Saka taas-noong nagmartsa si Maki patungo sa kulay itim na grand piano. Maki wanted her to act like old girlfriend, like the heiress that she was because it would look good on him then fine. She would do her part.
Pumitlag ang puso niya nang makilala iyon. It was the same piano that she played at the resort years before. Hinaplos niya ang takip bago inangat ang lid. She checked the tune of the keys. Nakatono naman iyon kaya naman matapos ang ilang mapaglarong pindot sa tiklado ay tinugtog na niya ang request ni Nelia. Di nagtagal ay naging komportable na siya sa musika. She had always been at home with pianos. Wala siyang partikular na pinipili. But this particular piano had a soul in it. It made her feel at home.
I am a Rubella and I am home, nausal niya sa isipan.
Kahit na anong takbo ang gawin niya palayo, kahit na puro kasinunangalingan ang bumalot sa pagkatao niya, hindi niya pwedeng itakwil kung sino talaga siya at ang dugong nananalaytay sa kanya. Dahil sa lugar na iyon nabuo ang kasaysayan ng lahi niya. Bahagi syia ng kasaysayang iyon. At kahit na mapait ang pinagdaanan niya sa pagiging Rubella, alam niya na naging masaya din siya. Tinahak niya ang daang gusto niya dahil na rin isa siyang Rubella. At kahit sa bahay na iyon, doon nagsimula ang pagmamahal niya sa musika. Doon din siya napuno ng pagmamahal.
Nang lumingon siya ay nakita niyang nasa dance floor na ang mga mag-aasawa at sumasayaw kasama na rin ang iba pang mga guest. Nag-enjoy tuloy siyang tumugtog. Nang lingunin niya si Benedikt ay nakita niyang mag-isa lang ito sa mesa at tahimik na umiinom ng brandy. Naningkit ang mata niya nang makitang isang babae ang lumapit dito at parang niyayaya ito na magsayaw.
Heto na naman. Mauulit naman ba ang nangyari noon kay Hannah? Naku! Kapag inulit na naman nito ay magwo-walkout na naman siya. Hindi siya papayag na mainsulto na naman. Naiintindihan pa niya ang nangyari dati. Hindi naman siya ang ka-date ni Benedikt. Ang masakit ngayon ay alam ng lahat na magka-date sila. He was acting a while ago like a besotted boyfriend. Huh! Tapos ay makikipagsayaw ito kung kani-kaninong babae?
Nakakunot na ang noo niya nang ibinalik ang atensiyon sa piano. No. Ayaw niyang makita. Ayaw niyang masira ang gabi niya. Hindi na lang niya titingnan para di masakit. Pumikit na lang siya at pilit na nilunod ang sarili sa musika. She played another love song. Magpakasaya si Benedikt sa bruhang babaeng iyon.
Nasa kalagitnaan na siya ng Grow Old With You nang maramdaman niyang may nakatayo sa tabi niya at nakatitig sa kanya. Di niya maiwasang ma-distract lalo na nang magsalita ang tao sa tabi niya. “You seem tensed. You are supposed to relax.”
Bigla siyang dumilat nang marinig ang boses ni Benedikt. Nakatayo nga ito sa tabi niya habang may hawak na brandy sa isang kamay. “What are you…” Nilingon niya ang babaeng nagyayang makipagsayaw dito kanina at nakita itong may kasayaw na isang blonde. “Akala ko may kasayaw kang ibang babae.”
Nakakunot ang noo siyang tinabihan ni Benedikt sa piano stool. “Ganoong klase ba ang tingin mo sa akin? May ka-date na ako pero malingat lang ang ka-date ko pero sa iba na ako makikipagsayaw?”
“Well…” nausal na lang niya at ipinagpatuloy ang pagtugtog. Tahimik lang din si Benedikt na pinagmasdan siya. Mas naging relaxed siya dahil nasa tabi lang niya ito at alam niyang di ibang babae ang kasayaw nito. Tinititigan siya nito na parang ang pagtugtog niya ng piano ang pinakamagandang bagay na nakita nito. Just like the old days.
Nang matapos siyang tumugtog ay tumayo si Benedikt at pinalakpakan siya. Tumigil din sa pagsasayaw ang mga nasa dance floor at nagpalakpakan.
Nilapitan siya ni Susan at niyakap nang mahigpit. “That is wonderful. I was moved. Ngayon lang yata ako nakapakinig ng ganyan kagandang musika sa bahay na ito. Thank you for entertaining us with your music.”
“It is my pleasure.” At wala sa sarili niyang hinaplos ang piano na parang isang matagal nang kaibigan na nawalay sa kanya. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na tumugtog ulit. Mas at home na ang pakiramdam niya ngayon. Na parang welcome siya sa bahay na iyon.
“How about you, Benedikt? Do you also play?” tanong naman ni Damaso, ang asawa ni Nelia na isang retiradong guro sa Amerika.
“I know only one piece,” anang binata. Kumunot ang noo niya. May alam na piyesa si Benedikt? Twinkle, Twinkle Little Star? London Bridge? Bahay Kubo? He looked a bit nervous when he sat at the piano school. Inangat nito ang mga mata sa kanya. “I think Maki must help me out with this one. I am not a pro and it has been a long time since I played it.”
