You’re Still My Man (Filipino) Chapter 94

“Maki, row! Row! Row!” utos ni Benedikt sa kanya habang nagka-kayak sila sa Abatan River sa bayan ng Cortes, Bohol. Magkasama sila sa isang kayak at wagas ito kung makautos sa kanya.

Tumatagaktak na ang pawis niya habang kung sige naman siya sa pagsagwan pero parang di pa rin ito masaya. “Ano ka ba? Wala naman tayo sa karera,” angal niya lalo na’t nagsisimula nang manakit ang braso niya.

Nang makawala na ito sa problemang dulot ng temporary restraining order La Reina International Airport ay nagyaya agad ito na mamasyal sila. Sakay ng motor nito at ilang pang-overnight na gamit ay nagtungo sila sa isang resort sa Cortes, Bohol na nasa gilid ng Abatan River. May kayak training doon at magandang experience daw ang makapag-kayak sa naturang ilog.

It was exciting at first. Tahimik kasi ang ilog, malinis at may mga puno sa magkabilang gilid ng ilog. It was a perfect place to relax. At dahil di naman malakas ang alon ay tamang-tama lang sa isang beginner na tulad niya. Tutal ay nariyan naman si Benedikt para alalayan siya. Sa kasamaang-palad ay daig pa nito si Captain Hook kung makautos sa kanya. Mukhang sa kanya nito ibinubuhos ang frustration nito nang nagdaang araw.

“Masyado tayong mabagal,” angal nito.

“May iba ka bang lakad?” tanong niya. “Ang alam ko sa kayaking, kailangan chill lang. Wala naman tayong hinahabol, di ba?” Inilahad niya ang isang palad sa kalikasang nasa paligid niya. “Tingnan mo ang mga puno, pakinggan mo ang huni ng mga ibon, nakaka-relax sa pakiramdam. Walang ganito sa Manila. Kaya mag-relax ka lang diyan.”

Wala itong nagawa kundi ang mas bagalan ang pagsagwan habang sinasabayan naman niya ng kanta ang paggitara ng isa sa bangkero na nakasunod sa kanila. Ang mga ito ang aalalay sa kanila hanggang makarating sila sa dulo ng ilog at pwede na silang sumakay sa bangka kapag pabalik na sila.

Nang lingunin niya si Benedikt ay hindi na ito mukhang tensiyonado at nagagawa na rin nitong luminga-linga sa magandang view sa paligid nito. He really needed this relaxing atmosphere. Kailangan din nila ang panahong ito na silang dalawa lang ang magkasama. At dahil walang signal ng cellphone sa bahaging iyon at nasa bangka ang gamit nila kaya wala silang ibang iintindihin kundi ang pagsasagwan at pagre-relax.

Maya maya pa ay nagsimula nang balutin ng dilim ang ilog. Subalit hindi naman sila tuluyang pinabayaan ng kalikasan dahil unti-unti niyang nakita ang naglalabasang liwanag mula sa puno at sa mga damuhan sa tabi ng ilog.

Nahigit niya ang hininga. “Benedikt, tingnan mo!” excited niyang turo.

“Fireflies,” usal nito.

“Ang gandaaaaa!” tuwang-tuwa niyang sabi.

She looked around in wonder. Parang nasa isang engkantado silang lugar nang mga oras na iyon. Parang napunta sila sa ibang mundo. Di nagtagal ay bumaba sila sa isang wooden platform na mistulang maikling pantalan. Itinabi nila ang kayak sa tabi ng ilog at saka umupo sa kahoy na daan. May isang village silang papasukan na matatagpuan sa gilid ng ilog para doon maghapunan pero pinili na muna nila ni Benedikt na manatili sa may pantalan at pinagmasdan ang mga alitaptap sa paligid.

Humilig siya sa balikat ni Benedikt. “Sana dito na lang tayo.” Pakiramdam ni Maki ay tumigil ang oras at ang pag-ikot ng mundo para sa kanilang dalawa lang. “This place is really beautiful, Benedikt. Sabi ng mga scientist, maganda pa daw ang ecosystem sa isang lugar kapag marami kang nakikitang alitaptap. Sana manatiling ganito kaganda ang lugar na ito. Huwag sanang bulabugin ng sobrang turismo at ng industriyalisasyon.”

“Ang sabi ng lola ko, lumalabas daw ang mga alitaptap bilang tanglaw sa diwata nila o sa mga engkanto sa paligid.”

Matalim niya itong tiningnan. “Huwag mo nga akong tinatakot ng ganyan. Nagturo-turo pa mandin ako kanina. Baka mamaya mamatanda ako.” At yumakap siya sa baywang nito na parang kaya siya nitong protektahan kung may kapre o tikbalang sa paligid.

