Inilapag ni Maki sa harap ni Benedikt ang kape at ang pastel na in-order nito mula sa Camiguin. “Benedikt, kumain ka muna.”
Inangat lang nito nang bahagya ang ulo sa laptop nito at ngumiti. “Salamat.”
Pagod na pagod ang mga mata nito at magulo rin ang buhok. Buong gabi itong di mapakali kahit na magkatabi sila. At paggising niya ay naabutan niya ito na nakatutok na sa laptop nito habang may kausap sa cellphone. Hindi rin ito nakapag-focus sa agahan nila at kung hindi pa niya ito dadalhan ng pagkain ay baka malipasan na ito ng gutom.
Bumuntong-hininga siya nang humarap ulit ito sa laptop at tumipa. Ni hindi man lang nito pinansin ang kape o sumubo ng pastel. “Benedikt, gusto mong subuan kita?” alok niya.
Natawa ito. “That’s silly. Hindi na ako bata.”
“Either I do that or I will take your laptop away from you. Magkakasakit ka kapag hindi ka kumain.”
“Alright. Susubo na ako,” sabi nito at napilitang pumiraso ng pastel. Sa isang iglap ay naubos nito ang pastel at mukhang noon lang nito natuklasan na gutom ito.
Kumuha pa siya ng dalawang pirasong pastel at idinulot dito. Tiningala siya ni Benedikt. “Hindi ka ba mamamasyal sa labas? Pwede kong ipahanda ang yate.”
“No. Okay lang ako dito.”
“Babantayan mo ako hangga’t di ko nauubos ito?”
Nagkibit-balikat siya. “Parang ganoon na nga.”
Mas gusto na niyang titigan ito kaysa naman umalis siya tabi nito para magsaya sa ibang lugar pero lalo lang siyang malulungkot. She already learned that lesson yesterday. Naging killjoy lang siya. Nakakahiya sa mga makakasama niya.
Tiningnan nito ang relo at parang nagulat pa ito nang makitang mag-a-alas dose na ng tanghali. “How about we have lunch together? Um-order ka na. Naka-reserve naman para sa atin ang isa sa floating hut.”
“Okay,” masigla niyang sabi. “Lunch. No work. Okay?”
Tumango ito. “Okay.”
Gaya ng pangako ni Benedikt ay sinamahan siya nito na magtanghalian sa floating hut Iyon ang bagong feature ng resort na idinagdag ng bagong may-ari.
Kasama niya si Benedikt pero madalas ay malalim ang iniisip nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan nito poproblemahin ang temporary restraining order sa airport at ang ngayon ay paglabas sa media ng totoong estado ng Isla La Reina. Hindi lang pala commercial center ang hawak na proyekto ni Benedikt kundi maging ang subdivision na plano nitong itayo sa Isla La Reina na isasabay sa construction ng airport.
“I am sorry,” sabi niya dito.
Tumingin ito sa kanya. “Because…”
Bahagya siyang yumuko. “About what happened in La Reina. I am sorry because you are on the other side. Magkaiba tayo ng ipinaglalaban. Malungkot ako dahil nakakaapekto ito sa iyo at hindi ko alam kung paano pagagaanin ang sitwasyon mo.”
She couldn’t do anything to console him. A part of her was guilty because in a way, she was responsible for it. She felt helpless. Paano niya pagagaanin ang kalooban ni Benedikt o itatama ang lahat ng gulo sa kompanya nito? Hindi niya pwedeng sabihin na magiging okay din ang lahat o baka matuloy pa rin ang airport dahil taliwas iyon sa paniniwala niya. Nakasalalay din naman ang kaligtasan ng bayang itinuturing na niyang tahanan.
“Why say sorry? Hindi naman ikaw ang nandaya sa report ng geologist at scientists para lang i-approve ang airoort sa La Reina. Pinrotektahan mo lang naman ang lugar ninyo. Kasalanan ko iyon dahil di ako nag-double check bago sinimulan ang projects. I also used that fake report as a basis.”
“P-Pero may magagawa ba ako para sa iyo?” Ayaw niya ng pakiramdam na parang napakalayo nila sa isa’t isa. She wanted a middle ground where they could meet.
Umiling ito at ginagap ang kamay niya. “Nang malaman ko ang tungkol sa fake report na nai-submit, kinausap ko na ang mga investors ko. Di pa naman namin nasisimulan ang project dahil nagsisimula pa lang ang negotiation namin sa land owners para sa subdivision at sa commercial center. Sila itong interesado pa rin na ituloy ang project. Kailangan ko lang i-present sa kanila ang alternative project para hindi sila mag-pullout ng investment. Who knows? I can wrap it up tonight or tomorrow. Just bear with me. At gusto ko habang busy pa ako, libangin mo muna ang sarili mo. Ayokong makikita kang nag-aalala at nalulungkot. Okay?”
“Okay,” aniya.
Matapos ang tanghalian ay hinayaan na niya si Benedikt na bumalik sa taas at naharang naman siya ni Susan sa main house. “Maki, pwede mo ba kaming tugtugan? I miss listening to your music.”
