You're Still the One Chapter 7

"What happened to mom?"

"This is all your fault kung hindi ka nag mamatigas kay mommy,hindi sana siya masstress at aatakihin, now you are asking like you know nothing?" Galit na sambit ng Ate ni Carlo.

Hindi umimik si Carlo, alam niyang may point ang ate niya.

"Pinag pipilitan mo pa kasi ang relasyon niyo ng babaeng gold digger na iyon, napakarami pa namang babae na babagay sayo dyan"

Muli nanamang nag salita ang kanyang ate.

"teka, sumosobra ka naman yata sa sinasabi mo ate? who are you to judge her?"

"Tumigil na nga kayo, ganito na nga ang nangyari may gana pa kayong magbangayan my gosh, walang may gusto ng nangyari"

Si Emily.

Si Emily ang bunso ngunit madalas siya ang umaawat sa bangayan ng mga nakatatandang kapatid.

----

"Kamusta si Tita? okay naba siya?" Nag aalalang tanung ni Alexa kay Carlo.

"Hindi pa rin gumigising ang mommy"

Hinawakan ni Alexa ang kamay ni Carlo upang maramdaman ng nobyo na hindi siya nag iisa.

"Sorry, Babe, kasalanan ko pa yata kung baket na stress ang mommy mo, hindi pa yata tamang panahon para iharap mo ako muli sakanila"

"Babe, look, don't blame yourself,wala kang kasalanan, we both deserve to be happy, wala tayong ginagawang masama"

"Sana maging ok na ang lahat,minsan napapaisip ako, siguro kung magkatulad tayo ng estado sa buhay, mas madali nila akong matatanggap"

"Naniniwala akong magiging ok din ang lahat at matatanggap din tayo ni Mommy."

---

Ilang araw ng hindi pumapasok sa trabaho si Carlo, ilang araw na ring hindi nagpapakita kay Alexa simula nung huli silang nag kita..

Nag aalala na si Alexa kaya naisipan niyang puntahan sa kanilang mansion ang binata.

Dalawang beses siyang nag doorbell at sa wakas ay pinag buksan siya ng isang kasambahay, pero ang ate Ellen ni Carlo ang kumausap sakanya.

"Hindi ka ba kinausap ni Carlo, na babalik na siya ng states, kahapon ang flight niya" Wika ni Ellen hindi manlang nito pinatuloy sa loob ng kanilang bahay.

Nang hihina ang mga tuhod ni Alexa sa mga narinig kay Ellen, ayaw niyang maniwala, pinipigilan niyang tumulo ang kanyang mga luha, iniwan nanaman ba siya ni Carlo?

"Alam mo Alexa, kung ako sayo, pabayaan mo na si Carlo, hindi mo ba nakikita? nagkakagulo ang lahat dahil ipinipilit niyo ang bagay na hindi pwede." Iyon lang at iniwan na siya ni Ellen.

"Manang please close the door pag nakaalis na siya."

"o-opo mam." Sagot naman ng katulong na tila naaawa kay Alexa.

"Mam Alexa, ihatid ko na po kayo sa labas, pasensya na po." Baling ng kasambahay kay Alexa

Tahimik na lumuluha si Alexa habang papalabas siya sa mansion ng mga Montero,

Hindi na niya namalayang nakalabas na rin siya ng subdivision dahil sa panlulumo, halo halo ang pumaspasok sa isip niya.

Akala niya, ok na sila ni Carlo, akala niya kaya na siyang ipaglaban ng huli, subalit ayaw rin niyang sisihin si Carlo, pamilya niya ang kalaban nila, hindi niya rin masisi ang sarili sapagkat nagmahal lamang siya.

Tuluyan na ngang hindi nagparamdam si Carlo, tama nga siguro ang ate nito, nasa Amerika na siyang muli.

Sa pangalawang pagkakataon ay nagkalayo nanaman sila ni Carlo, ngunit anu pa nga ba ang magagawa niya kundi ang mag move on, at kalimutan ng tuluyan si Carlo, maybe they are really not meant for each other.

"Sigurado kaba sa desisyon mo Miss Guzman? alam mo napakahusay mo sa trabaho, alam kong malayo pa ang mararating mo, kaya nga gusto ko sana pag isipan mo muna ang binabalak mong pag reresign." Pakiusap ni Mr. Mandrigal, ayaw niyang payagan si Alexa na mag resign.

"Nakapag desisyon na po ako Mr. Mandrigal, kailangan kong tulungan ang sarili ko, kailangan kong magpakalayo layo, naniniwala ako na eto ang solusyon sa ngayun para makamove on ako." malungkot na wika ni Alexa.

"Well, kung sa tingin mo iyan ang makakagaan ng buhay mo i cannot do anything, but Ms. Guzman, bukas ang Kompanyang ito kung sakaling nais mong bumalik, we cant afford to lose you, goodluck Ms. Alexa, at mag iingat ka."

2 months later....

"Ma'am ok ka lang?" napansin ko po kasi kanina pa kayo namumutla..

"Ok lang ako----" Iyon lang at nawalan ng malay si Alexa.

Matapos siyang magresign sa dating kompanya nag desisyon siyang lumipat sa isang probinsya, kung saan nakapagsimula siya ng trabaho bilang college instructor sa isang Unibersidad.

Mabilis naman siyang nakakuha ng trabaho dahil na rin sa maganda niyang background. Namuhay siyang mag isa, paminsan minsan ay dinadalaw siya ng pamilya, hindi nga lang nagtatagal dahil hindi rin nila maiwan ang bagong tayong negosyo sa maynila, pero ramdam niya ang suporta ng pamilya niya sakanya lalo na ang kanyang nanay.

"Ma'am Alexa, dapat po, hindi niyo inistress at pinapagod ang sarili niyo baka maapektuhan po ang baby niyo"

"B-baby?" Nabigla si Alexa sa narinig.

"Naku, opo, hindi niyo po ba alam na buntis kayo?" naguguluhang tanung ng kanilang Clinic Nurse.

Biglang nangilid ang luha sa mga mata ni Alexa, buntis pala siya, nag bunga ang nangyari sa kanila ni Carlo ng gabing iyon. Hindi siya nag aalala kung papaano niya bubuhayin ang bata, alam niyang kaya niya ang inaalala niya ay lalaking walang ama ang dinadala niya.

--

"Kapit lang baby ha? mommy will always be here for you." Nakangiting wika ni Alexa habang hinihimas ang kanyang tiyan.

Bubuhayin niyang mag isa si Baby, ipapakita niyang kaya niyang mag isa.

Hanggang sa lumaki ang kanyang tiyan ay nag patuloy siya sa pagtuturo. Nang hindi na niya kaya, nakiusap siya sa kanyang nanay na samahan muna siya sa probinsya hanggang sa makapanganak.

---

"Napakaganda naman ng apo ko...." walang pag sidlan ang tuwa ng nanay ni Alexa ng manganak siya, at masilayan ang apo.

Sa kabilang banda nakaramdam siya ng awa para sa anak, hindi man lang lalaki ang bata na na may kompletong pamilya, pero nakakasiguro siyang palalakihin niya ito ng maayos at katulad niyang may pangarap at paninindigan.

1 year later..

"Emily? anung ginagawa mo rito at paano mo nalaman kung nassan ako?" gulat na wika ni Alexa.

"Pinuntahan kita sainyo Ate Alex, wala ka na daw sa maynila kaya pinilit ko sila Nanay Eva na ituro kung nasaan ka"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.