“Silly. They are welcoming you, my fairy,” anito habang tinitingnan siya nito sa mga mata nitong puno ng init. “They want the world to see your beauty.”

Di maiwasang mag-init ng pisngi niya na parang isa na naman siyang teenager na unang beses na nasabihang maganda ng lalaking gusto niya. “How romantic, Benedikt.”

He cupped her face. “That is a fact, Maki. You are beautiful.”

“It has been a long time since you called me your fairy.”

“At I think it has been a long time since I kissed you.”

Natigilan siya. “Kanina lang naman umaga iyon…”

“That is long enough for me,” anito at inangkin ang labi niya. Napapikit siya sa marahan at maingat na paghalik nito. Na parang isa siyang mahalagang bagay na natatakot itong mabasag. O kaya naman ay isang mula sa mundo ng mahika na kinatatakutan nitong maglaho na lang sa isang iglap.

Kahit na nakapikit siya, parang nakikita niya ang mga alitaptap na nagliliparan para tanglawan ang pagniniig ng labi nila. And when she opened her eyes, she saw the twinkle in Benedikt’s eyes. He was beautiful.

“Thanks for bringing me here, Benedikt,” aniya at hinaplos ang pisngi nito. “I wish…”

“You wish what?”

Umiling siya at ibinalik ang tingin sa puno na pinamumugaran ng alitaptap. “We could stay in this magical world forever.”

Gusto niyang manatili sa tabi nito. Hindi na sana sila magkahiwalay kahit na kailan. Hindi na sana matapos ang araw na palugit nila sa isa’t isa. Hindi na sana sila bumalik sa pagiging estranghero na naman sa isa’t isa.

“Nothing lasts forever, Maki.”

Yumuko siya. “I know.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Kaya nga ayaw niyang masyadong umasa dahil alam niyang masasaktan lang siya. Kaso ay di naman mapigilan ng puso niya. She would end up broken hearted in the end, she knew.

“But we have this. We have now, just you and I. Forever doesn’t matter.”

Tumango na lang siya at idiniin nito ang noo sa noo niya. Pilit niyang kinontrol ang emosyon niya. She won’t cry. She won’t beg. Wala siyang humingi ng kahit ano sa higit na kayang ibibigay ni Benedikt sa kanya. At kahit na mahirap, kailangan niyang tanggapin iyon. Her wishes would be just that. Wishes.

“Time for dinner,” sabi ng binata at tumayo.

Nang ialok nito ang kamay sa kanya at hawakan niya iyon ay awtomatiko siyang ngumiti. Magiging okay din siya. She had moments like this in her heart forever.

HINDI maiwasang maiyak ni Maki habang pinapakinggan ang pag-awit ng Loboc Children’s Choir ng Yesterday’s Dream. Matapos ang maghapon nilang pamamasyal ni Benedikt sa Chocolate Hills Complex at Sagbayan Point ay sa evening cruise na sila ng Loboc River Cruise nag-dinner. At nagtanghal din sa special river cruise na iyon ang sikat na Loboc Children’s Choir. Parang pinipiga ang puso niya habang kinakanta ng mga ito ang Yesterday’s Dream. “Their voice is so angelic,” aniya habang sapo ang dibdib. “Pakiramdam ko idinala ako sa langit. Ang gagaling nila.”

“Sino ang mas magaling? Sila o ang La Reina Children’s Choir?” nanunksong bulong ni Benedikt sa kanya.

Siniko niya ito. “Huwag ka ngang ganyan. Siyempre bias ako sa mga estudyante ko. They are my babies after all. They sing my songs. But these kids aren’t reknown all over the world for nothing. Sila ang gusto kong gayahin ng mga alaga ko. Iyan ang pangarap kong maabot nila balang-araw.”

Pinagmasdan siya ni Benedikt. “I am glad that you get to fulfill your dream as a teacher. Siguro kaya ka napadpad sa La Reina para sa kanila. Kung naikasal tayo, sa palagay ko hindi papayag ang mama mo at ang mama ko na sa public school ka lang magturo. I used to hate you for leaving me only to find you teaching in a lowly public school. Di ako makapaniwala na sa ganoong buhay mo lang ako ipinagpalit.”

Umingos ito. “What a snobb.”

Ginagap nito ang kamay niya. “Come on. Give me some slack. Siyempre nasaktan ako. Pero nang makita ko kung gaano ka kasaya lalo na kung paano mo binago ang buhay nila at binigyan sila ng pag-asa, alam ko na hindi ko maibibigay iyon sa iyo. Hindi ka rin lubusang magiging masaya kung hindi mo sinunod kung ano talaga ang pangarap mo.”

