Maki felt heady. Nilingon niya ang mga damit na nakasalansan sa likod ng sasakyan at halos mapuno iyon. Hindi niya alam kung maisusuot niya ang lahat ng iyon sa loob ng sampung araw na natitira. Ano bang plano ni Benedikt sa kanya?
Hindi na siya dapat pang umangal. Siya naman ang may gusto nito. At dapat siyang maging masaya dahil pinagbigyan siya ni Benedikt na makasama ito sa dadating na sampung araw, hindi bilang alipin kundi bilang nobya nito. Hindi ba’t sinabi niya dito na tatanggapin niya kung anumang ibigay nito? Noong una ay pinahirapan siya nito. Now he was showering him with things fit for a princess. Kahit na hindi siya sanay, tanggapin na lang niya. Ang mahalaga lang naman ay magkasama sila.
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Maki sa binata nang bumibiyahe na sila sakay ng SUV nito.
“Come on, girlfriend. Let me surprise you a bit. Napaka-boring naman ng relasyon natin kung sasabihin ko na agad sa iyo ang lahat,” sabi nito at magaang pinisil ang baba niya saka ibinalik ang mata sa kalsada.
Kahit anong isipin niya ay di pa rin siya mapakali. Matagal na panahon na niya itong ginawa – ang magkaroon ng boyfriend at makipag-date. At kahit pa sabihing si Benedikt ang kasama niya, pakiramdam niya ay isang estranghero pa rin ito.
Makalipas ang labinlimang minuto ay pumasok sila sa pantalan. May dalawang lalaki nalumapit sa kanila ni Benedikt paglabas ng sasakyan. “This is Maria Makiling Veracruz, my girlfriend. Sina Ruben at Mark, mga crew ko sa yate.”
“Hi!” bati niya at kinamayan ang dalawa.
Puno ng interes at pagtataka ang mga ito nang tingnan siya. May ibang babae na bang naidala sa yate nito si Benedikt? O hindi siya bagay na maging nobya nito.
“Nasa likod ng kotse ang mga gamit namin. Dalhin ninyo sa cabin,” utos ng binata at saka siya iginiya papunta sa nag-aabang na yate.
It was impressive. Sa palagay niya ay one-hundred fifty-foot ang yateng iyon. My tatak iyon na My Fair Lady sa gilid.
“Yours?” tanong niya nang sumampa siya sa yate.
“Nah! The company’s yacht. Si Mama ang nag-recommend na bilhin iyan mula sa isang kaibigan niya. Pwede daw naming gamitin sa pag-entertain ng clients,” kaswal na sabi ng binata. “Thus the vessel’s name. Iyan ang tawag sa mama mo ng papa mo. Anong sasabihin niya kapag nalaman niyang nandito ako?” naaalarma agad niyang tanong.
“She’s in the middle of the Amazon jungle. May river cruise siya kasama ang mga kaibigan niya. They want to rediscover their youth or something. Hindi niya malalaman ang tungkol sa iyo.” Nagkibit-balikat ito. “Ano din naman kung malaman niya? Wala ka namang magagawang kahit ano sa akin. As if you will break my heart.”
She bit the inside of her cheek. Gusto nitong sabihin na walang dapat ipag-alala ang nanay nito. Na wala siyang magiging impact sa buhay nito. As if he was indulging her for ten days. Pag-alis niya ay magpapatuloy na sila sa kanya-kanyang normal na buhay.
Nakakapit siya sa railing ng deck ng yate habang pinapanood ang paglayo nila sa pantalan. Dapat ay ma-excite siya lalo na’t parang sila lang ni Benedikt sa mundong iyon pero di niya maiwasang kabahan. Di niya alam kung anong naghihintay sa kanya.
“Doon ka muna sa cabin. Masyadong mainit dito sa labas,” anang binata. Pasado alas diyes na ng umaga noon kaya nanunuot sa balat ang matinding init ng araw. Mas matindi ang init ng araw kapag nasa gitna ng dagat. “Gusto mo bang kumain?”
Umiling siya. “B-Busog pa ako.”
“Matulog ka na lang kung ganoon. Mukhang wala kang pahinga. Hindi ka rin nakatulog kagabi,” sabi nito.
“Paano mo nalaman?” tanong ni Maki.
“Naririnig ko ang kaluskos sa kuwarto mo. Gigisingin na lang kita kapag naroon na tayo sa destinasyon natin,” sabi nito at niyaya siya sa loob ng cabin. May isang malaking kama doon, LED TV, Blu-ray player at may sarili ring restroom.
“M-Magpapahinga ka rin ba?” Ibig bang sabihin ay doon sila magtatabi sa cabin nito?
“No. I have to work,” anito at lumabas ng kuwarto.
Nang makalabas ito ng cabin ay tinanggal niya ang sumbrero at ang shades saka ibinagsak ang sarili sa kama. Nandito na siya. Sa yate ni Benedikt. Ipinakilala pa siya bilang nobya nito. Bakit hindi siya masaya? Bakit parang may mali sa nangyayari?
