"I'm not" sabi ko at sumubo nalang ulit ng spaghetti.
"Ugh! Kitang-kita ng dal'wang magaganda kong mata!" sabi niya na nanlalaki pa ang mata.
"What the fuck, Jave?" Mataray kong sabi.
"Flair ang tawag mo sa akin hindi Jave!" inis niyang sabi.
Ano bang problema niya? Dati ayaw niyang tinatawag ko siyang Flair tapos ngayon 'yon ang gusto niyang itawag ko? Kabadingan niya!
"You're acting like a jealous boyfriend"
"If that's what you think" sabi ni Flair.
Natigilan ako pero 'di ko nalang siya pinansin.
Si Diamond naman ay panay lang ang titig sa pagkain, 'di alam kung kakainin ba ito o ano pero sa huli ay kinain niya rin. Si Carme at Lance naman ay nila-langgam na sa ka-sweetan nagsusubuan pa ng spaghetti. Edi kayo na ang may lovelife! Umirap pa ako.
"Juice?"napatingin ako sa basong nasa harapan ko na inaabot ni Clench.
"Salamat" akmang aabutin ko na pero kinuha iyon ni Flair at ininom. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sorry, nauuhaw na kasi ako, kuhaan nalang kita" tumayo siya at kumuha ng juice.
"Napakaseloso niya" sabi ni Clench. "Wag mong jo-jowain ang lalaking iyon huh? Baka mapatay niya ako kapag naging kayo"
Natawa ako nang malakas sa sinabi niya. Jojowain huh?
"As if it will happen?" mataray kong sabi.
"Wag ka ngang magsalita ng ganiyan 'di mo alam kung kanino titibok ang puso mo" sabi ni Clench at saka kumain na muli.
Dug.dug.dug.
Napahawak ako sa dibdib ko. Kinabahan ako sa sinabi niya pero 'di naman siguro mangyayari 'yon? Napatitig ako kay Flair na ngayon ay palapit na hawak ang isang baso ng juice. Nang makalapit ay inabot niya iyon sa akin. Matagal kong tinitigan muna iyon bago kunin.
"First time ko bang maging sweet? Kilig ka na agad" pangaasar ni Flair
"Tigilan mo ko ibuhos ko 'to saiyo!" asik ko habang umiinom ng juice.
Ang akala naming sandaling kain lang ay nagtagal kami doon dahil nag-enjoy ang magpipinsang Baider halatang minsan lang sila makasalamuha sa ordinaryong tao.
"May isang daan ka ba dyan?" sabi ng isang lasing na lalaki kay Manang Cora. "Wala na kaming alak hihi pautang"
"Hay nako, Rodolfo tigilan mo na kakainom mo, naki-birthday ka na nga hihingi ka pa ng pera" sabi ni Manang Cora na pinapaalis pa ang lalaki.
"Here" nagulat kami sa tumayong si Taxon at inaabutin ng 5,000 ang lalaki. Kuminang ang mga mata nito.
"Nako, hijo nakakahiya naman" sabi ng lasing.
"Sige na po, ibili niyo ng alak ng mga kasama mo" nakangiting sabi ni Taxon.
"Ang gwapo na nga ang bait pa!"
"Ano kayang pangalan niya?"
"Artistahin"
Rinig kong sabi ng mga babaeng kapitbahay nila manang Cora na nakasilip sa bintana.
Nahihiyang kinuha ni Rodolfo ang pera.
"Salamat, ang bait mo" - Rodolfo
"Welcome" - Taxon
"Nako, dapat 'di mo na ginawa 'yon nakakahiya sa inyo" sabi ni Manang Cora.
"Okay lang po 'yon" saka matipid na ngumiti si Taxon.
"Nai-inlove ka sa kaniya huh?" pangaasar ni Flair na ngayon ay nasa tabi ko. "Balak mo yatang tunawin ang lalaking Baider sa titig mo! Oo na pogi na at malakas ang dating. Halos nawala ang kagwapuhan ko dahil sa kaniya na--" tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.
"Ang ingay mo, akala ko ba ayaw mo ng maingay tapos ngayon ikaw ang nagiingay?" hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang pagngiti niya sa ilalim ng kamay ko.
"Ayiee Ayiee Ayiee" rinig ko ang impit na kilig ni Carme habang nakatingin sa amin.
Nabitawan ko agad siya dahil sa pangaasar na iyon.
Lumapit naman si Kil kay Flair at umakbay.
"Ikaw halata ka na torpe ka pa" bulong ni Kil na narinig ko naman.
"Turuan kita mangbabae " sabi pa ni Kil.
