Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 10

Shine Clear's POV

Nakangiti kong tinahak ang daan papunta kala mommy. Doon muna ako ngayon dahil sa mga sumunod na araw sa mansyon nanaman dahil doon kami titira ni Flair. Iyon ang tradisyon, at saka sobrang lawak rin ng mansyon. Kapag nag-asawa daw kami ay doon pa rin kami dahil kailangan sama-sama.

Sinulyapan ko ang pink na relo na exclusive lang para sa aming pamilya may sikretong pindutan doon na magagamit mo upang humingi ng tulong sa bawat isa kung sakaling may hindi inaasahang pangyayari. Si Kil ang mismong nag-design nito. Sa mga lalaki ay kulay itim at sa mga babae ay pink. Sa unang tingin para lang itong relo, simpleng relo pero pang-alarma pala ito sa bawat miyembro.

Napahinto ako nang makita ang isang matanda na hirap na hirap sa pagbitbit ng mga gulay at patawid sa kalsada. Agad akong lumabas.

"Nay, tulungan ko na po kayo."

"Nako salamat naman," kinuha ko agad ang dala niya.

"Saan po ba ang punta niyo? Ihahatid ko na po kayo?"

"Nako hindi na nakakahiya"

"Sige na po"

"Diyan lang sa kabilang street."

Isinakay ko siya sa kotse at inihatid sa bahay nila.

"Maraming salamat!" Malapad ang pagkakangiti ng matanda kaya masaya din ako.

Pabalik na sana ako sa kotse nang harangin ako ng mga malalaking lalaki.

"Amin na ang mga pera mo," sabi nito.

Tumawa ako nang malakas. "Are you sure about this?"

"Aba! Matapang ang babaeng ito. Kunin niyo nga ang mga gamit."

Bago pa sila makalapit ay nanipa na ako sa dibdib ng isa. Tumalsik ito dahilan para matigilan sila. Ngisi lang ang ginawa ko. Isenenyas ko ang kamay ko ng 'lapit' pero walang gumalaw. Naestatwa, nanlaki ang mata at tila kinabahan ang mga ito.

"Ano! Walang lalapit? Aalis na ako. Magkano ba kailangan niyo? Pwede namang manghingi hoholdapin niyo pa ako."

"150 lang," kinakabahang sabi ng lalaki kaya napatawa nanaman ako. "Pang-inom."

Dumukot ako ng pera sa wallet ko. Kumuha ako ng 5,000 at iniabot ko sa kanila dahilan para matigilan nanaman at hindi makapaniwala.

"150 lang ang pang-inom niyo, ang sobra ay paghatian ninyo ibili ng masarap na pagkain para sa pamilya, naiintindihan niyo ba ako?"

Aligaga silang tumango at saka ko nginitian. Tumalikod na ako at bumalik siya kotse.

"Sa--lamat," sabi pa nila.

"Welcome!"

Dumiretso na ako sa bahay ng mga Suarez. Nakangiti akong naglakad papasok ng bahay pero natigilan ako nang marinig ang mga iyakan. Napatakbo agad ako sa loob.

"Mommy.. hindi ako galit. Nagpapasalamat pa ako dahil inalagaan mo ako at minahal bilang isang tunay na anak." Umiiyak si kuya Zen.

Humahagulgol ang lahat kahit sila Kuya Zen at Zaimon ay tahimik na lumuluha. Nilibot ko ang mata lahat ay nag-iiyakan. Nakita ko rin si Arah, tita Lilita at ang dalawang bata na nandito.

What is happening?

"Siya ang tunay mong ina, sila ang pamilya mo. Siguro iiwan mo rin ako katulad ni Princess," humahagulgol na sabi ni mommy na ngayon ay nakayakap kay daddy.

Ang dami pala talagang sikreto ng pamilya namin. Hindi tunay na anak nila mommy si Kuya Zen at ang nakakagulat si Tita Lilita ang totoo niyang ina, sila Arah ang totoo niyang pamilya.

"No mom! Hindi kita iniwan. Nandito pa rin ako," lumapit ako kay mommy at niyakap siya. "Siguro nga ay hindi kita madalas makasama pero kahit kailan hindi kita iniwan. Bumabalik at bumabalik ako saiyo dahil pamilya ko kayo," naluha na rin ako.

Ang tindi ng emosyon sa paligid.

"Hindi kita iiwan mommy. Nandito lang ako," sabi ni Kuya Zen at yumakap na rin sa amin. Naging isang malaking yakap iyon nang lumapit din sila Kuya Zeke at Zaimon.

