Elleina Zeal's POV
Ugh!
Late na ako!
Nag-madali kong niligpit ang gamit ko. Kung bakit ba naman sabay-sabay ang ginagawa namin. Hell week! Hays.
Nasa library ako at tinapos ang mga activities ko sa physics. Nag-eenjoy akong sumagot sa problem solving dahil may thrill, sa sobrang enjoy ko nakalimutan ko ang oras. Binitbit ko nalang ang mga papel sa aking kamay 'di ko na inilagay sa briefcase.
Nag-madali akong tahakin ang hallway papunta sa room ko pero..
Huminto ang mundo ko nang biglang may sumagi sa akin at napanood ko kung paano lumipad ang mga papel sa ere at bumagsak sa sahig. May mangilan-ngilang tao sa hallway kaya naman.
Nasapo ko ang noo ko at napasabunot sa buhok ko.
Naapakan nila ang mga activities ko!
Sa dami no'n ay 'di ko na alam paano ko uulitin!
Tiningnan ko nang masama kung sinong tao ang nakabangga sa akin. Ang kapal ng mukha dumiretso pa syang mag-lakad.
Dali-dali kong hinablot ang uniform niya dahilan para mapaharap siya sa akin. Ngumisi siya!
The fuck?
Sinadya niya!
"Oh, Hi!" inilahad niya ang kamay sa akin.
Tiningnan ko siya nang masama. Pogi nga siya. Naka-eye glass na bumabagay sa kaniya. Verona optical pa ang tatak no'n. Matangos ang ilong, singkit ang mata at manipis ang labi niya. Daig niya pa ang babae sa kinis ng mukha niya.
Pero wala akong pakialam sa kaniya ang akin lang ay 'yong mga activities ko!
"You can't see what you've done?" inis na inis kong sabi.
Imbes na sagutin niya ako ay pinulot niya ang mga bond paper.
"Easy" nakangiti niyang sabi habang tinitingnan ang mga activities ko. "I'm Nel Jan Quijada" inilahad niya muli ang kamay niya pero 'di ko kinuha kaya tumawa siya. "I'm engineering student. I can do this don't worry" kinuha niya ang mga activities ko.
"I have a boyfriend" masungit kong sabi.
Tumawa siya nang malakas.
"So, what? Asawa nga na-aagaw girlfriend pa kaya" ngumisi siya.
What the hell?
Kala ko susungitan niya ako na wala siyang pakialam.
Napasulyap ako sa relo ko. Gosh!
Late na talaga ako! I have no choice.
Kumuha ako ng ballpen at walang pasabing kinuha ang kamay niya at isinulat ang number ko.
"Do my activities. Text me"
Tumango siya pero mabilis na tiningnan ang I.D. ko.
"Elleina Zeal Suarez" mahina niyang sabi.
'Di ko na siya pinansin at tumakbo na ako nang mabilis.
Pumasok na ako sa klase ko at nakinig sa lesson, pagkatapos ng klase ay nagulat akong makita si Nel na nakasandal sa pader at naghihintay sa akin.
Don't tell me he's done with my activities?
Palapit na siya sa akin nang may humarang na babae.
"Honey" malandi nitong tawag at humalik sa pisngi ni Nel.
Ngumiti siya dito at hinaplos ang pisngi nito pero nagulat ako sa sinabi niya.
"Di pa ba malinaw saiyo? I'm done with you, right?" ngumisi siya dito.
Nanlaki ang mata ko. Seriously? In front of me he said that? Wala siyang puso.
Umiiyak na tumakbo ang babae.
Naglakad na siya ulit palapit sa akin pero hinarang muli siya ng iba namang babae.
What the?
Humalik ito sa pisngi at yumakap sa kaniya.
"See you later" malanding sabi ng babae at ngumiti naman si Nel.
"Okay, bye"
Babaero! Fuck!
Ang pogi niya huh? Ugh! Sipain ko kaya 'to?
Masama ang tingin ko sa kaniya nang makalapit siya.
"What? You want to be my toy too, just tell me?" ngumisi siya.
Toy mo mukha mo! Ewww. What the heck?
Umirap nalang ako sa kaniya.
"Are you done with my activities?" naiinip kong sabi at saka pinag-cross ang braso.
"Yeah, I told you it's easy" ibinigay niya sa akin ang mga papel.
"Okay" kinuha ko 'yon at tiningnan.
Lahat ay may sagot na.
Maganda ang penmanship niya kaya humanga ako do'n.
"Salamat"
Tumalikod na ako pero hinawakan niya ako sa braso. Inis kong binawi ang braso ko. May kung anong kilabot ang dulot no'n.
"Don't touch me!" asik ko.
Ngumisi siya.
"May kapalit 'yan"
Nag-roll eyes ako. Wala akong pakialam sa kaniya. Ngayon ko nga lang siya nakita.
"Are you not going to ask?" nag-tataka niyang tanong.
"I really don't care. My time is precious so, get lost!"
Muli niyang hinigit ang braso ko nang tumalikod ako.
"I said, don't touch me!" susuntukin ko sana siya pero nakaiwas siya.
What the?
Tinitigan ko ang mukha niya. Paano niya nagawa 'yon?
Ngumisi nanaman siya.
Sigurado akong kapag nalaman ni Flair na hinawakan ako ng isang ito. Mag-papambuno silang dal'wa.
"Date me or else.." ngumisi siya.
"What?"
"Nothing, just date me"
"Wala akong pakialam sa'yo. Bye"
Tatalikod na sana ako nang may humigit sa baiwang ko. Handa na akong sumuntok o manipa pero natigilan ako nang makitang si Flair 'yon.
Tiningnan ko ang mukha niya. Seryoso siyang nakatingin kay Nel.
"Is he your boyfriend?" masama ang tinging sabi ni Nel.
Bakit parang biglang nag-iba ang aura niya? Parang biglang naging galit at may kung ano sa titig niya kay Flair.
"Yes, don't go near to my girlfriend. Masama akong magalit" nag-babantang sabi ni Flair.
Hays. Galit siya!
"Why? She is not yet your wife. Possessive boyfriend?" tumawa pa si Nel.
Gosh! Ano bang ginagawa niya?
Mas humigpit ang hawak ni Flair sa baiwang ko. Ramdam ko ang pag-pipigil niya ng galit.
"Watch your words. Next time, you come near to my girlfriend, you can't see the next morning" mahinahon pero puno ng pag-babantang sabi ni Flair at hinawakan ang kamay ko.
Tumitig lang ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. Nag-lakad kami pero 'di pa nakakalayo nag-salita si Nel.
"You should watch your girl"
Kinabahan ako sa sinabi niya pero mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Flair. Alam kong galit na galit na siya.
"Baby" tawag ko sa kaniya.
Nakita ko ang pag-kalma niya at saka lumapad ang ngiti.
I know how to change his mood. Ako lang ang makakagawa no'n sa kaniya.
"I love you, baby" sabi ko at humalik sa pisngi niya.
Mas nakita ko ang saya sa mukha niya. Sabi ko na nga ba, eh.
"I love you more than you love me, Cherish"
Mag-kaholding hands kaming pumunta sa canteen.
Gano'n nalang ang bulungan ng mga tao sa canteen.
"Sila na?"
"Duhh!"
"I really hate her"
"Ugh! my Jave!!"
"Ang pangit niya!"
"Eewww"
'I really hate her?' 'Ang pangit niya' Siguraduhin niyo lang na 'di yan maririnig ng kahit na sinong miyembro ng pamilyang Baider lalo na ni Taxon nasa paligid lang 'yon baka 'di na kayo sikatan ng araw.