Napairap nalang ako. Magsama kayong dal'wa. Si Kil ay mas bata kay Diamond at Taxon pero 'di mo maipagkakaila ang gwapo nito kahit na 'di sila magkamukha ni Taxon. Ano pa bang bago sa pagiging malakas ang dating lalo na at sila ay Baider. Lumaki ang paghanga ko sa pamilya ng Baider mula ng makilala ko sila dahil bukod sa mabubuting tao ay mapagmahal din sa pamilya.
Ngayon ay nag-vivideoke na sila. Nakakatawang pati ang magpipinsang Baider ay nando'n din. Kumakanta si Carme ngayon at inaasar naman sila dahil namumula na si Lance, ang kanta daw kasi niya ay para sa sweetheart niya.
"Inggit ka?"
"Ay impakto!" muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagtabi nanaman ni Flair. "Ang hilig mong sumulpot sa tabi ko"
"Hayaan mo next time sa puso mo naman" ngingisi-ngisi niyang sabi.
Sinuntok ko nga siya sa dibdib.
"Aray! ganyan ka pala kiligin?" at ngumiti pa siya ng halos mawala na ang mga mata.
"Chupi! Nananahimik ako dito ginugulo mo" sabi ko habang umaasta pang nag-papaalis ng pusa.
"Bakit nagugulo ba ang buong sistema mo sa kagwapuhan ko?" nilagay niya pa ang kamay sa baba niya at nag-papogi.
Ano bang problema ng impaktong ito?
Sinapo ko ang noo niya.
"Baka naman may sakit ka na? May cancer ka na ba?" sabi ko sa tonong nang-aasar.
"May sakit ako" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya sa dibdib niya. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya.
Dug.dug.dug
Tuloy pati puso ko ay parang narinig ko din ang tibok.
"Sumasakit ang puso ko kapag nakikita kitang umiiyak"
Hindi ko nagawang mag-react agad napipi ako at natigilan parang saglit na tumigil ang mundo.
"Joke " lakas nang tawa niya at nakaturo pa sa mukha ko.
Sinipa ko nga siya. Buset na ito!
"Ang sakit!" Sabi niya na hawak pa ang tagiliran niya na sinipa ko.
"LQ?" sabi ni Carme.
Sinamaan ko nga siya ng tingin.
"Bebe boy tara kanta tayo" tumakbo si Diamond kay Flair at hinili ito sa braso.
Pinanood ko lang silang makalayo.
"Bebs, ikaw ba nagkakagusto na kay Jave?" - Carme
Muntik na kong mabulunan sa sarili kong laway sa sinabi niya.
"No!" tanggi ko kaagad.
"Hmm?" tinusok-tusok pa ni Carme ang tagiliran ko. "Wala namang masama kung susubukan mo ulit"
"Bebs, are you crazy? He's Kean's bestfriend and isa pa sa lakas mangasar ng lalaking 'yon ang sarap niyang mapatay kaysa maging boyfriend" tuloy-tuloy kong sabi.
"I'll mark your words in my head basta 'wag mong kakainin ang sinabi mo " - Carme
Napatingin ako sa kaniya nang masama.
"Anong pinaguusapan niyo?" - Clench
Napalingon ako sa nagmamadaling lumapit na si Clench. Imbes na sagutin siya ay tanong ang ibinungad sa kaniya ni Carme.
"Natanggap mo na bang bestfriend lang ang tingin saiyo ni bebs?" - Carme
Nagulat ako sa tanong niya pero gusto ko rin malaman. Naghintay lang ako ng sagot. Tumingin sa akin si Clench at saka ngumiti.
"Simula no'ng naging sila ni Kean, tinanggap ko na dahil kung gusto niya ako dapat matagal niya na akong binoyfriend" sinserong sabi ni Clench.
Nakahinga ako nang maluwag. Ngumiti ako sa kanilang dal'wa.
"Bestfriends hug"
Pero bago pa kami magyakapan ay humarang na si Flair sa gitna kaya siya ang nayakap ko. Hindi ko alam kung paano siya nakarating dito basta ang alam ko naiinis ako.
"Tabi!" Hinawi ko siya at saka niyakap si Carme at Clench.
Nakita ko si Lance na nakatayo sa likod ni Carme sobrang laki nang ngiti sa labi niya.
"Ako muna!" - Kil
"Ako! Kanta ko 'yan, eh!" - Diamond
"Stop that! Akin na nga" agaw ni Taxon sa mic.
Natatawa ko silang pinanood, nag-aagawan kasi sila sa mic. Tingnan mo nga naman ang mga Baider.
May kung ano sa puso ko ang parang hinamplos, masaya akong makita sila at makasama sa hindi ko malamang dahilan. Nakangiti lang ako habang pinapanood sila.
"Your smile makes my heart skips to beat for a second"
Nilingon ko si Flair dahil siya ang nagsalita pero hindi naman siya nakatingin sa akin kung hindi sa kawalan.
Nababaliw na yata?
Pero kanino niya naman 'yon sinabi?