Pagmulat ko nasa beach pa rin kami. Dito pala ako nakatulog. Tiningnan ko ang langit.
The sunrise is so beautiful!
Nakita ko ang dilim ng paligid at ang unti-unting pagsikat ng araw. May kulay orange at dilaw. Napakagandang tanawin. Nilingon ko si Flair, nakatingin din siya doon at malapad ang ngiti.
Kung ikaw ba ang minahal ko masasaktan kaya ako ng ganito?
Ugh! Agad kong inalis iyon sa isip ko. Hindi siguro mangyayari 'yon kahit kailan. Hindi ako mai-inlove sa isang Javen Flair Imperial. Masyado siyang mayaman, mataas, habulin ng mga babae at bading pa yata pero humahanga ako sa paghihintay niya ng first and last love 'yong tipong hindi minamadali ang mga bagay bagay.
"Don't stare. I'm not the sunrise" nangaasar nanaman niyang sabi.
Nahihiya akong nagiwas ng tingin.
"Kapal mo, as if" mataray kong sabi at saka umirap.
Ibinalik ko nalang ang mata ko sa pasikat na araw.
The reflection of lights are perfect!
Your beauty is magical
Sunrise.
I hope, Kean is here holding me on his arm. I wish, we could go back to the day that we are happy. :(
____________________
Elleina Zeal's POV
Nagising ako ng magaan na ang pakiramdam. Ilang linggo na ang nakalipas medyo nakakalimutan ko na rin ang mga sakit na pinagdaanan ko dahil 'yon sa mga kaibigan ko. Lagi lang kaming nasa beach at sa kasamaang palad ay 'di tumigil si Flair na asarin ako araw araw, minsan nga sa kainisan ko sa kaniya ay gusto ko ng bumalik sa Makati pero dahil gusto kong mag-move on tinitiis ko nalang.
Dal'wang buwan kasi ang bakasyon namin at pagbalik ay second year na kami.
Nakaupo ako sa sofa at magka-cross ang dal'wang braso katabi ko si Lance, parehas lang kaming nakatingin kay Carme at Lance na ngayon ay nag-aagawan sa toblerone at dairy milk na ibinigay ni Flair. Si Clench ay hawak sa kamay ang mga chocolates at nakataas para 'di maabot ni Carme na ngayon ay pikon na pikon na.
"Akin na! Kahit kailan ka talaga mang-aagaw ng pagkain" sabi ni Carme habang tumatalon-talon pa, inaabot ang chocolates.
"Ang damot mo kasi, akin nalang 'to" dahan-dahang binubuksan ni Clench ang chocolates habang nakataas pa din ang kamay at nang magkaroon ng pagkakataon ay kinagat niya ito.
"" natawa ako.
Si Lance at Flair ay tumatawa na rin.
Lumapit si Carme sa amin.
"Sweetheart, kunin mo kay Clench 'yong chocolates!" utos niya kay Lance at tinulak pa ito patayo.
Tumayo si Lance at lumapit kay Clench.
"Ayaw ko" sabi ni Clench sa tonong umaalon pa ang boses sa pangaasar.
"Hays" - Lance
Kawawang Lance naipit nanaman sa dal'wa.
"Bilisan mo!" sabi ni Carme at umupo sa tabi ko.
Mamaya pa ay 'yong dal'wa na ni Lance ang nag-rarambulan sa sahig nag-aagawan sa chocolates. Si Clench ay tawa nang tawa habang inilalayo pa din ang chocolates, inis na inis naman si Lance kaya ang ginawa niya ay kiniliti si Clench lalong lumakas ang tawa nito. Ang saya nilang tingnan.
Hanggang sa pumasok si Manang Pinsing.
"Andito ang mga kaibigan niyo" sabi niya.
Agad akong napatayo at sinilip kung sino medyo umasa ako na sumunod sila Kean pero sila Taxen, Kil at Diamond ang nakita ko. Nanlumo ang mga tuhod ko at naupo nalang ulit.
"Hi!" Malakas na bati ni Kil.
