Elleina Zeal's POV
Nandito kami ngayon sa backstage at may lalaking nag-papapansin. Sasayaw kasi kami para sa foundation day. Si Flair ay nasa harapan ko at sumasayaw. Papansin diba? Naka-salong baba lang ako habang nakatingin sa kaniya.
Sa totoo lang 'di niya na kailangan pang mag-pasikat sa mga galaw niya tuwing sumasayaw dahil talagang ang swabe niya gumalaw at kahit sinong babae mapapahinto para lang panoorin siya. Ang kembot niya ay astig tipong mapapa-kagat labi ka dahil ang yummy! bastos na isip.
Pero dahil siya si Flair at ako si Zeal kunyari hindi ako nag-eenjoy sa panonood sa kaniya. Pinipilit kong maging walang reaksyon.
"Baby, ano 'di ka pa rin na-iinlove sa akin?" nakanguso niyang sabi sa kalagitnaan ng pag-sasayaw niya.
Umirap lang ako kunyari pero sa isip ko ay tawa na ako nang tawa.
Tut tut turot
"Jave. Mamaya ka na sumayaw pag-papawisan ka" saway ni Patricia.
"Okay, tutal 'di naman ako pinapansin no'ng isa diyan" pag-paparinig pa ni Flair.
Tumigil na siya sa pag-sasayaw at umupo sa pinaka-dulo ng upuan na inuupuan ko. Mahaba kasi ito.
"Ugh! Cherish" tawag niya. Tiningnan ko lang siya at tinaas ang dal'wang kilay at ang mata ay may 'ano?'
Umusog siya pakunti-kunti.
"Di mo na ako love?" malambing niyang sabi.
Gusto kong matawa sa kaniya. Ano bang trip niya? nakakainis huh? Nawiwili ako na panoorin siya. Ganito rin ba ang nararamdaman niya kapag inaasar niya ako?
Umusog siya nang umusog hanggang sa siksikin niya na ako.
"Usog ka nga 'don" sabi ko.
"Bati na tayo" nakanguso niyang sabi.
Nag-away ba kami? epal niya!
Duh! Parang ang saya ko naman yata?
"Tinatawag na tayo bilisan niyo na" nag-mamadaling sabi ni Patricia.
Tumayo na kami at lumapit sa kurtina at nag-hihintay kung kailan lalabas.
"Please Welcome the Laurente Movers!" sigaw ng emcee.
Lumabas na kami at nag-sigawan na ang mga tao.
"Yohooooo!!!!"
"Javeeee!!! Ang pogi mooooo!!!"
Rinig kong sigawan ng mga babae. Wala ako sa sariling napa-irap. Sinilip ko si Flair at 'ayon ngiting-ngiti. Kailan pa niya ginustong sigawan siya? Ayaw niya sa maingay diba?
Savage Love by Jason Derulo
If I woke up without ya
I don't know what I would od
Nag-eenjoy kami sa bawat moves na ginagawa namin. Lalo na si Flair, nakikita ko sa kaniya. Siguro nang umulan ng talento napunta sa kaniya lahat.
Kapag nakikita ko si Flair sa peripheral vision ko mas ginaganahan ako sumayaw. Dahil siguro sa pinapakita niyang galaw na gugustuhin ng mga taong panoorin siya nang paulit-ulit.
Tinapik ko ang kaliwa kong balikat, sunod ay kanan tapos taas ang kamay tapos giling. Gano'n ang steps nito kaya naman enjoy na enjoy ang mga tao lalo na ang mga babae dahil nakikita nilang gumigiling nang swabe ang mga lalaki.
Nang matapos ang kanta ay nakakabingi na ang palakpakan at hiyawan. Sumisigaw pa sila ng 'more' pero 'di na pinag-bigyan.
Kumaway lang kami sa audience bago pumasok ng backstage.
"Nag-enjoy ka ba?" sabi ni Flair at umakbay sa akin.
"Yes, ikaw?"
"Sobra" ngumiti siya nang malapad.
Malamang! Daming babaeng nagche-cheer sa kaniya. Edi siya na ang pogi!
"Bakit ka naka-simangot?" naka-kunot noo niyang tanong.
"Wala na akong energy. Wanna eat" pag-kukunyari ko.
"Okay!" masigla niyang sabi at kinuha ang gamit ko siya na ang nag-bitbit.
