Nanlumo si Maki at nawalan ng pagpipilian kundi sumama kay Susan. Parang walang nagbago sa bahay kahit na kulang walong taon na ang nakakaraan nang huli siyang manggaling doon. She felt like she was twenty years old again. No. Pakiramdam niya ay siya ulit ang batang Maki. She could imagine her mother seated on the piano and playing her favorite kundiman. Nasa kusina naman ang lola niya o kaya ay nasa sala para bigyan ng instruction ang mga kawaksi. Habang ang lolo niya at ang papa niya ay nasa balkonahe naman at naglalaro ng chess. At siya naman ay uupo sa tabi ng piano para magpaturo sa mama niya sa piyesang tinutugtog nito. And she could almost hear the laughter of her young self. Iyon ang mundo niya noon. Noong akala niya ay perpekto pa ang lahat.
“Maki, let’s go upstairs,” untag ni Susan sa kanya.
Saka lang siya natauhan. May ilang bisita na naglipana sa sala na nagsilbing receiving at waiting area para sa mga bisita. Mga mukhang di niya kilala. Walang taong nakaupo sa piano. Ang naririnig lang niya ay ang jazz piano mula sa music player.
“I-I am sorry,” aniya at kumurap. “I… I feel like I am transported back in time.”
“This place was created that way. Parang ibinabalik ka noong panahon ng Kastila. That made this place charming.”
Hinaplos ng kamay niya ang hamba ng hagdan na gawa sa kamagong na kahoy habang paakyat sa ikalawang palapag. Nakita niya ang painting ng ninuno niyang si Valdez Rubella, isang mestizong Espanyol na nakapag-asawa ng isang Boholana sa Anda. Doon na nag-settle ang mga ito noong 1800s pa lang. And his ancestor was looking at her with scrutinizing eyes, like he used to when she was younger.
“The Rubellas are one of the oldest family in Bohol. So much history. I wish I could tell you more about it. We have a room which is devoted to the family. Pero hindi pa iyon naaayos para magsilbi sanang museum. And besides, I am sure you want to rest.”
“Y-Yes,” sabi niya. A museum. Ang kasaysayan ng kanyang pamilya. Ano kayang makikita sa museum na iyon? Naroon ba silang mag-ina? Ang tungkol sa pagmamahalan ng kanyang magulang? O baka naman ang pagmumukha lang ng madrasta niyang si Santina ang makikita niya doon. Baka naman puno lang iyon ng kasinungalingan.
Pamilya. Sira na ang pamilya ng Rubella. Kung anuman ang nasa museong iyon ay hindi na mahalaga dahil walang katotohanan ang lahat.
“Here is your room,” anang si Susan at nakita na lang niya na binubuksan nito ang kuwarto niya noong bata pa siya.
Natigilan siya sa kinatatayuan sa labas ng kuwarto. That was her personal room. “D-Diyan ako tutuloy?”
“Yes. Ang totoo, ngayon lang ulit may tutuloy sa kuwarto na ito mula nang umalis ang pamilya dito. Kuwarto daw ito ng anak na babae ni Franco Rubella. Ang totoo, hindi namin ito pinatutuluyan sa iba. Iyon lang ang request sa amin ng may-ari. Marami daw alaala dito ang anak niya. As a matter of fact, naka-preserve pa dito ang mga gamit niya. Hanggang kahapon lang, may instruction siya sa amin na hayaan daw si Benedikt na patuluyin dito kung sinuman ang gusto niyang patuluyin. You are lucky. Espesyal ka siguro talaga para kay Benedikt dahil ini-request niya ang kuwartong ito para sa iyo. Kilala mo ba si Franco Rubella?”
Marahan siyang umiling. “N-No.”
Hinila siya ni Susan papasok sa loob. “Huwag kang matakot. Hindi naman ito kuwarto ng isang taong patay na. I am just excited that someone is finally occupying it.”
Wala siyang nagawa kundi pumasok sa silid at namangha siya dahil wala ring pagbabago sa kuwartong iyon. Ang kaibahan lang ay nakasabit sa ulunan ng kama ang portrait niya noong siyam na taong gulang siya habang nakaupo siya sa piano. Ang ina niyang si Lupita ang nag-request na gawin iyon ng ama at iniregalo noong ikasampung kaarawan niya.