Natigilan ang dal'wang nagkikilitian sa sahig at napatingin sa nagsalita.
"Hello sainyo" bati ko sa magpipinsan.
Lumapit silang lahat upang batiin sila Kil.
"Sabi mo pupunta ka kay lolo?" sabi ni Kil.
"Ay oo nga pala, sorry, nakalimutan ko"
"Pero 'di ngayon kasi birthday ni Buknoy" singit ni Flair.
"Edi sasama kami!" sabi ni Kil.
"Sigurado kayo? It's not the usual birthday baka magulat kayo sa way nila mag-celebrate?" - Flair
"no big deal" - Taxon
"Oo nga kasama naman kita" malanding sabi ni Diamond at lumapit kay Flair, pinulupot ang kamay sa braso nito at kinurot ang pisngi.
"Ugh! The hell" inis na sabi ni Flair.
"Ang pogi nila" rinig kong bulong ni Carme kay Lance, masamang tingin ang isinulyap niya dito kaya agad natigilan si Carme.
"Sila ba ang apo ni Mr. Baider?" - Clench
"Yes" sagot ko.
Pumunta kami sa bahay nila Manang Cora. Natigilan sa paglalakad ang magpipinsan siguro dahil sa naka-ikot na mga tambay na nagpapalitan ng baso at umiinom.
May videoke, may mga kumukanta at sinasabayan ng sayaw. Hindi nga siya katulad ng party namin na kadalasan ay bongga at mga naka-dress or gown or suit.
Sila ay isang simpleng kasiyahan may banner na 'Happy 7th Birthday, Buknoy' na naka-tarpaulin lang.
"Hoy! Umayos kayo nandito na ang mga bisita!" sigaw ni Manang Cora.
Tumakbo si Flair para yakapin si Manang Cora, kahit inis na inis dahil naka-kapit pa din si Diamond. Tiningnan siya ni Manang Cora.
"Di ko siya girlfriend!" sabi ni Flair.
" talaga ikaw" tumingin si manang Cora sa amin. "Halika, pumasok kayo" paganyaya ni Manang Cora.
Lumapit kami sa kaniya at binati siya. Pinakilala sila isa isa ni Flair.
"Kuya!" sigaw ni Buknoy at agad na kumarga kay Flair.
"Happy Birthday" sabay na bati ni Flair at Diamond. Umirap si Flair kay Diamond.
" para silang isang pamilya" pangaasar ni Clench na ang mata ay na kay Flair, naka-kapit pa din si Diamond sa kaniya at buhat naman ni Flair si Buknoy. Ngumisi ako para asarin sila.
"Nice family huh?" Sabi ko kay Flair.
Tiningnan niya ako ng maasim na mukha at si Diamond naman ay parang kinilig pa.
Lumapit kami sa kuhaan ng pagkain. Ang simple lang ng mga pagkain pero mukhang masarap. May pinya na tinutusukan ng marshmallow at hotdog sa stick, may cake, spaghetti, bihon, orange juice, gelatin, salad at marami pang iba.
Inabutan kami ni Manang Cora ng paper plate na may plastic at saka plastic na kutsara at tinidor.
"What's this?" tanong ni Taxon na nakaturo sa dinuguang baboy na 'di ko napansin kanina.
"Dinuguang baboy 'yan masara 'yan" sabi ni Flair.
"Can I taste it too?" tanong ni Kil.
"Kumuha lang kayo ng mga gusto nyo diyan" sabi ni Manang Cora.
Kumuha lang ako ng spaghetti at fried chicken. Tiningnan ko ang plato ni Flair, may bihon siya at chicken lang din.
"Ang sarap!" sabi ni Kil habang sumusubo ng kanin na may dinuguang baboy.
Obvious na ngayon lang nila natikman 'yon. Si Taxon ay kahit nandidiri ay sinubukang kainin pero no'ng masarapan ay marami ang isinubo. Nakakatawa sila.
"Bakit ka ngumingiti sa Taxon na iyon huh?" sabi ni Flair at dinunggol pa ang braso ko ng siko niya.