Pumunta kami sa canteen at nag-order.
"I want rice" sabi ko.
"Okay. Anything for you, my cherish" ngumiti siya na halos 'di na makita ang mga mata.
Tumayo na siya at nag-order. Kanin lang 'yon, tinola at tubig.
Kumain lang kami nang may umupo sa harap namin.
"Make it fast! Kean have intermission" sabi ni Rev.
"Sige, pre. Susunod kami" sabi ni Flair.
Tumayo na si Rev at umalis. Nag-ring naman ang cellphone ko.
*Carmelane calling...
"Hello?"
"Bilisan mo kakanta na ex mo siguradong para sa'yo" bungad agad ni Carme.
Duh! Napa-irap ako.
"Okay"
'Di ko na siya hinintay sumagot at binaba ko na agad. Ibinalik ang atensyon sa pag-kain.
"Baby, ang kalat mo kumain" kumuha si Flair ng tissue at pinunas sa labi ko.
"Thanks"
Pagkatapos namin kumain ay nag-madali na kaming pumunta malapit sa stage. Nag-sisigawan na ang mga tao lalo na ang mga babae.
"Kean Patrick Valencia!" 'Yon nalang ang narinig kong sabi ng emcee.
Nang lumabas si Kean ay lalong nag-ingay ang lahat. Todo ngiti siya at may hawak na mic.
"Keaaaaannn!!!!!"
"Sobrang pogiiii niyaa!"
"Wahhhh!!!"
Duhh. Awtomatiko akong napa-roll eyes. 'Di naman sa galit ako sa kaniya dahil sinabi niya ang totoong dahilan ng break up namin basta naiinis lang ako sa kaniya kasi sinarili niya ang lahat. Wala siyang sinabi na kahit na ano, walang pinag-awayan pero biglang hiwalay agad? Laro. Para sa akin nag-laro siya kahit pa anong sabihin niyang minahal niya ako. Sobrang laki ng epekto no'n sa akin dahil natakot na ako.
Bago siya mag-simula nagpalinga-linga muna siya na parang may hinahanap. Siguro 'di siya mag-sisimula ng wala 'yon. Baka si Yannie? Pero nanlaki ang mga mata ko nang tumigil ang mata niya sa akin o baka kay Flair pero sa akin siya nakatingin at saka siya nag-handa para sa pag-sisimula ng kanta.
Ingatan Mo
By: Yayoi feat. Serjo & JDK
Kamusta ka na? Kamusta na siya?
Balita ko masaya na kayong dalawa
"Aaww" mahinang sigaw ng mga tao.
Parang nasaktan din sa kanta. Nakatingin lang siya sa akin habang kinakanta niya 'yan. Naiilang ako. Bakit pakiramdam ko para sa akin ang kanta? Tsk! 'Wag assumera kaya palagi akong nasasabihan ni Flair ng ganiyan, eh.
Pwede bang ingatan mo siya
Mga bagay na di ko man lang nagawa nung kami pa
Pakiramdam ko iiyak na si Kean dahil medyo gumaralgal na ang boses niya pero pinatatag niya ang sarili kaya naman naituloy niya ulit ng maayos.
Kung para sa akin 'yan. 'Wag mo ng saktan ang sarili mo. Totoong masaya na ako sa buhay ko. Lalo na at 'di man lang pinaramdam sa akin ni Flair na wala akong kasama kahit minsan na kung tutuusin siya ang kailangan ng kasama.
Masakit ang lyrics huh? Pero mas masakit siguro ang pinag-dadaanan niya. Napa-sulyap ako kay Flair malungkot siya parang ramdam niya ang pinag-dadaanan ng bestfriend niya. Hays. Ang hirap naman mabuhay. 'Di pa ako masyadong nakakapag-adjust sa buhay ko. Sa pamilya ko na dal'wa na ngayon. Tapos nahihirapan pa akong mag-desisyon sa mga bagay-bagay. Wala sa sarili kong nahawakan ang kamay ni Flair at sinalikop 'yon.
Tumingin siya sa akin at ngumiti nang pilit. I know how hard to sacrifice your bestfriend's feeling. Si Clench ang patunay na naranasan ko 'yon. Tipong sana minahal mo nalang din siya para 'di nasaktan.
