Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 63

Gano'n ang friendship namin. Once, na may nagugustuhan na babae nagtutulungan kami sa effort para mapasagot 'yon tulad ng ginawa namin kay Rev at kay Kean no'ng sila ni Zeal. Now, it's my turn para tulungan nila ako. We support each other sa lahat ng bagay kahit mahirap at masakit tulad ng ginawa kong pag-paparaya no'ng naging sila ni Zeal.

Masasabi kong 'yon ang tunay na pag-kakaibigan.

Magka-akbay lang kami ni Kean hanggang sa may isa pang umakbay.

"Shit pre, namiss kong akbayan kayong dal'wa ngayon kinikilig na ako"

Natawa ako sa sabi ni Rev.

"Oh ito" nagbaba siya ng isang basong tubig sa lamesang nando'n. "Inom na pre, tangina mo, iiyak-iyak ka pa kanina tapos ngayon tatawa ka rin pala. Ang drama mo!" binatukan ni Kean si Rev. "Magtiis ka dyan iniwan mo! Ang kay Jave ay na kay Jave na wala ka ng magagawa do'n" sermon pa ni Rev habang hinahaplos ang batok niya na binatukan ni Kean.

"Tumigil ka na nga!" sabi ko.

"Bakit? Kay Kean pa rin ba siya? Ang hina mo kung gano'n" - Rev

Natigilan ako sa sinabi niya. 'Di ko rin alam e. Kung ano na nga ba ako kay Zeal? Kasi kontento na ako sa pa'no ko siya mahalin 'di na naghangad pa ng kapalit. Iniisip ko nga na kung sila ni Kean edi sila nalang ulit kung do'n siya masaya pero sa nangyari mukhang 'di niya binalikan si Kean.

"Ayaw na ni Elle sa akin, pre" humawak pa si Kean sa puso niya at saka kunwaring nasaktan pa. "May pag-asa ka na" ngumiti pa si Kean.

"Wag mo ngang pa-asahin. Ang hina niya mag the moves" -Rev

"Bakit pa'no ba dapat?" nalilito kong tanong.

"Gago! Pasukin mo do'n sa kwarto" - Rev

Binatukan ko siya.

"Siraulo ka!"

"Wala akong sinasabing kung ano! Maka-batok ka naman"

Tumawa nalang ako nang malakas.

"Pero seryoso pre, tingin ko mahal ka na niya" sabi ni Kean at ngumiti nang pilit.

"Nako! Kung 'di mangyayari 'yon baka nag-suicide na si Jave. Crying baby pa naman 'yan"

Binatukan ko nanaman siya.

"Kanina ka pa batok nang batok, Jave!"

"Anong crying baby huh?" inis kong tanong.

Ang lakas nang tawa nilang dal'wa.

"Flair's virgin love." - Rev

Tumawa silang dal'wa

Kumunot ag noo ko.

"Sinasabi mo?"

"Manood ka ng Kdrama, pre" - Kean

"Gagawin ko do'n?"

"Tanga ka talaga, Jave! Tingnan mo pa'no mag the moves do'n" - Rev

"Ah gano'n ba, sige"

Tumawa sila nang malakas at halos napahawak pa sa tiyan. Anong nakakatawa do'n?

Elleina Zeal's POV

Nagulat ako nang imulat ko ang mga mata ko nasa tabi ko si Flair at laki nang ngiti.

"Goodmorning, Cherish" bati niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ko.

"Dinalhan kita niyan"

Napanganga ako nang makita ang pakwan, pineapple, orange, apple, dalandan, at kung anu-ano pang prutas sa basket.

"Bakit may sakit ba ako? Bakit ang dami niyan?"

"Kainin mo mamaya huh? Halika na, breakfast" poging-pogi ang pag-kakangiti niya.

Dug.dug.dug.

Kumain lang kami ng breakfast, naligo ako agad dahil aalis kami ni Lance ngayon.

"Tara na, Lance" yaya ko kay Lance nang makababa ako.

Nakikipag-harutan pa siya kay Carme sa sofa. Napa-irap ako. Edi kayo na ang may lovelife!

Hinihintay na kami ni Taxon.

"Cherish, saan ka pupunta?" Lumapit si Flair sa akin.

"Kay Mr. Baider"

"Sama ako" pangungulit niya.

"Dito ka nalang"

"Bakit si Lance kasama?" nakanguso niyang sabi.

"Basta. Dito ka nalang. Ang kulit mo"

"Babalik ka agad?"

Napa-pikit ako sa inis kay Flair. Bakit ba ang kulit na niya ngayon?

