Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 74

Elleina Zeal's POV

"Duck walk! 'Di kayo uuwi 'pag 'di niyo na-perfect ang mag-lakad!" sigaw ng baklang trainer na si Mamsh.

Hays. Dahil nga ako ang nakabunot ng papel ako ang candidate ng GenSci. Nakakainis naman! Nandito ako ngayon sa OCH dahil may practice kami. Pabalik-balik kaming nag-lalakad ng naka-6 inches na heels at sobrang sakit na ng paa ko. Sa buong buhay ko 'di ko inaasahan na makakasali ako sa pageant! Gosh!

"Elle! Bilisan mo. Ang pangit ng lakad mo iika-ika ka diyan!" sermon ni Mamsh sa akin.

Ang sakit na kasi ng paa ko.

"Show your curves, girls! Ganito" kinembot-kembot niya ang balakang niya para makita ang curves habang nag-lalakad.

Luminya ulit kami at nag-simulang rumampa.

"Girls, kailangan straight ang lakad niyo! Kung saan-saan kayo napupunta" lumapit siya at minarkahan ang lalakaran namin.

Ano ba naman 'to? Tagal naman matapos. Gusto ko ng umuwi.

"Wahhh!! Nandyan si Jave!"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Flair? Ano namang gagawin niya dito?

"Bakit ang ingay niyo?" tanong ni Mamsh.

"May pogi Mamsh, si Jave nandiyan" sabi ng isang candidate.

"Siguraduhin mo na pogi talaga! Kakaloka ka" naglakad si Mamsh papunta sa pintuan.

"Ahhhhhh ayyyy pogi!" sigaw niya no'ng may makita sa labas.

Nakita kong sumilip si Flair dito sa loob at ngumiti dahilan para mag-tilian.

Kailan pa siya natutong ngumiti? Diba ayaw niya ng tinitilian siya? People change nga naman.

"Hi, girls" sabi ni Flair habang nakangiti.

Umirap ako dahil 'di na mag-kandaugaga ang mga babae sa kakatalon dahil sa kilig.

"Sunduin ko lang sana 'yong Over Melanin na babae. Tapos na ba kayo?" sabi pa niya na nakatingin kay Mamsh.

Si Mamsh naman ay parang natulala pa sa kaniya.

"Tapos na yiiie" sabi ni Mamsh habang kinikilig pa.

Kala ko ba 'di kami uuwi 'pag 'di naperfect ang lakad? Ugh!

"Okay. Kunin ko na siya" dire-diretsong pumasok si Flair at hinila ako.

"Siya 'yong girlfriend?"

"Di naman maganda!"

"Di nga masyadong maputi!"

"Ano ba 'yan 'di sila bagay"

Rinig ko pang bulungan. Bakit sinong bagay, kayo? Mga assumera! Nahahawa na ako kay Flair kakasabi niya ng assumera .

"Shh! 'Wag ganiyan, girls. Spread love lang" sabi ni Flair bago lumabas kaya ngumiti ang mga babae.

"Bakit ka ba kasi pumunta do'n?" inis kong sabi habang nag-lalakad kami papunta ng parking lot.

"Sinusundo kita" sabi niya.

"Nagpapapansin ka lang, eh"

"Oo" ngumisi siya.

"Edi sana do'n ka nalang" umirap ako.

"Sayo"

"Anong sayo?" kunot-noo kong tanong.

"Nag-papapansin ako sa'yo" malambing niyang sabi at kumindat pa.

Nag-init ang pisngi ko. Buset na ito!

Sa kilig ko ay nag-patiuna ako sa kaniya. Binuksan ko ang kotse pero hindi nabubuksan kaya pinilit ko. Huminto lang ako nang marinig ang malakas na tawa ni Flair. Nilingon ko siya.

"What?" taas kilay kong sabi.

"That's not our car, baby"

Napatingin ako sa kotse. Gosh! Hindi nga. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila.

"Kinilig ka kaya unconscious ka na " pang-aasar niya.

"Ewan ko sa'yo"

Nang makapasok kami sa kotse ay nilapit ni Flair ang mukha niya sa akin. As in sobrang lapit at nakatingin pa sa mga mata ko hanggang sa bumaba sa labi ko ang tingin niya.

Dug.dug.dug.

Kinakabahan ako sa kaniya. Epal talaga nito!

Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko. Halos magkanda-duling ako kakatingin sa kaniya pero 'di ko magawang mag-iwas ng tingin.

Lumapit nang lumapit ang mukha niya hanggang sa..

5

4

3

2

1

"Seatbelt " tumawa siya nang malakas.

Pinalo ko siya sa braso.

"Tigilan mo nga kaka-good time sa akin ng ganiyan!"

"What do you want seryosohin ko?" nakangising sabi niya at saka lumapit ulit.

Lumayo ako. Buset na 'to kinakabahan ako sa kaniya palagi.

" 'yang itsura mo talaga nakakatawa panoorin. Sana pinituran kita "

"Asar pa! Sipain kita"

Hinatid lang ako ni Flair sa bahay at umuwi na rin siya.

Nasa sofa ako ngayon at nakatakip ang tainga. Sobrang lakas ng patugtog ni kuya Zaimon.

"Hoy! z3 hinaan mo nga 'yan!" sigaw ni Kuya Zen.

