Pakiramdam ni Amira ay bagong tao siya nang sa wakas ay makaligo siya. Kinuskos talaga niyang mabuti ang buhok at ang balat niya. Tatlong beses ata siyang nag-shampoo at tatlong beses din siyang nagsabon. Ngayon lang siya nag-enjoy nang todo sa paliligo. Hindi tuloy niya alam kung gaano na siya katagal sa loob ng banyo.
Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa bahay na siya ngayon ni Benedikt. She used to come here as his girlfriend. Sa lugar na iyon ay walang nakikialam sa kilos nilang dalawa. Kahit na maghapon lang silang magkasama ay masaya sila. Marami silang masasayang alaala doon at masaya siya dhail wala halos nagbago sa bahay. Maging ang banyo ay sinauna pa rin. May linya na ng tubig pero gripo lang ang gamit at walang shower. Ayon sa ama nito ay mas gusto daw nitong panatilihin ang bahay sa dating kondisyon. Na parang nagpapaalala daw dito na kahit simple lang ang buhay ay masaya naman ang mga ito.
Magugustuhan kaya ni Hannah ang bahay na ito kapag idinala siya dito ni Benedikt? Maa-appreciate kaya niya ang simpleng background ng ninuno ni Benedikt?
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makarinig ng yabag sa labas. Baka kailangang gumamit ng banyo ni Manang Lucing. Nag-iisa lang ang banyong iyon sa bahay. Sobra na ang pagbababad niya doon.
Suot ang dress na baon niya at nakaturban ng tuwalya ang buhok ay lumabas siya ng banyo. Naestatwa siya nang makitang si Benedikt ang nakatayo sa labas ng banyo. Gaya niya ay natigilan din ito. Ilang beses itong kumurap habang nakatunghay sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala na nakatayo siya sa harap nito.
Habang nasa harap naman niya ay hindi ang Benedikt Valenciaga na isang sikat na businessman sa construction world. He was wearing a simple gray T-shirt and worn out maong cut-off pants. Bago iyon sa kanya dahil mukhang ordinaryong probinsiyano lang ito. Di gaya dati na laging naka-business suit ito o kaya ay long sleeve at slacks. Magulo ang buhok nito na animo’y binulabog ng hangin. It made him look more human. Even the bewildered look on his face was priceless. Na parang ang presensiya niya doon ang pinakamalaking sorpresa buhay nito.
“H-Hi, Benedikt,” bati niya dito at ngumiti. “Dumating ka na lang.”
Naghintay siya na makita itong muli sa loob ng dalawang linggo. She had been anticipating this moment. And she was glad to see him. Kung hindi nga lang niya napigilan ang sarili ay baka niyakap niya ito.
Nagpasalamat na lang siya na inalok siya ni Manang Lucing na maligo muna bago dumating si Benedikt kung hindi ay mas nakakailang kapag nagharap sila ngayon. At least mukha na siyang fresh at mabango ngayon. Di tulad kanina na mukha siyang sabukot.
Nakita niya ang mabilis na pagdilim ng mukha nito. “What are you doing here?” he asked in a seething voice. “Mahigpit ang bilin ko kay Manang Lucing na huwag magpapapasok dito ng kung sinu-sino.”
Napalunok siya dahil di niya inaasahan ang ganoong welcome mula dito. Para sa isang lalaking inalok siya bilang sex slave nito, parang hindi ito masaya. “Mukhang para sa kanya ay hindi ako kung sinu-sino lang. She knows me. And I thought you want me here.”
“Kailan at saan ko sinabi iyon?” tanong niya at namaywang. “Ang alam ni Patty ay mahigpit ang bilin ko na gusto kong mapag-isa dito. Walang ibang manggugulo sa akin. You are not invited here, Maki.”
Itinaas niya ang noo niya at matapang na sinalubong ang mga mata nito. Kung makapagsalita ito ay parang ipinipilit niya ang sarili niya dito kaya niya ito sinundan doon. “As far as I can remember, you demanded two weeks of my time, my vacation time, in exchange of my mother’s freedom. O baka naman may epekto ang pagkakatama ng bato sa ulo mo kaya nakalimutan mo na ang tungkol sa usapan natin?”
Mahigpit nitong hinawakan ang braso niya at hinila siya palabas ng bahay. Makulimlim ang dilaw na bumbilya sa labas pero nababanaag pa rin niya ang iritasyon sa mukha nito. “Are you crazy? Ibig sabihin pumapayag ka sa kondisyon ko?”
“Yes. Sabi ko sa iyo tulungan mo akong di na maisampa ang kaso kay Nanay at gagawin ko ang lahat ng gusto mo. You want me as your sex slave for two weeks?” Ibinuka niya ang mga kamay. “My mother is free so here I am.”
He snorted in disgust. “I can’t believe this. Pabababain mo ang sarili mo? I thought you don’t want to be a lowly woman? Teacher ka, Maki. Sabi mo nga di mo sisirain ang sarili mo. You have too much pride for that.”
“At may word of honor din ako,” aniya at itinaas ang noo. “Sinabi ko na gusto palayain mo lang ang nanay ko at susundin ko ang gusto mo. Alam ko kung anong salita ang binatiwan ko.”
Ngumisi ito. “Strong words for the girl who promised me forever then suddenly ran away when all I wanted was to make an honest woman out of her.”
