You're Still the One Chapter 5

Ilang araw ding hindi pumasok si Alexa, dahil sa nangyaring insidente wala siyang ginawa kung hindi magmukmok sa kanyang silid. Hinayaan lamang siya ng kanyang ina, batid ng ina na lilipas din ang lahat ng iyon. Nag -aalala man ay binigyan niya ng pagkakataon ang anak na mapag isa.

"Alexa, iha, may bisita ka." mahinahong wika ng kanyang ina na bahagya lamang binuksan ang pinto ng kanyang silid.

"Sinu daw ho inay?" tila nghihina pa si Alexa pero pinilit niyang bumangon.

Nag ayos siya ng buhok at naghilamos, agad din siyang bumaba para tingnan kung sinu ang dumating.

"Kamusta kana Alex?" may pag aalalang tinig ni Carlo.

Bahagya siyang nagulat na si Carlo pala ang dumating.

"Ayos na ako, bukas makakapasok na, i'm sorry kung natambakan na tayo ng trabaho dahil saakin."

"No, huwag mong intindihin iyon,kami na muna ang bahala ni Marie, beside naipagpaalam na kita kay Mr. Madrigal"

"Salamat, at salamat nga pala nung last week, hindi lang kasi ako sanay sa ganoong trato ng lalaki saakin."

"I know, i know and don't mention it"

"Nagkape kana ba? sandali lang at ipagtitimpla kita"

"Sige, namiss ko din ang timpla mo eh" tila nabigla din si Carlo sa nasabi niyang iyon pero hindi na niya mabawi. Sandaling natigilan si Alexa ngunit hindi na niya binigyang pansin wala pa rin siya sa maayos na pag iisip ng mga oras na iyon.

"Naalala mo nung tayo pa? every weekend andito tayo para mag movie marathon" Pagbabalik tanaw ni Carlo.

"Oo, naaalala ko pa, lalo na iyong may pinanood tayong drama tapos nahihiya kapa saakin kasi iyak ka rin ng iyak."

"Pinupuntahan mo pa rin ba iyong paborito nating tambayan?"

"Nung kaaalis mo lang, oo, Sobra kitang namimiss, akala ko hindi ko kakayaning mag focus sa pag aaral ko."

"Bigla ka nalang hindi nagparamdam non Alexa, hindi ko mawari kung anong naging kasalanan ko, halos mabaliw ako, kung hindi lang ako pinilit ni Emily na ipagpatuloy ang buhay ko, ang sabi niya saakin lalong hindi mo ako matatanggap kung wala akong maaachive sa amerika"

"i'm really sorry Carlo, pero naging maganda naman ang resulta diba? kung hindi ko iyon ginawa baka wala ka ngayun sa kompanya."

"Hindi mo rin masasabi iyan Alexa, malay mo mas mapapaaga ako sa kompanya kung hindi mo iyon ginawa kasi inspired ako eh"

"Sus.. hindi na natin mababalik pa ang nakaraan carlo, ang mahalaga ang present hindi ba?"

Matagal pang nag usap ang dalawa, pakiramdam nila ay nagbalik sila sa nakaraan, same place, same feelings.

"Alex, do you think, it's posible na you and me can still get back together?"

"let's try one more time"

Hinawakan ni Carlo ang mga kamay ni Alexa, hindi tumutol si ang dalaga, ang totoo gusto niya ito, matagal na siyang nasasabik sa binata.

"Yes, Carlo, you know that I will still say yes"

Nag yakap sila ni Carlo.

Hindi maalis ang mga ngiti ni Carlo hanggang siya ay makauwi.

---

"Sabi ko na eh, tama ako, pero hindi ko lang inakala na ganito kaaga ka bumigay!" pang aasar ni Liam

"But anyway bro, i am happy for you,atleast hindi mo na ako aalukin ng alak twing magkikita tayo." natatawang dagdag pa ni Liam.

"But, i need to prepare myself para sa pag haharap nila ni mommy, si mommy kasi eh, pinipilit pa rin saakin si Charm, alam naman niyang hindi natuturuan ang puso."

"C'mon man, malaki kana, nasa tamang edad kana, siguro naman matatanggap na rin ni Tita amanda na si Alexa talaga ang gusto mo"

"Iba kasi si Mommy bro."

"You try it bro, Alexa is not just alexa, maaring hindi siya galing sa mayamang pamilya pero hindi naman din siya basta basta, besides she's different,kung ako bro i'm so sick of maaarte at spoiled brat na babae."

Tahimik lamang si Carlo.

---

"Really sis? kayo na uli si Carlo? naku.. sabi ko na eh, malakas pa rin amats sayo non" kilig na kilig na wika ni Mara.

"Dadalhin niya daw ako sakanila next week, kinakabahan nga ako eh"

"Bakit ka naman kakabahan sis? hindi ka naman cheap na babae, ayaw paba nila sayo? kaysa naman sa mga babaeng kalevel nila mayaman nga mga spoiled brat naman duh" litanya ni Mara na umiikot pa ang mga eyeballs.

"Lakas talaga ng kompyansa mo saaken ano, kaya bestfriend kita eh." naaaliw na wika ni Alexa.

"Of course, bff tayo forever, diba at mag aabay pa ako sa kasal mo"

"Kasal agad, hindi pa nga natin alam eh mamaya itakas nanaman si Carlo saakin." natatawa na lamang na biro ni Alexa.

"May gosh, pag nang yari iyon ibig sabihin mama's boy ang boyfriend mo, anu walang balls? hindi ka kayang ipag laban?"

"Hindi mo kasi kilala ang pamilya ni Carlo sis"

"Eh bakit kapa nakipag balikan? kung hindi ka naman pala sigurado sa future niyo? alam mo sis, kapag nag desisyon ka make sure na kaya mong panindigan, hindi na katulad ng dati na pumayag ka nalang kontrolin ng mommy niya ang emosyon mo"

"Hindi dahil mayayaman sila kayang kaya na nila tayong kontrolin, hindi sila ang mag dedesisyon sa mga gusto natin." Patuloy pa ni Mara

Napaisip na lamang si Alexa, tama si Mara, malalaki na sila, hindi na gaya noong highschool sila na napigilan ang kanilang pag iibigan ni Carlo, okay lamang iyon sakanya dahil mga bata pa sila, at naiintindihan niya na gusto lamang ng mommy ni Carlo na makapag tapos muna sila,ngunit ngayun ay mali na ang paghiwalayin pa silang muli, matagal din niyang ininda ang sakit at pangungulila kay Carlo.

---

"Are you ready?" Nakangiting tanung ni Carlo kay Alexa nang sinundo niya ito, ngayun ang araw na ipakikilala siyang muli sa pamilya ni Carlo.

"Okay lang ba ang itsura ko babe?"

"Of course babe, you are more than beautiful, walang nag bago sayo napakaganda mo pa rin mahal ko."

"At ikaw Bolero pa rin." Natatawang sagot ni Alexa.

"Hindi ah, sa dami ng babaeng nakilala ko sa Amerika, ikaw pa rin ang maganda sa paningin ko"

"Ah ganun, so marami ka palang naging babae dun?" biglang simangot na wika ni Alexa.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, syempre may mga naging kaklase at katrabaho akong babae, hindi ko sinabing maging nobya ko" defensive na paliwanag ni Carlo.

"Asussss!"

"Huwag ka ng magselos, hindi naman kita ipagpapalit sa kahit kanino"

"'Lika na nga, baka gabihin pa tayo"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.