Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 70

Bakit ba tingin siya nang tingin? Dati gustong-gusto ko 'yon pero ngayon iritado na ako sa kaniya. Hindi ako bitter ayaw ko lang talaga siyang makita kahit pa pogi ang mukha niya. Nang mapasulyap ako kay Flair ay napangiti ako bigla.

Dug.dug.dug.

Paano ba naman nasa may tabi siya ng pool, nakaupo, nakanguso at iwinawagayway lang ang kapiraso ng paa niyang naaabot ng tubig.

"Bakit kasi 'di mo pinansin? Tingnan mo ang mukha niya parang binagsakan ng langit at lupa " nakangising sabi ni Rev.

"Baka masugatan tayo sa talas ng nguso niya " - Carme

"Go bring him some food" utos ni Taxon.

'Pag si Taxon ang nagsalita parang laging may awtoridad. Ewan ko diyan sa lalaking Baider na 'yan parang lahat ay kaya niyang pasunurin.

Tumayo ako at kumuha ng pagkain at lumapit kay Flair.

"Food?" nakangiti kong sabi at inilahad pa ang pag-kain pero 'di niya ako pinansin.

"You ignore me huh?" 'Di pa rin niya ako pinapansin. "Bakit ba nag-iinarte ka diyan? Dinalhan na nga kita ng pag-kain!"

Naiinis na ako. 'Di pa rin niya ako pinapansin at nakanguso pa din, ang tingin ay nasa malayo.

Nangigigil na talaga ako! Nagmumukha na akong tanga dito!

"Immature! Ayaw mo ba nito?" para siyang bingi.

Ah gano'n? Ayaw mo ko pansinin huh?

Sa kainisan ko ay tinulak ko siya sa pool. Nakita kong manlaki ang mga mata niya bago siya bumagsak sa pool.

Tumawa ako nang tumawa. Nawala ang pag-kakanguso niya at tumingin ng masama sa akin.

"" rinig kong tawanan ng mga kaibigan namin.

"Pakipot pa kasi " rinig kong sabi ni Rev.

"Ganiyan ka pala mang-suyo? Ang sweet mo!" sabi ni Flair at saka inis na umahon.

Mas lalo niya akong hindi pinansin. Padabog nalang akong lumapit kala Carme.

"Seen zone?" pangaasar ni Carme.

"Kiss mo, papansinin ka no'n agad! " sabi ni Rev.

Dumali nanaman ang dal'wang malakas mangasar. Sinulyapan ko si Clench. Lagi siyang busy sa cellphone niya.

Inagaw ko nga 'yon.

"Elle! Akin na!" sabi niya habang inaabot ang cellphone niya na hawak ko.

"Sabihin mo muna sa akin. Sino palagi mong kausap?"

Ngumisi siya.

"Bakit selos ka na ngayon? Sorry bestfriend nalang tayo diba?" pangaasar niya. Umirap ako.

"Sino nga?"

"Tigilan mo lovelife ko. Atupagin mo muna saiyo" sabi niya at saka niya naagaw ang cellphone sa akin.

"So, may'ron nga?" tanong ko. Nanlaki ang mata ko ng tumango siya. "Sino?"

"Let's say. She's a nurse, registered nurse now" ngumiti siya parang nakita pa niya sa isipan ang babae.

"Mas matanda siya saiyo? "

"So, what? Age doesn't really matter at all"

"I'm so happy for you" niyakap ko siya pero nagulat ako ng may kamay na naghiwalay sa aming dal'wa.

"Tabi! Uupo ako!" sigaw ni Flair at saka sumingit nanaman sa gitna namin.

"Crying baby" nakangising sabi ni Rev na ang tingin ay na kay Flair.

"Jealous baby, rather" nagulat ako sa pagsasalita na iyon ni Taxon pero walang emosyon ang mukha.

"Inuman na!" naagaw naman ni Kil ang atensyon naming lahat may hawak pa siyang baso.

Tumakbo siya at nagmadaling nagsalin ng alak sa baso.

