Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 64

Elleina Zeal's POV

"Welcome back, Shine Clear Baider"

Fuck! Oo nga pala 'yon ang pangalan ko. Tulo lang nang tulo ang luha ko lumapit na si Lance para aluin ako.

"Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot na tanong ni Lance.

"Sila ang totoong pamilya ko"

Nagulat si Lance at nag-hagilap ng isasagot. Nakita ko ang pag-kalito niya.

"Mission Accomplished, partner" ngumiti ako sa kaniya habang lumuluha.

Tumakbo na ang mga Baider para yakapin ako.

"Lolo!" sigaw ko at sinalubong ang yakap niya.

Gano'n nalang siya ka-emosyunal na talagang 'di na napigilan ang umiyak. Umiiyak na rin ang lahat ng miyembro ng mga Baider.

"Ang tagal ka naming hinanap" bulong ni Mr. Baider.

Wala akong ginawa kung hindi umiyak.

"Paano ko.." nahihirapan kong sabi. "Paano ko nakalimutan ang sarili kong pamilya?"

Lumuha lang ako nang lumuha at lalong sumakit ang dibdib ko nang mabuo ang ala-alang matagal kong nakalimutan.

*Flashback

Umuwi ang pamilya namin sa Bicol, Camarines Norte, para mag-bakasyon. Tumuloy kami sa mansyon namin. Ako, mama, papa at ang nakaka-tanda kong kapatid na si Bright Sun Baider. Ang mansyon ng mga Baider ay pag-aari ng sarili kong ama na si Laurenz Anm Baider.

Si mama naman ay isang ordinaryong mamamayan din katulad ni lola siya si Zaxy Nem Baider.

Maraming tauhan ang papa na nanga-ngalaga sa lupain ng mga Baider. Ang mga tauhang iyon ay nakatira sa pag-aari ng mga Baider ng walang bayad, ibinigay ni lolo ang titulo sa kanila upang may sarili silang lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay kaya gano'n nalang ang pag-papasalamat nila sa mga Baider. Ang lupaing ito ay ang bayan ng aking lola dalaga pa ito noon ng may gustong bumili ng lugar, no'ng ma-asawa niya si lolo binili niya ang lugar para ibigay sa mga taga-rito at ipinangalan naman ito sa aking ama.

Masaya ang bakasyon namin, halos matagal kami sa mansyon hanggang sa isang araw may kausap ang papa ko na isang lalaki naririnig kong gusto nitong bilihin ang lupain ng mga Baider dahil sa sobrang sagana nito sa mga pinya, mais, palay at kung anu-ano pang mga tanim. Hindi pumayag ang papa ko.

Laging bumabalik ang lalaking 'yon sa mansyon upang kumbinsihin ang papa pero lagi rin siyang tumatanggi dahil iniisip niya ang mga taga-rito.

Hanggang isang gabi. Natulog kami nang masaya pero hindi inaasahang ang gabing 'yon ang sisira sa masaya naming pamilya.

"Goodnight my Princess" sabi ni mama at humalik sa noo ko.

Nakatulog na ako ngunit may dumamba sa pintuan ng kwarto ko.

"Mama! Papa! Ate!" Gustuhin ko mang ilakas ngunit hindi ko magawa dala ng takot na namumuhay sa aking katauhan, kinakabahan at umiiyak.

Pumasok ako sa ilalim ng kama. Nang makitang palapit na ang taong 'yon tumakbo ako palabas at nagtago sa ilalim ng lamesa.

"Baby girl where are you?"

"Lumabas ka na wala ka naman tatakbuhan hahaha" Nangibabaw ang nakakakilabot na tawa niya, nagpapaulit-ulit sa aking tainga.

Sumilip ako ng bahagya sa mesang tinataguan ko laking gulat ko nang makitang nakasilip na din ang lalaki.

