“Problema ko na iyon kung wala akong maisuot. Anong karapatan mo na pakialaman ang mga damit ko? You are abusing your stay here.” Ito naman ang humaklit sa braso niya at kinaladkad siya pabalik ng bahay. “Wala kang karapatan na hawakan ang mga damit ko…”
“Uy! Maayos naman akong maglaba,” katwira niya. “Kahit na isa-isahin mo pa ang mga damit na nalabhan ko na.”
“Hindi mo ba talaga ako tatantanan?” angil nito at lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Pakiramdam niya kapag pinilit niyang kumawala ay mababali ang buto niya. “Ayokong nandito ka. Gusto kong mawala ka na dito sa bahay ko at sa buhay ko. Ano ba sa Tagalog ko ang hindi mo maintindihan o talagang di ka makaintindi?”
“Hindi ako pwedeng umalis, Benedikt. Nangako ako sa iyo. May usapan tayo.”
“Nangako ka na ano? Na oras na palayain ko ang nanay mo magiging sex slave kita?” Isinandal siya nito sa kahoy na dingding at idinikit ang katawan sa kanya. Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang init ng katawan nito. Inilapit nito ang mukha sa kanya at naramdaman niya ang init ng mukha nito sa balat. His eyes were intense, merciless and mad, but she felt hot all over. Seriously, how could he arouse her when all he wanted was to cut her to shreds and throw her out of his house and his life. “Seriously, I am doing you a huge favor when I asked you to go. Binibigyan kita ng pagkakataon na panatilihin ang maganda mong imahe, ang reputasyon at ang dignidad mo. Just so you know, I am not a gentle lover that you used to know. I have an appetite that you can’t easily satiate, my dear.”
Bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman niya ang labi nito sa leeg niya. She tried her best not squeal when he playfully bit her neck. Seryoso nga si Benedikt. Hindi na ito ang lalaking pinagbigyan niya ng sarili noon. This man was more carnal and more intense.
Lumunok siya nang makita niya ang paghahamon sa mga mata nito. Tinatakot lang siya nito para umalis siya. Hindi rin niya pwedeng ipakita dito na kinakabahan siya o nawawalan siya ng kontrol sa sitwasyon. Madali nga siyang magpaakit kay Benedikt pero di ibig sabihin ay mahina siya. Hindi siya tatakbo palayo.
Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito. “Hindi mo rin ako kilala, Benedikt. I can take everything you dish out. I signed up to being your sex slave, remember? Sa palagay mo ba hindi ko alam kung anong hinihingi mo sa akin?”
He let out a masculine chuckle. Magaan na hinaplos ng likod ng palad nito ang pisngi niya. “Really? At ano naman ang ginawa mo para mapaghandaan ang role na iyon? Search the internet, browse a Kamasutra book or read an erotica romance? And you thought you can easily fit into the role just like that.”
Nairita siya sa pang-iinsulto ko. Akala ba nito ay maisasampal nito sa kanya ang kainosentehan niya. “Well, may mga kakilala ako na expert sa ganyan. Hindi mo ba naisip na pwede akong…”
His eyes suddenly became wild and his fingers suddenly dug into the pulse of her neck. “Huwag mong sabihing nagpaturo ka sa ibang lalaki. Sinong lalaki iyon?”
“Benedikt, it was a hypothetical question!” bulalas niya at nahigit niya ang hininga. Natakot talaga siya dito at parang gusto niyang isipin na nagseselos ito. Na parang ayaw nitong may ibang lalaking humawak sa kanya. This coming from a man who wanted her away from him as much as possible. “Hindi na mahalaga kung saan ko natutunan ang alam ko. You want me here for a couple of weeks. Hindi ako umuurong sa usapan natin. At hindi ko balak umurong sa kung anumang ipapagawa mo sa akin.”
Kaya ko ito. Kaya ko ito kahit na di man lang ako nakapagbasa ng erotica at wala akong alam sa mga pinaggagagawa sa Kamasutra. Sana lang maniwala siya sa pinagsasasabi ko.
Pumalatak ito. “I am sorry to disappoint you, my dear. I don’t need a sex slave right now. At kung kailangan ko man, hindi ikaw ang kukunin ko.”
“Because…?”
“You are definitely not my type.”
Natigagal siya at pakiramdam niya ay tinadyakan ng sapatos na may maraming pako ang dibdib niya. Hindi na siya nito gusto. Narinig na niyang sinabi nito iyon dati. Masakit na iyon. Pero ang i-reject siya nito matapos niyang ialok ang sarili dito at nalaman na nito kung hanggang saan ang pwede niyang gawin para dito ay parang sinampal siya nang paulit-ulit.