Nang matapos ang kanta niya ay akmang lalapit siya sa gawi namin kaya naman hinila ko si Flair palayo.
Kung may sasabihin siya 'wag niya ng ituloy ipapahiya niya lang ang sarili niya. 'Di na ako makikinig sa kaniya kahit kailan.
"Why are we running?" kunot-noong sabi ni Flair.
"Just want to see the other booth" ngumiti ako. "Wanna join me?"
"Of course"
Hinila ko siya hanggang marating namin ang bilihan ng mga gummy bears! Wow!
Excited akong lumapit doon at pinasadahan ng tingin ang mga naka-plastic. Ang sarap nito!
"Hey! Impakto. Ano saiyo?" sabi ko habang ang mata ay nakatingin sa mga matatamis na maasim na pag-kain.
"Kung ano sa'yo" sabi niya na nakangiting pinapanood lang akong kuminang ang mga mata.
May tamarind, beans, mani, gummy teeth, gummy worm, kasoy, almond at marami pang iba.
Kumuha ako ng tig-dal'wang gummy worms at kasoy. Binayaran ko na rin 'yon at saka hinila ko siya paalis.
"Let's go"
Binuksan ko ang gummy worm pero napa-tigil ako nang makita ang mukha niya na parang nandidiri.
"Hey easy! It's not really a worm" natatawa kong sabi pero napangisi ako agad.
Nagmadali akong buksan 'yon at lumapit sa kaniya.
"Say 'ah'" sabi ko habang isinusubo sa kaniya ang gummy worm.
Gano'n nalang katindi ang pag-iling niya.
"Please?" nag-papacute na ako kaya naman isinubo niya.
Natawa ako nang makitang naasiman siya.
"I'm not into sour" sabi niya.
"Now, you need to deal with it because whatever I'm eating, you should eat them too" sabi ko.
"Okay, that's all?"
"Hmm"
"Wag lang ma-anghang" sabi niya.
"Masustansiya ang sili" sabi ko.
"As in sili? You crazy sisirain no'n ang lahat ng cell na madaanan"
Talino ni kuya mo Flair.
"Not really. 'Yon ay kung hindi ka sanay"
He nodded.
Umupo lang kami sa bench at nag-kwentuhan.
"Kumusta kayo ng mga Baider?" panimula niya.
"Maayos. They're really welcoming me kahit ang tagal ko ng bumalik"
He nodded and grabbed my right hand.
Nasa gano'n lang kaming sitwasyon nang lumapit ang isa sa mga kaklase ko.
"Pinapatawag daw tayo ni ma'am Danita" sabi niya.
"Sige, susunod ako" sabi ko.
"Aalis muna ako tawag daw kami"
"Sige, ingat. My cherish" sabi niya at saka siya humalik sa noo ko.
"Ayiie" napalingon naman kami kay Carme na nasa harapan na namin ngayon kasama si Ali at Arah.
"Bilis puro ka landi!" hinila na ako ni Carme at umakyat kami sa room namin.
"You are all don't want to participate in the pageant!" bungad niya sa amin. "Ngayon mag-bubunutan tayo! Congrats kung sino ang magiging candidate!"
Kinabahan ako bigla. Nako pa'no 'pag ako ang nabunot? Yari!
Nag-ingay ang lahat malamang ayaw namin sumali sa pageant pa'no ba naman kasi may swim suit, gown, Q and A. nakakatakot 'yon.
Maya maya pa ay isa-isa na kaming bumunot ng papel.
"Bebs, kinakabahan ako ayaw ko sumali" sabi ni Carme habang hawak ang papel.
"Ako din baka mapatapilok ako sa taas ng heels" - Arah
"Me too" - Ali
Tinitigan ko muna ang papel na hawak ko. Nakita ko ang relief sa iba kong kaklase ng buksan nila. Wala pang violent reaction kaya malamang wala pang nakakabunot.
"Yes" sabi ni Carme matapos buksan ang kaniya. Blanko lang 'yon walang nakasulat na kahit na ano.
Pinikit ko ang mata ko at dahan-dahang binuksan ang papel.
"Gosh" narinig ko ang sinabi ni Carme. Nakasilip pala siya sa papel ko.
Nang magmulat ako ng mata at tiningnan 'yon.
Fuck! Yari na!
Nasapo ko ang noo ko.
'Congratulations you are going to represent the General Science family'