“That’s a low blow, Benedikt. Hindi mo pwedeng ibatay ang tingin mo sa akin sa isang bagay na ginawa ko walong taon na ang nakakaraan. You tried to marry a lost girl then. Hindi na ako bata, Benedikt. I am a woman now and I am all yours.” At ibinuka niya ang mga bisig na parang nagsasabing handa na siyang anumang gusto nito sa kanya.
Hindi rin siya makapaniwala na ginagawa niya ito. Parang siya pa ang nagsisiksik sa sarili niya dito. Pero alam niya kung gaano kahalaga ang salitang binitiwan niya. At kung gaano kahalaga ang dadating na dalawang linggo para sa kanya. Gusto niyang makasama ang lalaking mahal niya kahit na dalawang linggo lang.
“I am relieving you of that deal, Maki. Hindi mo na kailangang gawin kung ano ang napag-usapan natin noon. Ang gusto ko lang ay mapag-isa at katahimikin sa loob ng dalawang linggo. Kaya mabuti nang umalis ka na dito. Umuwi ka na.”
Napanganga si Maki. “G-Gusto mo nang umuwi ako? Ngayon na?”
Tumuro ito sa direksyon ng gate. “Yes. I want you to leave now.”
Parang sasabog ang ulo ni Maki. Ganoon-ganoon lang ay gusto na siya nitong paalisin? Pagod siya sa biyahe at gutom na gutom kaya pakiramdam niya ay wala siyang lakas na makipaglaban dito. Mukhang desidido ang binata na paalisin talaga siya. At nang mga oras na iyon, pakiramdam niya ay gulping-gulpi ang puso niya. Nagsikap siyang pumunta doon dahil akala niya ay gusto siya nitong makasama. Tapos ay parang sinampal siya nito dahil halos ipinagtatabuyan siya nito.
Malungkot niyang tiningnan ang madilim na kalsada sa labas. Puro malalaking puno na ang labas at walang dumadaang mga tricycle man lang na maghahatid sa kanya sa bayan. Sa itsura ni Benedikt ngayon na naaalibadbaran sa presensiya niya ay mukhang wala itong balak na ihatid man lang siya.
“Seryoso ba iyan?” tanong niya. “Paaalisin mo ako dito?”
“Yes. You are unwanted here. Ayokong nandito ka,” mariin nitong sabi at pinakatitigan siya nang mariin. “I want you out of this island soon.”
Muli niyang ibinalik ang tingin sa madilim na kalsada at niyakap ang sarili. “P-Pero nakakatakot sa labas. Saan naman ako tutuloy?”
“May mga homestay dito. There is one near the church.”
“P-Pero madilim sa labas. Baka mamaya may humatak na lang sa akin sa labas at…”
“Mababait ang mga tao dito sa Bohol. Walang mananakit sa iyo.”
Bumagsak ang balikat niya. Parang wala na itong pakialam sa kanya. He just wanted her out of his hair. Awang-awa siya sa sarili nang mga oras na iyon. Matapos niyang itapon ang pride niya at nagsinungaling pa siya sa mga tao para lang makasama ito, ganoon lang kadali para dito na ipagtabuyan.
Maybe this was his revenge. Gusto nitong magmukha siyang tanga. Gusto nitong makita kung hanggang siya nito mapapasunod sa gusto. At kung kailan mukha siyang aso na susunud-sunod dito ay saka naman nito ipapakita sa kanya kung gaano siya kawalang kwenta para dito.
Naghalo-halo na ang pagod at ang gutom niya pati na rin ang awa sa sarili. Yumuko na lang siya at naramdaman ang pangingilid ng luha niya. “Ang lupit mo naman, Benedikt.” Kahit konting humanity ay di man lang siya nito maambunan.
Narinig niya ang paghingit nito ng hininga kasunod ng malumanay na pagtawag nito sa pangalan niya. It was so gentle and soft as if it was a lover’s caress. Iyon ang boses ni Benedikt kapag nag-aalala ito sa kanya o kaya ay gusto siya nitong i-comfort kapag nasasaktan.
Inangat niya ang mukha para makita kung may pag-aalala nga sa mga mata nito subalit biglang nagsalita si Manang Lucing. Doon na pumaling ang tingin ni Benedikt kaya di na niya nakita ang ekspresyon nito. “Senyorito, Ma’am Maki, nakahanda na po ang hapunan ninyo. Sa loob na po kayo magkwentuhan. Tiyak na gutom na gutom si Ma’am Maki dahil kanina pa siya hindi kumakain. Gusto daw po niya kayong makasabay maghapunan.” At saka pumasok na ulit sa loob ang matandang babae.
Gulat siyang nilingon ni Benedikt. “Hindi ka pa kumakain? Anong oras ka pa huling kumain?”
Nagkibit-balikat lang si Maki at iniwas ang tingin dito para di nito makita ang nagluluha niyang mata. “Kaninang umaga. Hindi naman ako halos makakain sa terminal at sa biyahe. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa ferry at sa fast craft.”
Isama pa na kapag excited siya o ninenerbiyos ay hindi siya nakakakain. At dahil ina-anticipate nila ang pagkikita nila ni Benedikt – nasasabik at kinakabahan – ay nalipasan na siya ng gutom. E ano nga ba naman ang pakialam nito sa kanya?