You’re Still My Man (Filipino) Chapter 72

Naalimpungatan si Maki nang maramdamang may humahaplos sa pisngi niya. “Maki, Maki, wake up,” narinig niyang tawag sa kanya ni Benedikt sa malamyos na boses.

Dahan-dahan siyang dumilat at ngumiti nang mabungaran niya si Benedikt. Masarap sa pakiramdam. Parang ginising siya ng prinsipe niya. Subalit nang bahagya siyang nag-inat at naramdaman niyang parang mapuputol ang braso niya ay saka niya naalala na alipin siya nito. Na ginugol niya ang buong araw sa pagsunod sa lahat ng iutos nito dahil gumagawa ito ng paraan para mapaalis siya sa bahay nito.

Nahigit niya ang hininga at bumangon. "Sorry. Nakatulog pala ako." Tinakpan agad niya ang bibig nang maghikab. Hindi niya alam kung paano itatago dito na pagod na siya. "Gusto mo bang ipaghain kita?"

"No. Hindi na kailangan. Dinalhan lang kita ng makakain mo. Gusto sana kitang hayaan na matulog na lang pero mukhang pagod na pagod ka. Hindi na sana kita gigisingin pero di naman kita hayaang matulog nang hindi kumakain."

"Oh!" usal niya nang makita ang tray ng pagkain na nakapatong one-seater na sofa. Nakaluto na pala ito at base sa nakakagutom na amoy ng bistek Tagalog ay mukhang marunong nga itong magluto. "Nag-abala ka pa. Kaya ko naman ang sarili ko."

"I wish I could argue with you. Pero mas kailangan mong kumain."

"Okay," nausal na lang niya.

Akmang dadamputin niya ang plato pero naunahan siya ni Benedikt. At nagulat siya nang sumandok ito ng pagkain sa kutsara at inilapit sa bibig niya. "Open your mouth," anito sa nanunuyong boses.

"Benedikt, hindi mo na ako kailangang subuan. Hindi na ako bata. Kaya ko namang kumain mag-isa."

"No. Gusto kong ipahinga mo ang kamay mo."

Umungol siya. "Huwag mong sabihin na ikaw din ang magtu-toothbrush o magpapaligo sa akin dahil di ko pwedeng gamitin ang kamay ko?"

"Yes, I will do that if you will insist on eating by yourself. Gusto mo bang subukan kung hanggang saan ang kaya kong gawin?" naghahamong tanong nito at matiim siyang tinitigan.

Napalunok si Maki habang nakatitig sa maitim na mga mata ni Benedikt. Seryoso ito. Paliliguan siya nito? Biglang nag-init ang mukha niya. Hindi pa yata siya handa sa ganoong scenario. Kahit na open siyang pumunta doon bilang sex slave nito ay may hiya pa rin siya kahit na paano. Minsan lang silang naging intimate ni Benedikt. Minsan lang nito nakita ang buong katawan niya. Di yata siya komportable na may ibang magpapaligo sa kanya.

Napilitan tuloy siyang ibuka ang bibig at sumubo. Wala naman siyang narinig mula kay Benedikt hanggang sa wakas ay naubos na ang pagkain niya.

"See? Hindi naman ganoon kahirap ang sumunod, di ba?" tanong nito matapos siyang uminom ng pain reliever at pasundan iyon ng tubig.

"Benedikt, sana bukas ako na ang bahala sa sarili ko. Hindi mo na ako kailangang asikasuhin," sabi niya makalipas ang ilang subo at pilit na ngumiti. "Okay lang naman ako."

"Wala tayong problema basta susunod ka lang sa mga utos ko. At wala sana tayong problema kung sa simula pa lang ay sumunod ka na sa utos ko."

Ang ibig bang nitong sabihin ay kung umalis siya ng Bohol at kalimutan na lang ito? Iniwas niya ang tingin dito. Never mind. Pangangatawanan niya na dalawang linggo siya kasama nito. Mahirap pero magtitiis siya kasehodang magkasugat-sugat ulit ang kamay niya.

"Ano pang masakit sa iyo?" tanong ng binata.

"Huh?" usal niya at nilingon ulit ito.

"Malamang ang binti mo at braso mo. O baka buong katawan mo." Umupo ito sa center table at inangat ang binti niya sa kandungan nito. "Huwag mo nang sagutin. I am sure you will deny it. Kahit na nasasaktan ka, hindi ka man lang umaangal."

"Kasi okay lang naman ako,” giit niya.

"Ayoko nang magsinungaling ka," babala nito at sinimulang imasahe ang binti niya.

