Elleina Zeal's POV
Balik-balik ako sa labas ng pintuan ni Flair. Kumusta kaya siya?
"Hey! Nahihilo ako saiyo! He'll be fine!" saway ni Taxon.
"Ya! Nasaksak lang naman siya sa right lung niya" sabi ni Kil.
Nanlaki ang mga mata ko. Right lung? Wahhh!
Lumapit ako kay Kil at hinampas siya.
"Wag kang magbiro"
"I'm not joking, Shine"
Sinamaan ko siya ng tingin. Lumapit sa akin si Diamond at yumakap.
"Iba talaga ang nagagawa ng love. Why don't you say yes to him? It's obvious" mataray na sabi ni Diamond. "Or if you don't like him uunahan na kita" ngumisi siya.
"Hoy! Dyamante. Anong uunahan?" singit ni Tyron.
Nag-roll eyes naman sa kaniya si Diamond. Hinawakan ni Tyron si Diamond sa braso.
"Let's talk" sabi niya at hinila na si Diamond.
Pinanood ko lang ang pag-layo nila. Hindi ko aakalain na sila palang dal'wa? Ang alam ko lang dati kasama si Tyron kala Rocky pero dahil sa pag-ibig niya nag-iba ang ihip ng hangin.
"Sana all may love life" rinig ko ang buntong-hininga ni Kil.
"Bro, go to the bar and find your babe there" sabi ni Taxon.
"Wow! Nagsalita ang may love life" pero biglang natigilan si Kil. "Wala ka nga bang lovelife, kuya?"
Ngisi lang ang sagot ni Taxon.
"Ugh! Meron? Poor me" bumuntong hininga pa si Kil.
Ang laki ng problema niya sa pag-ibig niya hahaha.
Naagaw ng atensyon namin ang kalalabas lang na doctor.
"He's stable now.." sabi ng doctor at marami pa siyang sinabi sumilip ako sa kwarto.
Mahimbing ang pag-kakatulog ni Flair.
"Bebs!" Ang lakas nang sigaw ni Carme kaya nag-echo pa 'yon sa buong hospital hallway.
"Nasan si Jave?" nag-aalalang tanong ni Kean.
"Okay na ba siya? Fuck! Malamang okay na siya matagal mamatay ang masamang damo" sabi ni Rev. Kahit nag-bibiro ay halatang nag-aalala.
"He's okay now" sabi ko.
Nakita kong nakahinga sila ng maluwag.
"I brought a food for you. Kumain ka na muna" sabi ni Clench at inabot pa sa akin ang paper bag.
"I'm not hungry"
"Isusumbong kita kay Jave" pananakot niya.
"Go! Samahan pa kita!" inis kong sabi.
"Kumain ka na" napalingon ako sa nagsalita. Gising na si Flair!
Tumakbo agad ako at niyakap siya.
"Aray ko!" sabi niya kaya napabitaw ako kaagad.
"Saan ang masakit?" nag-aalala kong tanong.
"Dito" inginuso niya ang labi niya.
Gusto ko siyang hampasin pasalamat siya nako!
"Hays" sabi niya ng walang matanggap na halik. "Ang damot"
Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.
"Ang sakit ng likod ko" reklamo niya.
"Kawasa't nag-pasaksak ka"
"Wala lang 'yon. Pana nga ni kupido masarap sa pakiramdam"
Ang corny niya huh? Inirapan ko nalang siya.
"Bumabanat ka pa, lover boy" pang-aasar ni Rev.
"Ganda ng girlfriend ko, eh" malawak ang ngiti ni Flair.
"Ayieee" pang-aasar nila.
"Asa ka! 'Di mo ko girlfriend!" asik ko.
"Nag-papakipot lang 'yan" sabi ni Flair.
"Too sweet" napalingon kami kay Kean.
"Oh shit pre. Nandyan ka pala?" pagbibiro ni Rev.
"Ay hindi wala ako dito. Picture ko lang 'to" sabi ni Kean.
"Kailan mo pa naging idol si vice ganda?"
Natawa kami kay Arah. Halatang seryoso siyang nag-tatanong pero pinag-tawanan lang namin.
"Wala 'yong asungot mo?" tanong ni Carme kay Kean at lilingon-lingon pa.
"Si Yannie?" tanong ni Kean.
"Hahaha asungot din pala ang tingin mo sa kaniya Kean. Hahaha" lakas nang tawa ni Clench.
"Ang sama niyo" 'yon nalang ang nasabi ni Kean.
"Ma'am/sir sorry po bawal po ang maingay at saka ang dami niyo po masyado" napalingon kami sa nurse.