"Pamilya pa rin tayo!" sigaw ni Kuya Zeke.

Nagtaka tuloy ako kung sino pa ba ang ampon?

Ayaw kong itanong kung sila Kuya Zeke at Zaimon ay siya rin dahil natatakot akong malaman na totoo iyon. Alam kong ngayon ay nagtatanong na rin sila sa isip kung sila rin ba pero hindi nila magawang isatinig dahil sa nakikita nila kay mommy ay sobrang lungkot nito. Animo'y inagawan ng paborito niyang mga laruan. Noong malaman ko ang tungkol sa totoo kong pamilya madalas ko siyang makitang umiiyak. Hindi ako magkandaugaga kung saan matutulog. Kung kay lolo ba na nag-iinarte lang sa gamot niya o kay mommy na malungkot. Sa huli nagpapabalik-balik ako sa dalawang pamilya.

Yumakap si Kuya Zen kay Tita Lilita, Arah, Asha at Aaron. Nagdadalaga at binata na rin ang dalawang bata noon kaya umiiyak din sila ngayon.

"Hello everyone!"

Napatingin kaming lahat sa masiglang bati ni Flair. Natigilan siya nang makita ang mga hitsura namin.

"What is happening to the world?"

Nagtawanan kaming lahat at iginaya nalang sila sa hapag kainan. Makikita mo ang sobrang pagmamahal ni Tita Lilita kay kuya Zen halos hindi na matanggal ang mga mata nito dito. Pinakain niya ito ng marami at kwene-kwentuhan. Sinulyapan ko si Arah na ngayon ay nakatingin sa kanila, nakangiti.

Hindi rin talaga biro ang buhay ni Arah sa kabila ng pananahimik niya marami talagang pinagdadaanan. Masasapak ko talaga si Kil, eh, pinapaiyak pa.

Pero ano bang magagawa ko kung ayaw niya talaga?

Ayaw ba talaga o takot lang sa patunay?

Napabuntong hininga nalang ako. Kumuha ako ng adobo, sa dinami-dami ng ulam iyon lang ang nakikita ko dahil kahit araw-araw 'yon ang ulam ko okay lang. Nilagyan ko rin ang plato ni Flair. Nakakatuwang isipin na malapit nang dumating ang araw na aasikasuhin ko na siya araw-araw dahil asawa ko na.

Si Kuya Zaimon ay animo'y laging gutom. Ang lakas kumain ng isang ito. Walang hinga-hinga o nguya-nguya lunok agad. Napatingin ako kay kuya Zeke dahil tumawa siya.

"z3! Kapag ikaw nabulunan bahala ka diyan! 'Di kita tutulungan, katakawan mo," pinapanood niya rin pala ang pagkain nito.

"z2, masarap kasi kumain."

Natigilan ako nang ipatong ni Flair ang hita niya sa hita ko. Tiningnan ko siya pero nakangisi siya. Nagpapapansin nanaman. Nalaglag ang kutsara ni Kuya Zeke kaya tinanggal agad ni Flair ang pagkakapatong nang yumuko ito para kunin iyon. Nang makaangat ay ipinatong nanaman ni Flair.

Kurutin ko hita nito, eh.

"Kumain lang kayo nang kumain," nakangiting sabi ni mommy.

"Zecka" hinawakan ni Tita Lilita ang kamay ni mommy. "Salamat," ngumiti naman ito sa kaniya.

"Welcome, basta 'wag mo kukunin sa akin ang panganay ko, huh?" biro nito sa kaniya.

"Ano ka ba. Siyempre hindi. Dito pa rin siya sainyo. Dumalaw nalang siya minsan sa amin."

Kumain na kami nang masaya.

"Jave, anak, ayos na ba ang lahat sa kasal niyo ni Princess?" tanong ni daddy.

"Opo, settled na." Nakangiting sabi nito.

Gusto kong kurutin ang hita ni Flair dahil iwinagayway pa niya iyon. Naglalaro siya.

"Ikaw, Zen, kailan mo balak mag-asawa?" tanong ni Tita Lilita.

Nagkibit balikat si Kuya. "Wala pa akong girlfriend kapag nakita ko na siya will you marry me na agad."

Nagtawanan kaming lahat. Minsan lang magbiro si Kuya Zen.

"Hindi ako nagbibiro, gagawin ko 'yon," nakangiting sabi ni Kuya Zen pero tinawanan pa rin namin.

