Dumilim ang mukha ni Benedikt nang magpakilala si Maki. Na parang siya ang pinakahuling tao na gusto nitong makita. “What are you doing here?” he asked in an unwelcoming voice. “At bakit ganyan ang itsura mo?”
Binasa niya ang pang-ibabang labi at sinulyapan si Patty. Mukhang di rin nito alam kung anong isasagot. “Mabuti pa ikuha ko muna kayo ng kape, sister. Este Miss Maki pala.” At nagtungo ang babae sa pantry na nasa loob din ng suite pero kahit paano ay may privacy naman silang dalawa si Benedikt.
Hinayaan na niya ang sarili na lumapit dito at umupo sa tabi ng kaba. Parang piniga ang puso niya dahil parang namumutla pa ito. Hindi naman biro ang tamaan ng malaking bato sa ulo. Hinawakan niya ang kamay nito. “Are you okay? Masakit pa ba ang ulo mo?”
Tiningnan siya nito sa malamig na mga mata at tiningnan ang kamay niyang nakapatong sa kamay nito. Hindi na nito kailangan pang hawiin ang kamay niya dahil kusa na niyang tinanggal iyon. “I am fine. Sabi sa mga test sa akin ay matigas ang bungo ko.”
“Pero ang sugat mo...”
“It will heal. Pwede na nga akong makalabas bukas.”
“Good. Mabuti naman hindi masyadong matindi ang injury mo.”
Matapos iyon ay namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Anong susunod na sasabihin niya dito? He was okay now… according to him. Isa pa ay nakakailang ang titig nito sa kanya dahilan para kabahan siya. He was devouring her with his dark eyes as if he wanted to eat her alive. Parang hinahaplos nito ang balat niya kahit na di naman sila magkalapit. Hindi tuloy siya makahinga. No. He hates your presence here. He doesn’t desire you. You are in a nun’s habit. Come on. Don’t even go there.
Inikot niya ang mata sa paligid para makaiwas siya sa nakakailang na titig nito. Dumako ang tingin niya sa mga prutas na nakalagay sa bowl. "M-May gusto ka bang kainin? Gusto mo ng prutas? Pwede kitang ipagbalat ng orange o subuan ng ubas," alok niya at nilapitan ang basket. Kahit na naiilang siya ay gusto rin naman niyang alagaan ito. Kahit sandali lang. Kailangan din naman niya ng oras para makapag-isip kung paano sasabihin dito na nasa kulungan ang nanay niya at kailangan niya ang tulong nito para mapalaya ang kanyang ina.
"Maki, you don't have to do anything for me,” narinig niyang sabi ni Benedikt dahilan para mapatuwid siya ng tayo.
Nilingon niya ito. “Pero…”
“I am okay now,” anito sa malumanay na boses. “Kung may kailangan ako, nariyan naman si Patty. Mas mabuting umuwi ka na. Baka mag-alala pa ang nanay mo sa iyo. Alam ba niyang pinuntahan mo ako dito?"
Marahan siyang umiling. "No."
Even his eyes were not so hard now. "Wala kang obligasyong kahit ano sa akin. You don't even have to worry about me. Just go home to your mother."
Nanuyo ang lalamunan niya. Concern ito sa kanya. Pwede na siguro niyang sabihin dito ang tungkol sa nanay niya. Ito na siguro ang magandang pagkakataon.
"E, Sir, nakakulong nga po ang nanay ni Ma’am Maki ngayon," singit ni Patty na may dalang kape.
Bakas ang pagkagulat sa mukha ng binata. "Bakit? Anong nangyari?"
"Hindi ba nga pinuno ng rally ang nanay ni Ma'am Maki. Gusto nilang pangalagaan itong isla para di tayuan ng airport. Nang tamaan po kayo ng bato kanina, nagkagulo sa rally at hinuli po ang mga raliyista. Kasama po doon ang nanay ni Miss Maki,” tuloy-tuloy na kwento ni Patty na akala mo ay nakikipag-tsismisan lang. Ni hindi nito napansin ang nagbababalang tingin niya dito.
Napapikit ng mariin si Maki. Patty and her big mouth. Pinaghahandaan niya ang isa pang dahilan kung bakit naroon siya at tungkol sa pagkakakulong ng nanay niya. She wanted to handle it with more tact and finesse. Ano pa nga bang magagawa niya ngayong naihulog na ni Patty ang bomba?
Naniningkit ang mga mata ni Benedikt habang nakatitig sa kanya. There was no gentleness there anymore. “Kung ganoon, di ka nagpunta dito dahil nag-aalala ka sa akin. You are here to plead your mother’s case, right?”
Malamig ang boses nito. Sa sobrang lamig ay parang gumuguhit iyon sa gulugod niya. He was definitely disappointed. “H-Hindi lang naman tungkol kay Nanay kaya ako nandito. G-Gusto ko talagang malaman kung okay ka lang…”
Iwinaksi ni Benedikt ang kamay. “Come on! Stop sugar coating it, Maki. Kaya siguro naka-disguise ka para makarating dito. You are banned to see me, right?”
Hindi siya halos humihinga habang naririnig ang matatalim nitong salita. Pinilipit ni Maki ang mga kamay. “Benedikt, alam mo naman ang nangyari sa pamilya namin, hindi ba? Sampung taong nakulong si Nanay sa kasalanang hindi niya ginawa. A-Ayoko nang makita siya sa ulit sa kulungan. Masakit sa akin iyon.”
Tiningnan siya nito sa malamig na mga mata. “Maki, walang problema kung maayos at mapayapa ang ginawa nilang protesta kanina. The government welcomes freedom of expression. Pero ibang usapan na kapag may nasaktan na. Nakita mo naman ang nangyari sa akin, hindi ba? Maswerte ako dahil di malala ang injury ko. Pero paano kung may iba pang nasaktan? Paano kung mas malala pa? Hindi ba unfair naman sa nasaktan? Hindi na tama ang pananakit ng ibang tao. Kung anumang planong isampa na kaso ni Governor sa grupo ng nanay mo, I don’t think there is anything I can do about it.”
“Hindi mo ba naisip na inosente sila? Hindi mo ba naisip na baka hindi naman talaga sila ang nanggulo sa rally?” tanong niya.
He pinned her with his sharp eyes. He won’t easily budge. “Inosente? Really?”
“Nakulong ang nanay ko pero di siya masamang tao. At kilala mo ako. Hindi ako papayag na may masaktang iba.”
Tinitigan siya nito nang direkta sa mata kasabay ng pag-angat ng gilid ng labi nito. “I am not sure about that. Matagal na panahon na tayong di nagkita. Hindi na kita kilala at hindi mo na rin ako kilala.”
“Pero kilala ko ang nanay ko. Hindi niya magagawa ang ibinibintang sa kanya.”
“Kung hindi sila ang namato sa akin, sino?”
“May nakuhanan ang isang reporter na kumuha ng footage sa rally. Nakuhanan niya na sa ibang direksyon nanggaling ang bato. Hindi sa mga raliyista nanggaling iyon kundi sa isang bakod di kalayuan doon. Ilalabas iyon bukas para sa follow-up report ng balita ng nangyari sa inyo. Nakilala na isa sa mga loyalist ni Governor Marasigan ang bumato sa iyo.”