Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 62

Javen Flair's POV

Nakita ko si Kean at Zeal sa tabi ng dagat mukhang nag-uusap. Gustong-gusto kong pumunta dahil natatakot ako na baka bumalik siya kay Kean pero gusto ko rin naman na mag-kausap silang dal'wa. Hays.

Pinanood ko lang sila sa malayo hanggang sa tumayo na si Zeal at sa ekspresyon ng mukha niya mukhang nagagalit siya kay Kean. Naawa ako kay Kean nang makitang umiiyak na siya, ngayon ko lang siya nakitang ganito pero mas ikinagulat ko ang talikuran siya ni Zeal at naglakad palayo, dal'wang beses natigilan pero umalis pa din.

Doon ko na siya sinalubong, grabe na ang iyak niya at halos mabunggo na sa akin.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin, nakita ko ang mga mata niyang lumuluha at sobra siyang nahihirapan. Agad gumuhit ang kirot sa dibdib ko. Ugh!

"Flair" nahihirapan niyang sabi at saka yumakap sa akin.

Niyakap ko siya nang mahigpit at hinaplos ang buhok niya. Tiningnan ko nang masama si Kean sa 'di kalayuan na ngayon ay hirap na hirap na din sa pag-iyak, kasama na niya si Rev.

Inakay ko si Zeal, papasok ng mansyon.

"I told you don't cry" sabi ko sa kaniya.

Hinatid ko siya sa kwarto niya pero umiiyak pa din siya.

"Hindi ko na siya babalikan, Flair. Kahit na ano pang gawin niya" humigpit ang yakap niya sa akin. "Dahil may gusto akong linawin sa sarili ko"

Gusto kong magtanong kung ano 'yon pero 'di nalang baka lalo pang umiyak.

Nakayakap lang kami sa isa't isa hanggang sa magdesisyon siyang pumasok na ng banyo.

"Don't leave me" sabi niya.

"You don't need to say that. I'm always here when you need me" ngumiti ako sa kaniya.

Yumakap muna ulit siya sa akin bago pumasok ng banyo.

Bakit parang yakap naman yata siya nang yakap?

Nagtataka lang ako.

"Jave"

Nilingon ko ang nagsalita, si Clench. Nakatayo siya sa may pinto ng kwarto.

"Oh" may inaabot siya sa akin na kung ano.

"Ano 'to?" kunot-noo kong tanong.

"Ice cream. Gagaan loob niya 'pag kumain siya niyan. Bukas ng umaga agahan mo ng gising bilhan mo siya ng mga prutas gustong-gusto niya 'yon"

Bilib din talaga ako sa taong 'to grabe rin ang pagmamahal kay Zeal.

"Salamat, bro"

Ngumiti siya nang pilit sa akin.

"I can't be his superhero anymore. Nandiyan ka na" malungkot na sabi niya. "Wag mo lang siyang saktan dahil kung katulad ka rin ni Kean binabalaan ko na kayo. Masamang magalit si Lance"

Napakunot-noo ulit ako. Si Lance?

"Bakit si Lance?"

"Dahil galit na galit na siya. Hindi mo ba napapansin na 'di man lang niya kinakausap si Kean? Bestfriends are bestfriends, Jave. Gano'n kami ka-solid" sabi ni Clench at saka sumubo rin ng ice cream niya.

"Sige na. Goodnight" sabi ni Clench, saka tumalikod na at umalis.

"Sinong kausap mo kanina?" sabi ni Zeal, kakalabas lang ng banyo.

"Si Clench"

"Anong sabi?"

"Nagbilin lang" sabi ko, saka siya hinawakan sa baiwang at pinaupo sa kama.

Tinitigan niya ang kamay ko na nasa baiwang niya.

"Sorry, ayaw mo ba na hinahawakan kita?" nahihiya kong tanong.

"Hindi, okay lang" ngumiti siya.

Parang okay na siya agad?

Binigay ko ang ice cream sa kaniya.

"Wow" kumislap agad ang mata niya at nagmadaling kunin sa akin ang ice cream.

Clench is right. Nag-iba na agad ang mood niya.

Pinanood ko siyang kumain para siyang bata tapos may ice cream pa sa gilid ng labi. Kumuha ako ng tissue at pinunasan 'yon bigla siyang natigilan at tumitig sa mga mata ko.

"Ahm Flair, are you serious for--"

Hindi ko na siya pinatapos, inilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya.

"Paulit-ulit tayo. Seryoso nga ako" mahina kong sabi at saka ngumiti. "Gusto mo nanaman bang mahalikan kaya ka nagtatanong?"

Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang labi niya.

"No!" sigaw niya.

Natawa ako nang malakas nawiwili talaga akong panoorin ang iba't ibang ekspresyon ng mukha niya.

"Labas ka na nga" sabi niya at akmang sisipain nanaman ako.

Kanina lang 'wag ko daw siyang iwan tapos ngayon? Gulo niya.

"Ops! Sige sipain mo ko at dito ako matutulog"

Sinamaan niya ako nang tingin.

"Labas na, inaantok na ako" sabi niya at saka humiga na sa kama.

Kinuha ko naman ang balat ng ice cream at itinapon muna 'yon sa basurahan.

Umupo ako sa tabi ng kama niya at kinumutan siya.

"Wag ka ng umiyak, okay? Ang pangit mo, e!"

Agad siyang nagmulat ng mata at hinampas ako.

"Sabi't lumabas ka na!" asik niya.

"Okay" humalik ako sa noo niya.

"Goodnight, Cherish. See you in dream land" malambing kong sabi.

Naglakad ako palabas pero natigilan ako ng magsalita siya.

"Goodnight, impakto"

Dug.dug.dug.

Kahit 'yon lang ang sinabi niya sobrang napangiti ako.

Isinara ko ang pinto pero natigilan ng may tao sa harapan ko, si Kean.

Namumula ang mga mata niya at halatang grabe ang iniyak niya.

"Can we talk?" sabi niya.

"Of course"

Nag-usap kami sa veranda ng mansyon.

"Pre, sorry kasi nagawa kong saktan siya" sabi ni Kean, gumagaralgal pa din ang boses niya. "Galit ka ba sa akin?"

Bumuntong-hininga ako bago magsalita.

"Hindi. Ayaw ko lang ng ginawa mo. Kinausap na kita diba? Sabi mo ipaglalaban mo siya. Anong nangyari?" naiinis kong tanong.

"I have to do that because of my profession. Yannie is my first patient"

I nodded.

"We should not talk about this. Gusto ko lang ibalik saiyo ang bilin mo sa akin noon" tumawa siya. "Please, don't hurt her. I'm begging you"

Nagtataka ako kung bakit niya ito sinasabi sa akin.

"I can't do that. You know that" ngumiti ako at tinapik ang balikat niya. "Hindi ako kailanman magagalit saiyo. You're my bestfriend. Mahirap man tanggapin na sinaktan mo siya dahil ipinagkatiwala ko siya saiyo hindi 'yon dahilan para matapos ang pag-kakaibigan natin. Pres are pres" tumawa pa ako.

"You look happy huh? Inlove na in love?" tumawa siya habang nakataas pa ang gilid ng labi niya.

Umakbay siya sa akin.

"Thank you for everything, Jave. Hayaan mo hihilingin ko na palagi kayong masaya" sinsero niyang sabi.

"Hindi pa kami" tumawa ako. "At tutulungan niyo akong mapasagot siya"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.