Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 58

Elleina Zeal's POV

"AKIN NA!"

Napa-takip ako sa tainga ko nang marinig ang sigaw ni Carme. Hinahabol niya nanaman ngayon si Clench at ina-agaw ang piattos. Nakaupo ako sa sofa ngayon at magka-cross ang hita at braso. Ang ibang kasama namin ay nasa labas yata o nasa kwarto. Si Flair mahimbing pa din ang tulog.

Buset talagang dal'wa 'to laging nag-aagawan sa pagkain. Pwede namang bumili sa tindahan, ito namang si Clench basta gusto niyang kainin kukuhain niya. Hay nako. Napa-iling nalang ako sa panonood sa kanila.

Nang biglang may tumabi sa tabi ko.

"Hi" bati ni Yannie.

"Hello" ngumiti ako sa kaniya.

"Can I ask you something?" sabi niya.

Ewan ko ba pero sa pananatili namin dito mabait naman pala itong si Yannie masyado nga lang siyang madikit kay Kean.

Oh? Did I say Kean? Bihira ko na siya banggitin, mapansin at ma-alala parang biglang tinangay ng hangin ang nararamdaman ko sa kaniya mula ng iwan niya ako.

"Yes, what is that?"

"Ahm Did Kean have an ex girlfriend?" tanong ni Yannie na nalungkot pa.

Don't tell me, hindi niya alam?

Bakit 'di sa kaniya sinabi? Hindi ko alam ang isasagot ko.

Natahimik ako.

"Why didn't you ask him?" iyon ang pinaka-safe na sabihin.

"I'm scared, I don't want to hurt myself" sabi niya at lalong nalungkot.

"Ex lang naman 'yon, natural lang magkaroon no'n"

"Pero bata palang kami ay engage na kami. It's unfair to me" bumuntong hininga siya.

Tama siya. Ngayon ko narealize na hindi nga pala dapat naging kami ni Kean, kung alam ko lang ito noon 'di ko hahayaang mangyari 'to.

"At ang nakakalungkot pa laging lumilipad ang utak niya sa kung saan" napalingon ako sa sinabi niya. "Parang hindi na niya ako mahal, there's someone who always in his mind"

Napakurap ako sa sinabi niya. May problema sila? Akala ko ba mahal siya ni Kean kaya niya ako iniwan?

"Don't overthink, Yannie"

"Elle, I don't know what to do. Parang ang layo niya sa akin. Nandiyan nga siya pero nasa ibang mundo ang isip niya" - Yannie

Naawa ako sa kaniya 'di ko lubos maisip na may ganito palang nangyayari. I thought they're okay.

"I'm sorry, I don't know what to say"

"You don't need to say something but are you his ex?"

Nanlaki ako ang mga mata ko at bahagyang napa-nganga ako. Anong sasabihin ko? Ugh!

"I'm sorry"

Tumaas ang kilay niya at biglang nag-iba ang timpla ng emosyon sa mukha. Biglang naging masungit at matapang.

"So, you are the bitch?"

Nagulat ako sa sinabi niya. What? Bitch? Nababaliw na ba siya? Binabawi ko ng sinabi kong mabait siya.

"Ang landi mo!"

Tumayo siya sa harap ko. Ayaw ko siyang patulan.

"Wala kang alam" mahina kong sabi.

"Ano pa bang kailangan kong malaman! Sayo lagi nakatingin si Kean! Obviously, you're the girl!" sigaw ni Yannie.

Dahilan para mapatigil sina Carme at Clench sa pag-hahabulan.

"What is happening here?" mataray na sabi ni Carme at lumapit sa tabi ko.

Nako! Inis na inis sa kaniya si Carme kung alam niya lang kung hindi ko ito napipigilan ay unang dating palang niya dito hinila niya na ang buhok ni Yannie. Handa siyang makipag-sapakan o sabunutan para sa akin.

"Malandi 'yang kaibigan mo!" tinuro pa ni Yannie ang mukha ko.

Pinalo 'yon ni Carme para tanggalin.

"Wag mong maduro-duro ang bestfriend ko baka samain ka sa akin!" mataray na sabi ni Carme.

Oh fuck! Siguradong nagtitimpi nalang si Bebs sa kaniya nakikita ko.

"Girls stop that" awat ni Clench at humarang pa sa gitna.

"Wow! Kinakampihan niyo pa ang malandi niyong kaibigan" sabi ni Yannie halatang galit na galit na.

Bahala siya ayaw kong pumatol sa babae, suntukan ang gusto ko.

"Tigilan mo kakatawag na malandi sa kaniya baka isubsob ko mukha mo sa pader! Isa pang tawag mo kakalbuhin kita!" sigaw ni Carme.

Hinawakan ko siya para pigilan. Galit na galit na siya.

"Hey, what is happening here?"

Napalingon kami sa lalaking pababa ng hagdan, si Kean.

Biglang lumapit si Carme kay Kean at sinampal nang sobrang lakas. Nagulat naman si Kean sa kaniya at 'di agad nakapag-react.

"Oo, gwapo ka pero anong karapatan mong saktan ang kaibigan ko tapos idagdag mo pa ang mahadera mong girlfriend fucking asshole! Matagal ko ng gustong gawin saiyo 'yan! Fuck you, Kean!" gigil na sabi ni Carme.

Gusto kong mainis, sigawan at saktan si Kean no'ng makita ko siya pero ngayon si Carme ang gumawa ng matagal ko ng gustong gawin. It's a relief. She's a true friend of mine.

"Gago mo, Kean!" sinampal muli ni Carme si Kean sa kabilang pisngi.

"What's your problem?!" lumapit na si Yannie at tinulak si Carme.

Akma na sana akong lalapit upang ipagtanggol din si Carme pero saktong pababa si Lance ng hagdan at humarang kay Carme. Patay! Magagalit si Lance sigurado ayaw niyang sinasaktan si Carme.

"Anong problema?" seryosong sabi ni Lance. "Don't you dare touch my girl pumapatol ako sa babae" galit na sabi ni Lance at nagtitimpi.

"Tara na, Yannie" pagyaya ni Kean at humawak pa ito sa braso upang hilahin.

"What Kean? Hahayaan mo nalang na sapakin ka ng babaeng 'yan!?" inis na sigaw ni Yannie.

Si Kean naman ay walang ekspresyon, sumulyap muna sa akin bago ibinalik ang tingin kay Yannie.

"I deserve a slap or more than that, didn't you heard what Carme said I'm fucking asshole. I can't deny it" seryosong sabi niya.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi niya deni-deny na asshole siya? Bakit?

"What?" naguguluhang sabi ni Yannie.

"I'm sorry, guys" sabi ni Kean sa aming lahat.

Pero matalim ang tingin ng tatlo kong bestfriend sa kaniya parang 'di na siya mapapatawad kahit kailan.

"Let's go"

Hinila na ni Kean si Yannie pa-akyat ng kwarto.

Lumapit ako kay Carme at Lance.

"Bebs, are you okay?" sabi ko.

"Yes, of course, magsama silang dal'wa kapag sinigawan ka ulit ng babaeng 'yon 'di na ko magda-dal'wang isip na lunurin siya sa dagat" inis na sabi ni Carme.

"Shh! Sweetheart, your heart" sabi ni Lance at niyakap nalang siya nito.

"Oh" sabi ni Clench na inaabot na ang piattos kay Carme. "Mamaya ako pa ang sampalin mo.

What the fuck?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.