"Hey, 'lil bro don't drink to much" saway ni Taxon sa kapatid.

"Hi everyone!" napatingin naman kami sa pinto nang makita si Diamond pero nanlaki ang mata ko nang makitang kasama niya si Tyron.

What the?

Awtomatikong tumayo si Flair at hinarangan ako.

"Easy men!" natatawang sabi ni Tyron. "I won't hurt you. Wala na ako sa grupo ni Rocky. I start with my new life. I'm sorry for what happened"

Nakahinga na ako nang maluwag. Bakit niya kasama si Diamond? Don't tell me? Pero 'di na ako nagisip pa ng kung ano. Bahala sila diyan.

Kahit masama ang nagawa sa amin ni Tyron. Tinanggap pa din siya. Sorry siya nang sorry. I think it's enough para patawarin siya. Wala lang naman 'yon, eh. Talo naman sila palagi.

"Hey, cous. Are you happy?" tanong ni Diamond nang makalapit sa akin.

"Of course" sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"I wish you're always happy. I'm glad that you really back" yumakap siya sa akin. "I'm sorry for being maldita to you and to your friend noon"

"Apology accepted"

"You're like tito Laurenz. I can see him to you that's why I get irritated because I'm hoping to see my cousin again. It's really sucks to remember that we can't do something about bringing Shine back but now you're here na so, I stop being maldita sometimes na lang"

Halos matawa ako sa sabi niya . Yeah, ganito talaga siya. Nakuha ko na ang attitude nilang tatlo. Si Taxon ay palaging seryoso. Si Kil ay makulit at si Diamond ay maldita pero somestimes nalang daw.

"Why are you laughing? Do I look not sincere?" nagtataka niyang tanong.

"Nope. I'm just getting to know you"

"Duh! You know me. You just forget about me. Nagka-amnesia ka siguro or what o sadiyang pumurol lang ang utak mo" nag-roll eyes pa siya.

Kala ko ba 'di na siya magmamaldita?

Pagkatapos no'n ay pumunta na siya kay Tyron. Ano bang meron kay Tyron? I smell something fishy. Well, pogi si Tyron pero maangas ang dating niya parang laging naghahamon ng away.

"Ano 'di mo pa rin ako papansinin?" naiinis kong sabi kay Flair nang makalapit ako.

Nang wala ako makuhang sagot ay bahala siya diyan. Tumalikod na ako bago magsalita ulit.

"Do'n nalang ako kay Kean"

Awtomatiko niya akong hinila sa braso. Now, I get it! 'Yon lang pala 'di ko pa kanina ginawa.

"What did you say?" taas noong tanong niya.

"Do'n nalang ako kay Kean" pag-uulit ko.

Napanood ko ang biglang pag-kunot ng noo niya. Seloso!

"Pag-katapos mong makipag-yakapan kay Clench. Pupunta ka naman ngayon kay Kean?! Kapal mo huh!" asik niya.

"Why are you acting like jealous boyfriend?" tumaas pa ang kilay ko.

"Why not?" halata ang inis sa tono niya.

Why not? ha I smirked and glared at him playfully.

"Why not coconut.. choconut!" pangaasar ko.

Tumaas ang gilid ng labi niya at matalim akong tiningnan.

"Are you fooling me? My feelings?"

Natigilan ako. Fooling his feelings? ha

Tumawa ako nang malakas.

"So, you're fooling me huh?" sabi niya na may matalim pa ding tingin at saka nag-iwas ng tingin. "Oo nga pala. Hindi pala tayo. 'Manliligaw' lang pala ako. Ano bang lugar ko sa'yo?"

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Anong lugar niya? Hindi ko rin alam, eh.

"See? You're not answering my question because I don't have a spot in your heart. Kailan nga ba nagkaroon?" sarkastiko siyang tumawa. "Ah! 'Wag mong seryosohin ang sinabi ko" umiling-iling pa siya.

Tumalikod siya sa akin at tumigil saglit.