Napahikab siya nang maramdaman ang pag-alon ng yate. Parang inaalon din ang kama niya at mistula siyang ipinaghehele ng dagat. Saka na niya iisipin si Benedikt at kung anong plano nito sa kanya. Kailangan niya ng pahinga para ihanda ang sarili niya sa kung anong mangyayari mamaya at sa darating na sampung araw.
NAALIMPUNGATAN si Maki na may mga matang nakatingin sa kanya. Nang dumilat siya ay nakita niyang nakaupo si Benedikt sa dulo ng kama habang nakatunghay sa kanya. Bigla siyang bumalikwas ng bangon at ngumiti naman ito. “Sleeping Beauty has finally awaken. Akala ko hanggang mamaya ka pa matutulog.”
“A-Anong oras na ba?” tanong niya at luminga sa cabin habang hinahanap ang wall clock o digital clock na maaring magsabi sa kanya kung anong oras na.
“Ala una na ng tanghali.”
Umungol siya. Kaya naman pala kumakalam na ang sikmura niya. “Malayo pa ba tayo?” tanong niya. Nararamdaman pa rin niya ang paggalaw ng sinasakyan nilang yate.
“We are almost there. In ten minutes, we will dock,” sabi nito. “Pwede mo na ngang makita ang beach mula dito.”
“Nasaan ba tayo?” tanong niya.
“Why don’t you see for yourself? Join me at the deck. Hindi masyadong mainit sa labas. I am sure you will love the crystal clear waters and the lovely view.”
Matapos magsepilyo at maghilamos ay lumabas siya ng cabin. Kung pagbabasehan ang tatlong oras nilang biyahe, di sila nalalayo sa Bohol. Maaring nasa Cebu sila, sa Siquijor mismo o isa sa mga bayan ng Bohol na matatagpuan sa tabing dagat.
Naabutan niya si Benedikt na nakatayo sa deck ng yate. Ngayon niya napansin na nakasuot ito ng stripped colared shirt at khaki pants. Suot din nito ang Oakley shades. It looked like he was ready to relax. Tumayo siya sa tabi nito at saka niya natanaw ang beach kung saan sila pupunta. Nakikita ang malinaw na corals sa ilalim ng malinaw na tubig.
Kumabog ang dibdib niya. Pamilyar sa kanya ang hilera ng mga cottage sa puti at pinong buhangin. Pero ang mas kilala niya ay ang sinaunang bahay na nasa gitna ng hilera ng mga cottage. It looked so much like her family’s ancestral house-turned-prime beach resort. Puno ng masasayang alaala ng magulang niya. Puno ng masasayang alaala nila ni Benedikt.
“No,” usal niya. Di niya matanggap na doon sila pupunta ng binata. Baka naman may ibang beach resort na ganoon din ang problema. Pero nang lumingon siya sa bandang likod ay natanaw niya ang Isla ng Apoy na paborito niyang pagmasdan kapag nasa lugar na iyon – ang isla ng Camiguin na tanaw na tanaw mula sa Anda, Bohol. “Papunta tayo sa…”
“Welcome to La Playa Beach Resort, my fairy,” he said in a snide voice. Kinumpirma na ng binata ang una na niyang hinala.
Nagsimula nang mag-panic si Maki. Pumihit siya patalikod sa railing at lumayo doon habang nakabaon ang daliri niya sa buhok niya. “No! Hindi ako pupunta diyan. Hindi tayo pwedeng pumunta diyan, Benedikt.”
“Why not? Isa iyan sa pinakasikat na resort dito sa Bohol. An eco-resort na ngayon ay pinamamarisan ng ibang mga resort sa bansa. I am sure makakapag-relax ka diyan dahil may mga water sports sila at spa facilities.”
“Alam ko kung anong meron diyan!” mariin niyang sabi. “No. I am not going back there. P-Pwede bang sa ibang lugar na lang tayo pumunta? Sa ibang lugar na lang tayo.”
Paano kung may makakilala sa kanya doon? Ayaw niyang magpaliwanag kung bakit siya nawala o bakit siya bumalik. Iba na ang nagmamay-ari ng resort na iyon pero maaring may mga tauhan pa ring naiwan doon ang ama niya. She didn’t want to explain herself anymore. Ayaw na rin niyang mapag-usapan.
“They are expecting us.”
“Who?” tanong niya kay Benedikt.
“The owner of the resort. The staffs.”
“Paano kung kilala nila ako?”
Nagkibit-balikat si Benedikt. “I highly doubt that. Iba na ang nagma-manage ng resort kahit na pag-aari ito ng ama mo. Isang mag-asawa na gusto ng retirement place ang umookupa sa main house at magma-manage nitong resort. Hindi mo sila kilala at di rin nila alam na ikaw ang anak ng dating may-ari. At bago na rin ang mga staff dito. Ilan na lang ang natitira sa mga dating tauhan. Makalipas ang walong taon, sa dami ng pabalik-balik na bisita dito, malabong maalala ka pa nila.”