Hindi na siya nakatutol pa. Sa bawat hagod nito ay gumagapang ang sensasyon mula sa mainit at magaspang nitong mga kamay. There was an intense look in his eyes as he focused his attentions in his ministrations. Na parang isang importanteng tao ang pinagsisilbihan nito.

Umungol na lang siya at pumikit. "That is heavenly."

Parang ito ang reward sa lahat ng pagod at paghihirap niya sa buong araw na iyon. Alam niyang hindi niya ipagpapalit ang sensasyong nararamdaman niya sa buhay na nagre-relax lang siya sa bakasyon at malayo sa piling ni Benedikt. In a way, she felt like she was back to being a princess. His princess. Even for just a while.

"You should have punched me when I asked you to cook. O kaya dapat sinapak mo ako nang utusan kitang labhan pati ang mga kubre-kama at mga kurtina. Mag-isa ka lang nilabhan ang lahat. Ni walang washing machine. I just didn't realize that it would be so hard for you. I… I am not an expert when it comes to laundry."

“Of course.”

Kundi lang niya nakikita ang lungkot sa mga mata niya ay baka humalakhak siya at tinukso ito. Benedikt Valenciaga was still a prince. Kahit pa sabihing marunong ito ng gawaing-bahay at naranasan ding mamuhay mag-isa nang mag-aral ito sa ibang bansa ay di naman nito naranasan na maglaba gamit ang mga kamay o kahit paano ay maglaba ng mga kubre-kama at kurtina gamit ang mga kamay lang. May washing machine na maglalaba para dito. Ang kailangan lang nitong gawin ay ihiwalay ang puti sa de kolor, ipasok sa machine, magbabasa lang ito o kaya ay iidlip habang naghihintay at paglabas ng damit ay tuyo na. He didn’t realize how backward it was at his ancestral home.

"Hindi ako aangal. Ginusto ko ito. Huwag mong sabihing nakokonsensiya ka o naawa sa akin?"

"Sa palagay ko lang hindi mo kailangang gawin ito. Hindi mo kailangang pahirapan ang sakripisyo mo bilang kapalit ng kalayaan ng nanay mo. Ginawa ko iyon dahil hindi siya dapat na makulong at ang mga kasamahan niya. You don’t have to be my slave. I don't really want you to work hard just because I did you a favor,” he said in a sad voice. Nang iangat nito ang mga mata sa kanya ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Of course, Benedikt was not a vindictive person.

"I asked for it," she said in a raspy voice. He was not a brute or a vindictive man. Noong una ay pwede niyang isipin na baka gusto siya nitong gantihan, pero hindi ganoon si Benedikt. Kaya lang ito napipilitan na pahirapan siya dahil na rin ayaw niya itong tigilan.

Her heart clenched. She drove Benedikt to be a cruel man, when in truth he was not. Ayaw din naman niyang maging malupit ito sa kanya. Di siya ganoon ka-masokista. Ginagawa niya ito para makasama ito. Dahil kahit pa pahirapan siya ni Benedikt ay mas gugustuhin niya kaysa umalis sa piling nito. Mas di kaya ng puso niya na sukuan ito.

“You are a Rubella. Hindi ka dapat nahihirapan,” anito sa magaang boses nang isunod namang imasahe ang braso niya. “This shouldn’t have been the case if…”

“Kung hindi ako umalis? Kung hindi kita iniwan? Kung magpapanggap ako na buo kaming pamilya ng ama ko kahit na halos isuka ko na ang madrasta ko at itago ang tungkol sa nanay ko? I can’t live with that, Benedikt. Matagal ko nang tanggap na hindi ako mayaman. At natural lang sa akin ang mga ganyang sugat,” usal niya. Natural na sa kanya ang malungkot at masaktan pero nakaka-survive pa rin naman siya pagkatapos.

“Stubborn woman,” usal nito. “Had you been my girlfriend or my wife, you don’t even have to lift a finger.”

“I am just a lowly slave right now.”

“At hindi mo kailangang magpaalipin sa akin. Pwede kang umalis kahit anong oras. Hindi mo kailangang mahirapan dahil wala ka namang kahit anong obligasyon sa akin. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. I don't really want to hurt you."

Puno ng paghihirap ang boses nito. Nakikiusap. Na parang ang gusto lang nito ay tapusin ang paghihirap niya... at mawala na siya nang tuluyan sa buhay nito.

"Dito lang ako basta," giit niya. "Magpapahinga lang ako ngayon pero bukas ako na ulit ang magluluto. Sabihin mo lang sa akin kung anong kailangan mo."

"Iniisip mong magpaalipin pa rin sa akin? Wala ka talagang dala. Are you suicidal or something?" anitong may bahid ng inis ang boses. Parang di na nito alam kung anong gagawing pangungumbinsi sa kanya para lang iwan ito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.