"Don't mind me. I'm just jealous.. wala naman akong karapatan" - Flair

Elleina Zeal's POV

Nasa klase ako ngayon pero dahil parang nanghihina ako 'di ako makapag-focus. Parang nahihilo ako at nasusuka. Tahimik lang ako, siguro may sakit ako?

"Bebs, Are you okay?" bulong ni Carme.

"Oo naman" pinasigla ko ang boses ko.

Nasusuka talaga ako. Kinakaya ko lang baka mamaya okay na ako.

Break time.

Tahimik lang akong kumakain pero panay ang sulyap ni Carme.

"Are you sure, you okay?" tanong niya.

"Hmm"

Nahihilo ako.

Maya maya pa ay dumating na sila Flair.

"My Cherish" nakangiti niyang bati sa akin pero 'di ko nagawang sagutin.

Katulad ng dati sumingit ulit siya sa gitna namin ni Clench.

"Sabi't umusog na 'pag dadating ako" nakasimangot na sabi ni Flair kay Clench.

"Boss ka? Busaboss?" inis ring sabi ni Clench.

Nag-aaway pa! Wala pa naman ako sa mood.

"Boss-busin ko mukha mo"sabi ni Flair. "Di nalang umusog dami mo pa say"

"Sana 'wag kang sagutin ni Elle. Sama ng ugali mo"

"Ikaw nga diyan na-bestfriend zone hahaha" pang-aasar ni Flair.

"At least my title 'bestfriend' ikaw anong title mo? Impakto lang gano'n? Hahaha"

Tiningnan lang siya nang masama ni Flair.

Hindi ako nagsasalita. Nahihilo ako.

"My Cherish, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Flair.

"Hmm"

Tahimik lang na kumain ang lahat.

"Hey! Go to the clinic" binasag ni Lance ang katahimikan.

Nahalata niya agad ang pananahimik ko.

"I have a class. I'm okay don't worry"

Tiningnan nila ako nang may nag-aalalang tingin.

"Easy. I'm not gonna die" halos nanghihina kong sabi.

"Anything you want, baby?" sabi ni Flair.

"Nothing, just water" sabi ko.

Sabay pang nag-lapag ng tubig si Kean at Clench. Kinuha 'yon ni Flair at pinainom sa akin.

Nang hawakan niya ako ay naramdaman niya ang init ng katawan ko.

"Shut! You sick! Why are you not telling me?!" inis na sabi ni Flair.

"I'm okay"

"Let's go to the clinic" tumayo siya at aalalayan na sana ako.

"No. I'm okay. I just need to rest. Last subject na mana"

"Ano ba Zeal! 'wag ka na maginarte dyan!" naiinis na si Flair.

"Hindi ako nagiinarte!"

Inis akong tumayo at tatalikod na pero nahuli niya ako. Binuhat niya ako at nakakahiya dahil ang daming nakatingin. Dinala niya ako sa clinic.

Pinag-pahinga nila ako at pinainom ng gamot. Medyo naging okay ako pero masakit pa din ang ulo ko.

Nakita kong balik-balik si Flair sa harapan ko at panay ang sapo ng noo ko.

"Hey! Calm down. It's just a fever"

Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.

"I'm just worried. Are you okay now?"

"Hmm. Yes" pagsisinungaling ko.

Maya maya pa ay dumating ang tatlo kong pinsan.

"How are you?" sabi ni Taxon pag-kalapit niya.

"I'm okay"

"You sure?" sabi ni Diamond.

"Yeah"

"Lolo is worried. He told us na iuwi ka sa mansyon" sabi ni Kil at hinawakan pa ang noo ko. "Nakakapaso"

"No. Sa bahay ako ng Suarez. Mommy will taking care of me. Tell lolo to go there" sabi ko.

Tumango naman sila.

No'ng hapon na ay hindi ako iniwan ng mga pinsan ko pati ni Flair pauwi na sana kami.

"Ay shut!" napasabunot si Flair sa buhok niya. "Naiwan ko psychology book ko"

Tumingin siya sa akin.

