Natigagal si Maki habang pinagmamasdan ang sensual na kislap sa mga mata ni Benedikt habang nakatingin ito sa mga labi niya. Hindi niya alam kung ano ang mas nakapagpayanig sa kanya – ang alok nitong gawin siyang sex slave nito kapalit ng hindi pagpigil nito sa pagsasampa ng kaso sa nanay niya at sa mga kasamahan nito o ang pamilyar na sensasyong gumagapang sa buong katawan niya sa paghaplos sa labi niya.
Do his every bidding? A sex slave?
Isang bahagi niya ang nagsasabi na kahit di nito sabihin ay handa siyang gawin ang lahat ng gusto nito. He already owned her. Ito lang ang lalaking kayang bumuhay sa nahihimbing niyang damdamin. Wala siyang kakayahang makaramdam ng atraksyon at pagmamahal sa ibang lalaki – kay Benedikt lang.
But the logical side of her protested. Sino ba ang lalaking ito? Hindi ito ang Benedikt na kilala niya. This predatory and dangerous man was not the mad she loved. Hindi kailangan ni Benedikt na humingi ng sexual favor bilang kapalit sa pagtulong nito sa isang taong nangangailangan. Her heart couldn’t accept that.
“N-No! You can’t possibly want that,” usal ni Maki at umiling. “Hindi mo ako gusto.”
“Sino naman ang nagsabi na hindi kita gusto?”
“I-Ikaw?” patanong niyang sagot. Di siya sigurado kung may nasabi ito na di na siya nito gusto pero sinabi nito na di na siya nito mahal. Parang ganoon na rin iyon.
“Sinabi ko na hindi kita mahal. Hindi ko sinabing hindi na kita gusto. I can be attracted to you. I don’t have to be in love with you to do so. And you can’t deny that you are attracted to me, Maki. We still have that undeniable pull. If only you are not wearing a nun’s habit, I can easily prove how sexually compatible we still are. That one night with you was not enough. I still crave for you.”
Noooo! Hindi lang ako attracted sa iyo. Mahal pa rin kita, Benedikt. Gagawin ko ang lahat para kahit anong hingin mo dahil mahal kita. Magkaiba iyon.
Hindi niya alam kung dapat siyang masiyahan na may nararamdaman pa rin ito sa kanya. But what a downgrade. Dati ay sa kanya umiikot ang mundo nito. He would willingly worship the ground she walked on. Pero ngayon ay atraksiyon na lang ang nararamdaman nito sa kanya. Something as base as LUST. Enough for him to offer to have her as his sex slave.
Sex slave. It left a bad taste to her mouth. Ganoon ba siyang klaseng babae?
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig at itinulak ang dibdib nito para makalayo siya dito. “No, Benedikt! Hindi ako papayag sa gusto mo.” Nang makatayo nang tuwid ay humakbang siya palayo sa kama. Palayo dito. “How dare you! I am a teacher.”
Ngumisi lang ito na parang di man lang nag-aalala sa pagka-eskandalo niya. “So? Don’t tell me that a teacher doesn’t have sexual needs. Unless…”
“Don’t even think about it,” aniya at dinuro ito. “Ikaw lang ang naging boyfriend ko at ikaw lang ang…” Hindi na niya naituloy ang sasabihin. That statement was enough to tell him that he was her only lover. Drat! Pakiramdam niya ay ipinapakita niya dito ang lahat ng kahinaan niya. Wala siyang maipanlalaban dito sa aspetong iyon.
His lips formed an O-shape. Pero mukhang mas tinutuya siya nito dahil nalaman nito ang sekreto niya kaysa sa nagulat ito na malaman iyon.
“Ibig sabihin hindi mo talaga boyfriend ang teacher na iyon?”
Bumuntong-hininga siya kasabay ng pagbagsak ng balikat niya. “Sinabi lang iyon ni Miss Hannah para itaboy ang mga lalaking dumidikit sa akin noong opening ng resort. Pero di ibig sabihin ay papayag ako sa gusto mo. Hindi ako papayag na tratuhin mong mumurahing babae.”
“Ibig sabihin papayag ka sa gusto ko kundi mo lang kailangan na palayain ang nanay mo bilang kapalit?” tanong nito.
“I might,” aniyang di nagtangkang magkaila. Hindi na kailangan iyon. Pagdating sa damdamin niya ay mahirap magtago kay Benedikt. He was her weakness. “Ano nangyari sa iyo, Benedikt? Hindi ka ganyang klaseng lalaki. You won’t stoop so low just to get what you want.”
“Gaya nga ng sinabi ko, matagal tayong hindi nagkita. Hindi mo na ako kilala. Marami nang nagbago, Maki. Hindi na ako ang maunawaing boyfriend mo. Hindi na rin ako ang lalaking sa sobrang hina sa pagmamahal sa iyo ay naniwalang di mo ako iiwan mo ako sa altar.”
Sa kabila ng sama ng loob nito sa kanya, hindi siya naniniwala na tatratuhin siya nitong mababang klase ng babae o kaya ay ginagantihan siya nito. “O baka naman paraan mo lang iyan para sabihin sa akin na wala ka talagang plano na tulungan ako para hindi na sampahan ng kaso ang grupo nila Nanay?”