Malamang siya ang ayaw ng maingay kaya siya agad ang sumaway. Nakaupo siya sa katapat kong sofa at nagse-cellphone. Si kuya Zaimon naman ay naghe-head bang pero imbes na hinaan ay lalo pang nilakasan.

"Yeah! Ho! Ye!" sabi ni Kuya Zeke.

Kakalabas niya lang galing kwarto at naghe-head bang na rin habang palapit sa amin ni Kuya Zen. Kabaliwan niya talaga! Minsan nga naisip ko baka kambal 'yang si Kuya Zeke at Zaimon. Magkamukhang-magkamukha, eh. mag-kasundo pa sa pagiging abnormal.

"Zaimon, anak. Ang lakas ng patugtog mo" kakalabas lang din ni daddy galing sa kwarto kasabay niya si mommy.

Hininaan naman ni kuya Zaimon pero kunting-kunti lang. Kainis!

Nasa gano'n kaming sitwasyon ng may mag-dingdong.

Tatayo na sana ako pero sabi nay Purita ay siya na daw.

"What happened?" natutop ni mommy ang bibig niya nang may kung ano siyang nakita sa may pintuan.

Nang lingunin namin iyon ay nakita ko si..

"Arah!" tumakbo ako palapit sa kaniya. "What happened?" tanong ko habang pinapasadahan ang mukha niya.

Bugbog siya. Ang daming pasa sa mukha, braso, sa buong katawan. May black eye pa siya at putok ang labi. Gano'n din ang nanay niya na hawak ngayon ang dal'wang batang lalaki at babae.

Lumapit agad si kuya Zen at kinuha ang Medical kit. Hindi ko alam kung bakit titig na titig ang nanay ni Arah kay kuya Zen. Pinaupo sila sa sofa at ginamot siya nito.

"Pasensya na Zecka hindi ko alam kung saan ako pupunta" lumuluhang sabi ng nanay ni Arah.

Naawa naman ako sa kanila dahil sa nangyari.

"Yong ako lang ang sinasaktan niya okay lang pero pati si Arah sinaktan niya hindi ko na kaya" dadag pa niya.

"Shhh. you can stay here pati ang mga bata. Ipapakulong natin ang lalaking 'yon, Lilita" sabi ni mommy at yumakap pa sa nanay ni Arah.

Mag-kakilala sila? Paano?

"Ang tita Lilita niyo mga anak. Bestfriend ko siya at kaklase ko siya no'ng highschool" pakilala ni mommy. "Zen anak, alagaan mong mabuti ang tita mo"

Nagulat ako nang biglang haplusin ni tita Lilita sa pisngi si Kuya Zen, nabigla si kuya pero si tita Lilita ay lalong umiyak.

"Ang laki mo na" sabi ni Tita Lilita.

"Do we met before po?" naguguluhang tanong ni kuya Zen.

"Ah oo anak. Siya ang nag-alaga sa'yo dati" si mommy ang sumagot.

"Kumain na muna kayo" sabi ni Nay Purita.

Lumapit na kami sa hapagkainan kasama sila Arah.

"Are you okay, Arah?" nag-aalalang tanong ko.

"Oo. Medyo masakit ang mga sugat ko" sabi niya.

Kawawa naman sila. Gago ng tatay niya!

May mga tao pala talagang nagagawang saktan ng ganito ang anak at asawa. Dapat talaga matuto tayong mamili ng tamang lalaking papakasalan dahil ang pamimili ng asawa ay pamimili na rin ng kinabukasan mo. Isang maling desisyon mo lang ay habang buhay mo ng pag-sisisihan.

"Dito na muna kayo. Hahanapan ko kayo ng bahay at pwede ka naman pumasok sa company namin, Lilita" sabi ni daddy.

"Salamat, Mel" - Tita Lilita

"But we need to do something to your husband. He needs to be in prison" sabi ni mommy.

"Sige. Kung 'yon ang ikabubuti namin. Salamat, Zecka" - tita Lilita

"Kumakain ka ba ng mabuti, Zen?" - Tita Lilita

Bigla ay tanong niya. Bakit parang na kay kuya Zen ang atensyon niya? Kanina ko pa napapansin. Siguro ay close lang sila.

"Opo. Kayo ang kumain ng marami" sabi ni Kuya Zen at kumuha pa ng karne at inilagay sa plato ni tita Lilita. Gano'n nalang kalaki ang ngiti nito.

"Kayo? Kumain kayo ng marami" baling ni kuya Zen kay Arah at sa dal'wang bata. "Ang cute mo!" sabi niya at kinurot pa ang pisngi ng bata. "Anong pangalan mo?"

"Alon po" sabi ng batang lalaki.

"Aaron, bulol 'yan haha" sabi ni Arah.

Tumawa si Kuya Zen.

"Ikaw?" baling ni kuya Zen sa batang babae.

"Asha po"

Kinurot din ni Kuya Zen ang pisngi ng bata at mukhang wiling-wili.

Napa-sulyap ako kay mommy. Malaki ang pag-kakangiti niya habang nakatingin kala kuya Zen.

Bakit parang pakiramdam ko..? Haish! Ayaw ko mag-isip ng kung anu-ano pero...

May malaking pagkakahawig si Kuya Zen at Arah.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.