You're Still the One Chapter 4

"Shit pare, nag uumpisa ng mag angas ang Carlo Montero na iyon!" iiling iling na sambit ni Gabriel.

"Sabi ko na nga ba iba rin yung isang iyon eh, unang tingin ko palang don"

"Pero mukhang hindi mo kaya ang isang iyon Gabs." Kantiyaw ng kaibigan ni Gabriel sabay tawa na tila nang aasar.

"Hindi mahalaga saken yung amboy na yun pre, ang mahalaga saken makuha ko si Alexa." Pag yayabang ni Gabriel.

--"Imbes na nag chichismisan kayo dito sa harapan ng opisina ko, sana ginagawa niyo ang mga trabaho niyo!" Iritableng tinig iyon ni Carlo

"S-sorry sir." Tarantang sagot ni Martin, isa sa mga kausap ni Gabriel na kadepartamento niya sa kompanya. Sabay sabay silang nagsipasok sa kanilang opisina.

Kunot noo pa rin si Carlo hanggang sa makaalis ang mga chismosong katrabaho. "Parang hindi mga lalaki!" iiling iling na nasambit niya sa sarili.

"Goodmorning sir, remind ko po kayo sa meeting niyo sa ating malaysian client mamayang 3 oclock."

"Okay, thank you Marie." Tipid na sagot ni Carlo.

Nasa conference room na si Alexa kasama ang malaysian client nila ng pumasok si Carlo para sa meeting.

Magiliw nilang binati ang kliyente.

Nagkaroon nanaman ng hindi pagkakaunawaan sina Carlo at Alexa.

Napansin ni Carlo na iba ang interes ng malaysian, si Alexa iyon, ngunit si Alexa ay purong trabaho lang ang nasa isip hindi niya napapansin na iba ang tingin sakanya ng kanilang kliyente, mabait at mahinahon pa rin siya sa kausap, bagay na kinaiirita ni Carlo.

"Ms. Guzman, can we talk for a while, please excuse us Mr. Lao." si Carlo.

"Ms. Guzman, maari ba mag trabaho lang tayo? i set aside mo muna ang pagpapa cute sa instik na iyon!"

"What?! Anu bang pinag sasasabi mo Mr. Montero? ikaw na ang nag sabi magtrabaho lang tayo,anu bang ginagawa ko?" Nagtatakang sambit niya kay Carlo.

"Trabaho na may halong landi?!"

"Anu bang problema mo--?!"

Iyon lang at siniil na siya ng halik ni Carlo.

"mmmph--" nagpupumiglas si Alexa ngunit malakas si Carlo.

Nang kalasan siya ni Carlo, hindi maipinta ang mukha ni Alexa, gusto niyang sampalin si Carlo pero tila gusto niya ang ginawa sakanya.

"Umayos ka Ms. Guzman"

May pagbabantang wika ni Carlo sabay pasok sa conference room na parang walang nangyari.

"So, Mr. Lao, where are we?" Nakangiting tanung ni Carlo.

Nahihiwagaan naman sakanya ang instik dahil kanina ay hindi maipinta ang kanyang mukha.

Maya maya ay sumunod si Alexa, tahimik lamang ito, nahiwagaan muli ang intsik dahil naging seryoso naman siya.

Hanggang sa matapos ang meeting ay walang imikan sina Carlo at Alexa.

Kung hindi lamang nagpaalam na magbabanyo si Alexa ay hindi pa siya titigilang kausapin ng instik, hindi rin umaalis si Carlo, ang mga tingin kay alexa na tila nagbabanta sakanya.

"Girl, nabuang naba iyang ex mo? nung nakaraan lang halos kaladkarin ka paalis sa harapan niya,ngayun naman akala mo jowa kung makapagbantay sayo."

"Ewan ko ba dun, akala naman niya basta basta lang akong babae, para namang hindi niya ako kilala"

"eh baka nga hindi kana niya kilala girl" Natatawang sagot ni Mara.