“That is such a brave act, Benedikt. Hindi ko inaasahan na maririnig iyan sa iyo.”

Tuwid itong tumingin sa mga batang nasa entablado. “Mas malulungkot siguro ako kung nabubuhay ka sa kasinungalingan. Sa mga bagay na kailangan mong gawin for appearance’s sake. Para lang masabi na sumusunod ka sa itinatakda ng alta sociedad. Hindi ka rin magiging akin ng buo kung naikasal tayo noon. Dahil alam ko na hindi mo mailalabas ang full potential mo. Things happen for a reason, Maki.”

“Kung may ibang paraan lang sana noon para makahinga ako sa mundong ginagalawan natin, hindi kita iiwan, Benedikt. Alam mo iyan.”

Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “I know. Pero magkasama naman tayo ngayon, di ba? Mas malaya na tayo na magawa ang gusto natin.” Hinaplos nito ang likod ng kamay niya at bumuntong-hininga. “Maki, gusto mo ba…”

“Ano?” tanong niya.

“Baka gusto mo na subukan…”

“Benedikt? Mr. Benedikt Valenciaga?” anang isang lalaki na nakatayo sa aisle. Tapos na pala ang performance ng choir noon at nagtatayuan na ang mga tao.

“Yes,” anang si Benedikt at ngumiti agad nang makilala ang lalaki. “Sir Victor! Kumusta na po kayo.”

“Good. Sinamahan ko lang ang asawa ko na manood ng choir dahil kasama ang isa sa pamangkin niya. Sana hindi ako nakakaabala sa inyo.”

“Si Maria Makiling Veracruz po,” pagpapakilala nito sa kanya. “Teacher po siya galing sa Isla La Reina. Nagbabakasyon lang po kami dito. Maki, si Mr. Victor Esteves, principal sa isang elementary school sa Antequera, Bohol.”

Masayang kinamayan ni Maki ang matandang lalaki. “Nice meeting you po.”

“Kundi ninyo naitatanong, si Sir Benedikt ang tumulong sa amin na magpatayo ng eskwelahan. Nagkaroon kami ng Annex school dahil sa donasyon niya. Proyekto niya na magpatayo ng iba’t ibang paaralan dito sa Bohol,” pagmamalaki ni Mr. Esteves. “Ang alam ko nga ay plano niyang magtayo din sa ibang probinsiya na kulang ng silid-aralan.”

“May mga sponsor naman po na tumutulong sa kanila. Kumusta po ang mga estudyante ninyo?” tanong ni Benedikt.

“Mabuti. Baka gusto ninyong dumalaw bukas sa Antequera? May spelunking trip kami. Para din makita ninyo ang eskwelahan namin kahit na walang pasok,” yaya ng butihing principal.

“Sige po. Tatawagan ko po kayo bukas,” wika ni Benedikt.

Kinamayan siya ni Mr. Esteves at tinapik sa balikat si Benedikt. “Aasahan ko kayo.”

“Okay lang ba sa iyo na mag-spelunking?” tanong ng binata.

“Oo naman. Hindi pa ako nakakapunta sa Antequera.” Kumapit siya sa balikat nito habang papunta sila sa motor nito. Sa isang lodge sila sa Carmen tutuloy dahil gusto niyang mapanood ang magandang view ng Chocolate Hills pagsikat ng araw kinabukasan. “Hindi ko alam na tumutulong ka sa pagpapatayo ng eskwelahan sa mga liblib na lugar.”

“Naaalala kita kasi kapag nakakakita ako ng eskwelahan. Saka naalala ko noon tumakas ka pa para lang makatulong sa pagtatayo ng isang eskwelahan sa Laguna. Isinama mo pa nga ako. You were tired yet happy. I don’t know, pero gumagaan ang pakiramdam ko tuwing may maitatayo akong eskwelahan at nakikita ko kung gaano kasigasig ang mga estudyante at guro na kapag naroon sila.”

Yumakap siya sa leeg nito at kinintalan ito ng halik sa labi. “Thanks for remembering me, Benedikt. Thank you even if I know I don’t deserve that.”

“Ngayong alam mo na, I expect a reward for my good deed,” bulong nito at pabirong kinagat ang tainga niya. Kinurot niya ito sa baywang.

“Naku! Saka na natin pag-usapan iyan. Magmamaneho ka pa.”

Anuman ang mangyari sa kanila ni Benedikt matapos ito, alam niyang hindi siya nito makakalimutan. Nasa puso na siya nito kahit na di pa nito aminin sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.