"Baby, wait lang huh? Kaya mo ba akong mahintay? O mauna na kayo?" sabi niya.

"I'll wait" sabi ko.

"Okay" humalik si Flair sa noo ko. "Saglit lang"

'Yon lang at tumakbo siya pabalik sa loob ng Laurente.

"Are we going to wait for Jave?" tanong ni Taxon.

"Yeah"

"K" - Taxon

Pumasok na ako sa loob ng kotse ni Flair pero 'di pa natatagalan ay nasusuka ako kaya tumakbo ako palabas.

Sumusuka lang ako nang may humintong mga paa. Nag-angat ako ng tingin.

Laking gulat ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. Si Braid at Rocky with maraming alalay.

Nasapo ko ang noo ko. Nahihilo ako.

"Miss me?" sabi ni Braid.

"Nah. Go away I'm not in the mood" sabi ko at sumuka muli. Ang hina ng katawan ko.

"Great!" sabi ni Braid.

Akmang susugutin niya ako pero sumigaw si Taxon.

"Don't you dare hurt her. She's Baider!" sigaw niya.

"So what?" sarkastikong sagot Rocky.

"Who are you?" tanong ni Braid kay Taxon.

"Don't ask you'll suffer" ngumisi si Taxon.

Nakita ko kung paano pumwesto sa gilid niya sina Diamond at Kil.

At saka mabilis na pumunta sa harapan ko upang harangan ako.

Bakit parang bihasa sila sa pakikipag-laban? May 'di ba ako alam tungkol sa pamilya ko?

Nasa harap ko ngayon ang tatlo at walang takot na nag-taas ng noo. Sa dating nila ay parang mayabang, maangas, astig at may ibubuga.

Anong kaya niyong gawin? 'She's Baider' Ano ngayon kung Baider ako? Alam kong mayaman at maimpluwesya ang pamilya ko pero sa tingin ko may sekreto pa akong dapat malaman.

"Protektahan ang babaeng Baider!" sigaw ni Taxon at walang awang sinuntok sa mukha si Braid.

"Ugh! Tangina nito!" sigaw ni Braid habang hawak ang pisngi niya.

Tingin ko sobrang lakas no'n.

"Hi, beautiful. Mukhang may ibubuga ka ah?" nakangising sabi ni Rocky.

"Yuck!" mataray na sabi ni Diamond pero maangas na humaya at sinapak si Rocky.

Halos mapa-nganga ako. Sa hitsura niya parang hindi siya marunong makipag-away! Ang akala ko puro kaartehan lang ang alam niya pero bakit ngayon ay pinapahanga niya ako?

"Diamond!" nakita kong tumakbo si Tyron at plinying kick si Rocky.

"Totoo pala ang balita! Na-inlove ka na dito!" turo niya kay Diamond. "Kaya kumalas ka sa grupo!"

"That's one of my reason pero another reason ay natauhan na ako sa mga kasamaan ko hahaha" tumawa pa si Tyron at hinuli ang baiwang ni Diamond, si Diamond naman ay umirap pa. Inilagay niya ito sa likod niya.

What is happening? Nanonood lang ako sa kanila habang sapo ang noo ko kasi nahihilo talaga ako. Hindi ako maka-panlaban. Ganito ako 'pag may sakit wala akong lakas.

Pinanood ko si Kil na manipa sa mga tauhan sa isang ikot ay tatlo ang natumba. Wow!

"Lakasan niyo naman!" sigaw pa niya.

Akmang susugod naman ang isang tauhan sa akin pero humarang si Taxon at sinuntok ito agad. 'Ayon tulog, natumba agad.

"Don't mess with Baider. You'll regret it" nakangising sabi ni Taxon kay Braid.

Si Braid ay masama na ang tingin.

"Ga'no ka ba kataas sa tingin mo at pinag-mamalaki mo ang pagiging 'Baider?" mayabang na tanong ni Braid.

"Mataas pa sa inaakala mo"

Sumugod si Braid, mabilis na pinag-susuntok si Taxon pero ni isa ay walang tumama.