“That is a good idea, Tita. Kahit siguro maghapon at magdamag siyang umupo sa piano ay okay lang sa kanya,” sabi ni Benedikt at kinintalan siya ng halik sa labi. “Basta huwag kang magpapagutom, okay? You lose yourself most of the time when you are into your music.”
“Nagsimula ang workaholic na nakakalimot kumain kapag may trabaho.”
Pinisil nito ang baba niya. “I will definitely miss you.”
Ngumiti siya sa pagkakataong ito. Dala niya ang magaang mood nang tugtugin niya ang ilang classical Filipino pieces na nagustuhan naman ng mga mag-asawang matagal namalagi sa ibang bansa. Madalang na daw kasing makarinig ng classic Filipino music ang mga ito. At pansamantala niyang nakalimutan si Benedikt at ang Isla ng La Reina.
Nang magpaalam ang ibang bisita para mag-siesta nang bandang alas dos ng hapon ay nilapitan siya ni Susan. “Kumusta kayo ni Benedikt… and the other girl?”
Isinara niya ang lid ng piano. “Mukhang tama nga po kayo. It is just business. May malaking problema si Benedikt ngayon sa isang project na hawak niya dahil may conflict sa environmental issue sa lugar na iyon. Nagkataon lang po na malaki din ang kinalaman ng babaeng iyon. Nothing to be jealous of.”
“That is good to hear. Inaantok ka na ba?”
“No. H-Hindi ko nga po alam kung anong gagawin ko ngayon.” Wala siyang naidalang librong babasahin kaya naman parang mas gusto niyang magbabad sa piano.
“Perfect. You can visit the family museum.”
Nanigas ang likod niya. “Family museum?”
“Yes. It is an interesting place.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Come. I will give you a tour.”
Hindi na niya nagawang tumutol dahil hinila na siya nito patayo at mabibilis ang mga hakbang na dalhin siya sa mini museum. She was dreading on what she would find there – her family’s past, the deceit, the lies. It would be like entering a haunted house. At hindi niya alam kung anong mararamdaman niya oras na makita ang larawan ng madrasta niya na nakahilera sa mga matriarka ng pamilya. Ito ang babaeng sumira sa masayang pamilya niya.
Nanlalamig ang kamay niya at pinapawisan nang nakatayo na siya sa harap ng dating library na ngayon ay mini museum na. Isang malawak na silid ang library. Tatlong maluluwang na kuwarto ang sakop nito. Pagpasok niya ay naramdaman agad niya na nakatutok sa kanya ang mata ng mga painting ng ninuno niya. Nakahilera ang mga ito sa dingding habang nasa baba naman ng estante ang iba’t ibang items na naka-enclose sa glass case.
“The Rubellas are one of prominent figures of this town even before the Spanish era. The first Filipina matriarch was an Andaonon and a part of Dagohoy’s Revolt during its last years, would you believe that? Si Valdez Rubella na isang negosyante ay piniling dito manirahan at na-in love kay Aurelia kahit na di niya alam na rebelde ito. Nabasted siya ng tatlong beses at sinundan-sundan niya si Aurelia hanggang malaman niyang rebelde ito.”
“What a stalker,” natatawa niyang sabi.
“Well, he blackmailed Aurelia to marry him. Ang kondisyon ay hindi niya isusuplong sa Spanish authorities si Aurelia at ang mga rebelde. Inilayo niya si Aurelia at idinala sa Cebu pero pinopondohan ni Valdez ang rebolusyonaryo. Mahal niya si Aurelia. Nirerespeto rin niya ang ipinaglalaban pero gusto pa rin niyang protektahan.”
Isang ngiti ang sumilay sa labi niya habang pinagmamasdan ang portrait ng ninunong si Aurelia. Kumpara sa mga sinaunang kababaihan noong panahon ng Kastila, hindi ito tulad ni Maria Clara. Palaban ito at may paninindigan. Bagamat sinasabi niya na sa ina niya siya nagmana ng pagiging matapang at maprinsipyo, bahagi din ng pagiging Rubella niya ang pagiging palaban.
“Well, Aurelia also loves him. Hindi lang niya masabi noon dahil sa natatakot siyang isuplong siya ni Valdez. Wala nang sasakit pa sa isang taong nagmamahal na talikuran at isuplong ng taong mahal niya.”
“So, you know the story?” anang si Susan na bahagyang nagulat.
Nagkibit-balikat siya. “Siguro po iyon na lang ang natitira kong naaalala sa kwento tungkol sa mga Rubella noong bata pa ako. Matagal na iyon.”
“At ito naman ang anak nina Valdez at Aurelia,” pagpapatuloy ni Susan.
It was weird that she was listening to the history of her family from other people’s mouth. Samantalang ang mga bagay na iyon ay matagal na niyang alam. She knew the stories by heart. Ikinukwento ng lolo at lola niya, ng nanay at tatay niya.
“Of course, this is Sinibaldo Rubella and his wife, Corazon Rubella,” anang si Susan at itinuro ang wedding portrait ng lolo at lola niya.