“It is beautiful,” nausal niya at natigagal sa larawan. Itinago ang painting na iyon noong si Santina na ang namahala sa buhay nilang mag-ama.
“It is. Ang alam ko ay dalaga na ang anak ni Mr. Rubella nang umalis sila dito pero sabi niya ay gusto daw niyang iyan ang makita.”
Nangilid ang luha niya habang pinagmamasdan ang painting. Bakit iyon ang ipinalagay ng Papa niya? Alam ba nito na dadating ang panahon na babalik siya doon? At kung kahapon lang ito nagbigay ng instruction na ipagamit ang kuwarto, ibig bang sabihin ay alam nito na magkasama sila ni Benedikt? Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Naguguluhan siya.
“Hija, maiwan muna kita. May intercom naman kung kailangan mo ng tulong. Huwag kang mag-alala. Pupuntahan ka naman ni Benedikt dito,” anang si Susan at nagpasalamat siya dito bago ito umalis ng silid.
Nanlalambot siyang umupo sa kama at di inalis ang tingin sa larawan. Sinadya ba ni Benedikt na dalhin siya doon? Gusto ba ng ama na makita siyang bumalik at bumalik sa buhay niya kahit na iniwan niya ito at ipinahiya? O hanggang ganito na lang ang lahat. Mananatiling alaala dahil imposible na silang maging bahagi ng buhay ng bawat isa?
Walang nagbago sa lugar na iyon. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Pero sa labas ay nagbago na ang lahat. Nagbago na siya. Hindi na siya ang dating Maki. And she suddenly felt worn out and confused. Isang sampal ba sa kanya ang lahat ng bagay na nasa silid na iyon? Kung ano ang tinalikuran niya sa paglayo niya – ang pagiging Rubella niya, ang karangyaan at si Benedikt.
Nakahiga siya sa kama habang nakatulala sa kisame nang marinig niya na may kumatok. Hindi iyon galing sa pinto sa harapan kundi sa gilid. Saka niya naalala na may connecting door pala ang kuwarto na iyon.
“Maki, open up,” narinig niyang utos ni Benedikt mula sa kabilang silid. Bumuntong-hininga siya at napilitang buksan iyon. “How are you? I hope you are settled in your room.”
“This is the Rubella heiress’s room. And as you know, I am not that heiress anymore. The room is familiar but it doesn’t give off the same feeling as if I am home here. Sa loob ng walong taon, nakahiga ako sa manipis na kutson o kaya ay sa papag.”
“Naisip ko na mas magiging komportable ka dito.”
Pabagsak siyang umupo sa kama. “Tell me, Benedikt. Sinadya mo ba talaga akong dalhin dito? Sinabi mo ba kay Papa na nandito ako? Ano ba talagang plano mo? Gusto mo bang ipamukha sa akin kung anong tinalikuran ko? Kung ano ang nawala sa pamilya ko dahil sa mga desisyon ko noon? Do you want me to run out of air and die? Because this place is suffocating me. Baka naman basta na lang sumulpot dito si Papa para sumbatan ako. Oh! And he might tag his fake wife with him. Hindi mo naman siguro gugustuhing magka-eksena dito.”
Mahabang sandali siya nitong pinagmasdan. “He is not here in the country. Nasa States siya ngayon. I think you need to rest.”
Hindi nito sinagot ang tanong niya kung pupuntahan pa rin siya ng papa niya. He was obviously trying to evade the question. “Kanina pa ako nagpapahinga. Benedikt, ano ba talagang ginagawa natin dito?”
“You are here to relax. And I am here to attend to business.” Tiningnan nito ang relong pambisig. “May appointment ka na spa at massage nang alas dos ng hapon. At may dinner tayo mamayang gabi kasama ang mga kliyente ko. I want you to look your best. Iaakyat na nila ang damit mo at ang mga staff na dito ang bahalang mag-ayos. I will see you later.”
Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Naglakad ito patungo sa connecting door. “Benedikt, I… I am not sure I can do this.”
Nilingon siya nito. “What?”
“A-Act like an heiress. H-Hindi na ako ang babaeng iyon. This is killing me.”
Ngumisi ito subalit matiim ang mga mata nito. “It won’t kill you, I swear. Ikaw ang may gusto nito. You are my girl. Act the part. It is just like riding a bike. I am sure you will remember. You don’t have to act like an heiress. Just show them that you are in love with me.”