Nang mga oras na iyon ay parang sinasaksak siya nang paulit-ulit habang nakikita itong may kasayaw na iba. Hindi pwedeng isayaw mo siya, Benedikt. Sa atin lang ang kantang ito. How could you do this to me? Para sa atin lang ito dapat. Para sa atin lang dalawa.
Alam niyang nangako sila sa isa’t isa na tuluyan na nilang tatalikuran ang isa’t isa. Tanggap na niya iyon… o akala niya lang iyon. Parang mamamatay siya sa sobrang sakit.
Maaring di iyon sinasadya ni Benedikt. It was inevitable. Mas kataka-taka naman kung hindi nito isasayaw si Hannah. At siya? Paano siya?
Naramdaman na lang niya ang pagpatak ng luha niya habang patuloy sa pagtugtog. Only to realize that she was not playing a happy and romantic tune anymore. Napalitan ng isang napakalungkot na piyesa ang musikang pumapailanlang sa resort. Rain drops ni Chopin. Isang musika tungkol sa pagkabigo sa pag-ibig. Sa pagkamatay ng isang puso. A song of despair and sadness. Bawat nota ay parang dumudurog sa puso niya. At parang nalulunod ang puso niya nang mga oras na iyon. Parang di siya makahinga.
Hindi ko na dapat pinagbigyan si Benedikt nang sabihin niyang tumugtog ako ng piano. Sana ay sinabi ko na lang na wala akong kabisadong piyesa. Hindi na lang sana ang wedding waltz namin ang tinugtog ko. Hindi na sana ako nagpantasya. Di na sana ako bumalik sa nakaraan. Hindi na sana ako nasasaktan. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ito.
Naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa kamay niya at sa tiklado ng piano pero wala siyang pakialam. Patuloy lang siya sa pagtugtog. Gusto niyang ilabas ang tunay niyang nararamdaman. She was broken inside and out. At wala ibang pwedeng magbigay ng comfort sa kanya kundi ang musika lang. Wasak na wasak na ang puso niya.
“Maki… anong nangyayari sa iyo?” narinig niya ang tanong ni Robert na may pag-aalala sa boses.
Nang iangat niya ang tingin ay di lang ang nagtatakang anyo sa mukha nito ang nakita niya. Nang tumingin siya sa mga tao sa dance floor ay tumigil na sa pagsasayaw ang mga ito. Nakatingin na lang din ang mga ito sa kanya na pawang nagtataka.
“Teacher Maki, anong problema?” narinig niyang tanong ni Hannah. “Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?”
Saka niya na-realize na nakatingin sa kanya ang lahat ng mga tao na parang naguguluhan. Then she checked herself. She was crying infront of those people. She bared her heart for everyone to see. Ano bang ginagawa niya? Ano bang dapat niyang ipaliwanag sa mga ito? Na umiiyak siya dahil sinayaw ng lalaking mahal niya ang dapat ay wedding waltz niya noon kasama ang ibang babae? Na nasasaktan pa rin siya dahil mahal niya ito. Na kahit sinabi niyang magmo-move on na siya ay di pa rin niya nagawa?
Paano ba niya lulusutan ang kahihiyang ito? Kahit na di naman siya magsalita kung bakit siya umiiyak ay nakakahiya pa rin ang sitwasyon niya. Gumawa siya ng eksena sa isang napakalaking okasyon. Hindi niya alam kung anong mukhang ihaharap niya sa mga tao.
Akala ko ay kaya kong hawakan ang emosyon ko pagdating sa iyo. Pero isang musika lang ang kailangan at nakalimutan ko nang kontrolin ang nararamdaman ko. Isang beses mo lang isinayaw ang ibang babae at nawasak ulit ang mundo ko. Isang himala pa nga na hindi siya nagbe-breakdown at humahagulgol ng iyak habang kausap ito.
“But you are still good. Maybe better than ever.”
“I am a failure. Hindi mo na kailangan pang maging mabait sa akin. Alam ko kung ano ako.” Kinawayan siya ni Robert. “Aalis na kami.”
“Hindi ka ba niya sinasaktan? Hindi ka ba umiiyak dahil sa kanya?”
Huminga siya ng malalim at saka hinarap ito. “Not that it is any of your business,” pabulong niyang tanong. “Kung may isang tao sigurong hindi magpapaiyak sa akin, si Robert iyon. Okay man kami o hindi, I am just a stranger, remember? Wala na iyon sa iyo.”
“Yeah, right! Why would I even bother?” mahinang angil nito. “Go!”
Matiim ang labi niyang nagtungo sa naghihintay na jeep at inalalayang sumakay ang mga estudyante niya. Hindi na niya nagawang ngumiti dahil doon hanggang makasakay siya ng jeep. Hindi niya maiwasang malungkot na pagmasdan si Benedikt habang kumakaway sa mga bata at katabi si Hannah na nakatayo sa harapan ng resort.
“Kaya ka ba umiyak dahil naaalala mo ang lalaking minsan mong minahal? Ang nanakit sa iyo? Iniwan ka ba niya?” tanong ni Robert sa kanya.
Gulat niya itong nilingon. Wala itong alam sa love life niya. Hindi niya nagkukwento. Wala siyang ibang sinasabihan dahil gusto niyang ibaon na lang sa limot ang nakaraan gaya ng tunay niyang pagkatao. Pero matapos ang nangyari kanina, mahirap itago ang tunay niyang nararamdaman lalo na kay Robert.
Umiling siya. “Hindi. Ako ang nanakit at nang-iwan sa kanya. At alam ko na iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko sa buhay ko.”
“Mahal mo pa rin siya?”
Iniwas niya ang tingin. “Walang mababago doon.”
“Bakit hindi mo siya balikan?”
Nakita niya habang palabas ng gate ng resort na hawak pa ni Benedikt ang siko ni Hannah habang pabalik ang mga ito sa mga bisita sa resort. “May mahal na siyang iba. Wala na akong babalikan.”
Nagpasalamat siya nang hindi na sumagot si Robert o ipinilit na naman ang pagmamahal nito. Ngayon siguro ay nauunawaan na nito kung bakit hindi niya matanggap ang pag-ibig nito. Ipinikit niya ang mga mata. Loving Benedikt was a curse. She was cursed.