You’re Still My Man (Filipino) Chapter 89

They danced in a tune as old as time. Slow yet intense, as if he was taking his time. He wanted it to last forever. She wished she could touch him so she could hold him to show him that she was not going anywhere. Na kahit siya ay mas gustong yakapin ito nang mahigpit at huwag na itong pakawalan. Kung pagkakatiwalaan lang sana siya nito.

Somewhere in the middle of all the sensation, she felt that she could move her hands. Pinawakalan siya ni Benedikt. Puno ng pagtataka niya itong tiningnan sa mga mata.

“I trust that you won’t leave me this time,” he said in a voice full of agony. Na parang natatakot pa rin ito na pakawalan siya. “Promise that you won’t leave me.”

Isinuklay niya ang daliri sa buhok nito at saka yumakap sa leeg nito. Puno ng pagmamahal niyang tiningnan ito sa mga mata. “Dito lang ako hangga’t gusto mo ako sa tabi mo, Benedikt. Hindi kita iiwan hangga’t hindi mo sinasabi.”

HINDI agad makagalaw si Maki mula sa pagkakahiga pagmulat ng mata niya. Her whole body was aching and sore. Pero nang maalala niya ang nangyari nang nagdaang gabi ay hindi niya magawang magreklamo. She spent the night with Benedikt.

At nang sabihing “catch up”, mukhang bumawi nga ito sa walong taon na paghihiwalay nila. He made love to her the whole night. Hindi na niya matandaan kung ilang beses dahil lutang na lutang siya sa sensasyon. Hindi rin niya alam kung saan nakuha ni Benedikt ang stamina nito. He had so much to give. Or maybe she was a novice and he was an expert on the field. Kahit ang daliri niya ay parang di niya maigalaw sa pagod.

Minsan siyang nagising nang nakaraang gabi at nahuli niyang nakatitig si Benedikt sa kanya. Sabi nito ay binabantayan lang siya nito na parang natatakot itong maglaho na lang siya o kaya ay takasan ito. And if she would attempt to move away from him, he would just kiss her and he would make love with her all over again. The world just seemed to melt away. Pareho na nilang nakalimutan kung sino sila – walang nakaraan at walang bukas. No rules. They were the one who created their own.

Inunat niya ang kamay at kinapa ito sa tabi ng kama. She was expecting that she would feel his warm and naked body sleeping beside her. Subalit ang bedsheet na lang ang nakapa ng kamay niya. Nahigit niya ang hininga at bumaling paharap sa kabila. Bakante na ang tabi niya. Iniwan na siya ni Benedikt.

She felt a bit ashamed of herself. Inaasahan kasi niya na magkatabi pa rin sila paggising niya. Ganito ba ang pakiramdam ni Benedikt nang gumising ito matapos may mangyari sa kanila dati at wala na siya sa tabi nito?

Nakadama siya ng kahungkagan. Ano nangyari sa kanila nang nagdaang gabi kung ganoon? Tapos na ang lahat?

Kahit na masakit pa ang katawan ay bumangon siya at bumaba ng kama. Hinanap niya ang damit niya. Nataranta siya nang hindi iyon makita kahit na saan. Wala sa restroom. Wala rin sa ilalim ng kama o sa ilalim ng aparador. Pinakialaman ba ni Benedikt ang gamit niya? Hindi naman siya pwedeng nakahubad na lang na magpalakad-lakad. Higit sa lahat, kailangan na niyang umalis doon. Baka dumating ang tagalinis ng kuwarto makita siya sa kuwarto ni Benedikt. Ayaw niyang maging usap-usapan doon.

Ganoon yata talaga kapag gabi pa. Parang napakaraming pwedeng itago sa dilim. Pero kapag umaga na at maliwanag na, saka niya naiisip ang repercussions ng kilos niya at bumabalik ang hiya. And as for Benedikt, saka na sila mag-usap.

Hinablot niya ang silk robe ni Benedikt na nakasabit sa rack at isinuot. Mabuti na lang at may connecting door patungo sa kuwarto niya. Hindi yata niya kakayaning harapin ang mundo sa labas ng silid na iyon suot lang ang roba ni Benedikt at alam ng lahat ang nangyari sa kanila, kahit pa sabihing di naman siya kilala ng mga ito.

Hahawakan pa lang niya ang seradura ng connecting door nang pumihit iyon at biglang bumukas. Tumambad sa kanya si Benedikt na bagong ligo. Preskong-presko na ito sa suot na polo shirt at khaki pants. Habang siya ay magulo ang buhok, di pa nakakapaghilamos man lang at walang suot kundi ang robe nito.

“H-Hi! Good morning,” bati niya dito.

“Where are you going?” tanong nitong magkasalubong ang kilay nito.

“Sa kuwarto ko.”

Ihinarang nito ang katawan sa connecting door. “Stay here.”

Naipadyak niya ang isang paa sa frustration. “Benedikt, I need to freshen up. Tingnan mo naman ang itsura ko.”

“Dito ka na lang maligo. Pwede kong ilipat ang ibang gamit mo. Sabihin mo lang sa akin kung ano kailangan mo.”

Natigagal siya. “Ano sa palagay mo ang ginagawa mo? Hindi pwedeng dito lang ako sa kuwarto mo. Nasaan nga pala ang damit ko?”

“I handed it over to the laundry. Gaya ng inaasahan ko, hindi mo ako hihintayin paggising mo. Tatakasan mo na naman ako,” may halong akusasyong sabi nito at hinapit ang baywang niya.

Iniikot niya ang mga mata. “Benedikt, anong takas naman ang gagawin ko? Saan naman ako pupunta? Ikaw nga ang wala sa tabi ko nang magising ako. Akala ko nga ikaw ang basta na lang umalis.”

“I just went to your room to make sure that your new shoes are properly arranged.”

Nagtataka niya itong tiningala. “New shoes?”

“Yes. No more high heels for you.”

Yumakap siya sa leeg nito. “How thoughtful. Thank you.”

“I took care of that first thing in the morning. So how are you feeling?”

“Tired and sore. Hindi nga ako makagalaw agad kanina. Kaya di ko alam kung paano mo naisip na iiwan kita.”

He looked at her with hooded eyes. Na parang iniisip nito kung anong dapat na sabihin sa kanya. “Dapat siguro pinagod kita that first night para hindi mo ako iniwan. O kaya hindi na sana ako natulog nang gabing iyon.”

Napalunok siya pero parang nanakit ang lalamunan niya dahil sa emosyon. Kahit na gusto niya na kalimutan ang nakaraan nila at mag-focus lang kung anong mayroon sa kanila ngayon, di maiiwasan na bumalik sila sa nakaraan. Nakita niya ang epekto kay Benedikt ng pag-iwan niya dito. He didn’t look that tough man who didn’t care about her anymore. Nasa harap niya ang lalaking nagmahal sa kanya at sinaktan niya. And it was killing her that she still had the power to hurt him like this.

Pilit siyang ngumiti at itinulak ito sa dibdib. “Benedikt, kailangan ko nang mag-shower. Nakakahiyang dumikit sa iyo.”

“Then let’s take a shower together,” sabi nito at binuhat siya.

Nataranta siya dahil di niya inaasahan ang suhestiyon nito. “T-Teka. Ibaba mo ako. N-Nakapag-shower ka na. H-Hindi mo naman kailangan…”

“I insist. You must know what you are missing.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.