"Pero alam mo ang gwapo niya talaga, mukha pang mabango." dagdag pa ng kaibigan

"sira ka talaga, inistalk mo?"

"Yes...!!! kung ako sayo aakitin ko na siya ulit." tila kinikilig pang sambit ni Mara.

---

"Ano bro? hindi ka makatiis ano?" Nang aasar na wika ni Liam

"Badtrip kasi iyong intsik na iyon eh, kung makatitig kay Alexa akala mo huhubaran na"

"Kaya, halatang halata kana ngayun na patay na patay ka pa rin"

"Shut up bro!" Iyon na lamang ang naisagot niya sa pambubuyo ng kaibigan.

---

Maagang pumasok si Alexa ng araw na iyon dahil may irarush siyang report para kay Mr. Madrigal, nagulat siya ng maabutan si Gabriel sa lobby ng building, wala pang empleyado ng mga oras na iyon bukas kay Mang Ben na nasa labas upang magkape.

"Goodmorning Alexa, maaga ka rin pala"

"Ah oo Gab, meron kasi akong irarush ngayon."

"Sandali lang, maaga pa naman, usap muna tayo.."

Sabay hawak sa braso ni Alexa, nagulat si Alexa, parang ibang Gabriel ang kaharap niya ng sandaling iyon.

"Wait Gab, this is not the---"

Nagulat na lamang si Alexa ng biglang bumagsak si Gabriel, Si Carlo pala, mula sa likuran, nasuntok niya ang nguso ni Gabriel.

"Prepare your resignation letter bago pa makarating ito sa CEO." Dominante at walang takot na utos ni Carlo, mabilis namang lumakad papasok sa kanyang opisina.

Dahan dahang tumayo siya Gabriel mula sa pagkakabagsak, nawala ang yabang niya sa nangyaring iyon, akala niya ay ganoon lamang kadali niyang makukuha si Alexa, hindi na siya pumalag dahil alam niyang mali siya.

Tamang tama namang dumating ang serkretarya ni Carlo, nag tataka siya kung bakit umiiyak si Alexa, agad naman niya itong nilapitan, ang akala niya ay nag diskusyon nanaman sila ni Carlo, hindi naman lingid sakanya na madalas magtalo ang dalawa.

"Naku, Ms. Alexa, pagpasensyahan mo nalang si Sir, alam ko namang kahit ganoon yun sayo, tiwala pa rin iyon sa trabaho mo." Saad ni Marie habang hinahagod ang likod ni Alexa, wala itong kamuwang muwang sa totoong nang yari pero naappreciate niya ang ginagawang iyon ni Marie.

"Thank you Marie, pwede mo na akong iwan gusto ko munang mapag isa"

"Okay Ms. Alexa, tawagin mo lang ako kung may kailangan ka nariyan lang ako sa office ni Sir Montero ha?"

Tango lamang ang isinagot ng dalaga.

Hindi makapaniwala si Alexa sa ginawang iyon ni Gabriel, likas siyang prim and proper na babae. Hindi siya sanay sa mga ganoong trato ng lalaki, maaring sa iba ay over reacting lamang iyon pero sa kaso niya, hindi naman niya talaga gusto si Gabriel at para sakanya ay kabastusan ang ganoon.

Nagulat ang lahat ng empleyado ng makita nilang nag ligpit na ng mga gamit si Gabriel, dalawang taon din siya sa kompanya, kaya nag tataka sila sa biglaang pag reresign niya.

"Sayang naman Gabs, malay mo mapromote kana, mahusay ka rin naman sa trabaho" nanghihinayang na wika ng isa sa mga kaibigan niya sa kompanya.

Tahimik lamang si Gabriel ng mga oras na iyon. mabilis siyang lumisan ng opisina, ayaw na rin niyang makita pa siya ni Alexa, bukod sa hiya na nararamdaman niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.