"Ikaw, Mel Zeke?" nabaling naman ang atensyon namin kay dad na ngayon ay nakatingin kay z2.

Bakit ba laging usapang kasal?

Siguro kasi tumatanda na kami at maayos na ang buhay ng lahat.

"Ayaw pa ni Ariela magpakasal, dad, she's pursuing her doctorate degree."

"How about Mel Zaimon?"

Nabulunan si Kuya Zaimon.

"Wala ngang girlfriend magpapakasal? Ang malas ko sa babae. Masiyado daw akong sweet."

"Negro ka kasi," pang-aasar ni Kuya Zeke na tinawanan namin.

"Ang puti mo, z2! Grabe! Whitish american skin," pang-iinis nito pabalik.

Saktuhan lang naman ang kulay ni Kuya Zeke, si Kuya Zaimon ang moreno talaga pero bagay naman sa kaniya.

Ipinakita ni Kuya Zeke ang braso niya at hinaplos. "Kutis koreano," pagbibiro niya nanaman.

Hagalpak ang maririnig sa buong kainan. Ang asaran talaga nila matindi kaya lagi akong masaya, eh.

"Mahiya ka naman sa kutis ni Jave," tinuro ni Kuya Zaimon si Flair.

Si Flair naman ay hindi rin kaputian pero masasabi mong maputi pa rin siya.

"Baka mas mahiya sa kutis ng mapapang-asawa ko," umakbay sa akin si Flair. Kinurot ko ang kamay niya.

"Usapang kutis? magpapaya soap ka, kikinis ka na, puputi ka pa baka magka-jowa ka pa. Kaya ano pang hinihintay mo, z3, bili na!" malakas talaga ang topak ni Kuya Zeke.

Natawa nanaman kami nang malakas dahil habang sinasabi niya iyon para siyang nagko-commercial. Hinahaplos ang mukha, braso at pinakita pa ang legs niya.

Siraulo!

Gumanti naman ng pang-aasar si Kuya Zaimon.

"Kung ikaw ay ayaw pakasalan ng girlfriend mo baka ayaw saiyo."

Baka magalit ang isang 'yan. Natira siya, eh.

"Walang ganyan mahal ako noon!"

Namutla si Kuya Zeke kaya naman nagtawanan kami.

"Kung ikaw ay maputla, mag-lip tint ka para 'di mahalata ang kaba, gagandang lalaki ka pa, baka pakasalan ka na kaso sa panaginip mo lang, 'wag ka ng umasa!" pang-aasar ni kuya Zaimon.

Tawanan nanaman kami. Kapag talaga tungkol kay Ate Ariela, nanahimik si Kuya Zeke, ganoon siya kaseryoso sa kaniya.

"Ang sama ng ugali ni z3, mommy!" Sumbong niya kay mommy na tinawanan lang nito.

"Kayo talagang mga bata kayo," malakas din ang tawa ni daddy.

"Basta kami ikakasal na," masayang sabi ni Flair dahilan para mainggit ang mga kuya ko.

"Good luck nalang sa mga pasa at sugat na aabutin mo diyan kapag hindi mo napagbigyan ang gusto," sabi ni Kuya Zen.

"Ngayon pa nga lang tinitiis ko na," hinampas ko si Flair. "See? Masakit."

"Princess, you're so sadist," nakataas ang gilid ng labi na sabi ni Kuya Zen.

Natapos ang pagkain namin. Nagtipon-tipon kami sa sofa. Nagkwe-kwentuhan ng kung anu-ano. Pinagmasdan ko ang singsing namin ni Flair. Magkahawak kasi ang kamay namin habang humahagalpak siya dahil kausap si Kuya Zeke.

"Princess," tawag sa akin ni mom and dad.

"You're old enough to create your own family. Remember how we take care of you, our lessons, and love your family," nakangiting sabi ni dad.

"Yes, dad, you and mom are my guide to be a better person. I will guide my sons and daughters, too."

"Sons and daughters? why? How many children do you want?" Nakangiting tanong ni mom.

Nag-iwas ako ng tingin dahil nahiya ako. Nilingon ko si Flair.

"Kung ilan ang gusto niya. Para sa ikasasaya naming dalawa."

"Isang dosena gusto ko, cherish!" Biglang sumingit si Flair.

"Edi ikaw ang manganak!"

"Kung pwede lang, eh."

Nakangiti kaming pinanood nila mommy at daddy.

"It's overwhelming that we mold a loving daughter." Yumakap sa akin si mommy.

"I love you, mom and dad."

"I love you more, our princess."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.