Making love on the shower was carnal and fast. Kapag nababasa iyon ni Maki dati sa sa mga magazine o romance novel o kaya ay naririnig nakikita niya sa pelikula na pinapanood ng pilya niyang kaklase noong college niya ay iniisip niya na parang imposible iyon o baka kailangan ng acrobatic skills. Now what she knew was not a myth anymore. Benedikt made sure that she would enjoy the experience.
Malapit nang mag-alas diyes nang bumaba sila para mag-agahan. Halos wala na silang kasabay dahil nauna na ang ibang guest at naliligo sa beach. Di niya maiwasang ngumiti habang lutang na lutang ang pakiramdam niya. Kahit nang tingnan niya ang sarili sa harap ng salamin kanina ay napansin niya ang kakaibang kislap sa mga mata niya. And she felt that glow from within. She felt like she was eighteen year old again and in love with Benedikt Valenciaga. Yes, pakiramdam niya ay nagwawala ang puso niya.
Nag-aagahan sila sa restaurant sa tabi ng beach at asikasong-asikaso siya ng binata. She was enjoying this. Parang bumalik lang sila sa dati kung saan siya ang number one priority nito. Alagang-alaga siya ng binata.
Pakiramdam din niya ay iniwan niya ang persona niya nang sundan si Benedikt. Hindi siya ngayon ang guro mula sa Isla La Reina. Wala na siyang pakialam sa patakaran, kung ano ang tama at mali. And it was a liberating experience. Alam kasi niya na oras na umalis siya ng Bohol ay babalik siya sa boring niyang buhay at isang alaala na lang si Benedikt.
Umawang ang labi ni Maki nang lagyan ni Benedikt ng pork tocino at sinangag ang plato niya. “Benedikt, hindi ko na mauubos iyan kung tambak ka nang tambak sa plato ko,” angal niya.
“Come on. No complains. We need to replenish,” anito at pilyong kumindat sa kanya. “We didn’t get to eat early this morning because the restaurant is already closed. At kailangan mo rin ng lakas para sa buong araw na ito.”
“Ano ba ang plano mong gawin?”
“Laze around the pool or the yacht, relax, make love.” At ibinulong nito sa kanya ang huling plano nito.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya at humalakhak naman si Benedikt. Alam nito kung ano ang epekto nito sa kanya. “Kumain ka na nga lang. Baka may makarinig pa sa atin.”
“My shy fairy,” sabi nito at hinawakan ang kamay niya.
Nang kintalan nito ng halik ang likod ng palad niya ay napabuntong-hininga na lang. Ano ba naman ang gagawin niya kay Benedikt? He was a master of seduction one moment then will suddenly transform into a gentleman. Pinasisirko nito ang puso niya.
“How about a trip to Camiguin?” suhestiyon niya at tinanaw ang isla na parang ilang langoy na lang sa kanila pero malayo pa rin. “Parang gusto kong kumain ng pastel.”
Hinaplos ng daliri nito ang likod ng palad niya sa sensual na paraan. There was a wicked glint in Benedikt’s eyes. “Then you must convince me to bring you there. Fair is fair.”
Umiisip pa lang siya ng matalinong sagot dito nang mag-ring ang cellphone nito. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito nang makita ang caller at saka sumubo ng daing na isda.
“Benedikt, di mo ba sasagutin?” tanong niya.
Bumuntong-hininga ito at napilitang damputin ang phone. “Hello. Yes, Hannah?” Bigla siyang tumuwid ng upo nang marinig ang pangalan ng babaeng karibal niya sa puso ng binata. “What? S-Stop crying. Anong nangyari?” Inilapag nito ang napkin sa mesa at tumayo. “Excuse me,” sabi nito sa kanya at bumalik sa loob ng main house.
Nanlamig ang pakiramdam ni Maki nang maiwan siyang mag-isa sa mesa. Nakatitig lang siya sa plato niyang puno ng pagkain. Parang nawalan na siya ng gana. Wala namang kaso sa kanya kung makipag-usap si Benedikt sa ibang babae. Pero dahil alam niya na malapit si Hannah sa puso nito at ito ang realidad sa buhay ni Benedikt oras na maglayo sila, parang nginangatngat ng daga ang puso niya. Ilang araw na lang silang magkasama, kailangan pa bang maagaw ang oras nila ng babaeng iyon?
