Elleina Zeal's POV
Ang sakit ng ulo ko!
Nakapikit pa ako pero ramdam ko ang ulo ko. Hang over. Hays.
Nagising ako sa tugtog ng malakas na piano. Naamoy ko ang pamilyar na pabango sa paligid. Iminulat ko ang mata ko at tiningnan ko ang kabuuan. Nasa kwarto ako ni Flair.
Gusto kong magsepilyo muna at maghilamos pero dinadala ako ng paa ko sa nagpe-play ng piano.
Hanggang sa matagpuan ko nalang ang aking sarili na pababa na ng hagdan at pinagmamasdan ang lalaking nakaupo sa harap ng piano at naghi-hit ng mga keys.
Napatitig ako sa mga mata niya na ngayon ay nakatingin din sa akin.
Flair...
Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses niya. Hindi ko inakala na ganito ka-lambing, ka-pogi, ka-emotional, at tagos sa puso ng sinumang nakikinig.
Parang anytime luluha ang mga mata ko. Ano ba itong nararamdaman ko?
Dug.dug.dug.
Ang sakit ay nawawala at napapalitan ng panibagong pakiramdam na banayad at may katahimikan.
Flair...
Parang sinadyang iparinig ang nararamdaman ng puso niya sa mga taga-pakinig.
Wake up, feel the air that I'm breathin'
I can't explain this feeling that I'm feelin'
I won't go another day without you
'I won't go another day without you'
Nagpaulit-ulit iyon sa tainga ko. How can you do that? Telling your feelings with just hitting the piano and the magic of your voice?
'Di ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya at gano'n din siya.
Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya.
Doon ko lang napagtanto ang bawat detalye ng mukha niya. Singkit ang mga mata, matangos na ilong, manipis at mapupulang labi. Ang mga mata ay puno ng emosyon na kahit sinong babae ay maa-akit niya sa titig lang. Well, not me. Sa kakaunting distansya namin sa isa't isa ay nai-detalye ko ang hitsura niya.
May kung ano sa pagkanta niya ang niyayaya ako na pumunta sa kaniya at pakinggan ang nais niyang sabihin.
Ang sakit ay pansamantala kong nakalimutan. Nalunod ako sa katahimikan at kapanatagan na si Flair lang ang nakagawa.
Masaya rin akong dumating ka sa buhay ko. Dahil sa'yo nakakalimutan ko ang problema at pinaparamdam mo sa akin na lagi akong may kasama, masaya man, malungkot, nakakainis at mahirap ay nandito ka pa rin kahit ngayon.
'When it rains I'll hold you even tighter'
Doon na tumulo ang luha ko.
'When it rains I'll hold you even tighter'
He holds me tight when things are in wrong line, when things are so hard to handle, when things are unbelievable, when things give me pain, he holds me even tighter.
I can't help but to hug him.
I hugged him so tight as if there's no tomorrow.
"Thank you for the friendship" mahina kong bulong habang yakap siya at saka ko naramdaman ang pagyakap niya pabalik.
"I'm always here" halos paos ang boses na sabi niya.
At doon na ako humagulgol, wala na yatang katapusan ang iyak ko.
Ang sakit ay muling nanumbalik. Ang hirap ay mas lalong bumigat. Hindi ko alam pa'no ulit magsimula ng wala si Kean. Hindi ko alam pa'no ngumiti ulit. Hindi ko alam pa'no aalisin sa isip ko ang mga ala-alang pinagsaluhan namin ng masaya.
Kean...
Ang sakit Kean! Ganito rin ba ang nararamdaman mo? Malamang hindi, dahil hindi mo ko minahal kahit kaunti, kahit isang beses, kahit subukan man lang, ang sakit sakit.
Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko, ang sakit ng mga mata at ulo ko. Ang ilong kong halos 'di na makahigop ng hangin. Ang baga kong hirap na sa pagpasok ng oxygen at maglabas ng carbon dioxide.
I don't even know how to live.
Nanatili kami sa gano'ng sitwasyon hanggang sa tanggalin niya ang pagkakayakap at tumitig sa mga mata ko at paulit-ulit na tinatanggal ang luhang dumadaloy sa pisngi ko.
Hanggang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Nagsepilyo ka na ba?" nangaasar na tanong niya.
Biglang nawala ang pagtulo ng luha ko at nanlaki ang mga mata ko. Awtomatiko akong napatayo at napasabunot sa buhok ko. Nakita ko ang pag-guhit ng ngisi sa labi niya.
"Ang baho ng hininga mo, buhaghag ang buhok mo at may muta ka pa" sabi ni Flair at saka tumawa ng sobrang lakas!
"Ugh!" sabi ko at nagmadaling talikuran siya at nilakbay ang daan pa-akyat ng hagdan.
"Pahiya ka 'no? Kunting-kunti lang naman" rinig kong habol niya pa.
Bwisit na lalaki 'yon! Ugh!
Flair!
Kainis! Madiin akong nag-toothbrush sa banyo. Nang biglang magbukas ang pinto ng banyo.
"What the?" nanlaki ang mga mata niya at inagaw ang toothbrush sa akin. "Over Melanin! 'Di ka ba nagtitingin? Akin 'to, eh!"
Halos malaglag ang panga ko sa sabi niya. Aishhhhh!!! Sa kasamaang palad!
Sa inis ko sa kaniya ay 'di ko pinansin ang toothbrush basta ang alam ko lang ay maglilinis ako ng bibig at kinuha ang toothbrush!
"FLAIR! NAKAKAINIS KA TALAGA!" sigaw ko sa kaniya at pinaghahampas ang dibdib niya.
"Ikaw 'tong gumagamit ng toothbrush--ouch!" sabi niya at saka tumawa nanaman nang malakas.
Sinipa ko siya palabas ng CR.
"Wow! Kwarto mo 'no? Grabe!" rinig kong pagmamaktol pa niya.
kwarto niya nga pala 'to. Ang kapal ng mukha kong paalisin siya.
Nang makapaglinis ako ng katawan ay nakita ko siya sa sofa ng kwarto. Sinundan niya 'ko ng tingin hanggang sa humiga ulit ako sa kama niya. Bahala siya diyan! Dito muna ako! Paki ko sa kaniya!
Pumikit ako, may naramdaman akong umupo sa gilid ko.
"Maligo ka na, aalis tayo" sabi niya.
"Ayaw ko" tumagilid pa ako ng higa.
Kapal ng mukha ko kala mo naman sa akin itong bahay, makaasta ako parang kwarto ko.
"Bilisan mo na, malayo pa ang byahe" sabi pa niya.
Inis kong pinag-papadyak ang paa ko.
"I said, ayaw ko!" inis kong sabi.
"Maliligo ka o ako ang magpapaligo saiyo? Masaya 'yon!" sabi niya sa excited na tono at animong nakikita pa niya sa isip. Manyak!
Minulat ko ang mata ko at ni-roll eyes.
"As if you can?" Mataray kong sabi.
Nakita kong lumapad ang ngiti sa mukha niya.
"Of course, I can! This is my room. I can do whatever I want kahit sumigaw ka walang tutulong saiyo" at saka siya lumapit sa akin nang sobrang lapit.
Dug.dug.dug.