Kean Patrick's POV
Riot
'Yong gabing tumakas ako sa bahay namin, nag-lubid gaming at nag-papawis.
Kahit madilim kitang-kita ko ang isang babae.
When I saw her eyes, I felt something in my heart.
She's beautiful...
Napatitig ako sa mga mata niya parang nanghahalina. I remember how my body got paralyzed.
Nang malaman ko na sa tapat ng bahay namin siya nakatira araw araw akong nakasilip sa bintana. Lagi ko siyang hinahanap sa veranda ng kwarto niya.
Nang maglapat ang labi namin dal'wa no'ng ninakawan ko siya ng halik sa kotse ko pakiramdam ko 'di ko pinagsisihan 'yon at masaya pa ako.
Akala ko hanggang do'n nalang 'yon pero 'di ko talaga matiis na 'di ko siya makita o makasama.
No'ng gabing naka-duet ko siya sa The Rose na ang kanta ay Sa ibang mundo by Kean and nadine. 'Yon ang gabing gusto kong lumikha ng mundong para sa aming dal'wa lang.
Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na mahal ko siya sa rooftop ng hospital. I want to ask her that time if she wants to be my girlfriend pero pinigilan ko nanaman dahil baka masaktan ko siya.
The day that we went to Laguna, I want to create happy memories with her.
'Di ko alam ang gagawin ko no'ng nalaglag siya sa bangin kung tuluyan siyang nahulog baka tumalon din ako at samahan siya do'n. Crazy, but that is how I think.
I'm madly in love with her.
When I saw her hand holding Jave's hand. Gustong-gusto kong sumigaw at mag-wala pero imbes na 'yon ang ginawa ko hinawakan ko nalang din ang kamay niya. Pumayag siya, sobrang saya ko nang maramdamang mahal niya rin ako. Halata sa kaniya.
Doon na ako nagdesisyon na gagawin ko ang lahat para ipaglaban siya.
Mamahalin ko siya at naiba man ang takbo ng dapat nakaplano na ikakasal ako sa ibang babae, pipilitin kong paikutin ulit 'yon para si Elle ang makasama ko.
Until the night, I decided to really face whatever the consequence is.
I asked permission to her family and friends that I will ask her to be my girlfriend. Pumayag sila.
Nang gabing 'yon handang-handa na akong mahalin siya gawin ang lahat para sa kaniya at palagi siyang pasayahin.
"Yes"
The sweetest 'yes' I've ever heard.
I hugged her so tight but I stopped myself from crying because it's not me, I did not cry in front of others.
Our relationship goes well. Napakalambing, maunawain, mapagmahal at mapag-kumbaba siya and that makes me fall in love with her every single day.
Ang galing niya sumayaw, kumanta, matalino at matiyaga.
Nabaliw ako sa kaniya no'ng maging kami. Gusto ko lagi siyang yakap at gustong-gusto ko na niyayakap niya ako.
Sobrang saya ng mga nagdaang-araw para sa amin.
Ayaw ko ng matapos 'yon.
Palagi akong pina-pagalitan ni daddy na hiwalayan ko daw si Elle laging ngiti lang ang sagot ko at 'di ko siya iniintindi.
Araw araw akong nakangiti no'ng kaming dal'wa. Inspired ako sa lahat ng bagay kahit sa pag-aaral lahat ng drawing ko siya ang laman.
Niyaya ko siyang mag-date nagpatulong ako kay Rev at Jave.
Inayos namin ang Rosa Restaurant kasi sabi ni Jave paborito niya daw ang mga rosas. Sobrang excited ko at kinakabahan. Napra-practice akong kantahin ang kalawakan by music lover sa sarili kong version ng lalaki. Kakabaliw ang mahalin siya, ramdam ko 'yon pero masasabi kong ito ang pinakamasayang pakiramdam.
Naka-set na ang lahat, ngiting-ngiti kaming tatlo dahil ang ganda na ng venue at nasisiguro ko na magugustuhan niya talaga ito.
Hanggang sa mag-ring ang cellphone ko tumatawag si mommy.
"Patrick, pumunta ka dito sa bahay ng mga Tosler, anak" - mommy
"I can't, I have a date"
"Saglit lang anak"
"Okay, mom"
Nagpaalam ako kala Jave na aalis saglit at sinabi kong si Rev na muna ang magsundo kay Elle.
"Kean"
Nagulat ako nang pagdating ko ay makikita ko si Yannie. Yumakap siya sa akin.
"I miss you" malambing na sabi niya.
Biglang nanlumo ang mga tuhod ko. 'Di ko alam ang gagawin ko.
Pero gusto kong sabihin sa kaniya na 'di na matutuloy ang kasal dahil may iba akong gustong pakasalan balang araw.
"Can we talk?" seryosong sabi ko.
"Sure" ngumiti siya.
Tumango lang sa akin si mommy parang nagsasabing 'sige, sabihin mo na anak'
"Anong pag-uusapan natin? Is it about the wedding?"
"Ah-Yannie, I'm sorry"
Nahihirapan ako 'di ko alam pa'no ko sasabihin ng hindi siya masasaktan.
"Why are you apologizing?" nagtataka niyang tanong.
"Hindi ko na itutuloy ang kasal" mabilis kong sabi.
Nagulat siya at pinangiliran agad ng luha.
"What are you saying?! My father died a months ago but now you are telling me that you don't want to marry me?! I've waited to you since the day that we promised each other that we will marry someday!"
Kinakapa ko ang sarili ko kung nasasaktan ako pero hindi. Mas nasasaktan akong isipin na masasaktan ko si Elle kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Lumuha na si Yannie, humagulgol siya at nahirapan ng huminga.
"Why are you doing this to me!?" Iyak siya nang iyak. "Bata palang tayo nangako na tayo sa isa't isa!"
Pinagpapalo niya ako sa dibdib.
"I'm sorry, it's just.. things can change"
"Why!? Did you love someone?"
'Di ako sumagot, nahihirapan ako.
Gusto kong sabihing, oo! May mahal ako at hindi ko lang siya basta mahal kung hindi mahal na mahal.
"Okay! Lumayas ka na!"
Tumayo si Yannie at pinagtulakan ako palabas ng bahay nila.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. May date ako ngayon dapat ang atensyon ko ay na kay Elle lang pero ginugulo ako ng guilt na may tao akong nasasaktan.
"Patrick! You bastard!" sigaw ni daddy sa akin. "Anong ginawa mo!? Nasisira na talaga ang ulo mo!"
Nilingon ko si Yannie na ngayon ay todo iyak na habang nakaluhod.
Lumapit ang mommy niya at inalo siya pero hindi ito natigil sa pag-iyak.
Si mommy ay nag-aalala ang tingin sa akin.
"Lumayas ka dito! Ayaw na kitang makita pa kahit kailan!" sigaw ni Yannie.
"I'm sorry, Yannie"
"You broke the promised! I should be die!" sigaw niya. "Get out!!!!" sigaw niya at itinuro pa ang gate ng bahay nila.
Wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas at iwanan sila.
My beautiful is waiting for me.
Sasakay na sana ako ng kotse pero tinawag ako ni tita Anie, ang mommy ni Yannie.
"Kean Patrick"
"Sorry tita, aalis na po ako" nagbaba ako ng tingin.
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at humagulgol na rin.
"Please, 'wag mong iwan ang anak ko"