Siya si.. 'yong nurse daw ni Clench.
Nagulat ang nurse ng makita si Clench at saka ito biglang nahiya.
"Hi" lumapit si Clench at todo ngiti.
Bigla ay tinulak siya ni Carme do'n sa nurse kaya napa-yakap siya dito.
"Ayiie! Binata na!" pang-aasar ni Carme.
"Shut up!" sigaw ni Clench at saka bumitaw sa pag-kakayakap. "Sorry" baling niya sa nurse.
Ilang linggo ang lumipas. Nakalabas na rin si Flair. Nasa bahay nila ako ngayon at nag-prepare ng pagkain. Simula no'ng makalabas siya sa hospital ay nandito ako. 'Di ko siya iniiwan. Kawawa naman, e. Nandito na rin sina Manang Cora at Buknoy.
"Buknoy, tawagin mo na ang kuya Jeb mo" sabi ni Manang Cora.
"No manang. Ako nalang po"
Tumango siya.
Umakyat ako at pumasok sa kwarto niya.
"Flair, Let's eat" sabi ko.
Nakapatay ang ilaw. Bakit naman nakapatay? Trip nito?
Hinanap ko ang switch pero nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Yumakap sa baiwang ko, ibinato ako at inihiga sa kama.
"Hoy! Flair!" kinakabahan ko siyang pinag-papalo.
At saka ko narinig ang malakas na tawa niya. Narinig ko ang yabag at bumukas ang ilaw.
"Takot ka 'no? Hahaha" lakas nang tawa niya.
"Buset ka!" Lumapit ako sa kaniya at pinag-papalo siya.
"Let's eat. Baka matotohanan ang good time ko" sabi niya at hinila na ako pababa.
"Hmm? Bakit pawisan?" nakangising sabi ni Manang.
Pinunasan ko ang pawis ko. Natakot yata ako ng todo kay Flair kaya ako pinawisan.
"Hahaha, natakot" sabi ni Flair.
Sinamaan ko siya nang tingin.
"Okay lang naman 'yan. Iba na ang mga kabataan ngayon dapat lang ay safe" sabi ni Manang.
Nanlaki ang mata ko. Anong safe?
Tumawa si Flair nang malakas.
"Sana nga manang kaso 'di pa ko sinasagot" sabi niya. "Sa pogi kong 'to inaayawan niya pa"
"Pogi your face!" inis kong sabi.
Pero natigilan din nang mapagtanto kung ano ang sinabi ko. Nakita ko ang ngiti niya.
"See? Pogi daw ang mukha ko. In denial lang siya" sabi ni Flair kay manang
"Pasasaan pa at sasagutin ka rin niyan" sabi ni manang.
Ngumiti si Flair kay manang. Masama lang ang tingin ko sa kaniya.
"Nasaan si Buknoy?" bigla ay tanong ni Flair.
"Nagbanyo"
Maya maya pa ay nagsalu-salo na kami sa gabihan.
"Impakto" tawag ko kay Flair. Nasa tabi ko siya ngayon at nina-namnam ang sarap ng adobo. Paborito namin 'to, eh.
"Yes, baby cherish?" sabi niya.
"Uuwi ako ngayon. Okay ka na mana, eh" sabi ko.
Bigla siyang nag-panggap na may masakit.
"Masakit pa rin. 'Di pa ako okay"
Pinalo ko siya.
"Best actor"
"One more night. Please?" nagpapa-cute na sabi niya.
"Ayaw ko. Puro pang-aalaska ginagawa mo" sabi ko.
"Please?"
"Oo nga naman ate Elle. Mag-lalaro pa tayo" sabi ni Buknoy.
"Okay" ngumiti ako sa bata.
"Tingnan mo 'pag sa bata ngingiti-ngiti ka pa! 'Pag sa akin halos palayasin mo 'ko palagi!" pagmamaktol ni Flair.
Inirapan ko nalang siya. Reklamo niya. Samantalang ilang linggo na ako dito para alagaan siya.
Pagkatapos ng gabihan ay nanood lang kami ng TV. Ang probinsyano ang palabas. Ang pogi ni Coco.
"Lagot kayo kay Cardo Dalisay" sabi ni Manang Cora.
"Lola ang ingay mo" sabi ni Buknoy.
Nasa gano'n lang kaming sitwasyon nang maramdaman ang pag-yakap ni Flair sa baiwang ko.
"Hoy! Chancing" bulong ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya.
"Kunyari ka pa" ibinalik niya ang mata sa TV.
