Elleina Zeal's POV
"Bilisan mo ang dami ng booth!" Hila-hila lang ako ni Carme sa pala-pulsuhan.
"May klase pa tayo"
"Wala 'yan. Celebration ngayon ng Foundation Day"
Nagpa-tianod lang ako kung saan niya ako dalhin. Kasama namin si Ali at Arah.
"Ang ganda" sabi ni Carme habang hawak ang isang keychain na kahoy, hugis puso at pwede daw palagyan ng pangalan.
"Patingin" lumapit si Ali at kinuha sa kamay ni Carme.
"Bili tayo" sabi ni Ali.
Nagpalagay sila ng pangalan do'n. Ibibigay daw nila sa mga boyfriend nila.
"Ikaw Arah? Elle?" tanong ni Carme.
"Ayaw ko. Wala akong pagbibigyan niyan"
"Si Flair" ngumisi siya.
Umirap lang ako. Lumapit si Arah at tiningnan din 'yon.
"Sayang wala akong pera" sabi niya.
"Kumuha ka na libre ko" sabi ko.
"Ay hindi na. Nakakahiya"
Kumuha ako at ibinigay kay manong.
"Anong gusto mong ipalagay, Arah?"
"Ahm. Nahihiya ako, eh" sabi niya at nagkamot pa sa ilong.
"Sige na" sabi ni Ali.
"Kil" - Arah
Nanlaki ang mata ko. Kil? As in Taxen Kil Baider?
Ngumisi ako.
"Nahihiya ako!" sabi niya at nagtakip pa ng mukha.
"Hahaha" sabay kaming tatlong natawa.
"Wag ka mag-alala okay lang 'yan" sabi ni Carme.
Kil huh? Nice one may lovelife na siya hahaha.
"Tara na" yaya ni Ali.
Lumipat naman kami sa ibang booth. May horror booth do'n. Gusto nilang pumasok pero ayaw ko. Nakakatakot mamaya masipa ko ang tao do'n.
Pumunta nalang kami sa videoke booth.
"Kakanta ka?" tanong sa akin ni Ali.
"No. I'm not in the mood"
"Ikaw Arah? Ah sige. Kanta ka ako magbabayad" sabi ni Carme at itinulak na si Arah papasok ng booth.
We support Arah for everything. Naaawa kasi kami sa kaniya basta kung anong meron kami binibigyan din namin siya dahil alam naman namin ang buhay niya.
Nakatingin lang ako kay Arah nang may biglang umakbay sa akin.
"Shine" nakangiting sabi ni Kil.
Ohhh! Tamang tama! Nandito siya! Hihi. Pagkakataon nga naman.
"What are you doing here?" tanong ko.
"Nothing, just roaming around"
"Okay. Stay" sabi ko.
"Why?" nakakunot-noo niyang tanong.
"Nothing. Just want to bond with you" nakangiti kong sabi.
"Okay"
"Come on"
Hinila ko siya papasok sa loob ng booth. Nagulat si Arah at nahihiyang nag-iwas ng tingin, kumunot naman ang noo ni Kil.
"Why your friend is so pabebe?" tanong ni Kil.
Hinampas ko siya. "Shh! You bad boy"
Kinagat niya ang ibabang labi niya. "No. I'm not"
Nang magsimula na ang pag-play ng kanta ay talagang kinakabahan na si Arah.
Nag-flash sa screen ang title ng kanta.
'Mr. Kupido by: Myrtle Sarrosa'
Pinanood ko ang reaction ni Kil pero agad kumunot ang noo niya.
Lagi kong naaalala
Ang kanyang tindig at porma
At kapag siya ay nakita
Kinikilig akong talaga
Di naman siya sobrang guwapo
Nang magsimula ng kumanta si Arah ay biglang natawa si Kil. Hindi kasi maganda ang boses niya. Parang garalgal at nasosobrahan ng emosyon.
"Hahaha grr. Stop it, dude, my poor eardrum" sabi ni Kil at tinakpan pa ang tainga.
Hinampas ko siya.
"What?" sabi niya.
"Isusumbong kita kay Taxon. You bad boy" sabi ko.
Tumahimik siya at tiniis nalang ang pag-kanta ni Arah.
Ngunit siya ang type na type ko
Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko
Todo pa-cute pa si Arah na halatang pinapakita kay Kil. Hahaha ito namang isa halatang asiwa sa boses niya.
