“Dahan-dahan lang,” sabi ni Maki habang niyayakag si Benedikt palabas ng kotse nito. Nakapiring ang mga mata nito dahil na rin sa pamimilit niya dito.
“Maki, saan mo ba ako dadalhin?” tanong nito na may bahagyang iritasyon sa boses.
“Basta. Magtiwala ka lang sa akin. Okay. Iangat mo ang paa mo.” Gutter ang nasa harap nito at iginiya niya patawid ng side walk patungo sa malawak na damuhan.
Tumikhim ito. “You know how much I hate surprises.”
And he hated losing his control. “Just trust me okay?”
Mula sa opisina nito ay sinundo niya ito. Biyernes noon ng gabi at pinilit talaga niya itong lumabas sila para magkasama naman sila. Mula kasi nang maospital ang ama nito ay sa hospital na lang sila halos nagde-date at nagkikita. Hindi rin sila masyadong nagkakausap dahil puro tungkol sa trabaho din ang dini-discuss nito sa magulang nito kapag nasa ospital at masyado na itong pagod para pag-usapan pa nila ang ibang mga bagay. Ayaw na kasi niyang dagdagan ang intindihin nito.
Ngayong gabi ang unang pagkakataon na magsosolo sila. Pero hindi ordinaryong date ang gabing iyon. Espesyal ang ihinanda niya para dito. This would be the start of their forever. Gusto niyang maging perpekto ang lahat.
“Nasaan ba tayo? Matagal pa ba?” anito sa naiinip na boses.
“Tigil,” sabi niya. Naulinigan niya ang maluwag na paghinga nito at saka kinalag ang piring sa mata nito. Kumurap-kurap ito hanggang nag-adjust ang mga mata nito at inikot ang paningin sa paligid. “Wow!”
Nasa gitna sila ng golf course sa Quezon City. Subalit ang lupang kinatutuntungan nila ay ang lote na nabili nila para tayuan ng bahay. Dine-develop ang naturang golf course para tayuan ng bahayan ang paligid. Pareho nilang nagustuhan ni lugar dahil mukhang tahimik at maberde ang paligid. At nasa gitna lang din ng siyudad. Plano nilang tayuan iyon ng dream house nila kapag pareho na silang stable sa career nila at gusto na nilang iayos ang kasal nila.
At dahil gabi noon ay walang ilaw sa lugar na iyon maliban sa ihinanda niyang lantern na may sindi at nakapaikot sa picnic blanket na nakalatag sa damuhan.
“Come. Naghanda ako ng dinner para sa iyo,” sabi niya at niyakag ito patungo sa picnic basket. “Nagluto ako ng paborito mo. I know I am not as good as your cook. Pero pinaghirapan ko iyan.”
Pinisil nito ang kamay niya. “Maki, you don’t have to do this. Ako nga dapat ang nag-aalaga sa iyo. But I don’t have much time recently and...”
Pinigilan ng daliri niya ang labi nito. “Shhh! Oras naman para ako ang mag-alaga sa iyo. We are partners, remember? At oras na mag-asawa na tayo, ako na ang mag-aalaga sa iyo. Kaya ngayon pa lang masanay ka nang inaasikaso kita. That’s what housewives do.”
“Kahit na. Gusto ko pa rin ako ang mag-aalaga sa iyo,” giit nito.
Masigla niyang inilabas sa picnic basket ang mga pagkaing iniluto niya. Nakita niya ang saya sa mukha ni Benedikt lalo na nang matikman ang niluto niya. Aprubado iyon ni Teresina bago niya ipatikim kay Benedikt. Gusto daw nitong matiyak na handa na siyang maging asawa ni Benedikt. Na handa na siyang paglingkuran ito bilang maybahay nito.
Humilig siya sa balikat nito habang pinapanood niya ang kulay ng langit mula sa kinauupuan nila. “Benedikt, I want to be your wife. Gusto ko nang itayo ang bahay natin at pupunuin natin iyon ng mga anak natin.”
