"Ate, kaya ako nandito ay dahil gusto kong malaman mo na ikakasal na si Kuya, ikakasal na siya sa taong hindi niya mahal, ate, nasasaktan ako para kay kuya, halos araw araw siyang naglalasing,parang gusto na niyang patayin ang sarili"
Tila walang emosyon si Alexa sa kanyang narinig,ang alam niya lang walang makakapantay sa sakit na naramdaman niya sa biglaang hindi pagpapakita sakanya ni Carlo.
"Ate, please, ikaw lang ang makakapigil sa kasal nila, alam kong ikaw ang mahal ni kuya"
"Emily, tahimik na ang buhay ko, kaya ako nagpakalayo layo para tuluyan ko ng makalimutan ang kuya mo, ayoko na ring maging dahilan pa ng hidwaan ninyo ng pamilya niyo, sana Emily maintindihan mo ako"
"Pero Ate, naaawa ako sa kalagayan ni kuya."
"Emily, sinubukan na namin, pero nakita mo naman ang nangyari hindi ba? may nang yaring masama lang sa mommy niyo,inaamin ko nagalit ako sa kuya mo dahil hindi manlang niya ako nagawang kausapin, bigla nalang niya akong iniwan sa ere pero huwag kang mag alala emily napatawad ko na rin ang kuya mo, naiintindihan ko siya."
"Pag isipan mo ate, alam kong ikaw lang ang hinihintay ni kuya, sa makalawa na ang kasal niya"
Papalabas na ng pinto si Emily ng tumunog ang kanyang cellphone.
"hello ate? anu?!"
Saglit siyang nakinig sa tumawag.
"Sige sige uuwi na ako!"
"Ate Alexa, ang Kuya Carlo nasa ospital daw kailangan ko ng umalis, pag isipan mo Ate, sana magbago ang isip mo."
Nang makaalis si Emily,agad ding nag impake si Alexa, mabuti nalang at tulog ang baby nila ni Carlo, kaya hindi nalaman ni Emily ang tungkol sa baby. Ibinilin ni Alexa sa nanay ang kanyang anak, at agad na lumuwas sa manila.
Wala ng pakialam si Alexa kahit isipin pa ng mga tao na isa siyang martyr pero naniniwala siya na hindi masamang magpatawad ng maraming beses.
Nang makarating siya sa manila agad siyang nakipag kita kay Emily, sinamahan agad siya na makarating at makita si Carlo, nalaman niyang nadisgrasa ang binata dahil sa isang car accident.
"He's in coma dahil sa lakas ng pagkabagok ng ulo niyo pero there's a big chance na magigising siya, we will do everything"
"Diyos ko!" Napahagulgol na lamang ang mommy ni Carlo, maya maya ay hinarap niya si Alexa.
"And what the hell are you doing here? alam mo dapat ngpapaka layo layo ka dahil sa twing malapit ka kay carlo? nagkakanda leche leche ang buhay namin"
"okay, ipinapangako kong magpapakalayo layo na ako habang buhay, at hindi na magpapakita sa anak niyo, pero habang hindi pa siya nagigising maari bang hayaan niyong alagaan ko siya?" Sunod sunod na pumapatak ang luha ni alexa ng mga sandaling iyon.
"Do what you want pero pagkatapos nito, please disappear" iyon lang at nag walkout ang mommy ni carlo.
----
Simula ng araw na iyon,araw araw na bumibisita si Alexa sa ospital para alagaan si Carlo, nariyang siya ang maglilinis at magpapalit ng mga sapin at kumot,
Si Carlo ang kanyang first love, at ang huli niyang mamahalin, hindi na niya nakikita pa ang kanyang sarili na magmamahal muli ng ibang lalake.
May mga sandaling bigla na lamang tumutulo ang luha ni Alexa sa twing nakikita niya ang kalagayan ni Carlo, minsan pumapasok sa imahinasyon niya, paano kaya kung nalaman ni Carlo na may anak sila? anong saya siguro na buo silang pamilya.
Hindi iyon lingid sa kaalaman ng mommy at mga kapatid ni Carlo, Nakikita nila kung paano mag sakripisyo si Alexa, nakikita nila ang pagod at puyat nito.
---
"Narito ka nanaman Alexa? hindi kaba nagsasawa? sa palagay mo ba pagkatapos ng lahat ng ito, matatanggap ko na at papayagan ko na kayo sa relasyon ninyo?" Wika ng mommy ni Carlo nang minsang madatnan niya si Alexa sa Ospital.
"Tita, siguro nga hindi ako kasing yaman ninyo, hindi ako yong babaeng gusto ninyo para sa anak niyo, pero lahat ng ito ginagawa ko dahil mahal ko siya, kung meron man akong ipagmamalaki sainyo iyon ay ang pagmamahal ko sakanya ng walang kapalit, kahit na sarili naming anak hindi ko magawang ipakilala sakanya dahil ayokong makadagdag pa sa mga problema niya"
Umiiyak na saad ni Alexa, na ikinagulat ng mommy ni Carlo.
"Anak? Nagka-anak kayo ni Carlo?"Gulat na tanung ni Amanda.
Hindi nakakibo si Alexa ang totoo hindi niya sinadyang mabanggit ang tungkol sa bata, ayaw niyang malaman ng pamilya ni Carlo, At lalo na ni Carlo na nag bunga ang nangyari sakanila.
"Well, anu bang alam namin kung kanya ba talaga ang batang iyon, hindi pa rin magbabago ang isip ko Alexa alam mo iyan,kaya para naman hindi mo isipin na ganoon ako kasama, 1 million, i will give you 1 million just leave my son alone, wag mong isiping tinatanggap ko ang anak mo, tulong ko na lamang iyon para sayo, just please, go away at wag ka ng mang gugulo sa pamilya namin!"
"Tita, kahit hindi mo sabihin, at lalong hindi ko kailangan ng pera ninyo para tuluyang lumayo, dahil yan talaga ang gagawin ko, may prinsipyo pa rin naman ho ako, at gaya ng sinabi ko purong pagmamahal lamang meron ako para sa anak ninyo kaya ako narito ngayon, hindi para mag habol." Hindi na niya binigyan ng pagkakataon makapag salita pa si Amanda at lumayo na siya pagkasabi non.
Ngunit nagpatuloy pa rin si Alexa sa pag aalaga kay Carlo, nangako siya sa sarili na hindi iiwan ang binata hanggang sa gumising ito.
Sa araw araw ding nadadatnan siya ni Amanda sa ospital ay tila unti unting nag babago ang pag tingin nito kay Alexa, ngunit pilit itinatago ito ni Amanda, na tila sinusukat kung hanggang saan nga ba ang pag mamahal na iyon ni Alexa para sa anak.
--
Three weeks later....
Papasok na sana si Alexa sa silid ni Carlo nang maabutan niyang maingay sa loob, dali dali niyang sinilip kung ano ang ngyayari, at napaluha siya ng makitang nagkakasiyahan ang buong pamilya, gising na si Carlo..
Kasabay noon ang lungkot sa kanyang mga mata, ito na pala ang huling araw na masisilayan niya si Carlo, nangako siya na kapag nagising ang binata ay tuluyan na siyang lalayo para sa ikatatahimik ng lahat, hindi na niya gustong malaman pa ni Carlo na nandoon siya kahit ang kanyang mga sakripisyo mula simula ng kanilang pag iibigan.