Nawala na ang pagiging mapanukso nito. He returned to being a hard and cold man. “Hindi kita aalukin kung hindi ko kayang gawin ang ipinangako ko. Ikaw mismo ang nagsabi na kaya kong kumbisihin si Hannah at si Governor Marasigan. And I am not Mr. Nice Guy anymore. I want some sort of reward for my efforts. And I want you.”
Nayanig ang mundo niya. Mukhang seryoso talaga ito. He wants me. He wants me. Pwede ko pa siyang makasama sa loob ng dalawang linggo. Kaming dalawa lang.
Kukunin na ba niya ang pagkakataong ito para makasama ang lalaking mahal niya kahit na isuko niya ang pride niya at respeto sa sarili niya? Magiging ganoon ba siya kahangal para sa pagmamahal nito?
Kinuyom niya ang palad. She didn’t know if it was some sort of test or revenge. Pero kung tatanggapin niya ang alok nito, ano na lang ang natira sa kanya.
“Hindi ko alam kung anong klaseng babae ang tingin mo sa akin pero hindi ako magpapakababa para sa iyo, Benedikt,” aniya at inayos ang belo sa ulo niya. “Maraming salamat na lang sa oras mo, Mr. Valenciaga. I hope you will get well soon.”
“You really won’t do it even for your mother? And here I thought that you are willing to do everything for her. Everything.”
Nahigit niya ang hininga nang maalala ang ina. Higit sa lahat ay nandito siya para sa nanay niya. Mahigpit niyang hinawakan ang strap ng bag niya at nilingon ulit ito. Naghahamon ang mga mata nito. Her mother means the world to her. At alam iyon ni Benedikt. She could hear the clock ticking inside her head. Kailangan niyang ibigay ang sagot dito. Oras na mali ang ibigay niyang sagot, parang binigo na rin niya ang nanay niya. Pero kaya ba niyang tanggapin ang kapalit?
“Palayain mo muna ang nanay ko. Do that then we’ll talk. Goodbye, Mr. Valenciaga.”
“See you soon, sweetheart. Reserve your semester break for me,” he said in a sexy drawl.
Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Maki hanggang makalabas siya ng pinto. She did it. Hindi man direkta ay tinanggap niya ang alok nito. Buong sem break niya ay sa kanya ito – sa loob ng dalawang linggo. Itinapon niya ang pride niya para makasama si Benedikt. I did it for my mother. I did it for my mother.
But a part of her was telling her that she did it because she still wanted to be with Benedikt. No matter how wrong, she still wanted to be with him. She still wanted him. And she couldn’t resist him. She just couldn’t.
Humihingal pa siya nang maisara ang pinto sa likuran niya at parang nagulat pa si Patty pati na rin ang dalawang security na masayang nagkukwentuhan nang makita siya. “M-Ma’am! I mean, sister! T-Tapos na ba kayong mag-usap ni S-Sir Benedikt?”
Huminga muna siya ng malalim bago tumango. “O-Oo. S-Sa palagay ko ay matatahimik na siya kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon,” aniya at mabilis na in-assume ang madre persona niya kahit na nagwawala pa rin ang puso niya.
Siya naman ang hindi matatahimik ngayon. Ano ba ang napasukan niya? Paano kung sa huli ay di pa rin siya nito tinulungan sa nanay niya? Parang ginawa lang siya nitong katatawanan. Paano kung bukas ay makalaya nga ang nanay niya at di na masampahan ng kaso? Napalunok siya. Then she would his. Kaya ba niyang ibigay ang sarili sa lalaking mahal niya pero mababa ang tingin sa kanya?
“Ihahatid ko lang si Sister sa labas,” sabi ni Patty at kumapit sa braso niya.
“Ako na lang ang maghahatid kay Sister,” sabi ng security na si Pogi.
“Hindi na. Ako na lang.” At dali-dali siyang hinila ni Patty bago pa mamilit ang security na maghatid sa kanya. “Naku! Type ka pa ata ni Pogi. Tanong nang tanong tungkol sa iyo. Kung pwede ka pa daw umalis sa pagmamadre. Hmp! Sabi ko naman kami na lang e. Ano nga palang nangyari sa pag-uusap ninyo ni Sir Benedikt? Pumayag daw ba siya na tulungan ka?”
“H-Hindi pa niya alam. Pag-iisipan pa daw niya,” sabi na lang niya at yumuko.
“Siyempre ikino-consider din niya ang nararamdaman ni Miss Hannah.”
Parang minartilyo ang puso niya nang mabanggit ang pangalan ni Hannah. Si Hannah na ang babaeng pinili ni Benedikt ngayon. Si Hannah na ang babaeng nirerespeto nito.
At makumbinsi man nito si Hannah at ang gobernador na huwag nang sampahan ng kaso ang nanay niya, hindi na niya kayang pantayan si Hannah sa puso nito. She would be just his toy… his to use and humiliate.
I will just cross the bridge when I get there. If I can get there.