Nang matapos ang kanta ay pigil pa din si Kil sa pag-tawa.
"Suggestion, dude. Singing lesson" sabi ni Kil.
Nagkamot sa ulo si Arah.
"Mura lang ba ang mag-enroll sa singing lesson?"
Nanlaki ang mga mata ko. Talaga naman, oo! Iniinsulto na siya ni Kil sineryoso pa at may balak pa talagang mag-singing lesson.
"You want? I'll pay for that" tatawa-tawang sabi ni Kil.
"Kakahiya naman pero sige!" kumikinang pa ang mga matang sabi ni Arah.
Maloloka ako sa dal'wang ito. Nasapo ko ang noo ko. Seriously?
"Sure, I have a friend who's the owner of the school so I will enroll you there" sabi ni Kil.
Aba't seneryoso talaga?
"Thank you" nahihiyang sabi ni Arah.
"Nabaliw na sa pag-ibig" bulong ni Carme habang ang mata ay na kala Kil at Arah.
Nasa gano'n kaming sitwasyon ng may yumakap sa likod ko. Sasapakin ko na sana pero nakita ko ang nakangiting si Flair.
"Ang baho mo. Amoy araw ka na" sabi niya.
Umirap ako sa kaniya.
"Sino bang may sabing amuyin mo ako?"
"Wala. Nagkusa nalang" nakangisi niyang sabi.
"Ewan ko sa'yo"
Nakita ko ang tumatakbong si Rev at naglalakad lang na si Kean palapit. Nang makalapit si Rev ay tumalon siya at umakbay kay Flair.
"Galing mo mang-iwan. Nakita mo lang si Elle" sumulyap siya sa akin at winave ang kamay. "Hi, Elle"
"Hello"
Hinila ni Rev si Kean sa braso.
"Say Hi to your ex" mapang-asar na sabi ni Rev.
"Hi, ex" nag-wave din ng kamay si Kean.
What the? Siraulo din.
Lumapit si Flair at yumakap sa baiwang ko at saka bumulong.
"Don't go back to Kean. please" mahina niyang sabi at nakanguso pa.
Natawa ako bigla. Nababaliw na siya.
"Anong binubulong-bulong mo diyan, Jave?" hinila ni Rev si Jave sa balikat.
"Wala" sabi niya.
"He's jealous to me" sabi ni Kean.
"Woooh! Don't jealous, lover boy. Pres are pres" sabi ni Rev at umakbay pa kay Flair.
Mag-kakasama na kaming naglakad. Si Kil ay umalis na dahil may gagawin pa daw siya kaya si Arah malungkot lang.
"Hoy Arah. Stop acting like you're hurt. Stop acting like you know the pain" madamdaming sabi ni Carme. 'yon 'yong linya ni Kathryn Bernardo, ginagaya niya hahaha.
Nag-tatawanan sila habang ito namang si Flair ay todo ngiti habang naka-akbay sa akin. Nababaliw na.
Biglang may nangharang sa amin. Hinila kami ni Flair papasok ng booth. Nilagyan agad kami ng kung anu-ano. Nanlaki ang mata ko nang makita ang nilagay nila. Belo! Tiningnan ko kung ano ang pangalan ng booth. Fuck! Marriage booth!
Ikakasal ako? Oh men! Natutop ko ang bibig ko ng dal'wang kamay. Easy Elle! Kasal-kasalan lang 'yan.
Maya maya pa ay pinalakad na ako sa carpet. Ugh! 'Di ako maka-hindi kasi nakakahiya.
Nakita ko si Flair na sobrang lapad ng ngiti. Epal talaga nito! Siguro siya may pakana nito.
"Bilisan mo maglakad ng mahalikan na kita" naka-ngising sabi ni Flair.
Epal talaga! Nagtawanan ang mga nanonood.
"Naiiyak ako" kunyaring nagpunas pa ng luha si Rev. "Ikakasal na si Jave huhu" kunyari pa siyang umiiyak at yumakap kay Kean.
Inis namang tinanggal ni Kean ang pag-kakayakap ni Rev.
"Sakit ba puso mo? Hahaha" pang-aasar pa rin ni Rev at minassage ang dibdib ni Kean.
"Rev. Ano ba!" naiinis na si Kean.
"Tae mo! Napapala mong kupal ka tapos ngayon iiyak-iyak ka diyan" sabi pa ni Rev.