“P-Paano ang sinasabi mo sa akin noon m-may chemistry tayo. Na attracted tayo sa isa’t isa,” aniya at napalunok nang marinig niya na parang maiiyak ang boses niya. Her throat was clogged and she wanted to slap herself.
Idiniin nito ang daliri sa sentido niya. “To scare you, dimwit. Hindi mo pwedeng ialok na lang basta-basta ang sarili mo kung kani-kaninong lalaki para lang sagipin ang nanay mo. I don’t like you anymore. I thought I made it perfectly clear then. Kaya ngayon wala ka nang rason para manatili pa dito. You may go now. Hindi na gabi. May mga tricycle nang dumadaan sa labas at makakahabol ka pa ng ferry pabalik ng La Reina. Of course, the offer for the private boat to take you home still stand.”
Iniwan siya nito na nakatayo doon at naglakad ito palayo. Nanlalambot siya habang nakasandal sa dingding. Ayaw na nito sa kanya. Wala itong atraksyon na nararamdaman sa kanya. Hanggang dito na lang ba talaga siya?
“Two weeks,” nausal niya.
“What?” bulalas ng binata at humarap sa kanya.
“Sa iyo ako sa loob ng dalawang linggo. Kung ayaw mo akong maging sex slave, ayos lang sa akin. Pwede naman akong maging utusan mo dito. Ikaw ang gumawa ng paraan para makalabas sa kulungan si Nanay. Hindi ko rin makakalimutan kung paano mong ipinagtanggol ang mga kasamahan ni Nanay sa mga nanakit sa kanila na tauhan ni Governor. Pati na rin kung paano mong ipinamukha kay Governor na di mo ito-tolerate ang pandaraya niya. Baka nga kulang pa ang two weeks na pagpapa-alila ko sa iyo bilang pasasalamat. Maglalaba ako dito, maglilinis ng bahay, kahit anong gusto mo.”
Nagtagis ang bagang nito. “Hindi ko kailangan ng utang na loob mo,” mariing wika ni Benedikt. “Umalis ka na lang at patahimikin mo ako. Sapat nang pasasalamat iyon.”
“Talaga bang gusto mong mawala ako sa buhay mo?” naghahamon niyang tanong.
He looked disarmed. “Anong sinasabi mo?”
Itinaas niya ang baba at matapang itong tinitigan. “Baka itinataboy mo ako dahil attracted ka pa nga sa akin. You see that as your weakness. I am not good for you after all. Sino ba ang gusto pang ma-attract sa babaeng minsang nang-iwan sa kanila sa altar? Hindi mo siguro inaasahan na susundan kita. You think you can use that attraction against me but it is starting to backfire, right?”
“Of course not!”
“Natatakot ka na baka ma-in love ka ulit sa akin kapag tumagal pa tayong magkasama,” nakangisi niyang sabi. Yes, nakakangiti na siya ngayon. She knew that she had the upper hand this time.
“Don’t even go there, Maki. You must be delusional.”
Humakbang siya palapit kay Benedikt at ito naman ang humakbang paurong. She could see uncertainty in his eyes. Gusto niyang humalakhak nang malakas. Napapaurong niya si Benedikt Valenciaga. She was starting to beat him in his own game.
Now, it was time to pounce on him, figuratively and literally if necessary. She was now the huntress and he was the prey.
Hindi na ito nakagalaw dahil napadikit na ito sa mesa sa likuran nito. Lumapit siya dito at pinaglakbay ang dulo ng daliri sa harap ng T-shirt nito. “Benedikt, let’s put it this way. Kung talagang wala ka nang nararamdaman para sa akin kahit na kaunting atraksyon, then let me stay here for a couple of weeks. Hayaan mo akong magtrabaho para sa iyo. Matapos kong magawa ang napag-usapan natin, babalik na tayo sa kanya-kanya nating buhay. After all, wala namang nakakaalam na magkasama tayo. Kahit pa si Hannah.”
“No!” tutol nito.
“No?” nakataas ang kilay niyang tanong. “You got it bad. Gusto mo pa nga ako…”
Itinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. “Fine! Maglaba ka kung gusto mo. Isama mo na rin ang kurtina, ang kubre-kama, ang mga basahan na nandito sa bahay.” At itinuro nito ang lahat ng pwede nitong palabhan sa kanya sa buong bahay.
Napanganga siya. “L-Lahat iyan?”
“Yes. Lahat,” mariin nitong sabi. “May angal ka ba? You are free to go anytime you want. My speedboat is available at your disposal.”
Binigyan niya ito ng pilit pero matamis na ngumiti. “Wala akong angal. Gusto ko ngang itanong kung may iba ka pang gustong palabhan. Baka kasi may nakalimutan ka pa.”