Pilit niyang kinontrol ang selos at nagpatuloy sa pagkain. Babalik naman si Benedikt. Hindi naman ito buong maghapon na mamanipulahin ni Hannah. Marami pang plano ang binata para sa kanila sa araw na iyon. Hindi nito kakalimutan iyon. Hindi ba’t ito nga ang nagsabi na kapag magkasama sila ay di niya kailangang isipin ang ibang babae? Siya lang ang kailangan nitong isipin.
Subalit naubos na niya at lahat ang agahan niya pati na rin ang chamomile tea na in-order niya ay di pa rin bumabalik si Benedikt. Sa huli ay napilitan siyang ipaligpit na lang ang pinagkainan at nag-request na lang siya ng tray para iakyat sa kuwarto ni Benedikt ang agahan nito. Wala naman itong masyadong kinain dahil busy ito sa panunukso sa kanya.
Katulong ang isa sa mga staff ay kinatok niya ang kuwarto ni Benedikt dala ang pagkain nito at bagong brew na Arabica coffee. “Hi! Inakyat ko na ang breakfast mo saka umorder na rin ako ng kape. Pwede bang pumasok?”
“S-Sure,” anitong nakalagay pa rin ang cellphone sa tainga. “I will call you back.”
Di niya maiwasang isipin kung si Hannah ang kausap nito sa cellphone. Pinanatili pa rin niya ang ngiti hanggang makalabas ang kasama niyang crew.
“Hindi ka na sana nag-abala,” sabi nito nang silang dalawa na lang.
Ipinagsalin niya ito ng kape sa tasa. “Naisip ko na baka busy ka sa trabaho. Ikaw itong nagsabi na kailangang kumain ng marami, di ba?”
“I am sorry. Hindi na kita nabalikan.” Inilahad nito ang kamay. Nakabukas ang laptop nito sa working table nito at nagri-ring ang cellphone sa kamay nito. “May emergency kasi.”
“I understand,” aniya at tipid na ngumiti. “Hihintayin na lang kitang matapos sa trabaho.”
“No,” maagap nitong sabi at hinapit siya sa baywang. “Ayokong mainip ka dito. Hindi ko alam kung anong oras ako matatapos. How about you join a group tour?”
“A group tour?” tanong niya at dismayado itong tiningala.
“Yes. Alam ko mamaya bago magtanghalian magte-treking sa mangrove forest ang ibang guest kasama sila Tita Susan. Gusto mo bang tawagan ko siya i-book kasama sila…”
Akmang tatawagan nito sa cellphone nang pigilan siya nito. “No. Ako na ang kakausap kay Tita Susan. Huwag mo na akong intindihin. Sigurado ka na okay lang sa iyo na umalis ako? Pwede naman akong makatulong.”
Hinawakan nito ang balikat niya. “No. This is your vacation. In a week’s time, babalik ka na sa school at magiging busy ka na naman. Nandito ka na sa Anda kaya gusto ko na mag-enjoy ka. Just shop at the store downstairs if you need anything. They will charge it to my account. Wala kang ibang iintindihin. All I want you to do is enjoy. Okay?”
Tumango siya. “Okay,” napipilitan niyang sagot.
Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Susubukan kong sumunod. Okay?”
NAKAUPO lang sa gilid ng fresh water pool si Maki habang pinagmamasdan ang pagkukulitan ng mga mag-asawa sa waterfalls. Matapos ang trekking nila sa wooden pathwalk ng mangrove forest ay sumakay sila ng bangka patungo sa Lamanoc Island kung saan namasyal sila sa sinaunang burial cave ng mga sinaunang tao na nakatira sa Anda, Bohol ay nagtungo sila sa waterfalls para magpalamig. Enjoy na enjoy ang mga ito dahil ang tubig sa waterfalls ay bumabagsak sa pool. Solo nila ang pool nang mga oras na iyon kapag nakakapagsaya sila nang todo.
Masaya naman siya at naglibang sa tour pero di niya maiwasang mainggit sa mga kasamahan na kasa-kasama ang asawa ng mga ito. Kung naroon lang sana si Benedikt ay hindi siya masyadong makakadama ng pag-iisa. Kanina pa siya lingon nang lingon sa paligid, umaasang bigla na lang susulpot si Benedikt para pawiin ang lungkot niya.
Hindi rin maalis sa isip niya kung anong ginagawa nito. Matatapos na ba ang problma nito? Anong oras ba ito susunod? Dadating pa ba ito? Kanina pa siya send nang send ng text message dito para i-update ito kung nasaan na sila pero wala naman itong reply.