Naiilang ako kaya pinag-papawisan ako. Papansin kasi itong katabi ko. Manonood lang nakahawak pa. Ang epal talaga.
'Di ko na natiis kaya kinurot ko ang kamay niya at inirapan siya. Tumawa siya.
"You can't resist me huh?" sabi niya na nakataas pa ang gilid ng labi.
"Duh" sabi ko.
"Bakit kasi 'di mo nalang ako sagutin? Halata namang mahal mo na ako" nang-aasar na sabi niya.
"As if?" sabi ko.
"Kaya pala you stay here for a weeks huh?" sarkastikong sabi niya.
"Naawa lang ako saiyo" sabi ko.
"Kaya pala nag-pahalik ka do'n sa party? Awa huh?"
Pinalo ko siya.
"Ang ingay mo! Mamaya marinig ka nila" sabi ko at saka lumingon pa kala manang Cora na tutok pa rin sa panonood.
"Eh ano naman?" nakataas ang kilay na sabi niya.
Muli niyang nilagay ang kamay sa baiwang ko. Tinitigan ko 'yon.
"Just tell me if you don't want it and I remove my hand" sabi niya at saka muling nanood.
'Di ko masabing ayaw ko ng hawak niya. Malandi din ako, eh. Hahaha Kaya hindi ko nalang pinansin.
Pagkatapos ng pinapanood namin ay nagkaniya-kaniya na ring akyat sa kwarto. Sa guest room ako natutulog.
Nag-hilamos ako at nagsepilyo saka nag-suot ng pantulog. Nagfe-facebook lang ako ng may kumatok.
Pagka-bukas ko ay diretsong pumasok si Flair hanggang sa veranda ng kwarto.
"Impakto, inaantok na 'ko" sabi ko at hinila ko siya palabas pero 'di siya nagpatinag.
"Dito muna ako. Uuwi ka na bukas" sabi niya.
Kinuha niya ang kamay ko at pinag-salikop.
"Masaya ako kahit ganito lang tayo" nakangiti niyang sabi. "Di na ako naghangad na sagutin mo ako basta mahal kita. Okay na 'yon"
Bigla ay na-guilty naman ako. 'Di pa kasi ako handa pumasok ulit sa relasyon dahil sa nangyari sa amin ni Kean. 'Di ko sinasabing parehas sila basta ayaw ko muna.
"You're my first and last love, cherish. Kung 'di mo ko mamahalin pabalik papanindigan ko 'yon 'di na ako magmamahal ulit" ngumiti siya nang pilit. "Pero you make me happy kahit sa simpleng pang-aasar ko lang" sabi niya.
Napaka-vocal niya dahil lahat ng laman ng isip niya sinasabi niya sa akin. 'Di ko na kailangang manghula. Isa 'yon sa hinahangaan ko sa kaniya.
Kinuha niya ang phone niya sa bulsa.
"Let's take a selfie" sabi niya.
"Okay"
Hinila niya ako at ngumiti kami sa camera.
*click
Next picture ay naka-wacky kami parehas.
*click
Next ay naka-peace.
*click
At ang panghuli ay 'di ko inaasahan.
Humalik siya sa pisngi ko at ako ay nanlaki ang mata.
*click
"Hahaha ang cute mo!" sabi niya habang tinitingnan ang mga pictures.
"Patingin" binigay niya ang cellphone sa akin.
Tinitingnan ko lang iyon pero 'di ko magawang erasen 'yong pang-huli. Masyado siyang memorable. Nilipat ko lang nang nilipat pero nagulat ako sa mga pictures na nakita ko.
May picture no'ng nasa laguna kami, nakaupo at namumulot ako ng kahoy. Sunod ay picture ko na nakasimangot, nasa canteen at kumakain. Meron ding nakatwo-piece ako sa Bagasbas Beach. Meron din tulog ako. Tumatawa, malungkot, umiiyak, no'ng natutulog ako sa kotse papunta kaming Bicol, no'ng party pababa ako ng hagdan, hanggang sa latest na natutulog ako sa guest room ng kwarto nila at marami pang iba.
Buset na 'to!
"Hoy!" Hinampas ko siya. "Bakit ang dami kong pictures dito?"
Ngumiti siya.
"Ano naman?" sabi niya.
"Anong ano naman? Stalker ka ba?"
"Obviously" sabi niya.
Stalker? Hahaha buset na 'to! 'Di man lang itanggi.
"Baby, smile"
Tumingin ako sa kaniya pero awtomatikong napangiti dahil sa sinabi niya.
Dug.dug.dug.
"Mahal kita"
*click