Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 59

'Di ko na napigilan ang tumawa. After magkasagutan hawak niya pa rin ang piattos? Ibang klase talaga si Clench.

Nagliwanag ang mukha ni Carme.

"Yes! Nakuha ko din!" tumalon-talon pa siya.

Ang bilis mawala ng galit niya. 'Yon siya, once na magalit siya magtitimpi siya pero kapag 'di na niya kayang hawakan ang galit niya nana-nabunot talaga ng buhok 'yan .

I remember when we're on highschool binu-bully siya ng mga kaklase namin dahil daw sakitin siya pero 'di sya nagpatalo inuntog niya sa lamesa 'yong malakas mang-asar, dumugo ang ulo. Grabe siya, gano'n siya katapang kapag nagagalit. At ang nakakatawa pa binantaan niya ito na 'wag magsusumbong kung hindi iuuntog niya ulit ito sa lamesa. , 'di na siya inasar after that.

Dahil sa sobrang pagka-proud ko sa pagmamahal niya sa akin niyakap ko siya.

"I'm thankful for having you in my life"

"Bestfriends are bestfriends!" sabi niya.

"Bestfriends hug" sigaw ni Clench.

Yumakap kaming tatlo, hinila ni Carme si Lance para yumakap din. Lagi siyang ganiyan hindi showy as a bestfriend.

"Anong mayroon? Pwedeng makiyakap din?"

Napalingon kami sa nagsalita, si Flair. Bagong gising lang.

"Bawal ang baho mo!" sigaw ko sa kaniya.

"Hoy, nag-toothbrush ako at naghilamos 'di mo katulad na bumababa ng buhaghag ang buhok, may muta at may laway tapos gumagamit pa ng tooth--"

Bago pa niya maituloy ang sinasabi ay tinakpan ko na ang bibig niya at ipinasok siya sa kwarto niya.

"Ang aga maglandian!" rinig kong sigaw pa ni Carme.

"Ang ingay mo!" sabi ko habang nakatakip pa din sa bibig niya.

Natigilan ako ng marealize na pinasok ko pala siya sa kwarto niya.

Awkward...

Hinila niya ako, sinarado ang pinto at ni-lock.

Oh fuck! Nanlaki ang mga mata ko. Kinakabahan ako.

"Hoy ang epal mo bakit mo ni-lock?"

Akmang pupunta ako sa pinto pero humarang siya habang nakangisi.

Dug.dug.dug.

Shit rapist!

Akmang lalapit na siya pero hinarang ko ang kamay ko.

"Wag kang lalapit sisigaw ako dito ng rape!" sabi ko.

Gano'n nalang kalakas ang tawa niya sa sinabi ko. Anong nakakatawa?

"You're so cute! " - Flair

Akmang lalapit siya ulit pero binato ko siya ng unan.

"Ano bang akala mo sa akin huh? halika nga dito" malambing na sabi niya.

'Di ko namalayan ang pag-lapit niya nahigit niya ko sa pala-pulsuhan at niyakap ako.

"Kahit panaginip ko ikaw ang laman" sabi niya habang nakayakap sa akin.

Dug.dug.dug.

Natigilan ako. Napa-panaginipan niya ako?

Hinampas ko siya sa balikat dahilan ng pagbitaw niya sa yakap.

"Ano nanaman? Hindi kita gino-goodtime, Over Melanin" nakangiti niyang sabi.

"Ewan ko saiyo!"

At saka ako naglakad palabas.

Buti 'di niya na ako kinulong sa kwarto kasi nakakatakot siya, kinakabahan ako. Bakit ba ako kakabahan? Si Flair lang 'yon!

KINAGABIHAN

Halos nagpapahinga na silang lahat nang lumabas ako.

Naka-long beach dress ako na kulay puti, nililipad 'yon ng hangin. Gusto kong maglakad-lakad muna 'di pa ako inaantok.

Umupo ako sa dalampasigan at tiningnan ang buwan. Dati kasama ko si Kean na tingnan ito pero ngayon mas masarap pala tingnan kapag mag-isa ka lang. Mararamdaman mo ang pagmamahal sa sarili at kapayapaan kahit minsan ko na 'yong naramdaman kay Flair, ewan ko napapagaan niya madalas ang loob ko.

"Can we talk?"

Napataas ako ng tingin sa nagsalita, si Kean.

Tumango lang ako at ibinalik muli ang tingin sa dagat. Umupo siya sa tabi ko matagal bago siya muli magsalita.

"Minahal kita" nagulat ako sa sinabi niya pero pinipigilan kong lingunin siya. "Sobrang minahal kita, Elle"

'Di ko pa rin siya nililingon, ayaw kong makita ang mukha niya this time dahil baka bumalik ang sakit at pagmamahal ko sa kaniya. Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot ako na mahalin ko ulit siya.