"Di ka talaga titigil?" sinamaan na nang tingin ni Kean si Rev kaya nanahimik na ito pero ang pag-kakangisi ay naroon pa din.
"Yohooo!" sigawan nila habang palapit ako nang palapit kay Flair.
Duh! Parang kasal ko naman talaga? Nag-slow motion ang paligid. Ugh!
Dug.dug.dug.
Natawa ako nang mapasulyap kay Carme dahil talagang umiiyak siya. Hahaha nababaliw na siya! Baka nakalimutan niya 'di naman ito totoo hahaha.
"Baby, smile. Ang ganda mo"
Napangiti ako sa sinabi na iyon ni Flair.
*click
Kinuhaan niya nanaman ako ng picture. Ugali na niya siguro 'yon.
Nang makarating ako sa kaniya ay nag-simula ng magsalita ang pare-kuno.
"I do" sabi ni Flair kahit 'di pa man lang natatapos ang sinasabi ng pare kuno. "Bilisan mo father tagal mo mag-salita halik na halik na ako, eh" naiinip na sabi ni Flair dahilan para magtawanan ang lahat.
Natagalan pa ako makasagot no'ng ako na ang tinanong kaya si Flair ang sumagot.
"I do daw. Hina ng pandinig niyo"
Wala naman akong sinasabi ah? Hahaha talaga itong impaktong ito!
Tinaas na niya ang belo at ngiting-ngiti akmang lalapit na niya ang mukha niya pero itinaas ko ang kamao ko. Nanlumo siya at bumagsak ang balikat.
"Nagmadali pa naman ako tapos kahit isa lang" nakasimangot na sabi ni Flair.
Habang nage-emote siya ay humalik ako sa pisngi niya.
"Wohhhhh! Mabuhay ang bagong kasal!" sigawan nila at nag-sabog pa ng bulaklak.
Natulala si Flair at nakatitig lang sa akin. Hahaha
"Buhay ka pa, impakto?" tanong ko.
Tinapik niya ang pisngi niya.
"Shut! Totoo nga!" ngumiti siya nang malaki at binuhat ako.
"Hey! put me down! Nakakahiya!"
"Kasal na tayo. Honeymoon na next!" sabi niya.
Pinalo ko nga ang balikat niya.
"Kinikilig 'yan" sabi ni Flair at saka ako ibinaba.
"Pare!" tumakbo si Rev at yumakap kay Flair. "Tangina mo, nauna ka pang mag-asawa! Congrats, pre"
Tumawa ako nang malakas. Mga gagong 'to. Feel na feel ang moment akala ba nila totoo 'to? Kakainis hahahaha. As if 'di ako kinilig? Kunti lang!
"Kean! Hoy gago! Umayos ka 'wag kang umiyak" sabi ni Rev at kunyaring nagpunas ng luha ni Kean sa pisngi at mata kahit wala naman. Nakakabaliw talaga sila.
"Susuntukin na talaga kita, Rev" pikon ng sabi ni Kean.
Pumunta si Rev sa likod ni Flair at itinulak si Flair kay Kean.
"'Yan sige suntukin mo! Labanan kayong dal'wa. Matira matibay"
Natatawa ko lang silang pinanood. Ang kulit nila. Bilib din talaga ako sa friendship nila. Masyadong matatag.
Nag-habulan lang sila na parang ewan. Pinag-titinginan sila ng mga babae. Malamang sikat sila dahil sa hitsura nila. 'Di na ako magtataka do'n.
"Baby" sabi ni Flair habang palapit sa akin at hinihingal pa.
Dug.dug.dug.
May ibang dating ang salitang 'baby' kapag siya ang tumatawag no'n.
"Mahal mo na ba ako?" tanong niya.
Tiningnan ko lang siya. Ewan ko, eh. 'Di ko na tinanong ang sarili ko ng ganiyan.
"Di bale na hihi" humawak siya sa kamay ko.
Parang naaawa ako sa kaniya dahil 'di ko siya mabigyan ng instant na sagot. Hindi pa ako handa! Ugh!
"Flair..ahm" 'yon lang ang nasabi ko.
Siguro nga 'di pa talaga ito ang right time to say yes. Ngumiti nalang ako.
"Wag mong pilitin. Maghihintay ako kahit isang libong taon pa ang dumaan" - Flair