Sana talaga ay hindi na lang siya nito hinayaang umalis sa tabi nito. Bumuga siya ng hangin at tumingala sa asul na langit. Ayaw ba siya nitong patulungin dahil ayaw nitong makita niyang nakikipag-communicate ito kay Hannah?
Napaka-awkward nga naman kung mananatili siya doon habang kausap nito si Hannah. Sinubukan naman niyang magpanggap na wala si Hannah sa buhay ni Benedikt. Na hindi ito nag-e-exist. Pero iba pala kapag nariyan na. Na naririnig niya ang pangalan ng babae sa labi ni Benedikt. Hindi niya maiwasang masaktan dahil alam niyang naghihintay lang si Hannah sa isang tabi. Naghihintay na matapos ang ilang araw na kasama niya si Benedikt.
She was no better than a mistress. A temporary woman in his life.
“Maki, sumama ka sa amin,” untag sa kanya ni Susan na nasa gitna ng pool. “Masarap ang tubig.”
Napilitan siyang ngumiti at kumaway dito. “Maya-maya na po. Hinihintay ko pa po kasi si Benedikt.”
Bakas ang pag-aalala sa mukha nito nang lapitan siya. “Huwag kang ganyan. Di dahil wala dito ang boyfriend mo, hindi ka na mag-e-enjoy. Hindi ba bilin niya na mag-enjoy ka. You will miss the water. Kalimutan mo muna siya. Magtampisaw na lang siya pagdating niya.”
“Hindi po. Okay lang po ako dito.”
Umahon ito sa pool at tinabihan siya. “Maki, hindi dahil wala na ang boyfriend mo sa tabi mo ay siya na lang ang hihintayin mo para magpakasaya ka.”
“Alam ko naman po iyon. Pero konti na lang ang oras namin na magkakasama dahil babalik na kami sa kanya-kanya naming buhay.” Bigla siyang natigilan nang nagsalubong ang kilay ng mas matandang babae. “I mean, I will go back to school. He will go back to Manila. N-Nanghihinayang lang po ako sa panahon.”
Mataman siya nitong tinitigan. Animo’y binabasa kung ano talaga ang laman ng isipan niya. “Hindi kaya may iba pang bumabagabag sa iyo? Pwede kang mag-open sa akin.”
Nag-alinlangan siya noong una. Hindi naman siya ang tipo ng tao na nagbubukas ng problema niya kung kani-kanino. Pero kung wala siyang makakausap tungkol sa kanila ni Benedikt ay tiyak na mababaliw siya. “There’s just this girl…”
“Hmmm?” anito nang nag-alanganin siyang ituloy ang sasabihin.
“There’s just this girl whom I know is in love with Benedikt. At nang tumawag siya, iniwan na lang ni Benedikt ang lahat. Nakalimutan na niya ako,” aniya at napayuko na lang.
She felt so pathetic. Alam niyang wala siyang karapatan na magselos pero hindi pa rin naman niya maiiwasan na masaktan.
“Kung ganyan ang sitwasyon, kadalasan naman ay urgent. Ang alam ko ay importante ang inaasikaso ni Benedikt. May emergency sa trabaho niya.”
“Iyon lang po kaya talaga iyon?”
“Maraming babae ang nagkakagusto kay Benedikt pero ikaw ang kasama niya. Ang alam ko kapag nagbabakasyon si Benedikt dito sa Bohol ay mas gusto niyang mapag-isa. It says a lot that you are here with him. Huwag kang mag-alala. I am sure trabaho lang ang dahilan kaya wala si Benedikt. That boy is so workaholic. Pero kagabi ko lang siya nakitang lumabas sa comfort zone niya. Kagabi ko lang nalaman na tumutugtog pala siya ng piano. Masaya siya kapag kasama ka. Iyon ang isipin mo.”
Tumango siya. Isa siguro iyon sa parte ni Benedikt na hindi makukuha ni Hannah kahit na kailan. Nasa kanya ang isang bahagi ng puso nito. “Huwag na lang po ninyong sabihin ang napag-usapan natin kay Benedikt kung pwede. A-Ayoko pong mag-isip din siya ng hindi maganda sa akin. Wala naman po akong planong maging possessive o anuman.”
He was never hers to start with. Hiram na sandali lang ang pinagsasaluhan nila. But she was human. Hindi niya mapipigilan ang sarili na makaramdam.
“No problem. Tayo lang namang mga babae ang nagkakaintindihan sa ganyang mga problema. Pero sa ngayon.”
Tumili siya nang bigla siya nitong itulak sa tubig.