"Elle.." rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Mahal pa rin kita"

Shit! Parang tutulo nanaman ang luha ko. Gumuhit muli ang kirot sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Ano gano'n nalang 'yon? Mamahalin ko nanaman siya kahit na sobrang masakit? Fuck! Hindi gano'n 'yon! Tama na ang minsang sinaktan niya ako!

Hindi ako bobo!

Bobo lang ang bumabalik pa rin kahit sobrang sinaktan na ng taong sobrang minahal nila.

Magulo man ang nararamdaman ko ngayon pero malinaw na 'di na ako babalik para magpa-katanga ulit sa kaniya.

"Elle, hindi ko alam ang gagawin ko.. sobrang mahal kita at 'di ko sinasadyang saktan ka"

Tumulo na ang luha ko. Ang rupok ko!

Hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap niya ang mukha ko sa kaniya.

"I'm so sorry, my beautiful. Hindi ko na alam pa'no ka makakabalik sa akin dahil sa ginawa ko..." nagsimula na siyang umiyak. Ang gwapo pa rin ng mukha niya kahit tumutulo ang luha niya. Ito ang unang beses ko siyang nakitang umiyak dahil ang sabi niya hindi siya umiiyak kahit no'ng gabing maghiwalay kami. "Maniwala ka sa akin may rason ako"

Pinipilit kong 'wag manghina dahil sa hitsura niya, pinapakita niya sa akin ang pagsisisi, ang sakit at ang pagmamahal niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan niya akong iwan kung ako naman talaga ang mahal niya.

Inilapit niya ang noo niya sa noo ko. Naiinis ako dahil 'di ko magawang ilayo ang sarili ko!

"Bumalik ka na sa akin, please.. huhuhu" naging matunog ang pag-iyak ni Kean.

Marahas akong tumayo kaya tumayo na din siya.

"Yon lang 'yon? Iniwan mo kong durog tapos ngayon babalik ka na parang gano'n lang kadali! May girlfriend ka na! Ano pa bang gusto mo?!" 'Di ko na napigilan ang galit ko.

"Ikaw.. ikaw ang kailangan ko!"napatakip na siya ng kamay sa mukha. Kitang-kita ko ang pag-taas baba ng balikat niya dahil sa pag-iyak.

Napahawak ako sa dibdib ko parang ang sakit sakit pa rin. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang luha ko.

"Kean, please? Tahimik na ang mundo natin. 'Wag mo ng guluhin pa"

"Elle, 'di ko kaya ng wala ka! Hirap na hirap ako humihinga ako pero parang patay na.. ang sakit sakit na binitawan kita..." pinipilit niyang huminga pero gano'n nalang ang hirap niya. "Nagsisisi ako na sana pinaglaban kita! Napaka-bait ko para isipin palagi ang ibang tao kahit ako 'yong mahihirapan. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay kung wala ka na.. 'di na ako dapat mabuhay dahil ikaw ang buhay ko!"

"Ano bang problema mo?! Diba ito ang 'yong gusto! Bakit ka nagkakaganyan!? Mas pinili mo siya kaysa sa akin. I'm sorry hindi na ako babalik pa masaya na ako!"

Hindi ako gumaganti totoong masaya na ako. Kontento na ako sa kung ano ang buhay ko ngayon.

"Mahal mo na ba si Jave?"

Natigilan ako sa tanong niyang 'yon. Ilang ulit ko na rin 'yong tinanong sa sarili ko pero wala akong makuhang sagot.

"Mahal mo pa rin ako. Nakikita ko.. please bumalik ka na, my beautiful"

"Tama na nag-gagaguhan nalang tayo dito! Tumigil ka na sa drama mo 'di ako nadadala"

"Paniwalaan mo ko please. Sobrang hirap mabuhay ng wala ka"

Lumuhod siya sa harapan ko. 'Di ko alam ang gagawin ko.

"Kean, magpahinga ka na"

Iniwan ko siya at naglakad na palayo.

'Di na kita kaya pang tanggapin kahit anong pagma-makaawa mo dahil tapos na ang kwento nating dal'wa tinanggap ko nang hindi tayo para sa isa't isa. Ayaw kong makasakit lang tayo ng ibang tao.

"Kung sa ibang mundo ba tayo pinagtagpo tayo ba ang itinadhana?"

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko iyon pero hindi ko siya nilingon.

"Sana may ibang mundo na tayo ang nakalaan para sa isa't isa. Hihintayin kong muli akong ipanganak at hahanapin kita. Sa pagkakataong 'yon sisiguraduhin kong tayo na ang nakatadhana"

Nagpatuloy ako muli sa paglalakad ko pero natigilan ulit.

"Yannie is suffering from depression with suicidal thoughts I'm studying psychology I can't let her die. If I leave her possible that she committed suicide... I chose her life than my happiness."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.