“Okay,” aniya at tinabihan ang binata. Kahit naman siya ay kakabahan sa gagawin nito. “Anong maitutulong ko sa iyo?”
“Just sing for me,” sabi nito at pinindot ang tiklado.
Magkasalubong pa ang kilay niya noong una habang pilit kinikilala ang nota ng tinutugtog nito. Nang di siya pumasok sa introduction nito ay ito ang kumanta kahit na alam niyang di kagandahan ang boses nito. “Look into my eyes, you will see what you mean to me. Search your heart, search your soul. And when you find me there you’ll search no more.”
Saka lang nagawang kumanta ni Maki. “Don’t tell me it’s not worth fighting for. You can’t tell me it’s not worth tryin’ for. You know it’s true, everything I do, I’d do it for you.”
The only piano piece that he knew. Iyon ang tinugtog nito nang niligawan siya nito at inalok siya kung gusto siya nitong maging girlfriend. At hindi siya nahirapan na um-oo dito dahil in love na siya noon. Paano niya magagawang kalimutan ang kantang iyon? Because when Benedikt played that song, she knew in her heart that she would do the same for him. Na gagawin niya ang lahat para makasama lang ito. Gaya ng ginagawa niya ngayon.
And she was staring at Benedikt the whole time. Paminsan-minsan din itong tumitingin sa kanya at bumalik na naman siya sa dating Maki. That eighteen-year old girl who had fallen helplessly in love with this man. A young Benedikt Valenciaga at that time. And that one time, they had this beautiful music together. It inspired her to create more beautiful music because Benedikt loved her.
At parang tinangay ng hangin ang nakaraan at ang lahat ng sakit na pinagdaanan nila. She was happy again. Noong perpekto pa ang lahat. Noong mahal pa nila ang isa’t isa. At hindi niya inaasahan na mararamdaman pa ulit niya ito. At alam niyang hindi niya pinagsisisihan na sinukuan niya ito. Hindi siya nagsisisi na nagpa-alila siya dito nang nagdaang mga araw. Sulit ang pawis at luha niya. Kung tinalikuran niya si Benedikt, hindi niya malalaman na pwedeng mangyari ito. Na makikita ulit niyang tumugtog. Na makakakanta siya para dito.
And she was willing to do anything, anything, just to spend another day with him. Kahit parang imposible, di niya maiwasang hilingin na makapiling niya ito nang mas matagal pa sa nalalabing sampung araw nila.
At sa huling stanza ay narinig niyang sinabayan siya ni Benedikt. Hindi siya makahinga nang tingnan siya nito nang direkta sa mga mata. “Yeah, I would fight for you. I’d lie for you. Walk the wire for you. Yeah, I would die for you. You know it’s true, everything I do, I’d do it for you.”
Matapos ang tugtog ay pareho silang di gumagalaw. Nakatitig lang sila sa isa’t isa habang habol ang hininga. And she could hear the beat of her heart. Or was it his.
“How did I fare?” anang binata nang basagin ang katahimikan sa pagitan nila at binasa ang pang-ibabang labi. He was nervous. Parang ngayon lang niya ito nakitang kinabahan nang ganito.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. “You are brilliant,” aniya at niyakap ito. “That was beautiful, Benedikt.”
“Talaga?” tanong nito. “Wala akong mali?”
“No. It is perfect. Hindi mo ba naririnig na nagpapalakpakan sila?” aniya at kumalas dito para makita nito ang mga guest na nakinig sa kanila. Emotional pa nga ang mag-asawa na Susan at Ricardo.
“Maybe they are just being polite.”
“I am not. Thank you, Benedikt,” aniya at kinintalan ng halik ang labi nito.
Wala siyang pakialam kung may na-miss man itong nota o nagkamali ito o mali ito ng tempo. Napasaya siya ng musika na iyon. At para sa kanya, ang totoong musika ay hindi ang perpektong nota o tono o tempo. It was the heart of the music and the one who played it. At kung ano ang impact nito sa mga nakikinig.
Akmang ilalayo niya ang labi dito nang hawakan nito ang likod ng ulo niya at pinalalim ang halik. Nahigit niya ang hininga. She didn’t expect that he would deepen the kiss. It was supposedly a simple kiss of appreciation; to show him how happy she was with the music they created together. But the kiss was something else. Idinala nito ang kaligayahan niya pati ang katawang lupa at kaluluwa sa ibang dimensiyon.
He was kissing her, thoroughly, unashamedly infront of the crowd. At hindi iyon simpleng halik lang na para sa simpleng magkaibigan o magkakilala. It was the kind of kiss that was staking a claim, branding her soul, branding her.
At wala na siyang pakialam kung anong iniisip ng ibang tao sa kanila ni Benedikt. All she cared about was his lips against hers. Ang kamay nitong humahaplos sa batok niya at sa balikat niya. She didn’t care if that kiss was supposed to be forbidden to perform in public because it could enduce a mind blowing orgasm.