Nagsalubong ang kilay ni Benedikt. “We are not sure about that. Paano kung sabi lang iyon ng mga kalaban ni Governor para ipitin siya? And why would he intentionally hurt his people or risk his daughter’s own life?”
Nakuyom niya ang palad. “Politics. O hindi ka ba aware doon? May mga taong gagawin iyon para lang magawa ang gusto nila. Kung nagawa na dayain ang environmental assessment ng La Reina para aprubahan ang proposal ng airport, kayang-kaya din niya ang kahit ano pati ang ilagay sa alanganin ang buhay ng malalapit sa kanya.”
“And your basis for that accusation?” tanong ni Benedikt at humalukipkip.
Inilabas niya mula sa bag ang kopya ng environmental assessment. “Here’s the report from Nature’s Keeper. They are a credible environmental group. Hindi katulad ng ibang grupo na biglang nagbago ang assessment nila matapos i-pressure ni Governor.”
Wala siyang nakitang interes sa anyo nito nang basahin ang report. “Ito ang ipinasa ng grupo ng nanay mo para sa restraining order ng La Reina International Airport.”
“Yes,” humihingal niyang sagot.
Isinara nito ang folder. “Hindi pa rin ito sapat na dahilan para sirain ang pangalan ni Governor o linisin ang pangalan ng grupo ng nanay mo.”
Nangilid ang luha niya nang maalala ang kondisyon ng nanay niya at ng mga kasamahan nito. “Sana nakita mo kung ano ang itsura ng grupo ni Nanay. Mga taong ikinulong nila nang walang kalaban-laban.” Inilabas niya ang cellphone at ipinakita dito ang kuha niya sa mga grupo ng nanay niya. “Here. Look at them. Ito ba ang mga taong may kakayahang manakit ng ibang tao? Matapos kang tamaan, napalibutan ka na ng mga bodyguard ni Governor at sila naman ang inatake ng mga pulis at security. Wala naman silang sandata para depensahan man lang ang sarili nila. Bruised and wounded and now in jail. Ganyang klaseng tao ba ang mananakit ng ibang mga tao? Mabuti nga ikaw idinala sa magandang ospital na ito at nasa private suite ka pa habang buhay prinsipe. Habang sila ay di man lang binigyan ng medical attention nang ikulong. Kundi pa ako dumating ay baka walang mag-aasikaso sa kanila. Yes, maaring nasaktan ka. But look at them. Mga ordinaryong tao lang sila. May matandang babae pa na kasama ang nanay ko na ang gusto lang naman ay ipaglaban ang karapatan niya sa lupa para sa mga apo niyang maliliit. Oras na paalisin siya sa bahay niya na tatamaan ng bagong plano ng airport para paboran ang La Reina Resort, wala na silang tutuluyan ng mga apo niya na mag-isa niyang binubuhay. At ngayon ay nakakulong siya. Ganyang uri ba ng tao ang gusto mong ikulong? Di lang nila ipinaglalaban ang karapatan nila. Inosente din sila.”
“Opo nga, Sir Benedikt. Nakita ko rin na hindi sa grupo nila nanggaling ang bato. Nakita ko rin kung paanong sinubukan nilang depensahan ang sarili nila sa ibang pulis at malulupit na security ni Governor Marasigan,” naiiling na sabi ni Patty. “Grabe talaga.”
“Nakita mo rin ang nangyari at hindi mo sinabi sa akin?” tanong ni Benedikt na parang nainis pa dahil noon lang nagsalita ang sekretarya nito.
“Sa palagay ko naman po hindi kayo makikinig,” anang babae at napalunok. “Saka lagi pong nandiyan si Miss Hannah at si Governor. E baka ako naman ang ipagulpi niya sa mga tauhan niya. Sayang naman ang ganda ko, Sir. Mawawalan kayo ng magandang sekretarya.”
Nagtagis ang bagang ni Benedikt at iwinaksi ang kamay. “Leave us, Patty. Dalhan mo ng kape ang mga guwardiya sa labas at huwag kang papasok hangga’t di kita ipinapatawag.”
“Y-Yes, Sir,” anang si Patty at nagkukumahog na inilabas ang percolator ng kape at mga tasa para dulutan ang mga guwardiya.
Pinagsalikop ni Maki ang mga kamay. Silang dalawa na lang nila Benedikt ngayon. Hindi niya alam kung bakit sa halip na gumaan ang pakiramdam niya ay natatakot siya. Benedikt was looking at her as if he was sleek jungle cat and she was his prey. “Take a seat, Maki. I won’t bite,” then he flashed his white teeth, making him look more sinister, “yet.”
Nanuyo ang lalamunan niya at napalunok. She had never seen Benedikt this way. This man was dangerous. Pero dahil binibigyan siya nito ng pagkakataon na makausap ito ay napilitan siyang umupo sa upuan sa tabi ng kama. Inilagay lang niya ang mga kamay sa kandungan. Malakas ang kaba ng dibdib niya habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin.
“Maki, alam mo na kahit na inosente pa ang grupo ng nanay mo, itutuloy pa rin ni Governor Marasigan ang kaso. Ikaw na rin ang nagsabi na pulitika ang lahat ng ito.”
“Pero pwede mo siyang pakiusapan lalo na si Miss Hannah. Hindi ka niya matatanggihan,” apela niya. “At alam ko na hindi kakayanin ng konsensiya mo na may makukulong na mga tao kahit na wala silang kasalanan. So please, huwag na kayong magsampa ng kaso.”
Nagkibit-balikat ito. “It is not that simple.”
Hinawakan niya ang braso nito. “Kahit ano ay handa akong gawin para matiyak lang na tuluyan nang hindi babalik sa kulungan ang nanay ko.”
Tumaas ang kilay nito. “Kahit ano?”
Tumango siya. “Kahit na ano.”
Hinawakan nito ang ilang hibla ng mahabang buhok niya at pinaikot sa daliri nito. “What if I want something in return for this favor?”
Bumilis ang tibok ng puso niya nang salubungin niya ang mainit nitong mga mata. There goes his smouldering gaze again. “Anong gusto mo?” tanong niya subalit bago pa niya iyon lumabas sa bibig ay parang alam na niya ang sagot.
“What if I want you to be my slave? You will do my every bidding, anytime, anywhere.”
“I… I think I can do that.”
His lips curled into a mock. Hinaplos nito ang braso niya dahilan para magtayuan ang mga balahibo niya. It was torture on her part. “How about I turn you into my slave for two weeks?” Hinatak nito ang braso niya at nawalan siya ng balanse. Mabilis niyang itinukod ang palad sa dibdib nito para hindi siya nito madaganan. Nakita na lang niya na ilang pulgada ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. “You will be exclusively mine to do whatever I please… and you will grant me any favors that I want. Including sexual favors if I want to.”
“S-Sexual favors?”
Tinalunton ng daliri nito ang kurba ng labi niya. “Yes. My fairy, I want you to be my slave. Sex slave, if it pleases me.”