"Magandang hapon po tita." Akmang hahalik sa pisngi ni Amanda si Alexa ng umiwas eto.
Hindi na lamang binigyang pansin iyon ni Alexa ngunit nasaktan siya alam niyang hindi pa rin siya ayos sa mommy ni Carlo. Patay malisya rin si Carlo kahit nakita niya ang ginawa ng mommy niya kay Alexa, ayaw niyang masira ang araw na iyon. Inisip niya na baka ngayun lamang eto dahil ngayun pa lamang niya nakita si Alexa matapos ang ilang tao.
"Mom, so what's for dinner?" nakangiting tanung ni Carlo, nakaakbay siya sa balikad ni Alexa. Gusto niya maging komportable si Alexa sa kanilang tahanan.
"Omg, is that you ate Alex?" Sabik na lumapit si Emily kay Alexa, yumakap at nakipag beso ang bunsong kapatid ni Carlo.
"Wow, dalagang dalaga kana Emily, lalo kang gumanda"
"Ikaw rin ate, lalo kang gumanda at sumexy, no wonder hindi makamove on sayo si Kuya" kilig na wika nito nakatitig pa rin sa mukha ni Alexa. Noon pa man ay magkasundo na sila, kung kaya aliw na aliw rin si Carlo sa bunsong kapatid.
Maya maya ang ate naman ni Carlo ang lumabas.
"Hi, magandang hapon, kumusta kana ate?" nakangiting bati ni Alexa sa panganay na kapatid ni Carlo.
"I'm good." Tipid na bati at ngiti ang iginanti niya kay Alexa. Hindi na binigyang pansin iyon ni Alexa pero sa isip niya, hindi pa rin pala ng bago ang ate ni Carlo.
"Alexa, why dont you come here, tulungan mo akong mag prepare ng table so we can have a dinner" tawag ni Amanda kay Alexa.
Natuwa naman si Carlo, tingin niya ay magkakasundo rin sila ng Mommy niya at eto na ang simula.
Agad naman lumapit si Alexa sa mommy ni Carlo.
"So,how have you been Alexa?" Wika ni Amanda, nakatoon pa rin ang atensyon sa hinahandang mga pagkain.
"I've heard magkasama kayo sa trabaho ni Carlo ngayun"
"Ah yes po tita, nagulat nga po ako andito na pala siya sa pilipinas"
"And yes hindi na rin ako nagulat na malamang kayo na ulit ng anak ko,ambisyosa ka pa rin pala iha"
Natahimik na lamang si Alexa sa huling tinuran ni Amanda.
"Akala ko magkasundo na tayo seven years ago na kakalimutan mo na si Carlo at hahayaan siyang mamuhay ng tahimik, hahayaan siya kung saan siya nababagay"
--"Saan nababagay mom? at anung nagkasundo?"
"C-Carlo.."
"Mom, please tell me hindi totoo ang narinig ko"
"Carlo, iho, listen to me, gusto kong magkaroon ka ng magandang future, gusto ko ang pakakasalan mo ay ang babaeng kaparehas din natin ng estado sa buhay---"
"Mom! naririnig mo ba ang sinasabi mo? dahil sayo, pitong taon kaming hindi nagkausap ni Alex, she even blocked me on her social media accounts pati ang mga konektadong tao saaming dalawa and then sinasabi mong para saakin ang ginawa mo?"
"Hindi mo ako naiintindihan Carlo, i did that for your own sake!"
"For my own sake? o para sayo? para may maipag yabang ka sa mga amiga mong umaasa lang din sa mga asawa?!"
"You dont talk to me like that carlo ha? that is too much!"
" You are too much mom!"
" Tara na Alex." Agad na lumabas si Carlo at Alexa, sobrang sama ng loob ni Carlo sa narinig.
Mabilis na pinaharurot ni Carlo ang sasakyan, hindi niya sigurado kung saan siya pupunta ang gusto lamang niya ay makalayo at maglabas ng sama ng loob.
--
"Hindi kaba galit saakin Babe?"
"Baket ako magagalit sayo? kung meron man dapat akong dapat kasamaan ng loob ay si mommy iyon, sinu ba siya para pigilan ang pag iibigan natin?"
"Pero Carlo mommy mo pa rin iyon"
"I know pero for god's sake Alex, all my life kinokontrol niya ang lahat saakin, pero ni minsan hindi ako nag reklamo don, this time sana hayaan niya akong masunod sa kung sinung gusto kong mahalin"
Niyakap lamang siya ni Alexa, mula sa likuran.
"Im so sorry Alex, hindi ko inexpect na ganun kasama si mommy ko para insultuhin ka niya!"
"And worst, nagalit ako sayo sa pag aakalang binaon mo ako sa limot nung umalis ako"
"I didnt know it's because of my mom"
"Babe, wag kang magsorry, hindi ka kaparehas ni tita, pero alam mo? sa kabila ng lahat nirerespeto ko pa rin siya, kasi kung hindi dahil sakanya wala ka sa harapan ko ngayon."
"Oh.... my alexa, hindi lang nila alam kung gaano kabusilak ang puso mo." Marahan siyang niyakap at hinagkan sa noo.
-----
Napag desisyunan nilang mag palipas ng gabi sa isang private resort sa d kalayuan sa maynila. Ayaw munang umuwi ni Carlo, naintindihan naman siya ni Alexa kaya sumama siya sa nobyo.
Kumuha ng isang unit si Carlo upang doon sila magpalipas ng gabi sa silid na iyon.
Batid na ni Alexa na may mangyayari sakanila, hindi na siya bata, pero sigurado siyang handa na siyang ibigay kay Carlo ang lahat, kung noon ay naudlot ang pag iibigan nila hindi na siya papayag ngayon.
Maalab ang halikan pagkapasok pa lamang nila sa kwarto, sabay nilang inalis ang mga saplot sa katawan.
"Promise i'll be gentle Alex"
Hindi sumasagot si Alexa, patuloy lamang siyang gumaganti ng halik sa nobyo.
Hindi magkamayaw sa paghalik sakanya si Carlo, hanggang sa nakuha niya ang pagkababae ni Alexa. Anong ligaya niya ng mapatunayang siya ang nauna sa dalaga.
Hindi lamang isang beses siyang inangkin ni Carlo ng gabing iyon, labis labis ang kaligayahan nilang dalawa.
Nagising si Carlo sa sunod sunod na text message sa kaniyang cellphone; Si Emily iyon. Agad naman niyang tinawagan ang kapatid, bigla siyang nataranta alam niyang emergency iyon.
"What? how is mom now?"
"Okay okay, pupunta na ako, saang ospital?" Tarantang bumangon si Carlo at nag bihis. Samantala hindi malaman ni Alexa ang gagawin niya dahil sa nakitang pagkataranta ni Carlo.
"Anong nangyari babe?"
"Si mommy babe, nasa ospital daw,isinugod kaninang madaling araw?"
"huh?! Baket daw? anung nangyari?" Gulat at kinabahan si Alexa sa narinig.
"I don't know, kaya kailangan kong magmadali, ihahatid na muna kita sainyo okay?"
"Are you sure okay ka lang mag isa, sasamahan kita" Alok ni Alexa.
"No babe, magpahinga ka nalang muna okay, I'll see you again "
"Okay, mag iingat ka"
Pagkahatid sakanya ni Carlo, umalis agad ang binata patungo sa Ospital kung saan dinala ang kanyang Mommy.