"Huli ka!" tumatawang sambit niya. Napaatras ako sa kabilang dulo ng lamesa at akmang tatakbo ngunit nahawakan niya ako sa aking damit. Patuloy ako sa pagpupumiglas at sumigaw nang sumigaw.

Laking gulat ko nalang ng may matapakan akong katawan na nakahandusay sa sahig. Tiningnan kong mabuti iyon, tumulo ang luha ko nang mapagtantong si mama 'yon.

"Ma---ma" sambit ko sa humihikbing tono.

"Patay ka sa aking bata ka!" At itinutok sa akin ang baril. Umiiyak akong tumingin sa kaniya at napapikit nalang ako ng akmang papuputukin na niya iyon walang tumama sa akin.

Nang magmulat ako nakita ko ang isang babae, nakablack ang buo niyang suot at may cap marahil siya ang nanay ni Flair.

Tumakbo kami palabas, itinatakas kami, kasama niya rin ang kapatid ko.

Itinago niya kami sa kakahuyan.

Nahuli siya ng isang lalaki nag-pambuno sila pero natalo siya.

Sumigaw siya na tumakbo kami, magka-hawak kamay kaming tumakbo ng kapatid ko ngunit laking gulat namin nang mahuli kami ng isang lalaki.

"Tumakbo ka na! TAKBO!" sigaw sa akin ng kapatid ko. Ang batang napanaginipan ko no'ng dumating ako dito sa Cam. Norte ay ang kapatid ko pala.

Napako ang paa ko at patuloy pa rin ang pagluha. Hanggang sa itinulak ako ng batang babae.

Natatandaan ko pa ang huling linyang sinabi niya. "Mahal ka namin nila mama at papa! Iligtas mo ang sarili mo! TAKBO!"

Todo ang iyak ko nang tahakin ang daan, kinakabahan, natatakot dahil hindi ko na alam ang nangyari sa pamilya ko. Sobrang bata ko pa pero naiintindihan kong may gustong pumatay sa amin.

Iyak ako nang iyak hanggang marating ang isang daan. Ang ulan ay patuloy sa pag-patak, kumikidlat at malakas ang kulog. Nanginginig na ako sa lamig at parang nilalagnat ako.

Muntik na akong masagasaan ng kotse.

Lumabas ang tao doon pero mahina na ako at nagdidilim na ang paningin.

Ang dal'wang taong 'yon ay sina mommy at daddy, ang mga Suarez.

*End of Flashback

Pinagmasdan ko ang pamilya ko. Si Diamond, Kil, Taxon, lolo, tito Laurex, tita Laureyna, tita Tassiana, at tito Jerex.

Nasa harapan ko sila ngayon at patuloy rin sa pag-patak ang mga luha.

"Cousin" yumakap si Diamond.

Si Kil ay masayang tumalon pa upang yumakap.

Kaya pala iba ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sila. Magaan sa loob at masaya.

Iniisip ko lang kung anong mararamdaman ni mommy, daddy at mga kuya ko kapag nalaman nilang nakita ko na ang tunay kong pamilya.

"Buti naalala mo na kami, ang bata mo pa no'n kaya siguro nakalimutan mo na" sabi ni tita Laureyna at saka yumakap sa akin.

"I told you, she's Shine" nakangiting sabi ni tito Laurex. "Kamukha niya si kuya Laurenz"

Tumawa sila.

Mainit ang pag-tanggap nila sa akin. Si Lance ay nagtatanong ang mga mata kahit alam na niya pero hinayaan lang niya.

Hiningi ko sa kanila ang picture ng pamilya ko at gano'n nalang katindi ang sakit no'ng makita ko iyon. Niyakap ko nang mahigpit at parang ayaw ng bitawan.

Ang mansyon ay napuno ng iyakan.

"So, lolo, when do we celebrate para sa pag-babalik ni Shine?" tanong ni Diamond.

"Kung kailan gusto ni Shine" nakangiting sabi ni lolo na halos ayaw na akong bitawan sa pag-kakayakap.

"I'm excited to party party!" sigaw ni Kil.