“That is my dream, too.”
Bahagya siyang humarap dito. “I want to be your wife soon. Kung pwede pagkatapos ng graduation ko.” Hinawakan niya ang dalawang kamay nito. “Will you marry me, Benedikt Valenciaga?”
Tumigil ang tibok ng puso niya nang hindi ito nagsalita at nakatulala lang sa kanya. Hindi ito mukhang masaya. Nanlalaki ang mata nito sa pagkagulat. Mukhang di maganda ito.
“A-Ayaw mo bang magpakasal sa akin?” tanong niya sa nanginginig na boses. Paano na ito kapag ayaw nitong pakasalan siya? Anong gagawin niya?
It was a stupid plan. Pero ito lang ang naiisip niyang paraan para matupad niya ang pangako sa mga magulang ni Benedikt. Kundi niya ito makukumbinsi, tiyak na madidismaya sa kanya ang mga magulang nito. Gusto niyang bumawi sa kasalanan niya sa mga ito. Alam niya na ito lang ang tanging paraan para makabawi siya – ang pasayahin at magpakasal sila ni Benedikt sa lalong madaling panahon.
“Of course, I do,” anit nang makabawi. “Matagal na panahon ko nang hinihintay na makasal tayo. You know that the moment you turned eighteen, I dreamt of having you as my bride. Pero kapag nagpakasal tayo, gusto ko fulfilled ka na rin sa mga pangarap mo. You want to be a teacher, teach children music and even have your own preschool center.”
Umiling siya at pinamanhid ang sarili para di niya maramdaman ang sakit kapag naiisip na hindi na niya matutupad ang mga pangarap niya. “Ikaw ang pinakamalaga sa akin. Alam ko na mas kailangan mo ako ngayon sa tabi mo. Gusto kong suportahan kita bilang asawa ko. Gusto kong simulan na ang pangarap natin ngayon. Hindi mo ba gustong bigyan agad ng apo sila Tito at Tita? Alam ko na matutuwa sila kapag ikinasal na tayo. Lalo na ang Papa mo.”
“Yes. Wala siyang ibang bukambibig kundi ang bigyan ko siya ng apo lalo na nang magkasakit siya. I don’t want to pressure you.”
“Malapit na ang graduation ko. Pwede naman nating simulan na ang paghahanda para sa kasal ngayon. Pwede na tayong magpakasal after kong maka-graduate. Let’s start by formally announcing our engagement. Hindi na natin kailangang maghintay ng matagal.”
Mataman siya nitong tiningnan. “Do you really want this?”
“Yes. Badly.”
“Sigurado ka ba?”
“I’ve never been sure in my life.” Hinawakan niya ang pisngi nito. “So will you marry me, Benedikt Valenciaga?” Please don’t say no. Please don’t say no.
Sumimangot ito at kumapa sa bulsa saka bumagsak ang balikat. “W-Wala akong singsing.”
“Hindi mahalaga ang singsing. All I need is your answer.”
“Yes.”
Patalon siyang yumakap sa leeg nito at mapusok na inangkin ang labi nito. Nawalan ito ng balanse at natumba ito sa damuhan pero di pa rin naghiwalay ang labi nila habang nasa ibabaw siya nito. She was the happiest girl alive. Nagawa na niya. Tagumpay ang marriage proposal niya. At sa loob ng ilang buwan ay magiging Mrs. Benedikt Valenciaga na siya. Hindi iyon ang plano niya noong una pero alam niyang iyon ang tama.
“You won’t regret it. I will be the best wife in the world. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. I will make you happy, Benedikt. I love you.”
“I love you, too, Maria Makiling.”
It was the start of their path to forever. At mabubura ng pagmamahal niya ang lahat ng pagkakamaling nagawa niya sa buhay niya. She would make him happy. She would make their family happy. Hindi na niya ito bibiguin pang muli.