Niyakap niya ang sarili at hinaplos ang balikat niya. “Pero Benedikt…”
“My clients are expecting me,” he said in a cold and formal voice.
“M-May kliyente kang naghihintay sa iyo dito? Akala ko ba hindi ka nagtatrabaho kapag bakasyon mo.”
“Well, this came up all of a sudden. Mabuti nga sila na mismo ang pumunta sa akin dito sa Bohol at hindi ko na kailangan pang pumunta sa Europe para makita sila. Come on, Maki. Hindi ko na problema kung may mga multo kang kinatatakutan. I can’t protect you from those. Kung ayaw mong harapin ang mga multo mo, you are free to go. Pwede kitang ipahatid pabalik sa Isla La Reina. And our little girlfriend-boyfriend thing will end the moment you turn your back on me, on everything.”
Lumayo sa kanya si Benedikt nang dumaong na ang yate sa wooden walkway na nagsisilbi ring daungan. Isa sa magagandang feature ng resort ay ang private dock na pwedeng daungan ng mga bangka at yate. Nauna nang naglakad si Benedikt para akmang aapak na sa kahoy na pantalan.
Lumingon ito at inilahad ang kamay sa kanya. “Are you coming with me?”
Tiningnan niya ang nakalahad nitong kamay. Oras na hawakan niya iyon at sumama kay Benedikt ay kailangan niyang harapin ang nakaraan niya. She had so many happy memories on that lies – before she found out the lies, when Benedikt was hers. Kaya ba niyang bumalik sa lugar na iyon nang alam niya na ibang Benedikt na ang kasama niya?
But she couldn’t turn her back on Benedikt. Isang kahangalan na magpatalo sa takot niya. Nilunok nga niya ang pride niya. Willing pa nga siyang maging sex slave nito. Naging labandera na siya nito, naging packer ng broas at nagawa niyang mag-ani ng limampung kilo ng ubi sa katirikan ng araw. Kailangan lang din niyang tatagan ang loob niya. After all, everything would be worth it. Kaya din niyang harapin ang mga kinatatakutan niya.
Ginagap niya ang kamay ni Benedikt at mas lumakas ang loob niya. Siguro naman ay hindi siya pababayaan ni Benedikt. Baka naman sakaling sa pagbalik niya sa bahay na iyon ay magbabalik na rin ang dating Benedikt na nakilala niya.
Pagsampa nila ng wooden pathwalk ay sinabitan sila ng flower garlands ng matandang babae at lalaki. Ipinakilala siya ni Benedikt ang mag-asawang manager ng resort sa kanya – sina Susan at Ricardo. Mukhang pamilyar na si Benedikt sa mag-asawa at sinalubong pa ng yakap ng mga ito ang binata.
“This is Maki, my friend,” pagpapakilala ni Benedikt.
Naging alanganin ang ngiti niya. Friend. Not girlfriend. “Magandang hapon po,” magalang niyang bati sa mga ito at kinamayan siya.
“Call me Tita Susan,” anang matandang babae at bineso siya sa magkabilang pisngi. “Sinorpresa kami ni Benedikt. Hindi niya sinabi sa amin na may isasama siyang kaibigan. Hindi kasi siya nagsasama ng kaibigan dito, babae man o lalaki. And to my surprise…”
“Susan, mabuti pa siguro pumasok na tayo sa loob para magpahinga ang mga bata. Malamang ay hindi pa sila nanananghalian,” anang si Ricardo at inakbayan si Benedikt. “Gusto mo bang subukan ang bagong Toyota Celica ko? Naku! Tiyak na mae-enjoy mo ang bagong sportscar ko.”
“Men! Ganyan talaga sila. Kapag nagkita silang dalawa, walang ibang pag-uusapan kundi kotse, negosyo at extreme sports. Kundi mo naitatanong, wala kaming anak ng asawa ko kaya parang anak na namin si Benedikt. Madalas kasi siyang nagpupunta dito para magbakasyon. Ito ba ang unang beses mo dito sa Anda?”
Marahan siyang umiling. “N-Nakapunta na po ako dito pero dating-dati pa po. Bata pa po ako.”
“Hindi mo pa siguro napuntahan ang resort na ito. It used to be a private beach. Ang pamilyang nagmamay-ari dito lang ang may access sa beach. Then they opened up this resort ten years ago. Nasa ibang bansa ang may-ari nito at ipinagkatiwala nila sa amin ang pagma-manage. We used to manage a ski resort in Colorado. Pero ngayon nag-enjoy kami sa ganda nitong resort. We really like this place.”
Nakangiti niyang tinanggap ang complimentary drinks na inalok sa kanila ng mga tauhan ng resort. Dali-dali niyang sinimsim ang buko juice dahil parang nagbara ang lalamunan niya. Hindi talaga maiiwasan na mabanggit ang tungkol sa pamilya niya. Nakahanda na ang tanghalian para sa kanila sa isang mahabang buffet table habang kinakantahan at sinasayawan sila ng mga babae at lalaki na naka-traditional costume bilang pag-welcome sa kanila. May alimango, sugpo, iba’t ibang klase ng isda at iba pang putahe ng gulay at karne na nakahain sa mesa. Nakakatakam ang mga iyon kung hindi lang talaga siya mapakali sa kinauupuan niya. Kasalo nila sa mesa ang mag-asawang Susan at Ricardo. Mistulang bisita sila ng mag-asawa at hindi guest sa resort.
Luminga siya sa paligid nang nangangalahati na ang kinakain niya. “The cottages look nice. Saan po ang cottage kami?” Malalaki naman ang mga cottage at minsan ay may isa o dalawang silid pa sa isang cottage.
“Hindi kayo sa cottage tutuloy ni Benedikt. You will stay at the main house instead,” sabi ni Ricardo.
“S-Sa main house po?” usal niya at may halong kabang tiningnan ang ancestral house ng mga Rubella.
“Yes. Doon tumutuloy ang mga bisita naming mag-asawa,” sabi ni Susan. “Huwag kang maiilang. Feel at home.”
Tumigil ang tibok ng puso niya. Feel at home. How ironic. It used to be her house. Hindi niya alam kung sa pagbabalik niya ngayon ay welcome pa rin ang pakiramdam niya sa bahay na iyon. She was happy there but it was tainted by lies. Her family’s lies and dirty secrets. Pakiramdam niya ay nasu-suffocate siya. Nakadama lang siya noon ng kalayaan nang buo pa ang pagsasama ng mga magulang niya. At noong kasama niya si Benedikt.
Napapitlag siya nang hawakan ni Benedikt ang kamay niya. “Are you okay?”
Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. “M-Medyo parang umaalon lang pakiramdam ko. Siguro dahil na rin kanina pa tayo nasa dagat.”
“Mabuti pa dalhin na lang kita sa kuwarto mo,” sabi ni Susan.
“B-Benedikt,” aniyang may himig ng pag-aalinlangan. Gusto niyang sagipin siya ni Benedikt. Ayaw niyang pumasok sa main house. Baka sakaling maisipan nitong magbago ng isip at kuhanin na lang isa sa mga cottage para tuluyan nila.
Tumango lang ito. “Sige na. Sumama ka na kay Tita Susan.”