Hays! 'Di ba sila napapagod? Ano bang kasalanan ko at ginaganito nila ako? Kami?

Nakita ko si Braid na natumba na.

"Tangina! Bakit kahit anong gawin namin talo kami?" tumayo siya at tumingin sa akin. "Sa tingin mo ba mababaw lang ang kinagagalit ko?!" tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Bakit ano bang kinagagalit niya at ganiyan siya?

"Namatay ang tatay ko sa kulungan dahil sa'yo!" sigaw ni Braid.

Lalo pang na-ngunot ang noo ko.

"z4. Fuck your codename!" sigaw niya muli.

Paano niya nalaman 'yon? Si Taxon ay nakatingin lang hinahayaang mag-salita si Braid.

"Pinakulong mo ang tatay ko! Hinoldap niya ang isang bangko dahil may sakit ang nanay ko kailangan niyang operahan dahil may cancer siya!" umiiyak na sabi ni Braid.

Nabuhay ang awa ko sa kaniya.

"Ginawa niya lang 'yon dahil gusto niyang mabuhay ang nanay ko! Tapos ano? Pinakulong mo siya, napag-tripan siya sa kulungan at walang awang sinaksak!" sigaw niya sa kabila ng hikbi niya.

Tumulo rin ang luha ko. Hindi ko alam! Wala akong alam! Sa dami ng case na na-solve namin ni Lance wala na akong masyadong ma-alala kung sino ang mga pinakulong ko.

"Kaya ngayon gusto kong gawin saiyo 'yon!!!" tumakbo bigla si Braid at mabilis na humugot ng kung ano sa tagiliran.

Huli na ng malaman ko kung ano 'yon. Kutsilyo!

Pero hindi niya sa akin 'yon naisaksak kung hindi kay...

"Flair!" sigaw ko at saka tumulo na ang luha ko.

Mabilis na kumilos si Taxon. Sinuntok niya si Braid at sa isang iglap ay naitali niya, hindi ko alam kung saan nanggaling ang tali.

"Not bad! I know you hurt hahaha!" sigaw ni Braid.

Hinawakan ko ang braso ni Flair kahit hinang-hina ako.

"Flair!" tawag ko.

Lumapit na ang mga pinsan ko.

"I..love.." nahihirapang sabi ni Flair at saka ko nakita ang pag-labas ng dugo sa bibig niya. "you" ngumiti pa siya.

Napahagulgol ako. Sa ganito ba namang sitwasyon ang pag-mamahal niya pa rin para sa akin ang iniisip niya. Malakas si Flair e kaya niya ngang sipain nalang si Braid para makatulog pero ang saluhin ang saksak ay 'di ko alam na kaya niyang gawin.

Gano'n niya ba ako kamahal? Para siyang si Clench!

"No! 'Wag kang pipikit" hinawak ko ang kamay ko sa pisngi ni Flair.

Kumilos sina Kil at Taxon. Dali-dali nilang kinuha si Flair sa akin at isinakay sa kotse.

"Bilis!" sigaw ni Diamond kay Taxon.

"Flair huhuhu" umiiyak na sabi ko.

Nagmulat siya ng mga mata kahit nahihirapan.

"Wag kang umiyak ang pangit mo" pinalis niya ang luhang pumapatak sa pisngi ko. "Iyakin ka..talaga"

"Shh! Don't talk just reserve your energy, impakto!"

"Why can't you.. call me, baby?"

Wow! 'Yon pa rin ang iniisip niya huh? Grabe siya! Mahusay! Kung wala lang siyang iniindang sakit pinalo ko na siya.

"Baby" sabi ko at saka ngumiti sa kaniya kahit tumutulo pa din ang luha.

"Hmm" parang ninamnam niya ang sarap ng sinabi ko sa tainga at saka pumikit.

"Hey! 'Wag ka pumikit!" nag-papanic kong sabi.

Nagmulat siya ulit ng mata at ngumiti.

"I'll always protect you..." nahihirapan niyang sabi. "This is my love for you"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.