Nagtataka ako kung bakit parang ngayon lang 'yon magagawa ni Kil.

"Bawal kasi mag-saya ang isang Baider hangga't may kasong hindi nalulutas at 'yon ay ang pag-kawala mo. Walang mag-sasaya sa birthday, o kahit na anong kasiyahan pero ngayong nandito ka na. Pwede na" nakangiting sabi ni tita Laureyna.

Halos ayaw nila akong pauwiin hanggang sa mag-gabi.

'Di pa rin ako makapaniwala kaya kahit sa kotse habang hinahatid kaming dal'wa ni Lance ni Taxon ay humihikbi pa din ako.

Yakap lang ako ni Lance buong byahe.

Gusto kong yakapin si Flair.

'Di ko alam kung bakit si Flair ang gusto kong makita at mayakap basta 'yon ang nararamdaman ko. Nagmadali akong pumasok ng mansyon, yumakap ako sa lalaking sumalubong 'di ko nakita dahil sa panlalabo ng mata ko.

"Flair" hinigpitan ko pa ang yakap at naramdaman ko din ang mahigpit na pag-yakap niya pero may naamoy akong isang pamilyar na pabango.

"I'm Kean"

Napabitaw ako kaagad sa kaniya. Shit! Bakit ba hindi ko tiningnan.

"It's okay you can hug me whenever you like"

"Kean!" sigaw ni Yannie.

'Di ko inintindi ang sinabi niya at patuloy pa din sa paghikbi. Hinanap ng mata ko si Flair. Nakita ko siyang nakasandal sa pader at diretsong nakatingin sa akin, masama ang tingin.

Tumakbo ako papunta sa kaniya kaya gano'n nalang ang gulat niya.

"Umiiyak ka nanaman" pinunasan niya ng daliri niya ang mukha ko.

Niyakap niya ako nang sobrang higpit.

Nakaramdam ako ng kapanatagan. Unti-unting kumakalma ako. Hindi ko alam kung bakit siya lang ang nakakagawa no'n ang pakalmahin ako at iparamdam na wala akong dapat ipag-alala.

Humihina na ang iyak ko at bumababa na ang emosyon. Yakap niya lang ako. Ang yakap niya ay may kung anong mahika na kayang-kaya niyang iparamdam sa akin na dapat masaya lang ang buhay palagi niyang linya ang 'wag kang umiyak ang pangit mo' kung tutuusin pang-aasar 'yon pero napapagaan no'n ang kung anong masakit sa loob ko.

"Where do you want to go?" tanong ni Flair.

Napangiti ako bigla. Tuluyan ng sumaya ang pakiramdam ko.

Dug.dug.dug.

"Sa mundong 'di uso ang masaktan at puro pagmamahal lang" pang-gagaya ko sa mga banat niya no'ng dalhin niya ako dito.

Gumuhit ang ngiti niya. 'Yong totoong saya na makikita mismo sa mata niya.

"Pa'no kung sa mundo ko lang 'yon matatagpuan?" sabi ni Flair habang hawak ang pisngi ko.

"Edi sasama ako sa mundo mo"

"Sagutin mo muna ako" malokong sabi ni Flair.

Pinandilatan ko siya ng mata.

"Joke lang, lika na!" yaya niya.

Gumaan na ng tuluyan ang pakiramdam ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat pa siya nang itikop ko iyon upang maging holding hands.

Nilingon namin ang mga taong nakatingin.

Si Carme ay nakayakap kay Lance na ngayon ay parehas ng nakangiti. Si Kean ay pilit ang ngiti. Si Yannie ay naka-irap. Si Clench ay nakangiti kahit kumakain ng piattos. Si Rev ay mapang-asar ang tingin habang hawak ang gitara. Si Taxon ay nakasilip lang sa pinto.

Nilagpasan namin silang lahat ng magka-hawak ang kamay patungo sa kung saan.

"I just want you to know that when you're hurt I'm always here fighting with you" - Flair

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.