"Oo"

"Okay, 'pag 'di ka bumalik agad ang pangit mo" pang-aasar niya.

"Ugh! Ewan ko saiyo"

Naglakad na ako palabas pero natigilan nang magsalita siya.

"Ingat ka, my Over Melanin"

Lumabas na rin kami at nakita ko si Taxon na nakasandal sa kotse.

"Let's go"

Tahimik lang kami sa byahe. Malapit lang naman daw 'yon.

Habang nasa byahe biglang huminto si Taxon. Napatingin ako kay Taxon ng bumaba siya ng kotse.

Nakita ko ang dal'wang lalaki sa may tabi ng kalsada. Nagkalat na ang mga pinya kung saan-saan.

"Is there any problem, Mang Arnel?" rinig kong tanong ni Taxon do'n sa lalaki.

"Kasi itong matandang 'to paharang-harang sa daan tapos pinag-sosorry ko ayaw humingi ng tawad" mayabang na sabi ng lalaking tingin ko ay may kaya.

Nagkatinginan kami ni Lance. Bumaba ako ng kotse at lumapit sa kanila.

"Hindi ikaw ang kausap ko" mayabang na sabi ni Taxon.

"Aba barumbado ka rin e no? Bakit kaanu-ano mo ba itong matandang ito?" turo no'ng lalaki kay Mang Arnel at saka dinuro-duro si Taxon. "Sino ka ba huh?"

"Don't ask you'll suffer" mayabang na sagot ni Taxon.

Nagulat ako nang biglang umambang susuntok ang lalaki pero mabilis na nakailag si Taxon.

"Maaga pa para mag-papawis" serysong sabi ni Taxon at saka bumaling sa akin. "Pumasok ka sa kotse, Elleina" may awtoridad sa utos niya pero 'di ako sumunod. "I said go inside the car! Sumunod ka sa kuya mo" mariin niyang sabi.

Kuya? Mas matanda siguro siya sa akin kaya gano'n.

Pumasok ako sa kotse pero nag-aalala ako kay Taxon may mga body guards din kasi 'yong lalaki tingin ko mga lima.

Maya maya pa ay nag-kakagulo na.

Lalabas sana ulit ako para tulungan si Taxon pero pinigilan ako ni Lance.

"Let's watch him how to fight"

Tumango ako kay Lance.

Nakita ko kung paano makipag-laban si Taxon, halos madurog ang mga mukha ng body guards ng lalaki.

Umikot siya para iwasan ang dal'wang lalaki pero sa isang iglap ay natumba na ito agad.

Sinipa niya ang isa pero 'di natumba. Nanlaki ang mga mata ko nang tutukan na siya nito ng baril pero wala siyang takot na sipain ang baril at saka muling sinugod ang lalaki upang suntukin, sunod-sunod at mabilis.

Dal'wa nalang ang nakatayo, mabilis niya itong sinugod at sinapak. Sinuntok niya nang mabilis at sinipa.

Tumba na lahat. Tiningnan niya nang masama ang lalaki kanina, takot na itong bumalik sa kotse.

"Mayor ako ng lugar na ito! Pagbabayaran mo ito bata!" sigaw niya bago umalis.

Tumakbo ako palabas upang salubungin si Taxon na ngayon ay pinupulot ang mga pinya at inilalagay sa lagayan ni Mang Arnel.

"Okay lang po kayo?" tanong niya kay Mang Arnel.

"Opo, salamat, señorito Taxon"

"Taxon, okay ka lang?" sabi ko nang makalapit na sa kanila at tumulong na rin maglagay ng pinya sa basket.

"Okay lang" ngumiti siya sa akin.

"May kamukha siya, señorito" sabi ni Mang Arnel.

"Si Tito Laurenz"

Kinakabahan ako nang tahakin namin ang daan papunta sa mansyon ng mga Baider hindi ko alam kung bakit.

"z4, Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Lance parang nahalata niya rin, tumango lang ako.

Nang makarating kami sa harap ng mansyon ng mga Baider ay doon na tumulo ang luha ko.

"z4? Bakit?" tanong ni Lance pero 'di ko na magawang sagutin pa ang tanong niya.

Inikot ko ng tingin ang buong mansyon 'di ako nagkakamali. Tuloy-tuloy na umagos ang luha sa mga mata ko.

Nakangiti na nakatingin sa akin ang mga Baider, talagang hinihintay ang pag-dating ko.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sakit at saka lumapit sa akin si Taxon.

"Welcome back, Shine Clear Baider"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.